Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62.2K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 10

104K 1.1K 175
By letmebed1

Jillian Fuentes

Ang bagal lumipas ng araw. Gusto ko na kasing pumunta sa probinsiya ng babe ko. Namimiss ko na kasi sila Nanay at Tatay niya at syempre yong dalawang magagandang Sis niya miss ko na rin. Isa pang dahilan bakit ako naeexcite kasi ipapakilala na daw niya ako.

Yay! Ang saya ko naman!

Kapag okay na kami sa family niya baka magpa-party ako. Hmm kaso pano kung hindi maging okay?

Naku hindi pwedeng hindi!

Naiisip ko pa lang na kontra sila gusto ko ng magwala!

Kainis naman!

Napabuntong hininga ako saka tumingin sa relo ko.

Antagal naman ng babe ko. Ang sabi niya kukunin lang niya yong make-up kit niya dahil naiwan niya kaya siya bumalik ng apartment pero anong petsa na wala pa din siya. Baka maya malate siya sa work niya, pero sabagay ihahatid ko naman.

Lumabas ako ng kotse. Puntahan ko na lang siya baka natabunan na ng make-up. hehe

"Hindi ka ba nahihiya! Nakakadiri ka!"

Nakakailang hakbang pa lang ako papuntang apartment ng babe ko nong biglang may magsalita sa likuran ko, paglingon ko...

Si Rhen!

Buhay pa pala to? Halatang lasing.

"Anong problema mo?"tanong ko.

Nakakadiri daw ako?

Mas mukha siyang nakakadiri sa itsura niya! Tsaka bat ba bigla na lang siyang sumusulpot!

"Nang dahil sayo nasira ang pagkakaibigan namin ni Anne!"

Tumaas yong kilay ko sa sinabi niya.

"Panong naging kasalanan ko?"

Siya nga tong kung anu-ano pinagsasabi sa babe ko kaya hindi siya sumulpot sa first monthsary namin! Hindi niya alam kung gano kahalaga yon sakin! Panira tong unggoy na to!

"Sisirain mo lang ang kinabukasan niya! Alam mong kahit kailan hindi magiging tanggap yang relasyon niyo!" halatang nanggagalaiti siya at kitang kita ko yong pagtitiim bagang niya.

Ano bang problema niya? Una pa lang talaga duda na ako sa pagmumukha ng lalaking to eh!

"Hindi ko sisirain ang kinabukasan niya! Tsaka pwede ba tigilan mo na kami! Kung hindi man kami tanggap ng mga taong katulad mong makitid ang utak, problema niyo na yon!"

Napakuyom ako sa sobrang inis! Gusto ko ng tadyakan yong mukha ng hinayupak na to!

"Kahit ano pang gawin mo hinding hindi mo maibibigay ang kayang ibigay ng isang lalake sa kanya! Sa ngayon mahal ka niya at kuntento siya sayo pero ewan ko lang pag dating ng araw na marerealized niya na hindi ikaw ang taong para sa kanya!"

Sh*t!

"Sinasabi mo lang yan sakin dahil alam mong hindi ka niya magagawang mahalin! Wag ka ng umasa Rhen! Alam kong may pagtingin ka sa GF ko! Pero hindi ko hahayaan na makalapit ka pa sa kanya!"

Napaismid siya.

"Huh Tingnan natin! Sulitin mo na ang pagkakataong kasama mo siya! Dahil gagawin ko lahat para bumalik siya sakin!"

Patawa! Kelan naman niya naging pagmamay-ari ang babe ko e magbestfriend lang naman sila!

Ang sarap talagang basagin yong pagmumukha niya! Kung pwede ko lang ihampas yong gulong ng kotse ko sa kanya gagawin ko talaga!

"Iniisip ko yong kabutihan ni Anne, wala ng iba! Kung totoong mahal mo siya hayaan mo siyang lumigaya!"

"Mahal ko siya at gagawin ko lahat para lumigaya siya!" sagot ko.

"Hindi ikaw ang taong nararapat sa kanya!"

"At sino sa tingin mo ang karapat-dapat, ikaw?"natatawang tanong ko.

"Sabihin na nating Oo. Atleast kapag ako ang pinili niya pwede niya akong ipakilala sa lahat. Eh ikaw? Ni isa ba sa mga kaibigan namin kilala ka? Alam ba ng mga magulang niya na ang mahal ng kanilang anak ay kapwa niya babae?"

Para akong sinaksak sa puso sa sinabi niya, at bago pa man ako makapagsalita ulit nagawa na niyang humakbang papalayo pero lumingon pa siya ulit sakin at parang may pagbabanta sa kanyang mga mata.

Shit! Kulang na lang basagin ko tong bintana ng kotse ko sa sobrang inis! Gago siya! Ayaw niya talagang tumigil!

Napakuyom ako sa sobrang galit. Sino ba siya para sabihin sakin yong mga yon! Mahal na mahal ko ang babe ko at kahit hindi to tama sa paningin ng iba ipaglalaban ko siya! Masakit man para sa akin na hindi niya ako magawang ipakilala sa mga kaibigan niya, iniintindi ko lahat yon dahil ayoko siyang mawala.

Napapailing ako.

Ganito lang talaga ang tingin nila sa amin! Para kaming may sakit na nakakahawa, pinandidirihan.

"Jillian! Sorry natagalan ako tumawag kasi si Nanay sa akin eh."

Naabutan ako ng babe ko na nakasandal dito sa pinto ng kotse. Ayokong ipakita sa kanya na apektado ako sa mga sinabi ng hinayupak na Rhen na yon kaso di ko talaga maitago.

"Jillian may problema ba?"

Umiling lang ako saka ko binuksan yong pinto. Pagsakay namin ng kotse pansin ko panay pa rin ang sulyap niya sakin.

"Hindi mo ba sasabihin muna sakin kung ano yan? Pwede mo namang i-share sakin eh."

