His Indecent Proposal: Lander...

By JFstories

24.5M 714K 290K

She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her lif... More

Prologue
HIS INDECENT PROPOSAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
The Final Chapter
EPILOGUE

Chapter 9

718K 19.1K 3.5K
By JFstories


"LOLA Peach, ano po iyong kasal?" tanong ko kay lola na nakatanaw doon sa matandang lalaking kausap ni Just Lander na nagpakilalang Ybarra.


Hindi ko naman kilala kung sino ang lalaking iyon na bumaba mula sa helicopter. Iyong sasakyan na lumilipad dahil may electric fan sa itaas.


Bagama't nangunot ang noo ni lola ay nanatiling nakapako ang mga mata nya matandang lalaki. "Nakow! Saan mo naman narinig yan?"


"Sabi po kasi ni Just Lander ay pakakasalan nya raw ako."


"Ang ibig sabihn niyon ay gusto ka nyang maging asawa." Humahaba pa rin ang leeg nya.


"Asawa?"


"Gusto ka nyang maging kaisang-dibdib."


Nanlaki ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko. "Lola Peach, ano pong mangyayari pagakatapos?"


Kandahaba pa rin ang leeg ni lola. "Eh, di pag-aari ka na nya. Sa kanya ka lang at sa'yo lang sya."


"Kung ganoon po lola, magiging akin na lang sya?!" napakapit pa ako sa braso ni lola. Ang sarap kasing pakinggan na magiging akin lang si Just Lander.


"Ay, depungas na bata ere! Mamaya mo na nga ako kausapin at baka mawala ako sa pokus."


Napapatingala na lang ako habang nangi-ngiti. Gusto ko nang makasal kay Just Lander. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na sa aking sarili na gusto ko nang maging kanya at siya ay aking maging pagmamay-ari.


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong tuwa sa isiping magiging akin siya. 


Lalapit sana ako kay Just Lander nang sumulpot ang isang babae sa aking harapan. Ang babaeng ito ay may malawak na noo.


"I'm Chandra. Lander's woman." Tumaas ang kanyang isang kilay. "You're Jack, right?"


Hindi ko sya maintindihan. Maige na lang at nadinig ni lola na nasa aking likuran. Bumulong si lola Peach sa akin. "Ikaw si Jack, kanan?"


Bumaling ako kay Chandra at tumango.


Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa habang nakahalukipkip. Mayamaya pa'y umikot ang bilog ng kanyang mga mata. "Where did you come from?"


"Saan ka raw nagmula?" bumubulong si lola pero doon sya nakatingin sa Ybarra.


Sumagot ako. "Sa isang kwarto."


Pinaningkitan ako ni Chandra. "You mean, you're living with Lander?"


"Kung nabubuhay ka raw para kay Ser?"


Tumango ako. "Oo."


Bahagyang sumimangot si Chandra. "How about your family? Where are they?"


Family? Hindi na bumulong si Lola sa likuran ko. Nang lingunin ko ang matanda ay hindi siya makatingin sa akin. Bakit parang umiiwas siya sa magiging tanong ko? Tila tinakasan din siya ng kulay sa mukha, naging siyang kulay suka.


"Family! Pamilya!" Tila naiinis na sa akin si Chandra.


Ngumiti ako. "Si Lola Peach at si Just Lander."


Napapikit si Chandra at nagpakawala ng malalim na paghinga.


"Don't you have a mother?"


Nang lingunin ko si lola Peach para magtanong ay wala na ito. Bigla itong naglaho sa likuran ko na parang bula.


Humarap ako kay Chandra. " Ano nga yun ulit?"


"Mother, Jack. Mother!"


"Mother? Ano ba iyon?"


"You don't know a mother?" Hindi ko alam kung bakit napahalakhak ang babae. "Nanay. Ina."


"Nanay? Ina?"


Napailing si Chandra. "Oh... my... God..." Lumapit sya sa akin. "Sya iyong ipinagbuntis ka at nagluwal sa'yo. Iyong pinagmulan mo!"


Hindi ko sya maintindihan. Ano ba itong pinagsasasabi nya? Na may pinagmulan akong tao?


Na ipinagbuntis ako at iniluwal? Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi nya ba ako niloloko?


Bakit wala si Lola Peach para magpaliwanag sa akin?


Saka bakit ba hinahanap ni Chandra ang nanay at pamilya ko. Para sa akin ay sina Lola Peach at Lander lang ang pamilya ko. Sila lang ang kilala kong pamilya.


Pumamewang sya. "So, wala kang nanay? Wala kang magulang at wala kang pamilya?"


Umiling ako. "May pamilya nga ako. Sila Lola– "


"Hindi mo nga sila pamilya, Jack! Hindi mo sila kadugo." Bigla nya akong hinawakan at gigil na pinisil sa braso. "Just tell me the truth at wag mo akong gawing tanga!" pinadidilatan nya ako. "Sino ka ba talaga? Ano ka kay Lander? Saang lupalop ka niya napulot?!"


