Wanted: Mommy for hire [COMPL...

Oleh Lady_LightAmethyst

581K 13.1K 698

NO SOFT COPIES | NO COMPILATION | NO TO PLAGIARISM Written by: Ayriveneuy De Guzman Uy ... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chaster 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 - Part 1 -
Chapter 26 - Part 2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter
EPILOGUE
What's Next?

Chapter 16

16.6K 416 12
Oleh Lady_LightAmethyst

Stephanie's POV

Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pinto ko tinignan ko kung anong oras na 4am pa lang ah? Nahiga na lang ulit ako pero di pa ko nakakapikit ay nakarinig na naman ako ng katok sa pinto ko. Bumangon ako at sinuot ko yung robe, lumapit ako sa pinto at binuksan 'yon.

" E-eziekel? " Lumabas ako ng kwarto at sinarado yung pinto. " Anong ginagawa mo dito? " Umiling siya saka hinawakan yung pisngi ko. Naramdaman kong kumabog ng malakas yung puso ko. " E-eziekel. " Tawag ko sa kanya.

" Wear something comfortable. " Sabi niya.

" H-ha? Bakit? Saka 4am pa lang. " Mas lalo akong kinilabutan ng ngitian niya ko habang umiiling.

" I know. That's why I'm telling you to change your clothes. Hihintayin kita dito. " Binuksan niya yung pintuan ng kwarto ko saka ako bahagyang itinulak.

Naguguluhan man ay wala akong nagawa kundi ang magpalit ng damit. Binilisan ko na ang pagkilos dahil ayokong paghintayin si Eziekel. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong naka sandal si Eziekel sa gilid.

" Let's go. " Sabay kaming naglakad pababa ng bahay hanggang sa parking lot. Pinagbuksan niya ko ng pinto, nagpasalamat na ako at saka sumakay. Pinanood ko na lang siyang umikot sa kotse hanggang sa pagsakay niya.

" Ah saan pala tayo pupunta? " Tanong ko. " Malalaman mo mamaya. You can still take a nap if you want. Malayo-layo ang pupuntahan natin. " Tumango na lang ako saka isinandal ang ulo ko sa binatana.

------

" Stephanie wake up. " Naramdaman ko mahinang pagyugyog ni Eziekel sa balikat ko. Minulat ko ang mga mata ko at tinignan si Eziekel. " Na saan tayo? " Tanong ko sa kanya habang nililibot ko yung mata ko sa labas.

" Pangasinan. " Pangasinan?! Binalik ko ang tingin ko kay Eziekel na may pilyong ngiti sa labi.

" Anong gagawin natin dito? Saka si Noah? " Imbis na sumagot ay nginitian niya lang ako at bumaba ng kotse. Binuksan niya ang pinto na nasa gilid ko kaya bumaba na ko. " Thank you " Pagbaba ko ay niyakap na agad ako ng lamig kaya napayakap ako sa sarili ko.

" Here, wear this. " Inabot niya sakin yung jacket na nakuha niya sa loob ng kotse niya.

" Bakit di mo sinabi sakin na pupunta tayo dito? Para nakapaghanda man lang ako ng gamit ko. " Sabi ko habang tinatanaw yung dagat. " May mga damit sa rest house, let's go. " Para akong kinuryente ng hawakan niya and kamay ko saka hinatak papunta sa loob ng rest house.

Pagkapasok namin ay may dalawang matanda na sumalubong samin. Sa tingin ko'y mag-asawa sila sa itsura pa lang nila at kung paano nila tignan ang isa't isa. Pinakilala ako ni Eziekel sa mag asawang nag'aalaga sa bahay na 'to.

Sila si Mang Nestor at Aling Silvia, simula daw ng bilhin ni Ezekiel ang bahay na 'to ay sila na ang nangangasiwa. Inilibot ako ni Aling Silvia sa buong bahay habang nagk'kwento ng masayang alala dito ng pamilya ni Ezekiel.

