Sa Isang Sulyap

By BangtansWife

128K 2.3K 76

Summer Song, isang boring at pag-aaral-lang-ang-buhay na babae. Isang babaeng naranasang masaktan sa kauna-un... More

IMPORTANT NOTICE!
Panimula
Unang Sulyap
Ikalawang Sulyap
Ikatlong Sulyap
Ika-apat na Sulyap
Ika-limang Sulyap
Ika-pitong Sulyap
Ika-walong Sulyap
Ika-siyam na Sulyap
Ika-sampung Sulyap
Ika-labing Isang Sulyap
Ika-labing Dalawang Sulyap
Ika-labing Tatlong Sulyap
Ika-labing Apat na Sulyap
Ika-labing Limang Sulyap
Ika-labing Anim na Sulyap
Ika-labing Pitong Sulyap
Ika-labing Walong Sulyap
Ika-labing Siyam na Sulyap
Ika-dalawampung Sulyap
Ika-dalawampu't Isang Sulyap
Ika-dalawampu't Dalawang Sulyap
Ika-dalawampu't Tatlong Sulyap
Ika-dalawampu't Apat na Sulyap
Ika-dalawampu't Limang Sulyap
Ika-dalawampu't Anim na Sulyap
Ika-dalawampu't Pitong Sulyap
Ika-dalawampu't Walong Sulyap
Ika-dalawampu't Siyam na Sulyap
Ika-tatlongpung Sulyap
Ika-tatlongpu't Isang Sulyap
Ika-tatlongpu't Dalawang Sulyap
Ika-tatlongpu't Tatlong Sulyap
Ika-tatlongpu't Apat na Sulyap
Ika-tatlongpu't Limang Sulyap
Ika-tatlongpu't Anim na Sulyap
Ika-tatlongpu't Pitong Sulyap
Ika-tatlongpu't Walong Sulyap
Ika-tatlongpu't Siyam na Sulyap
Ika-apatnapung Sulyap
Ika-apatnapu't Isang Sulyap
Ika-apatnapu't Dalawang Sulyap
Ika-apatnapu't Tatlong Sulyap
Ika-apatnapu't Apat na Sulyap
Huling Sulyap
Wakas

Ika-anim na Sulyap

3.6K 72 1
By BangtansWife

Ika-anim na Sulyap

"Good afternoon Tatay." Salubong ko sa kanya saka ako humalik sa pisngi niya. He's currently writing something at may ibang papeles din siyang pinipirmahan dito sa living room. Which is new kasi usually he's doing his office works sa personal office niya sa taas. Idagdag pa yung mukha niyang seryoso. He's a happy person. Alam ko 'yon. Kahit ano pa mang gawain sa office iyon ngingitian niya lang 'yan at makikita mong tapos na agad siya.

"Tay, is there something wrong?" Hindi siya sumagot. Patuloy siya sa pagbasa sa papel na hawak niya. Kunot noo ko siyang pinagmasdan mabuti. He doesn't even notice na nandito na ko at kinakausap siya. Confirmation strikes. May problema. I need to know.

"Tay.." tawag ko sa kanya pero para akong nagsasalita sa hangin dahil sa hindi niya pagpansin sa'kin. Niyugyog ko na yung balikat niya at para siyang nakakita ng multo dahil sa gulat sa mukha niya. Mabilis niyang itiniklop yung folder na hawak niya saka siya tumayo para yakapin ako.

"Kanina ka pa ba diyan?" hello! Ibig niyang sabihin kanina pa ko tawag ng tawag ni isa don wala siyang narinig? At ni hindi niya naramdaman yung paghalik ko sa pisngi niya? Obviously hindi nga. Yumakap ako sa kanya pabalik saka ko siya tinanong.

"Tinatanong kita Tay kung may problema ka po. Meron po ba kong dapat ipag-alala?" tanong ko sa kanya. Lumayo siya sa'kin saka niya ko nginitian at umiling.