Natakot ako dahil nagkaroon ng ugat iyong malawak nyang sintido. Gayunpaman ay sumagot pa rin ako. "Pakakasalan ako ni Just Lander. Ako ang magiging asawa nya kaya siya ang pamilya ko! Sa kanya ako at magiging akin siya pag asawa ko na siya!"


Nagtagis ang mga ngipin ni Chandra. "Hindi ka lang pala tanga, ambisyosa ka pa!"


"Pero sabi niya..." Natigilan ako.


"You better listen to me, slut." Mas humigpit ang pagkakapit nya sa aking braso. "Hindi ka papakasalan ni Lander. Hindi siya ang klase ng lalaki na magpapakasal at magpapatali."


Napatulala ako kay Chandra.


Inilapit ni Chandra ang mukha nya sa mukha ko. "Nagsi-sinungaling lang siya sa'yo. At kung sakali man na talagang gugustuhin niya ng magpakasal, hindi ikaw ang pipiliin niyang pakasalan. Ako. Isiksik mo iyan sa kukote mo. Ako ang gugustuhin niyang pakasalan, kesa sa'yo!"


Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi, sabay nang marahang pagtungo. Ramdam ko ang sakit na gumuguhit sa loob ng aking dibdib.


"Demonyo siya, halimaw at walang pakiramdam, pero hindi ko siya kailanman sinukuan. Ako lang ang babaeng nagtagal sa kanya sa kahit anong set up pa na gusto niya. Umaalis man ako para magpalamig pero bumabalik pa rin ako sa kanya. Ako lang ang kayang gumawa noon kaya ako lang ang may karapatan sa kanya, naiintindihan mo?! Ako lang! Kaya hindi ka niya dapat pinag-aaksayahan ng panahon!"


Hindi ako ang papakasalan ni Just Lander?


Ibig sabihin ay hindi ako ang mapapangasawa si Just Lander... Hindi ako kundi siya.


At ibig sabihin ay hindi na magiging akin si Just Lander...


Napailing ako kasabay ng pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Hindi ko na kayang makinig kay Chandra. Parang may talim na nakakasugat ang mga sinasabi niya.


Tinabig ko ang kanyang kamay. Nabigla siya kaya nabitawan niya ako, sinamantala ko iyon para manakbo palayo.


Sa pagtalikod ko ay pumatak ang mga luhang kanina lang ay nagbabadya nang bumagsak mula sa mga mata ko. At tama nga ako. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa mga sinabi niya.


Nasasaktan ako kasi magiging kanya na si Just Lander.


Tumakbo pa ako nang tumakbo, hindi ako lumingon kahit tinatawag pa ako ni lola.


Ayaw kong makita nila akong umiiyak.


Nahihiya akong malaman nilang nasasaktan ako.


...


I'M WONDERING what happened to Aviona. Bigla siyang nawala kahapon at nang makauwi ako sa suite kinagabihan ay tulog na siya. Wala rin siyang imik hanggang sa makauwi kami sa mansiyon. Pagkatapos ngayon ay nagkukulong siya sa kanyang kwarto.


Ano kayang nangyari sa kanya? I wanna know what really happened but this is not the right time, though.


Saka ko na lang aalamin kung anong problema niya because I have more important thing to do today. I have to meet someone. Someone I must say my prey.


"How you doing, Lander?" Iniluwa mula sa pinto ang isang pustoryosang babae na hindi ganoon katandaan at di rin ganoon kabata ang edad.


Nalakbay ang paningin ko sa kabuuhan niya. She's Morta Galsim, isang tusong babae na biyuda ng isang mayamang negosyante. Ang babae ay sosyal mula ulo hanggang paa, yet she was having financial problem. Lulong sa casino at lubog sa mga pinagkakautangan.


I had her investigated. I know everything about her, even her darkest secrets. She killed her own sister para mapasakanya ang mayaman nitong asawa, at ngayon ay pinatay niya na rin ang lalaki matapos siyang mapakasalan. Nasa poder niya ngayon ang sted-daughter niya na kanya ring pamangkin. Hawak niya sa leeg ang dalaga, dahil papakinabangan niya pa ito.


Walang-wala siya ngayon. Ni hindi niya magalaw ang trust fund ng step-daughter dahil hindi pa tama ang oras.


Her late husband's company is about to declare bankruptcy. She's just lucky because I'm interested on her business, at dahil alam niya iyon kaya siya nasa harapan ko ngayon.


Isa lang naman ang Galsim's sa numero unong supplier ng chocolates and candies sa bansa at maging sa ibang bansa. At malaki ang maitutulong niyon sa hidden business ko.