Pinilit ko na lang ngumiti sa kanya. Ayokong magalala ang babe ko. Dapat di ako nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. Lalo na sa Rhen na yon!

"Hmm wala to babe, namiss lang kita. Miss na miss." sabi ko saka ko ulit siya nginitian.

"Hmp! Alam ko kung kelan mo ako namimiss ng sobra! Kaya hindi mo ako maloloko!"

"Ang sungit mo na naman eh."

"Kasi ayaw mong sabihin sakin!"

Hay! Sasabihin ko ba? Ayoko magisip siya sa trabaho eh.

Tsk!

"Babe, mamahalin mo pa ba ako kahit may mga bagay na hindi ko naman kayang ibigay sayo?" garalgal yong boses ko. Syete ayokong umiyak!

"Jillian ano bang klaseng tanong yan?Minahal kita dahil yon yong nararamdaman ko at wala akong ibang hihilingin sayo kundi mahalin mo din ako.....ng buong puso."

Napatitig ako sa kanya saka ko hinawakan yong kamay niya ng mahigpit.

"Thanks babe, mamahalin kita lagi pangako ko yan."

"Hmp! Jillian mukhang iiyak ka na eh!" tukso niya sa akin.

"Babe hindi ako naiiyak, ah."

Ngayon medyo napawi na yong inis ko. Pero aaminin ko hindi pa din nawawala yong pagaalala ko na baka balang araw, iiwanan din niya ako.

Hay! Shete! Ayokong umiyak talaga! Hawak ko pa din tong malambot na kamay ng babe ko at parang ayaw ko ng bitawan pa. Mahal na mahal ko siya. Ayoko siyang mawala sakin.

Huminga muna ako ng malalim saka humawak sa manibela.

"Tara na, baka malate pa ang babe ko."

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at ini-start ko na tong kotse dahil baka makita niyang naiiyak ako. Hay!

"Jillian?"

"Hmm? bakit babe?" tanong ko na hindi lumilingon sa kanya.

"Eto oh." sabi niya, na-curious ako kaya nilingon ko siya at pagharap ko sa kanya bigla niya akong hinalikan sa labi. Hawak niya magkabilang pisngi ko.

Madalas kapag naghahalikan kami hindi ako pumipikit, tinititigan ko lang yong maamong mukha niya at yong labi niya na inaangkin ng labi ko. Mas lalo kasi akong natutukso sa bawat paggalaw ng labi niya at kapag nakikita ko ang kagandahan niya halos matunaw ang puso ko. Habang tumatagal nagiging mapusok na din siya, at bawat halik niya ay lalong dumidiin sa labi ko at tumatagos sa puso ko na dahilan para gantihan ko siya ng mas maalab na halik.

"Mmmmm" sabay pa kaming nagmoan at halos maubusan kami pareho ng hininga nong maghiwalay na ang mga labi namin.

"Bakulaw ka talaga!"

Napapangiti tuloy ako. Pansin niya na biglang naging masaya na ako. Siya lang naman kaligayahan ko eh, at hindi ko hahayaan na masira kami dahil lang sa hinayupak na Rhen na yon!

Sa akin lang ang babe ko! Kung sino man tumutol sa pagiibigan naming dalawa, ibabaon ko ng buhay sa lupa!

Hanggat mahal niya ako hindi ko siya bibitawan.

"Okay na ako babe, labi mo lang kumpleto na ang araw ko, pano na kung buong katawan mo pa?" sabi ko saka ko siya kinindatan.

"Baliw! Malilate na ako bakulaw!"

Oo nga pala! Nawala sa isip ko kanina ko pa naistart tong kotse.

Byahe na kami papuntang trabaho niya. Saglit lang at nakarating kami agad.

"Bakulaw kakayod muna ako. Wag kang lalandi, ah" sabi niya pagkababa niya ng kotse. Hawak ko pa tong bag niya. Madalas kasi pag bumababa siya ng kotse sinisipat pa niya yong damit niya. Ayaw niyang nakukusot at may mga nakadikit na mga himulmol at kung anu-ano pa sa damit niya.

"Hindi ko gagawin yon babe. Alam mo naman kung gaano ako nahuhumaling sayo di ba?"

Ayon at tumaas lang yong kilay niya. Kinuha na niya yong bag niya sakin saka siya ngumiti.

"I love you Jillian, wag mo ako masiyadong iniisip baka masiraan ka ng bait."

Ako naman yong nagtaas ng kilay.

"Dati na akong nasisiraan ng bait hehe."

"Hmp alis na ako, ingat ka paguwi ha?"

"Yes babe, ay nga pala babe magkikita kami nila Jean. Pupunta kami sa bar ni Yana. Okay lang ba?"

Akalain mo nagpapaalam na ako sa kanya.

"Basta walang yosi at inom. Kung ayaw mong gawin kong ashtray yang pagmumukha mo!"

"Kakatakot ka babe."

"Bakulaw papasok na talaga ako."

"Okay babe I love you" sabi ko saka ako humalik sa pisngi niya.

Naglakad na siya papuntang trabaho niya. Ako, eto nakatayo pa rin dito at nakatitig sa kanya. Ang hindi ko inaasahan lilingon pa ulit siya saka kumaway sakin habang ngiting-ngiti. Kahit malayo na siya ginantihan ko pa din siya ng ngiti.

Nakakabaliw talaga ang babe ko. Ang ganda-ganda kasi niya. Kaya hindi na ako magtatakang madami ang nagbabalak na agawin siya sa akin.

Isa na don yong unggoy na si Rhen!

Hinahagis-hagis ko pataas yong hawak kong susi sabay salo habang pabalik na ako ng kotse.

Puntahan ko muna yong mga kaibigan ko.

......

"Jilli, anong balita?" si Frances. Kararating ko lang dito sa bar ni Yana. Andito lahat ng barkada. Pati si Arvie. Dito na ako dumeretso pagkahatid ko sa babe ko sa trabaho niya. Maaga pa kaya wala pang tao. Kami-kami pa lang.

