Loving Gray (Happily Ever Aft...

Von Sierra_Louise

3.6K 108 26

*Lara* ayoko naman talaga syang mahalin. Pero hindi ko naman mapipigilan ang puso ko di'ba? Wala bang karapa... Mehr

Happily Ever After
Chapter 1 In Between
Chapter 2 Fateful Encounter (part1)
Chapter 2 Fateful Encounter (part2)
Chapter 3 His eyes
Chapter 4 Unnoticed Feelings
Chapter 5 TLC (Tender Love and Care) for Mr. Gray-eyed
CHAPTER 7 ALON
CHAPTER 8 ( Way back to him )
CHAPTER 9 THE KISS
CHAPTER10 Just like movie scenes (Part1)
CHAPTER10 Just like movie scenes (Part2)
CHAPTER 11 THE KISS PART 1
CHAPTER 11 THE KISS PART 2

CHAPTER 6 CLOSER TO HIM

198 6 0
Von Sierra_Louise

CHAPTER 6 CLOSER TO HIM

                BASTED. Na-basted ako. Kahit anong gawin kong explanation lumalabas na na-basted ako

ni Gray. Ni hindi ko pa nga nare-realize kung ano talaga yung nararamdaman ko sa kanya inunahan na

nya ako ng pamba-basted. Sino nga ba naman ang magkaka gusto sa isang pain looking na katulad

ko? First time kong nakaramdam ng ganun kasakit na pakiramdam. Wala pa akong nagiging boyfriend

pero na broken heart ako kaagad. Ang malas ko naman.

               Malungkot na binuksan ko ang pintuan ng classroom. Inagahan ko talaga ang pag-pasok sa

school. Ang lungkot sa bahay natutulala ako at lagi kong iniisip yung sinabi ni Gray.

               Pesteng love 'yan... Hindi pa nga nasisimulan tinapos na agad.

               Naaubutan ko na nasa classroom na si Erin. Nakakagulat ang aga nya ngayon, usually kasi

late sya pumasok dahil late na sya palagi kung gumising.

               "Erin," pagtawag ko sa kanya. Nilingon nya ako at sobrang seryoso nya.

               "We have to talk, Bez." Sabi nya. Bez ang tawag nya sa akin. Short for Best-friend.

               Hindi ako sanay na ganun si Erin. Dahil chubby sya may pagka-bubbly ang attitude nya.

Na-upo ako sa tabi nya. "Ano ba yun? Masyado ka atang seryoso."

               " I saw what happen sa likod ng engineering building last week. I even saw you and those five guys na nasa likod mo." Pagsisimula nya. puno ng gulat at kaba ay pinakinggan ko lahat ng salaysay nya. "Ang totoo nyan papunta na ako dun sa sulok nung library na madalas mong tambayan at nakita kita na nagtatago. Narinig ko din yung lalaki na may ka-usap dun sa telepono. Sinundan kita at yun nga nakita ko lahat. Pero nakapagtago akong mabuti kaya wala man lang nakapansin sa akin. Alam ko din na may humila sa iyong lalaki. At nakita ko kanina na may sumundo sa'yo sa sakayan.Dapat kasi pupuntahan kita sa bahay nyo kanina.

               Bez, bakit kailangan mo pang magsinungaling sa akin? Sino ba sila? anong kinalaman mo sa away na 'yun? bakit hindi man lang lumabas sa university na ito yung nangyari?"

               "Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yan Bez." sabi ko kay Erin. Siguro nga may dapat syang malaman. Kaya sinabi ko ang lahat sa kanya. Sinabi ko din na ipapakilala ko sya sa limang lalaki na nakita nya.

------

               "From now on, I will be your Professor in Humanities. I am Mr. Buhawi Dominguez. Wala si Miss De Vera at naka leave sya hanngang end ng semester na'to. Nag-decide na din ako class na i-merge ang section na ito sa isa pang section na hawak ni Miss De Vera, so expect na aabot na kayo sa forty. Tutal naman nineteen lang kayo sa klase hindi naman siguro masamanadagdagan ko kayo to make this subject a bit fun."

               Hindi ko inaalis ang tingin ko sa lalaking nasa harap namin na nagpapakilalang bagong propesor namin. Matangkad, gwapo at puno ng misteryo kung titignan mo sya. Hindi din usual na magkaron ng ganung mga muscle ang isang propesor.Halatang alaga ang katawan nya sa gym.

               "Gray, mukhang na-i-intimidate ka kay Sir, a", bulong ni Drake sa akin. Napansin nya kasi na pinag-aaralan ko si Sir Dominguez.

               "Look at him ang laki ng katawan para maging professor." Sagot ko.

               "Ano ka ba? Malay mo gusto talaga nya ang pagtuturo."

               Mag-sasalita pa sana ako ng may marinig kamin pagkatok sa pinto.

               "Nandito na pala yung mga magiging classmate nyo class," Sabi ni Sir at binuksan na ang pinto.

               "Nice, puro girls..." narinig ko pang sabi ni Drake. Babaero talaga.

               Habang pumapasok ang lahat ay nag-text na lang ako. Mukhang si Drake lang mageenjoy sa maraming babae. For sure magiging maingay ang natitirang buwan sa sem na 'to.