" At alam mo ba ng malaman ni Ezekiel na nagdadalang tao si Julia agad itong nagpahanda para sa isang maliit na selebrasyon. Dito kasi nila nalaman na nagdadalang tao na ito ng minsan din sila bumisita rito. " Pinakinggan ko lang sila hanggang sa huminto kami sa terrace ng bahay. " Dito pa nga nila pinlano ang magiging pangalan at buhay ng anak nilang si Noah. Bumalik sila sa Manila dahil sa trabahong naiwan nila doon mahigit dalawang buwan rin ang itinagal nila dito. Nang manganak si Julia ay agad silang pumunta rito para makita namin ang napakagwapong si Noah, kita mo sa Mata ng dalawa kung gaano sila kasaya at ka mahal ang isa't isa. Hanggang sa isang araw nabalitaan na lang namin namatay si Julia kasama ang ama ni Ezekiel na si Eduardo. " Ngumiti ako kay Aling Silvia, isa lang ang masasabi ko sa pamilya nila Eziekel perfect. Kung Hindi lang nawala si Julia malamang ay masaya si Eziekel at Hindi laging nakakunot ang noo. " Oh siya, puntahan na natin yung dalawa sa kusina at baka nasusunog na yung niluluto nila. " Parehas kaming natawa at nagtungo sa kusina.

" O nandiyan na pala kayo. Tamang tama at katatapos lang namin magluto ng agahan. " Sinilip ko si Eziekel na busy sa pagsasalin ng sinangag sa isang bowl. Nilapitan ko siya para tumulong.

" Hi! Tulungan na kita diyan. " Hindi pa man siya sumasagot ay kinuha ko na sa kamay niya ang lalagyan ng sinangag.

Tinignan niya ako saka ngumiti. " Thanks. " Pagkatapos niyang isalin ay pumunta na kami sa hapag kainan para sabayan sila Aling Silvia.

Napuno ng kwentuhan ang hapag kainan kahit may edad na sila Mang Nestor ay para itong mga teenager kung maglambingan sa isa't isa. Minsan ay sinubuan siya ni Aling Silvia sabay kukurutin naman ni Mang Nestor yung kanang pisngi ni Aling Silvia. Nagkakatitigan na lang kami ni Ezekiel at sabay na tatawa.

" Alam mo Stephanie ng makita kita kanina ay nagulat ako sa pag-aakala kong ikaw si Julia. Magkamukhang magkamukha kasi kayong dalawa. Pero ng ipakilala ka samin ni Ezekiel bilang Stephanie ay natuwa naman ako. " Dire-diretsong saad ni Aling Silvia, nagkatinginan naman kami ni Ezekiel dahil sa huli nitong sinabi.

" Natuwa po kayo? Bakit po? " Humagikgik naman ito na parang bata bago mag salita.

" Dahil sa loob ng limang taon na pagluluksa niya sa pagkawala ni Julia ay nasubukan niya na muling magmahal. " Parehas kaming nasamid ni Ezekiel dahil sa sagot ni Aling Silvia. Pagkatapos non ay parehas rin kaming natawa ni Ezekiel.

" Nako! Hindi ho! Hahaha nagt'trabaho lang po ako Kay Eziekel bilang tagapag'alaga ni Noah. " Tinignan ko si Eziekel na kumakain habang naka ngiti at umiiling iling pa.

" Kung alam niyo lang Manang. " Sagot nito pagkatapos lunukin yung pagkain niya.

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagprisinta na maghugas ng pinggan. Pinigilan ako ni Ezekiel, pero nagpumilit ako. Nakakahiya naman kase kung yung matanda pa ang maghuhugas. Nang mapunasan ko na ang mga pinggan ay nilapitan ako ni Ezekiel.

Sabi niya ay maligo muna kami dahil pupunta kami sa kabilang bayan dahil pista na doon. Dadalawin din niya yung farm na pagmamay-ari nila. Kaya pala gusto niya ako isama rito ay dahil para may katulong siyang mag'aasikaso rito. Dapat ay yung secretary niyang si Ruffa ang nandito ang kaso ay naka leave ito for one week, dahil uuwi ito sa Bicol dahil namatay ang lolo nito. Total may experience naman daw ako sa pagiging secretary. Kung paano niya nalaman yon? Wala rin akong ideya.