"Ayos lang ako. Cute pa din." sagot ko saka ako humalik sa pisngi nila. Pero si Arvie tinanguan ko lang. Alangan halikan ko siya! Baka mabura ko pa mukha niya! Isa din yan na nagnanasa sa babe ko eh!

"Si Anne? Kumusta naman siya?" tanong ni Ellaine.

"Ayon maganda pa din, at sexy!" sabi ko saka ako ngumiti.

"Sa ganda niyang yon malamang marami ka na namang kaagaw sa mga katrabaho niya! Di ba Arvie?" si Jean. Na ngingiti-ngiti habang nakatingin kay Arvie. Kahit kelan talaga hindi ako tantanan ng kumag na to! Lagi na lang akong inaasar!

Tumingin ako kay Arvie pero nagkibit balikat lang siya. Buti at di siya nagsalita dahil sisipain ko parehas yong pagmumukha nila ni Jean pag nagkataon!

"Jill oh!" inabot sakin ni Jo yong bote ng San Mig. Tsk! Ang lalakas talaga uminom ng mga to. Nilapag ko lang sa table yong binigay sakin. Ayokong uminom, mamaya susunduin ko pa ang babe ko. Mahirap magdrive ng lasing!

"Guys di niyo ba napapansin? Si Jean mukhang may natitipuan na din!" si Jo ulit.

"Sino naman?" tanong agad ni Yana. Si Jean inosenteng patingin tingin lang sa amin. Sa dami ng chicks niyan malamang hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Jo.

"Hoy! Magsitigil kayo! Hindi pa pinapanganak yong babaeng iibigin ko! Mga ulol!"

"Woooh eh sino kaya yong babaeng sinundan mo nong nakaraan tas pagbalik mo ng classroom may malaking blush-on kana sa mukha na hugis kamay?" tanong ko sa kanya. Makaganti man lang ako haha!

Di makapaniwala yong iba sa sinabi ko.

"Ulol ka naman Jill! Wala yon no!" si Jean na ang sama sama na naman ng tingin sakin. Ihahanda ko na naman ang sarili ko dahil alam ko gagantihan na naman ako neto. Hehe

Kwentuhan lang kami, isang hindi ko maintindihan bakit lagi ng kasama tong Arvie na to pag magkakasama ang barkada? Alam naman nilang di ko siya gusto! Hay

"Jill payakap nga."

Natigilan ako sa pagiisip nong yumakap si Jo sakin.

Napangiti ako dahil ang tagal na namin hindi naglalampungan neto hehe. Dati nong hindi pa niya inaamin na bi siya, lagi yan naglalambing sakin. Pero kung titingnan mo si Jo hindi din siya yong tipo na pa-girl at hindi yan nagsusuot ng mga kolorete sa katawan kahit noon pa. Kahit ako, hindi ano! May pagkaboyish talaga ako. Ayoko lang pero magsuot ng mga panglalaking damit. Sa ganda kong to! hehe

Hinayaan ko lang yumakap si Jo sa bewang ko. Wala naman kasi si Anne at Jack. Pero pag andito sila syempre sila yayakapin namin.

Dito na lang sa bar ni Yana ko iuubos yong oras ko, kasi mamaya susunduin ko pa ang babe kong masungit. Yong iba naguwian na. Ako, si Jean, Ellaine at si Yana na lang andito. Punong puno na ng tao dito sa loob ng bar. Si Ellaine mukhang natututo ng magmix ng drinks. Si Yana nagaassist lang minsan sa pagseserve ng orders. Kami ni Jean dito lang nakaupo sa harap ng counter.

"Pano kaya nabubuhat ni Ellaine yong malaking boobs niya ano?"

Halos maibuga ko tong ice tea na iniinom ko sa sinabi ng Jean na to!

"Sa dami ng makikita mo yong boobs pa talaga ni Ellaine ang pagdidiskitahan mo!"

"Kasi kahit saan ako tumingin humaharang talaga yong boobs niya eh. Dati hindi naman yan ganyan kalaki di ba?"

Pati tuloy ako napapatingin sa hinaharap ni Ellaine. Na-curious tuloy ako. Nahawakan na ba niya? Sabagay ilang beses na ba silang naghubo sa harapan namin. Pero di ko matandaan kung gaano kalaki boobs ni Ellaine.

"Hmm parang wala namang pinagbago. Hindi kaya gumamit siya ng push-up bra?" tanong ko din, pagtingin ko kay Jean napapangiti siyang ewan. Pati tuloy ako natatawa. Di ko akalain paguusapan namin yong boobs ni Ellaine.

"Nakahawak ka na ba ng ganyan kalaki Jill?"

"Ha?"

Nabigla ako sa tanong niya. Gago talaga to!

"Hindi pa, masiyadong malaki yan eh. Gusto ko yong sakto lang." sagot ko.

Naiisip ko tuloy yong boobs ng babe ko. hehe

Sa totoo lang ang dami ko na din nakalandian pero wala ako nabingwit na ganyan kalaking boobs.

Hmm?

Ayon at humahagikgik tong kausap ko habang tumatagay ng San Mig.

Lasing na ba to?

"Inosente ka talaga Jill! Want mo bang i-try?"

I-try daw?

"Ayoko nga! Baliw ka talaga!"

Gusto ko yong boobs lang ng babe ko hahawakan ko! Ayokong humawak ng iba.

"Ahem! Pag-umpugin ko kaya kayong dalawa! Lalo ka na Jean! Baka gusto mong ihampas ko tong bote sa mukha mo?! Kala niyo di ko kayo naririnig?!"

Umiwas agad ako ng tingin dahil baka paluin nga ako ng bote ni Ellaine hehe!

Hinayaan ko lang silang dalawa magasaran. Mukha pa namang lasing na tong si Jean. Ang kulit-kulit na eh. Sabagay dati na yang may sayad!