"Masyado lang maraming ginagawa sa kompanya kaya minsan natutulala na ko sa mga pumapasok na pera. Alam mo 'yon princess? Fulfilment. Ang tagal kong pangarap 'to. Kahit nung nabubuhay pa ang nanay mo." Nakahinga ako ng maluwag. Busy talaga siya. Kaya minsan hindi niya na kami nahaharap. Kaya masama loob sa kanya ni Kuya Cabi. Pero ako naiintindihan ko siya dahil alam kong nagpupursige siya para sa'min. Hindi lang maintindihan ni Cabi 'yon. Nakakainis talaga! Bakit ko pa kasi naging kuya 'yon wala namang kwenta.

"Hmm. Drama 101 na naman ba Tay?" tumawa ako saka ko inayos yung nalaglag kong bag sa braso ko pabalik sa balikat ko.

"I need to rest now Tatay. Pagod po kasi ako. Alam niyo na. Na-stress na naman po sa school." Ngumiti naman siya sa'kin at tumango. Ako naman halos gumapang na papanik. Ang hagdan patungo sa langit. "stairway to heaven" kung tawagin nila Paulo. Sino ba namang hindi manlalambot at gagapang sa pagpanik dito eh ang daming steps. Walangya naman kasi yung nag-design nito. Malaman ko lang kung sinong Architect nito malilintikan sa'kin eh.

Pagdating ko inilapag ko agad sa gilid ng study table ko yung bag ko saka ako humiga. Pabiling-biling pa nga ako dahil lang sa hindi ako mapakali.

I just can't..resist you, Summer

I just want her to be my friend.

Marahas akong napaupo at ginulo yung buhok ko.

What's happening Summer? Bakit ba sobra kang affected sa mga sinabi niyang 'yon? Ugh! Hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko nitong mga nakaraang araw simula nang makilala ko yung Nico na 'yan. Dapat galit-galitan at sungit-sungitan ang peg ko kaya lang kapag nandiyan na siya at malapit na sa'kin hindi na ko mapakali at parang sinisilihan yung pwet ko dahil sa presence niya. What did I ever do to him to make me feel this terrible things inside me? Para siyang linta na nadikit na sa isipan ko.

"Jusko! Kailangan ko yatang budburan ng asin yung ulo ko para mawala yung leech na 'yon sa utak ko." Saglit kong isinantabi yung nasa isip ko. I need to confirm everything by myself. Kung talagang ganon yung affection niya sa'kin. Kailangan ko pa ng mas mahaba-habang process para lang masigurado 'yon.

Tama yung home review. Papayag ako ron.

Hindi naman siguro ako mahahalata. Ayokong magpahalata na para akong miyembro ng fans club niya. Hindi naman talaga dahil wala akong pakialam sa kanya. Wala talaga as in! Tama I just need to prove it to myself na wala talaga.

Tumayo ako para kunin sa bag ko yung cellphone ko saka ko unang tinawagan si Paulo.

-hmmm?- malandi niya pang himig matapos niyang sagutin yung tawag ko. Ngumiwi ako. As if namang he can see what I just did. Wala na kasi talagang pag-asa. Sayang may itsura pa man din siya.

"I just want to remind you about the review tomorrow." Sabi ko habang pinaglalaruan ko yung kuko ko. At sinisipat pa kung may nasisingit na dumi ron.

-Oh gah! You're finally agreeing to this, aren't you?- kunot noo kong tinitigan yung cellphone ko na inilayo sa tenga ko dahil lang sa nakakabingi niyang pagtili. Umiling ako saka ko ibinalik yon sa tenga ko.

"Seriously, Pau. Gusto mo ba talagang ma-admit sa Bataan Community College or what? You know naman na it's not that easy to get in. Lalo pa't nursing yung ite-take mo." Parang nakikita ko siyang ngumunguso dahil sa sinabi ko. I know him. Nagi-isip din naman siya minsan.