Ich'check lang naman daw niya kung maayos pa rin ang pagkakatakbo ng farm nila. Kasama rin namin sila mang Nestor dahil makiki'pista rin sila kagaya namin. Mamayang hapon pa raw ang mga palaro at naghahanda pa lang ang mga ito.

" Are you okay? " Bumaling ang atensyon ko kay Eziekel. Naglalakad kami papunta sa kulungan ng mga kabayo dahil naisipan naming mag horse back riding.

" Oo naman nage'enjoy nga ako eh. Paano pala si Noah? Sinong magbabantay sa kanya doon? " Tanong ko.

" I called Alice to look Noah for me. She's Noah's favorite auntie kaya wala tayong magiging problema. " Tumango tango na lang ako. So napaghandaan niya talaga 'to? Kung hindi lang tungkol 'to sa trabaho niya ay iisipin Kong gusto niya Kong masolo eh. Ayy? Anong masolo? Baliw ka na Stephanie, hindi ka naman gusto ni Ezekiel eh. Pero Malay mo diba? Total kamukha ko naman si Julia. Natawa at napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Impossible naman kasing magkagusto sakin si Eziekel eh. " Why are you laughing? " Tanong nito, kaya bahagya akong umiling.

" Wala, may naalala lang kasi ako. " Dahilan ko na lang, pero mukhang hindi kumbinsado sa sagot ko.

" May naalala ka lang? " Paninigurado niya. " O-oo naman, promise. " Ngumiti lang siya saka naunang maglakad.

Narating namin ang mga kabayo at tinignan namin ang mga ito. Narating namin ang pinakadulo ng kulungan at nakuha ang atensyon ko ng isang magandang kabayo. Puti ito at mahaba ang mga buhok. Sinubukan kong hawakan siya at hindi naman ito umiwas o gumawa ng kahit na ano ng mahawakan ko siya.

" She's Elysia and she's my fist love. Yeah she was still a baby and I was fourteen by that time ng iregalo siya sakin nila mommy. Nakakatawa man aminin pero na in love ako sa kabayong 'to. She's like a person to me, nagselos nga 'to sa--kay Julia dahil mas nabibigyan ko ng pansin si Julia kesa sa kanya. " Napangiti na lang ako at mas hinimas ko pa yung ulo ni Elysia.

" Hi Elysia! Ako si Stephanie at boss ko ang boyfriend mo! " Nagpakawala naman ito ng tunog niya kaya parehas kaming natawa ni Ezekiel.

" Hello there beautiful fella. I'm &@%#%@ ang nililigawan ng amo mo. "

Bahagya akong napahawak sa sentido ko dahil sa boses na narinig ko. Agad naman akong inalalayan ni Ezekiel at pinaupo sa sila na naroroon.

" Okay ka lang? " Tumango ako bilang sagot. Humingi naman siya ng tubing sa isang trabahador na naroon. " Are you sure okay ka lang? " tanong niya ulit.

" Oo nga, nahilo lang siguro ako sa dahil init. " Pagdadahilan ko na lang. " So ano? Pipili na ko ng kabayo. " Tumayo na ako para pumili ng kabayo ng hawakan niya ko sa braso.

" No, let's ride Elysia together. "

Itutuloy...

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

92.6K 9.4K 50
လူသားတစ်ယောက်ဖြစ်တဲ့အတွက် ခြွင်းချက်တွေရှိနေမှာပေါ့...... .....သို့သော် ချစ်ခြင်းမေတ္တာအတွက် ခြွင်းချက်တွေမလိုဘူးလေ (BL Drama,Romance) {Zaw+Uni} Star...
43.9K 2.8K 32
"When LOVE feels like Magic, you call it DESTINY. When DESTINY has a Sense of Humor, you call it SERENDIPITY." Genre: Romantic Comedy Author's Note: ...
2.9K 217 30
El Paraiso Series 1 This is not edited yet. Expect many errors. Date Started: November 02, 2020 Date Finished: September 08, 2021
3.7M 156K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...