"Uy, Jill! Ano musta? La na ata kayong ginawa ni Jean kung hindi asarin si Ellaine ah?" si Yana. Katatapos lang niyang magserve ng order dito sa table na malapit sa amin.

"Hindi ako, si Jean lang."

"Tsk Tsk tsk!" napapailing siya habang nakatingin sa dalawa.

"Yana pwede ba ako magapply dito?"

"Ng?"

"Trabaho ano pa nga ba!" sagot ko.

"Tanggap ka na!"

"Oh? Talaga? Ano gagawin ko?"

Excited!

"Sumayaw kang nakahubo sa harapan!"

Ano daw?!

"Gago ka naman eh! Ginawa mo pa akong Agogo dancer! Gusto ko waiter o kaya dishwasher, dali na Yana!"

"Macho dancer tawag sayo dahil hindi ka naman babae!"

"Adik! Dali na Yana!"

Halos yugyugin ko na siya para lang pumayag.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Ulol! Gusto mong magwaiter eh mas malaki pa ginagastos mo sa isang araw kesa sasahurin mo sa isang buwan!"

"Kasi naman! Naiinggit ako! May work ang babe ko tas ako wala!"

"He! Umuwi na kayong dalawa! Ibenta mo yong kotse mo kung namumulubi ka na!"

"Anong gagamitin ko pagpasok?"

"Gumapang ka!"

"Hmmp!"

Bwisit na Yana na to! Sumimangot ako. Ayaw akong tanggapin bilang waiter o dishwasher! Marunong naman akong maghugas, ah!

"Hoy Jill kulang kami ng katulong sa bahay. Apply ka?" Si Jean.

Epal talaga to! Gawin pa akong katulong?!

"Tse! Alis na ako. Sunduin ko pa babe ko."

Tumayo na ako saka nagpaalam sa kanila. Naisip ko mas masarap siguro kung may trabaho din ako.

Kaso saan ako magtatrabaho?Asar naman yong Yana na yon!

Napabuntong hininga na lang ako pagpasok ng kotse. Kahit papano nabawasan na yong nararamdaman kong pagkabanas sa Rhen na yon!

Nagmamaneho na ako nong biglang magring yong phone ko kaya tinabi ko muna tong sasakyan.

Pagtingin ko sa screen Mom ko. Agad kong sinagot yong tawag niya. Miss na miss ko na siya eh.

"Hi Mom."

"Oh, Jill. Kumusta na ang binata ko?"

"Eww Mom!" natawa ako sa sinabi ng Mom ko. Binata na talaga tawag sakin. Kahit siya natatawa sa kabilang linya.

"I'm just kidding. How's your Sis? Nasabi mo na ba yong plan na pa-aaralin namin siya at titira sa house kasama mo? "

"Uhm She's okay. Yeah I've already talked to her about that pero tumanggi siya."

Mas tinatanong pa madalas ng Mom ko kung kumusta na si Wendy kesa sakin, pero okay lang kasi mahal na mahal ko din si Wendy.

"Did she ask about us?"

"Nope."

Hindi talaga. Kapag nababanggit ko nga sila kay Wendz lagi niyang iniiba ang topic.

"Hmm, I expected that. And where's Anne? Can I talk to her?"

"Hindi pa siya nakakapag-out sa work niya" sagot ko. Nong huling tawag ng Mom ko nakwento ko sa kanya na nagpa-part time job ang babe ko. Sabi naman niya hayaan ko lang. Maswerte nga daw sila dahil hindi Gold digger ang magiging manugang nila. Haha

Sabi ko nga sa Mom ko kulang na lang ihampas sakin ng babe ko yong mga binibigay ko sa kanya. Ayaw tanggapin lalo na alam niyang mamahalin.

"Listen Jill, pagumuwi kami ng Dad mo diyan next month dadalawin natin si Wendy at yong family ni Anne. I'm so excited!"

Ha? Ano daw? Excited? Linya ko yon ah!

Saglit! Hindi pwede!

"Mom bat naman tayo dadalaw sa family ng babe ko? Agad agad?!"

Hindi pa nga ako naipapakilala sa parents ng babe ko tas bigla kami susugod don?! Baka masira yong plano kong magpa-good shot sa kanila!

"Oh next time na tatawag ako dapat makausap ko si Anne. Okay baby?"

"But Mom-"

"End of discussion. Bye, Take care. I Love you son!"

"Mom!"

Pinatay na niya!

Son? Kadiri!

Ni hindi ko pa nga nasasabing hindi pa alam ng family ng babe ko na kami na.

Ang Nanay ko talaga! Kung may pinagmanahan ako ng kakulitan malamang sa kanya na!

Napapakamot ako saka pinagpatuloy ko na lang yong pagmamaneho ko. Patay ako ang daldal pa naman ng Nanay ko.

Paano na kaya?

_____________________________________________

Anne Del Rio

Katatapos ko mag-logout. Baka naghihintay na si Jillian sa labas kaya nagmadali na ako.

"Anne?!"

Naglalakad na ako papunta sa pwesto kung san ako lagi hinihintay ni bakulaw nong tawagin ako ni Tisay.

"Bakit? Uuwi ka na din? Akala ko ba may date pa kayo ni Hawaiiano?"

"Wala noh! Kainis ka talaga Anne! Di ba sabi ko nong nakaraan na lalabas tayo kahit saglit lang kasama si Jillian?" Sus! Ngiting-ngiti siya pag si Jillian pinaguusapan!

Negrang to!

"Bakit ngayon ba yon?"

Napakunot noo tuloy ako. Wala naman siyang sinasabi ah!

"Oo kaya!"

"Akala ko nextweek pa? Isa pa di ko pa naman nasabi sa kanya yong balak niyo no! May pasok pa ako bukas."

Si Tisay kasi kahit magpuyat tanghali pa naman klase niya. Sa ibang school naman siya nagaaral.

"Saglit lang naman, sige na girl?"