-Oh really? Baka naman gusto mo lang makita si Nico?- nakakapikon ah! Hindi iyon yung dahilan! Oo nagsisinungaling ako sa sarili ko ngayon. Pero ang dahilan ko lang naman is to confirm and to prove myself. No any other reason. Ano ba yang Nico na 'yan? Importante? Like what I always say. They're all just the same.

"Ano ba? Gusto mo bang pumasa or ayaw mo? Kasi kung pagpapatuloy mo yang sinasabi mo. Magbabago na lang yung isip ko. Look, I am not agreeing to this because of him. I am agreeing to this because I want you and Jenny to pass the CEE so please? Can you at least cooperate?" Isa pa 'yon. Kaya rin ako pumayag dahil naisip kong kapag na-admit akong mag-isa sa school na 'yon. Ako lang at ako ang makakasama ko. Sarili ko lang in short. I'll be alone at anong mangyayari? Kaaawaan ko na naman yung sarili ko like back there nung unang pasok ko sa high school.

-Osige na nga sige na. Payag na ko. Baka maiyak ka pa eh. Magsayang ka pa ng tissue diyan sa inyo.- ngumiwi ako.

"Okay bye. Tatawagan ko pa si Jenny." Hindi ko na hinintay yung sagot niya. Sunod ko namang tinawagan si Jennifer na hindi pa sinagot yung unang tawag ko. Doon lang sa pangalawang pagpapa-ring ko narinig yung boses niya. At kasagot-sagot niya pa ganito.

-O?- Seriously? Hindi naman halatang badtrip siya. Ano na naman kayang nahithit nito at nagbago na naman yung mood. Kanina lang masaya pa siya ah. Sabagay, baka nagkaasaran sila ni Paulo kanina. Madalas pa naman siyang mapikon kay Paulo kapag nagba-brag na si Paulo about kay Cabi. Cabi lang ulit. Inis pa ko sa kanya eh.

"Hello rin. What a lively hello from you. I appreciate it too much. Mula sa'yo e." Sarcastic kong sabi. Tumagilid ako nang mangawit yung likod ko sa pagkakahiga ko. Inilipat ko sa kaliwang tenga ko yung phone ko para lang makausap ko siya ng maayos.

-Ano ba kasi 'yon Summer?- wala talaga siyang balak na iparating na badtrip siya ah. As in hindi naman obvious kaya sige lang.

"Magkakaron ng Slumber Party sina Cabi rito mamaya. Do you want to sleep over here tonight?" alam ko naman kung paano siya mapapakalma. Para rin may ka-kwentuhan ako mamaya. Kasi naman. Ayokong sila lang yung magsasaya habang ako pikon na pikon at nagngingit-ngit yung kalooban dito sa loob ng kwarto ko mamaya kapag nag-party na sila.

What the hell. All boys sila. Tapos Slumber Party? Sabagay hindi na masama. Maaarte naman sila. Puro kadramahan sa buhay. Feeling character sa mga Koreanovelas.

-talaga?!- mabilis pa sa alas kwatro. Siguro kung magliliwanag lang talaga yung aura niya? Kanina pa ko nasilaw. Malamang 'yon tatagos dito sa cellphone 'yon.

"Oo. Kaya see you tonight. And please bring your things for tomorrow's review. Magre-review—"

-*toot* *toot*..- nilayo ko agad sa'kin yung cellphone ko para i-check kung may kausap pa ko. Tama ako, wala na. Bumuntong hininga na lang ako saka ko ipinatong yung kamay ko sa tiyan ko. Isa na lang. Pero wala akong number niya. Paano ko siya papupuntahin dito?

Hay! Bahala na nga!

Ilang minuto pa lang na nakasara yung mata ko. Inistorbo na agad ako ng katok sa pinto ko. Labag pa sa loob ko na tumayo ako para buksan 'yon. Saglit akong napatanga sa kanya saka ako lumabas.