               Bakante ang isang buong hilera ng upuan sa harapan namin kaya may mga napansin akong naupo doon. Nang lingunin ko na kung sino ang mga naupo sa harapan ko ay natigilan ako.

------

               SA LAHAT naman ng lugar dito pa sa subject na'to. Pinaglalaruan talga siguro ako ng tadhana. Ang maging kaklase si Gray ang pinaka huling bagay na inisip ko na posibleng mangyari. Pero ngayon nakatayo ako sa harapan nya. Magiging magkaklase kami!

               "Bilis Lara maupo ka na sa tabi ni Alon." Halos kaladkalarin na ako ni Erinpara maitabi kay Alon. Nakita kong nagkunot ang noo ni Gray at tinignan si Erin. Pagkatapos ay kay Alon naman sya tumingin.

               Si Alon ang pinaka matalinong kaklase ko. Sigurado ang lahat na gra-graduate sya with honor. Scholar, mabait, Student Council Vice-president at crush ko. Hindi naman ako mahilig magka crush sa lalaki. Since first year ko pa 'ata crush si Alon. Kahit na natatakpan ng salamin ang mga mata, may simpleng pananamit at hindi palakibo nagustuhan ko sya dahil sobrang bait nya sa akin at kay Erin.

               "'eto na," naupo ako sa tabi ni Alon. "Alon patabi kami ni Erin ha?" pagpapaalam ko. Nakita kong ginalaw muna nya ang salamin nya bago nagsalita.

               "Okey lang." Talagang matipid syang magsalita. Naupo naman si Erin sa kabilang gilid ni Alon. Nasa pangalawang upuan ako, gitna si Alon kaatabi  nya sa kanan si Erin.

               "Ehem..." narinigkong pagtikhim ni Ford sa likod ko. Nilingon ko sila at nginitian. Nasalubong ko ang matiim na pagtingin sa akin ni Gray. mabilis kong iniwasan ang mga tingin nya.

               "Erin... Alon..." pagtawag ko sa mga katabi ko. Nilingon nila ako. Tinuro ko naman ang magkakaibigan sa likod namin. "Sila nga pala sina Red, Gray, Ford, Drake At Apollo." Nagsipag ngitian naman sila maliban kay Gray na tinititigang mabuti si Alon. "Guys, mga kaibigan ko si Erin at Alon."

               Natapos nga ang isa't kalahating oras namin na puno ako ng kaba. Pakiramdam ko kasi nakatingin sa akin si Gray. Pero kung iisipin kong mabuti wala namang dahilan para tignan pa ako ni Gray. Malinaw naman sa mga sinabi nya sa akin nung may sakit sya. Bawal syang mahalin ng mga katulad ko.

               "Goodbye class." paalam ni Sir Buhawi at mabilis na syang lumabas ng class room. Tumayo na ako. Als-dose na.

               "Alon sabay ka na sa amin ni Lara mag-lunch." Narinig ko pa ang pagaaya ni Erin kay alon. Kinindatan pa ko ng loka-loka. Talagang pinapares nya ako kay Alon. Masyado syang obvious. Naririnig pa naman sya ni Gray. Nakakahiya.

               "Sure." Sabi ni Alon na nginitian ako. Napaka gentleman talaga. Alam kong naiingayan sya kay Erin pero pumayag pa rin sya.

               "Can we invite ourselves to join you, too?" Sabay kamingnapalingon kay Apollo na lumapit pa talaga sa amin. Talagang pinakikinggan nya pala kami. "Para naman makilala namin kayo," dugtong pa nya.

               "Sure.." naunahan na ako ni Erin sa pagsasalita. Tatanggi sana ako. Tinignan ko si Erin ng masama. Ano bang binabalak ng babae na'to?

------

               "KAILANGAN KO silang maka-usap Lara. Nikilala ko yung mga mukha nila.Sila yung mga lalaking nakipag away di'ba?" Yun agad ang bungad na tanong sa akin ni Erin pagpasok pa lang namin sa CR. Nagpaalam lang kami sa mga lalaking kasabay namin na mag-c-CR.

               "Sila nga 'yun. Paano mo sila kakausapin kung naka harap din si Alon? Ano ba yang pumapasok sa kukote mo ha Erin? Bakit mo inaya si Alon At bakit ka pumayag sa sumabay sa atin yung limang lalaki na 'yun. Di ba ang usapan pag-iisipan muna natin kung paano ko sasabihin sa kanila ang lahat?"

               "Ako na ang bahalang magsabi sa kanila. Kilala mo ako kaya kong humarap sa kahit na sino. Basta kakausapin ko sila once na naka-alis na si Alon. Speaking of Alon, hindi ba crush mo sya? Bakit ba parang gusto mo sya iwasan? Di'ba nga matagal ko ng binabalak na paglapitin kayo? Bakit parang ayaw mo na ngayon?"

               "Hindi naman sa ganun. Napaka obvious mo naman kasi, e." Sabi ko. Walaakong balak na sabihin sakanya yung tungkol sa nararamdaman ko kay Gray. Tiyak na pagagalitan lang nya ako. Isa pa forsure naman na walang mararating yung sa amin  ni Gray. Tapos na nga sa totoo lang.

               "Akong bahala sa'yo. Labas na tayo baka naiinip na sila." hinila na ako ni Erin kahit gustoko pa sana syang tanungin tungkol sa maraming bagay.

Weiterlesen