Natigilan lang kami nong mapansin namin na palapit na si Jillian.

"Ayan na siya girl! Sabihin mo na lalabas tayo saglit." Halos itulak ako ng walang yang babaeng to palapit kay bakulaw.

Kaloka!

"Hi good evening." si Jillian. Tumingin siya sakin at kay Tisay saka siya ngumiti.

Hay naku ayoko sanang lumabas pa dahil pagod na ako at ang alam ko may praktis pa sina Jillian.

"Jillian uhm pwed-"

"Sama kayo ni Anne sa amin kahit saglit lang, birthday ko kasi kahapon eh icecelebrate ko ngayon!"

Naningkit yong mata ko sa Tisay na to! Kung makatulak halos masubsob ako para ipaalam kay Jillian na lalabas kami tapos siya din pala magsasalita! Tsk at may birthday pa siyang nalalaman, hindi naman niya birthday!

"Pagbigyan mo na ako girl, alam mo namang idol ko siya." bulong niya sa akin.

"Happy birthday Tisay, uhm-" tumingin sa akin si bakulaw, syempre ako din naman magaaprub kung sasama kami o hindi.

Nagtaas na lang ako ng kilay saka nagkibit-balikat at nagets naman agad ako ni bakulaw.

"Anong ibig sabihin niyan? Sasama na kayo?" si Tisay.

"Ano pa nga ba,matatanggihan ka ba namin." sagot ko. Si Jillian nakangiti lang pero halatang antok na siya. Pati tuloy siya nadadamay sa pagpupuyat ko.

"Yes! Sige tawagin ko na si Dan at hawaiiano ah? Yong iba kasi kanina pa andon." tuwang tuwa.

May sasakyan din na dala si hawaiiano kaya susundan nalang namin sila.

"Hay, Jillian nakakapagod pagsabayin ang pag-aaral, trabaho, at eto pa, pag nagyaya ang mga katrabaho mo." angal ko pagpasok namin dito sa kotse niya.

"Buti hindi mo sinama yong 'love life' na nakakapagod." sabi niya saka siya nagtaas ng kilay.

Tinitigan ko siya sabay sabi ng...

"Pati love life." saka ako ngumiti.

Ayon! Naningkit ba naman ang mata. Natatawa tuloy ako.

"Subukan mong mapagod sa akin, pasasabugin ko yang pinagtatrabahuan mo para hindi ka na mapagod!"

"Seryoso? Pasasabugin mo?"

"Oo!"

"Sus, utot mo! Tara na nga, sundan mo na lang daw yong sasakyan nila."

"Ayoko nga!"

"Ano ka ba! sinabi nating pupunta tayo tas di tayo susunod!"

"Di mo pa nga ako kinikiss tas sasabihin mo na napapagod ka pa sa love life! Ayoko!"

Sira ulo talaga tong bakulaw na to!

"Biro ko lang yon! Pag di mo pa to pinaandar bababa na ako! Di na kita papansinin kahit kelan!"

"Asar! Lagi ka na lang nananakot na di mo ako papansinin!"

"Kasi ikaw eh!"

Hay eto at nagbabangayan na naman kami!

"Kiss mo muna ako?" saka siya ngumuso.

"Ayoko nga." sabi ko saka ako humalukipkip at tumingin sa labas ng bintana.

"Babe dali na!"

Natatawa na ako, pano para na naman siyang bata hinihila yong damit ko.

"Mamaya ako magpapahalik pag nakarating na tayo don. Tsaka magtigil ka nga! Yang damit ko! Baka mapunit, pupunitin ko din yan mukha mo!"

"Okay babe!" sagot niya saka dali-daling pinaandar tong kotse.

Napapailing na lang ako. Madali naman pala siyang kausap ei. hehe

Sinundan na namin yong sasakyan nila Tisay.

Mga wala pang 30 minutes papasok na kami sa isang Subdivision. Hindi naman kalakihan ang mga bahay dito at ilang saglit lang tumigil na yong sasakyan nila. Sa gilid lang din ng kalsada sila nagpark kaya ganon din ginawa ni Jillian.

"Andaming tao babe, kiss ko?"

Hindi talaga nakakalimot ang bakulaw na to e. Binagyan ko siya ng smack pero panay ang angal niya.

Hinalikan ko na lang siya ng paulit ulit para tumigil na siya.

"Babe isa pa."

"Tse! baba na tayo!"

"Hmp! Suplada!"

Bumaba na kami ng kotse pero parang gusto ko na ulit pumasok. Daig pa namin artista kung tingnan ng mga tao.

"Ano bang meron? Birthday ba talaga ni Tisay?" tanong ni Jillian.

"Ewan." simpleng sagot ko. Ayoko sana magpahawak ng kamay pero hinayaan ko lang siya lalo na napapansin ko andami din dalaga dito, ang iiksi pa ng mga shorts!

Ang mga tao dito parang walang balak magsipasukan sa mga bahay nila. Yong iba nagkukumpulan. Yong iba nakatitig sa amin ni Jillian.

"Girl dito!" sigaw ni Tisay saka kumaway sa amin.

Sumunod lang kami.

Isang malaking tent ang nabungaran namin sa gilid ng kalsada sa tapat ng isang bahay na hindi naman kalakihan. Andon yong ibang mga katrabaho naming mga Cashier at waiter. Yong iba sa kanila mas maaga lang ang out sa amin nila Tisay.

Binitawan na ni Jillian yong kamay ko nong palapit na kami sa kanila. Ewan bat parang gusto kong hawakan pa niya yong kamay ko?

Weird ko talaga!

"Hi upo kayo." sabi sa amin.

Umupo naman kami. Kaso etong si Jillian di na naman mapakali.

"Babe kanina pa ako naiihi eh."

"Ha? Uh saglit maki-CR tayo, wait lang natin paglabas ni Tisay."

Tumango naman siya.

