Ayon nagkaroon ako ng time para makapag-update dito. Comment naman po kayo para po malaman ko kung ano yung mga naramdaman, reaction o saloobin sa story na ginagawa ko. Mag-Vote na rin para malaman ko kung maganda ba siya o hindi.
Hindi ko pa nga natatapos yung mga ginagawa kong story eh may naiisip na naman akong bago. Abangan niyo siya ah, hindi ko muna sasabihin yung title. Hanggang ilang chapters ba gusto niyo? Matanong ko lang para naman masatisfy ko kayo.
Pabasa nga pala ang isa ko pang ginagawang story entitled BULLETPROOF HEART pati na rin pala yung INCOMPATIBLE LOVE sana magustuhan niyo siya. Ayun lang, sorry kung matagal kayong naghintay. Here is my update.
A girl named Leslie de Castro has a bulletproof heart. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya magmamahal dahil nasaksihan niya ang pangmamaltrato ng kanyang ama sa kanyang ina. One day he met a guy named Anthony Villarama na laging nangungulit sa kanya about sa mga bagay-bagay na itinatago niya. Mainlove pa kaya ang ating bida? o tuluyan ng magiging bato ang puso niya? Abangan ....
( eto po yung konting introduction sa BULLETPROOF HEART sana magustuhan niyo )
Krissa's POV
Pakiplay po yung song diyan sa gilid entitled DI LANG IKAW thanks!
--------------------------->
Nagulat ako sa nadatnan ko sa may tapat ng bahay nila. It was very unexpected, is Kean cheating on me? Or I got a malicious mind? I don't know the true story behind this scene but the only thing I knew is that I feel jealous and that scene killed me softly it truly hurts.
Sa sobrang sakit ay tumakbo na lang ako palayo para naman hindi na ako maabala pa. Ang akala ko kapag pumunta ako dito at sinabi sa kanya ang desisyon ko ay maaayos na ang lahat pero taliwas pala iyon sa iniisip ko dahil may iba pala akong madadatnan dito.
Bakit ba lagi na lang ganun? Sa tuwing sasabihin ko ang desisyon ko doon ko malalaman na huli na pala ako. Is this a co-incidence? Or is this my fate? Hindi na ba ako magiging masaya? O ako talaga ang may mali?
Dahil sa luha na bumabagsak mula sa aking mata ay hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko. Wala akong pakialam sa mga nakapaligid sa akin dahil tanging sakit lang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko napansin na masasagasaan na pala ako kaya huminto na lang ako at pumikit at hihintayin kung ano man ang mangyari sa akin.
Pero nagulat ako ng may yumakap sa akin at nagpagulong-gulong kami sa kalsada. Pagbukas ko ng mga mata ko ay nakita ko si Kean. Kaya dali-dali akong kumawala sa yakap niya nung makaligtas kami at agad akong tumayo.