"What do you need, Erick?" tanong ko sa kanya.

"I want to check on you." Ngumiti ako sa kanya.

"Doctor ka na ba ngayon? O ngayong alam mong wala na kong sakit. Bibigyan mo na ba ko ng lollipop pangsuhol? Dahil thankful kang hindi na ko nasasaktan. Get lost. I don't want you checking on me. Nangingnig lang yung kalamnan ko kapag nakikita kita." Sabi ko. Nakapasok na ko at isasara ko na lang yung pinto kaya lang iniharang niya pa yung paa niya.

"Shit!" angal niya pa habang tatalon-talon dahil sa sakit nang pagkakaipit niya.

"It's your fault kaya kung plano mo kong sisihin. Don't bother." Malamig kong sabi saka ko tuluyang sinarado na yung pinto. Badtrip. Dapat ngang magsama kami ni Jennifer ngayong gabi. Parehas kaming badtrip.

Teka nga. Bakit ba kasi badtrip ang isang 'yon. I didn't even bother asking dahil alam kong wala akong mapapala. She wants to confess it personally. Pag dating kasi sa ganon gusto niya nailalabas niya yung gigil niya.

Pumasok ako sa CR para maligo na. Kanina pa ko naiinitan. Init na init na sa titig sa'kin ni Nico kanina nag-init pa yung ulo ko dahil sa pagkakita ko sa mukha ni Erick. I admit he's still as hot as he is. And he's still the handsome guy I used to be with. Pero iba na yung dating non sa'kin ngayon eh. Ang dating sa'kin ng mukha 'yon ngayon nakakainis na. Nakakairita.

"Summer?" Pinatay ko yung shower saka ako tumingin sa pinto. Galing din. Ang agad niya ah. Ang bilis niya pa sa alas kwatro.

"Ilatag mo na yung air bed diyan. Wait for me matatapos na kong maligo." Sabi ko sa kanya. Bubuksan ko na sana ulit yung shower kaya lang nagsalita ulit siya.

"Ah. Kasi..I'm with someone. Pwede bang siya na lang sa airbed at tabi na lang tayo sa kama mo?" Sino ba? Si Paulo? Eh dati naman silang nagtatabi ah. Ngayon pa ba sila maga-artihan? Tss.

"Bahala ka." Yun lang saka ko ulit binuksan yung shower at nagbanlaw na. Hinanap naman agad ng kamay ko yung damit ko kaya lang naalala kong hindi nga pala ako nakakuha sa labas.

I have my walk in closet naman kaya lang wala ron yung mga pantulog. Puro uniform kasi yung nandon at mga damit pang-alis. Isa pa. Hindi na rin kasya yung mga pambahay ko dahil isinasama ko rin yung mga telang binibili ko para lang sa Home Eco naming subject.

Hobby ko kasing manahi at magdesign ng damit kahit na hindi naman namin kailangan na sa Home Eco.

Ugh! Ang ginaw. Nasa walk in closet pa lang ako ramdam ko na agad yung aircon. Aksayado talaga sa kuryente yung mga 'yon. Tss.

Lumabas ako ng walk in closet. Nakatapis lang ako ng tuwalya. Okay lang naman na ganito yung itsura ko. Silang dalawa lang naman ni—

"Nico?!"

What is Nico Alavarez doing inside my room?!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 17.3K 54
© Jan. 2013 by teafairynoona Highest ranking #1-Sulli
828 116 48
Mag kaaway nung una, but when they got to know each other, lalo silang nahulog sa isa't isa. Perfect sila for each other, masaya. Kinakaya kahit an...
41.8K 1.7K 44
Si Lisa ay iniwanan ng boyfriend. Minahal niya ito ng sobra pero anong nagyari? Nabigo lang siya. May malaki siyang problema. Hindi siya maka-move on...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...