May nagserve na ng pagkain sa amin. Dito talaga kami sa gilid ng kalsada kakain? Sabagay okay na din andito naman sa loob ng Subdivision, kaso inaalala ko tong bakulaw na to baka mamaya mahiyang kumain. Kanina pa siya di mapakali sa upuan niya. Palinga-linga lang siya. Buti wala naman masiyadong sasakyan na dumadaan dito. Paisa-isa lang.

Pag labas ni Tisay ng bahay nila tumayo na ako para magpaalam na makikiCR si Jillian.

"Sa loob ng bahay, tara girl tawagin mo na si Jill" sabi niya.

Pagtawag ko kay Jillian tumayo naman siya agad.

Kahit pala dito sa bakuran nila at loob ng kusina madaming tao na nagpre-prepare ng iluluto.

"Tisay ano bang meron?" tanong ko.

"Ah eh kasal ng pinsan ko bukas, simple lang kaya sila na nagluluto."

"Sabi ko na nga ba di mo naman pala birthday!"

"Kaw naman, makisama ka na lang!"

Tinuro na niya sa amin ang CR. Dito sa kusina din nila. Halatang luma na tong bahay nila at andami-daming gamit na katambak kung saan-saang sulok.

"Kayo na bahala, labas na lang kayo ni Jill pag tapos na kayong magCR girl."

Tumango lang kami ni Jillian.

"Bakulaw ihi ka na sunod ako."

Sumunod naman siya, pero hindi pa naisasara yong pinto lumabas ulit siya.

"Aiiiisshhhhiiiit!!!!"

Para siyang bata na nagpapapadyak.

"Bakit?" tanong ko.

"Babe, may-may gagamba!!!!! May gagamba sa loob!"

Natatawa ako sa reaksyon niya.

"Juskoh! Para gagamba lang!"

"Takot ako sa gagamba babe, Pwede bang patayin mo muna babe bago ako magCR?"

Ano daw?!

"Sira ulo ka ba! Ako pa inutusan mo baka gusto mong ikaw patayin ko!" sabi ko saka ko siya inirapan.

Mas takot ako sa ipis at daga kesa sa gagamba! Pero hindi ko magagawang pumatay ng gagamba ano! Baka tumalon pa sa akin!

"Naiihi na ako babe! Dali na! Ayoko talaga nakakakita ng gagamba!"

"Hmp yoko nga! Bahala ka! Anlaki mong bakulaw takot ka sa gagamba?!"

"Oh bakit ikaw hindi? Sige hawakan mo nga?!"

"Ayoko nga!" sabi ko sabay talikod kaso hinila niya ako.

"Samahan mo ako sa banyo!"

"Ha? Baliw ka ba! Andaming tao di ka na nahiya! Pag di ka pa pumasok ingungudngod na kita!"

"Napakawalang puso mo!"

Para siyang inaapi sa itsura niya. Bakulaw na to!

"Ano ba pinagaawayan niyo mga magaganda?"

Natigilan kami nong may lumapit na medyo may edad ng lalaki. May hawak pang malaking kaldero.

"Ah Manong paki patay nga po yong gagamba sa banyo?"

Lokong Jillian na to! Utusan pa yong Matanda eh kami na nga lang tong nakikibanyo. Kapal talaga ng mukha!

"Ay asan ba?"

"Sa loob po Manong."

"Saglit lang mga iha."

Binaba ng matanda yong hawak niya saka siya pumasok ng banyo, paglabas ni Manong hawak na niya yong gagamba.

"Yon oh! Thank you po Manong!" si Jillian saka dali-daling pumasok ng banyo.

Napapailing ako. Ang laking bakulaw takot sa gagamba!

Ano kaya yon?!

Andito lang ako nakatayo. Hinintay ko lang siyang matapos kasi susunod din akong magbanyo.

"Oops! Tapos na ko babe." sabi niya habang ngiting-ngiti.

Sus! Bakulaw! inirapan ko ulit siya.

"Sungit!"

"Tse!"

Pumasok na din ako ng CR at pagkatapos ko umihi lumabas na ulit kami, pagupo namin may nakaserve ng pagkain at mga pulutan. Yong ibang kasama namin nagkakantahan lang dahil may videoke.

"Pag ako nabwisit tutusukin ko mata ng lalaking tingin ng tingin sayo." bulong ni Jillian. Ang tinutukoy niya si Dan. Pansin ko din naman habang umiinom siya ng beer panay ang sulyap sakin pero di ko naman din pinapansin.

Natatawa lang ako dahil halos sumiksik dito sa tabi ko tong bakulaw na to. Ramdam kong gusto niya akong yakapin sa bewang pero lagi ko siyang sinasabihan na wag gagawin yon pag may maraming tao.

Nakatingin lang ako sa mga kumakanta, hindi ko na lang pinansin yong sinabi ni Jillian. Hindi man niya ako mayakap yong kaliwang kamay ko naman ang palihim na hawak niya habang nakapatong sa lap ko sa ilalim ng mesa.

"Jillian tikman mo to, masarap yan" si Tisay.

Panay naman ang asikaso ni Tisay sa amin, hindi pala sa amin kay Jillian lang. Idol lang ba talaga niya tong bakulaw ko? Kapag kami lang dalawa panay ang tanong niya sakin about Jillian at kapag siningit ko si hawaiiano sa usapan ibabalik din niya kay Jillian.

Hmp! Baka mamaya crush niya tong si Jillian ko. Kahit hindi maputi tong si Tisay na to, may dating naman siya. Sexy at sabi nila maappeal.

"Jillian anong problema mo?" Nakatitig lang siya sa sinerve ni Tisay na adobong chicken feet.

"Kumakain ako ng pwet ng manok pero tong paa.... anong gagawin ko dito babe? Kakainin ko to?!"

Natatawa ako sa reksiyon niya. Halos malukot na yong mukha niya sa sobrang pagtataka. Kung bakit naman kasi sa tapat lang ni Jillian nilagyan ng samdamakmak na chicken feet.