"Krissa, bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba sa nakita mo?" Tanong sa akin ni Kean at hinawakan niya ang magkabila kong braso
"Oo! Oo Kean dahil doon sa nasaksihan ko kanina. Ang sweet niyo nga ni Shelly eh! Magkayakap pa talaga ah? Kahit alam mong may girlfriend ka. Alam mo ba kung gaano kasakit dito sabay turo sa puso sana pala hindi na lang ako pumunta senyo para hindi ako nasasaktan ng ganito." Sabi ko ng pasigaw habang umiiyak pa rin ako sa sakit at sama ng loob na idinulot niya
"Krissa let me explain, mali yung nakita mo kanina. Una sa lahat hindi kita niloloko at kung iniisip mong may relasyon kami ni Shelly nagkakamali ka. Nasasaktan din ako lalong-lalo na at nakikita kitang nagkakaganyan." Sabi niya habang lumuluha na rin
"Kean, pagod na pagod na ako! Katatapos lang nung tungkol kay Kristoffer ngayon kay Shelly naman! Lagi na lang ganito! Siguro kailangan ko munang magpahinga." Sabi ko sa kanya at bigla akong napaupo sa may daan
"Krissa, wala nga kaming relasyon ni Shelly! Alam mo bang nahihirapan din ako sa sitwasyon natin ngayon! Diba sabi ko sayo, kahit anong problema ang pagdadaanan natin ay haharapin natin ng magkasama kaya huwag ka namang bumitaw please?" Sabi niya at lumuhod siya para yakapin ako
"Kean, hindi lang ikaw ang nahihirapan! Ako rin! Hirap na hirap na ako! Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin eh! Kaya please rin itigil muna natin ito!" Sabi ko then tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko
"Krissa, hindi ako papayag diyan sa kagustuhan mo! Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Mahalaga ka kaya hindi ko hahayaang mawala ka!" Sabi niya at niyakap ako habang nakaluhod pa rin siya sa daan
Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Nakikita ko sa kanya na sincere siya at nagsisisi pero naguguluhan ako sa mga pangyayari. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay tinanggal ko yung yakap niya sa akin at tumawag ako ng taxi para makalayo sa problemang ito.
Pagsakay ko ay kinatok-katok niya yung pinto para pababain ako. Dahil nga sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan na akong nakalayo sa kanya.
Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Gusto siyang paniwalaan ng puso ko pero yung utak ko ay ayaw marahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
I need someone to comfort me!
Pagdating ko sa bahay ay sumalubong sa akin si Ate Kylie at bigla akong niyakap.
"Krissa saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang umuwi? Nag-aalala ako sayo dahil hindi ka man lang nagpaalam sa akin at iniwan mo pa yung cellphone mo hindi tuloy kita macontact! Mabuti na lang at wala pa sina Mama at Papa kundi malalagot ako nito." Sabi ng concern kong Ate sa akin
"Sorry Ate!" Ayun lang ang nasabi ko at tuluyan ng umagos ang luha ko mula sa aking mga mata
"Alam kong hindi ka ok ngayon kaya hug lang muna ang maibibigay ko sayo para macomfort kita. Tungkol ba ito kay Kean?" Tanong ni Ate habang hinahaplos yung likod ko
"Oo Ate, mayroon kaming napakalaking problema at hindi ko alam kung ano ba ang solusyon." Sabi ko habang humahagulgol na ako sa iyak buti nga nandyan ang supportive kong Ate para icheer-up ako
"Tahan na, walang mabuting maidudulot iyang pag-iyak gagawan natin iyan ng solusyon ok? Tara pasok na tayo sa loob baka maabutan pa tayo nila Mama at Papa dito eh" kaya pumasok na kami sa loob at dumiretso kami sa may kitchen
"Uminom ka muna ng tubig para gumaan iyang pakiramdam mo." Sabay abot ni Ate Kylie ng tubig sa akin
"Salamat Ate" then ininom ko para pampalubag-loob naman
"Mamayang after nating kumain mo na lang ikuwento sa akin yung nangyari from now on magrelax at rest ka muna. Tingnan mo iyang sarili mo oh stress na stress ka na daig mo pa sina Mama eh" then sabay kaming tumawa ni Ate buti na lang at nandyan siya kung hindi baka mabaliw ako dito kaiisip
"Oo nga pala, magbihis ka muna ng pangbahay dahil madusing ka puro dumi iyang damit mo para kang ni-rape dyan sa itsura mo." Nagtawanan lang ulit kami
Kaya umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkabihis ay nahiga ako sa kama ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
************
A/N :
Sorry kung ngayon lang nakapag-update sana nagustuhan niyo. Ito lang kasi nakaya ko eh. Thanks
Comment,
Vote,
Be a fan?
I was walking under a tall tree then suddenly a fruit fell down on my head!
It did hurt me so I look up at the tree.
Then I realized:
''Do I need to be hurt first? Before I look above?"
Come to think of it :)
risingservant :)