Magagamit ko ang kompanya ng Galsim sa mga transaksyon ko ng cocaine. Magiging magandang taktika kung gagamitin ko ang itsura ng mga candies para sa susunod kong eksperimento ng mga droga.


Nagsalin ako ng wine sa dalawang kopita. "Never been better." Iniabot ko sa kanya ang isa.


Ngumiti sya. "Sa guwapo mong yan, wala ka pa ring kasintahan?"


Dinurog ko sa aking kamay ang kopitang hawak ko.


I don't have time on crap especially when it comes to business. Mukhang nakalimutan ni Morta kung sino ang kaharap niya. Dinurog ko sa aking kamay ang wineglass. Morta's eyes widened when she saw the blood on my hand.


"Do you even know who you talking to?" hindi ko alintana ang dugong pumapatak sa sahig dahil sa bubog na sumugat sa palad ko.


I endured anything that could hurt. Wala na lang sa akin ito dahil sanay na ako.


"I-Im sorry..."


Naka-ilang lunok muna sya bago nakapagsalita muli. "Fifty million... fifty million lang ang kailangan ko, Lander Montenegro."


"Now you're talking." Nagsalin muli ako sa aking kopita. "Proceed."


"I have a niece... she's also my step-daughter. She's single. At sa kanya nakapangalan ang Galsim's. Sa kanya ipinamana ng yumao kong asawa ang kumpanya."


Tiningnan ko ang babae. Sinusukat ang bawat salitang lumalabas sa nangangatal na mga labi.


"Marry her at bigyan mo ako ng pera, sa'yo na ang kompanya ko."


"What if I don't want to?"


"Why not? It's a win-win deal for you. Alam ko kung ano ang habol mo. Malaki ang kumpanya at di ka lugi sa fifty million kahit pa baon iyon sa utang. Makakaya mong ibangon iyon at alam kong kikitain mo rin ang fifty million, doble pa dahil sa mga binabalak mo."


Tinalikuran ko siya upang tanawin ang aking bintana.


Kinuha ni Morta ang handbag niya at isinukbit sa sariling balikat. "Think, Lander. Mapupunta sa ibang board members ang kompanya kapag hindi ka pa nagmadali. Marami nang nag-aabang doon ngayon."


Napapikit ako at pilit pinabagal ang oras. I can't stop thinking of what Ybarra said to me. Bukod sa planta sa Negros ay ilang planta na rin ang na-raid ng mga awtoridad sa akin nitong nakaraang taon. Dahil dito ay bumaba ang stocks ko at ang ilan sa mga board members ko ay nawala na.


"Lander, ang tanging paraan para mapasa'yo ito nang buo ay ang pirma ko kapalit ng bayad mo at ang pagpapakasal mo sa pamangkin ko na aking step-daughter, sa kanya nakapangalan ang kumpanya."


Napahilot ako sa aking sentido. Pilit tinatantiya ang mga bagay-bagay. Kakailanganin kong maagapan ang mga milyon-milyong perang nasasayang. 


I've got to do something or else ay isa-isang malulugi ang aking negosyo. The only way to survive is to increase the sales. And it could only happen if I export. Dollar has a higher value in peso. At kakailanganin ko ang company ni Morta para maisagawa ko ito.


"Her name is?" I asked abruptly.


Natigilan sya upang lingunin ako. "Rechelle Galsim. She's very beautiful, hindi ka lugi. Sa'yo na ang kumpanya, kapalit ng malaking halaga at pagpapakasal mo sa kanya."


I nodded my head. "Take her to me tomorrow morning."


"You can call her Apple. It's her nickname." Ramdam ang ngiti sa boses niya. "Do we have a deal now?"


Hindi ako sumagot bagkus ay inayos ko ang aking kurbata.


Nilingon ako ni Morta at bahagyang lumapit sa akin. "Are you going to marry her? Aren't you?" Paniniyak niya.


Pumamulsa ako.


"Mr. Montenegro, I need an answer." Lumapit pa sa akin si Morta at tiningala ako. "Gahol na ako sa oras."


Matagal ako bago nakasagot. "Yes."


She smiled. "Then we have a deal. Bukas na bukas din ay narito na sa mansiyon mo ang pamangkin ko, dito na siya titira. Ihanda mo na rin ang tseke para sa akin."


"Alright."


Lumawak ang ngisi ng biyuda.


Business is business. Hindi ako talo rito kahit pa may ibang binabalak ang Morta na ito. Paiikutin ko sa palad ko ang lahat ng alas.


And Aviona? Hindi siya makakaabala. May plano pa rin ako sa kanya. Siya pa rin ang pinaka-alas ko. Mas malaki pa rin ang magiging kapakinabangan ko sa kanya pagdating ng tamang oras.  


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
9M 184K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014