"Bakulaw masarap yan, tikman mo."

Kumuha ako ng isa saka ko nilapit sa bibig niya.

"Aiiiiisssshhhhh!!!" bigla siyang napatayo dahil sa pagiwas niya sa isusubo ko sa kanya. Tinginan tuloy mga kasama namin dito sa table at pati yong mga kumakanta napatingin sa amin. Huli na nong mapansin kong hawak pa pala ni Jillian yong kamay ko at tingin ko don sila nakatingin. Pero para kay Jillian wala lang. Umupo ulit siya hawak pa din tong kamay ko.

Ako naman sobrang kaba ng dibdib ko. Ewan ko kung bakit.

"Babe ilayo mo nga yang paa sa akin! Hindi ako kakain niyan! Gusto ko pwet ng manok ayaw ko niyan!"

"Ang arte mo! Nakikikain ka lang magrereklamo ka pa! Pag di mo to tinikman di ka makakahalik sakin sa loob ng isang buwan!" sabi ko saka ko binawi yong kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Andaya mo! Tama bang ipilit mo sa akin yan eh sa ayaw ko nga!"

Nagkibit-balikat lang ako saka ako umiwas ng tingin. Tingnan ko lang kung ayaw niyang sumunod sa akin talagang di ako magpapahalik sa kanya! Pansin ko nakatingin pa din si Dan sa amin. Bahala siya kung ano gusto niyang isipin. Minsan naiisip ko din na sabihin sa kanila na kami na ni Jillian para tigilan na nila ako. Hay pero di pa talaga ako handa, hanggat di kami nagiging okay sa family ko di ko muna sasabihin sa iba.

"Kainis!" reklamo ng katabi ko pero kumuha din siya ng isang pirasong chicken feet.

Pagtingin ko sa kanya huminga pa talaga siya ng malalim bago isubo yong paa ng manok.

Wala siyang reaksyon habang ngumunguya pero bigla siyang napakunot sabay tingin sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Pano ba kainin to? Puro buto babe! Tsaka ilan ba kasi kakainin ko? Hindi naman ako mabubusog neto. Yong lasa kakaiba masarap pero malagkit!"

Grabe isang chicken feet lang andami na niyang sinasabi!

"Pano pag pinakain ka ng Tatay ko ng palaka tatanggihan mo ba? O kaya bayawak?"

Halos mabilaukan siya sa sinabi ko.

"Palaka at bayawak?! Endangered species na mga yon bakit kailangan pa silang kainin?"

"Endangared species pinagsasabi mo! Pano nga pag pinagulam ka don ng ganon?"

Hindi na naman maipinta mukha niya. Kaming dalawa lang din naguusap dito. Sila kasi panay ang tagay at kantahan nila. Ayaw naman naming uminom na dalawa kaya dito lang kami.

"Kailangan ko ba talagang danasin yong mga yon? Pero dahil masiba naman ako, sige kahit lamok pa yan at tutubi kakainin ko para sayo!"

Di ko tuloy mapigil yong tawa ko sa sinabi niya. Gagawin talaga niya yon para sa akin?

"Sigurado ka bakulaw ha?"

Tumango tango siya habang nakakunot yong noo niya. Nakikipag away na siya sa paa ng manok dahil mukhang matigas ang pagkakaluto. Pinapanuod ko lang siya.

"Okay ba Jill masarap?" tanong ni Tisay.

"Hindi siya okay, matigas at lumalaban eh. Puro naman ugat tong nakakain ko!"

Hala! Nagreklamo siya kay Tisay?

"Ha? Matigas? Wag mo ng kainin!" Kinuha ulit ni Tisay yong pinggan saka naglabas na lang ng ibang putahe.

Tumataas na talaga tong kilay ko sa Tisay na to! Panay ang asikaso sa Jillian ko at laging siya ang kinakausap! Itong isa naman sagot ng sagot pag nagtatanong tong si Tisay!

"Dito ka na lang kaya tumira bakulaw! Mukhang close naman na kayo ni Tisay mo eh!" sabi ko sa kanya nong pumasok si Tisay sa bahay nila.

"Di ko siya Tisay! Ikaw naman wag kang nagpapapansin sa Gladiator na nasa harapan mo! Naiinis ako sa pagmumukha niya!"

"Anong gladiator pinagsasabi mo! Isa pa hindi ako nagpapapansin sa kanya! Maglandi ka pa kay Tisay at itutoktok ko tong pinggan sa ulo mo!"

Kainis tong bakulaw na to!

"Hindi ko siya nilalandi no! Uwi na tayo babe? Baka mamaya pakainin ako dito ng kung anu-ano pa."

Napansin pala niya na kanina pa siya pinapakain ni Tisay.

"Sige magpaalam ka na." Utos ko.

Pero sumimangot lang siya. Ako na lang tumayo para magpaalam kay Tisay.

Nauna na kaming nagpaalam sa iba dahil may pasok pa kami at Antok na antok na talaga ako eh.

Si Tisay na panay pa ang papicture kay Jillian. Pero pag si Dan at iba lumapit sa akin para magpapicture ang sama-sama ng tingin sakin ni bakulaw.

Akala niya siya lang sikat! Dami ko din kayang fans!

Alas dos na kami nakauwi ng Apartment ni Jillian konti na lang itutulog namin kaya hindi ko na siya pinauwi sa bahay nila. Nagpahinga lang ako saglit saka nagshower.

Si Jillian pagkatapos magbihis humiga na sa kama. Humiga na rin ako pagkatapos matuyo tong buhok ko.

"Jillian good night na. Tulog na tayo." sabi ko pero hindi na siya umimik, tulog na pala siya. Hindi na kumikibo eh.

Nakaunan lang ako sa braso niya habang nakatitig sa mukha niya. Yong liwanang ng buwan mula sa bintana ang nagsisilbing ilaw para maaninag ko siya. Natutuwa lang talaga ako ng sobra dahil alam kong gagawin niya lahat para sa akin. Kahit makulit at nakakainis siya minsan nakaka-in love pa rin ang bakulaw na to. Hindi siya tumitigil para pangitiin ako at nageeffort talaga siya sa lahat ng bagay para sa akin. Kaya kahit mahirap yong sitwasyon ko andyan siya para alalayan ako. Kaya mahal na mahal ko tong bakulaw na to at tingin ko hindi mapapantayan ng kung sino man yong mga effort na ginagawa niya para sa akin. Sana lang hindi siya magsawa sa akin.

Bago ako pumikit dinampian ko muna siya ng isang halik sa labi niya.

"Good night bakulaw, mahal na mahal kita." sabi ko sa kanya kahit alam kong tulog na siya. Pumikit na din ako saka yumakap ng mahigpit sa kanya.

.....

"GOOD MORNING sungit at ganon din sayo panget!" si Jean. Bati niya sa amin pagpasok namin ng classroom. Ngumiti ako pero si Jillian nakasimangot.

"Gusto mo durugin ko yang mukha mo?Magsalamin ka para makita mo na maspangit ka sa akin!" sagot ni Jillian.

"Ano ka! Mas cute ako sayo kasi madami akong chicks ikaw isa lang naduling sayo." mahinang sabi ni Jean pero rinig na rinig ko naman.

"Isa lang pero wala namang makakapantay sa kanya."

Nakaupo na kami at tumataas yong kilay ko habang nakikinig sa usapan ng dalawang to.

"Sige na panalo ka na, alam kong magaling sa kama si Anne."

Pagkarinig ko sa sinabi ni Jean kulang na lang batuhin ko siya ng sapatos! Pati ba naman ako ginagawan na ng kwento ng mga to!

Tatawa-tawa si Jean pero nakatikim siya ng batok kay Jillian. Hay naku ang kukulit!

Ano naman alam ko sa kama? Humiga lang alam kong gawin don no!

"Guys parang puyat ah, tsk nakabuo ba?" natatawang sabi naman ni Jo.

Minsan hindi ko masakyan ang mga biro ng mga to eh. Puro sila kalokohan. Pano naman kaya kami makakabuo eh tulog na agad si bakulaw kagabi.

Nangingiti tuloy ako. Pati ako kung anu-ano na iniisip.

"Hindi pa e, pakipot kasi tong babe ko." sabi ni Jillian sabay akbay sa akin. Buti na lang wala pang Prof at yong mga kaklase namin busy sa pakikipagchismisan.

Si Jean at Jo tatawa-tawa lang. Mga sira ulo talaga tong mga to. Nasasanay na din talaga ako sa kanila pero hindi ko kayang makipagsabayan sa mga biruan nila.

"Anne sungit wag kang mapipikon sa amin ha? Ganito lang kami mga dukha at hindi kumakain kaya natitipos na. Kung anu-ano naiisip namin. Kaya intindihin mo na lang kami at pati si Jillian, intindihin mo na lang din kung impotent na siya." Si Jean saka sila sabay na tumawa ni Jo.

Hay naku! Kahit puro mga walang kakwenta-kwenta sinasabi ng mga to natatawa pa rin ako.

Napapailing lang ako. Kilala naman nila ako na hindi sumasabat sa mga biro nila.

"Hindi ako impo! Ulol!" pahabol na sagot ni Jillian.

Pansin ko lang nadadalas talaga ako yong inaasar nila. Pero hindi naman ako napipikon. Hindi masiyado.

"Babe hindi ako impo ah, kahit patunayan ko pa mamayang gabi!"

Napangiti ako sa sinabi ng bakulaw na to!

"Pagod ako mamayang gabi Jillian babe, baka pagkatapos na lang ng kontrata ko sa work, saka mo na mapapatunayang hindi ka impo."

"Utang na loob babe! Pano pag naregular ka diyan! Kumusta naman ako? Namimiss na kitang kalampungan sa kama."

"Ei, sira!"

Napayuko ako dahil natatawa ako. Baliw talaga tong bakulaw na to! Alam na alam ko naman yong tinutukoy niya eh! Pero sa totoo lang mula magtrabaho ako di na kami masiyadong naglalandian. Pano pa ba ako malalandi ng bakulaw na to eh madalas pag uwi ko ng aparment bagsak agad ako sa kama dahil sobrang nakakapagod talaga pag nagtatrabaho habang nagaaral.

"Babe ano payag ka ba?"

"He! Magtigil ka nga!"

Kulit talaga neto!

Pero pasalamat na lang din talaga ako dahil sa dami ng nakilala ko maliban kay Rhen si Jillian kulet lang talaga nakakapagtyaga sakin lalo na sa ugali ko. Pero malaki pa din pagkakaiba nilang dalawa. Si Jillian kahit ilang beses kaming magaway sa bandang huli iniintindi pa din niya ako,mas nagpapakumbaba siya kahit minsan kasalanan ko naman.

Pag-angat ko ng ulo ko nakatingin pa din pala siya sakin saka niya ako kinindatan.

Nagpout naman ako saka ngumiti sa kanya.

Kahit di kami naguusap nagkakaintindihan na kaming dalawa. Sa mga tingin at ngiti pa lang niya alam ko ng ibig sabihin non. Kahit bakulaw siya sa kanya ko lang naipagkatiwala lahat, pati alindog ko. Sa kanya lang.

Ano ba yan! Napapangiti ako. Nahawa na ata ako kay Jillian! Nakakabaliw talaga ma-in love.

Hindi ko akalain na mas kikiligin at magiging masaya ako sa isang babae.

Hindi ko naramdaman to sa mga naging boyfriend ko dati.

Sa kanya iba talaga. Ibang iba.

....

Continue Reading

You'll Also Like

383K 11.2K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
245K 8.6K 55
[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story 🔞 Amber Paige a.k.a Agent Reign the cold hearted "Team Leader". Admired for her beauty and comman...
995K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...