Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 19

2.1K 86 3
By winglessbee


Naging tahimik ang buong byahe. Sinilip ko si Cone na tahimik na nagmamameho. Nakakapanibago. Mukha kasi siyang seryosong tao ngayon.

Hindi na lang ako umimik. Wala naman akong pakielam sa kanya.

"Pam! Baby!" bungad ni Papa pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.

"Tss. Anong meron?" tanong ko.

"Magbihis ka, sa labas tayo magdidinner" ngiting ngiting sabi ni Papa

Naningkit ang mga mata ko. Iba pakiramdam ko sa dinner na to.

"I wont take no as an answer anak, kaya magbihis ka na" sabi ni Papa sa tumalikod na at umakyat ng hagdan. Hindi man lang hinintay ang sagot ko.

"Kikay" napahinto ako bigla sa paglalakad at agad napatingin kay apa.

"Catch" bigla nyang hinagis sakin yun susi. Leshe.

Sinamaan ko siya ng tingin, Ayoko kasi sa lahat yung binibigla ako.

Tumaas ang kilay niya habang nakangising aso. Sarap sapakin. Leshe.

"Hindi ka pala marunong sumalo? Tsk tsk tsk" iiling iling pa na sabi nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat na lang papunta sa kwarto ko.

Naligo agad ako at magbibihis na sana ng oversized shirt at jeans ng biglang kumatok yung si manang.

"Bakit ho?" tanong ko. Sumilip lang ako at nagtatago ang katawan ko sa pinto. Nakatapis lang kasi ako.

"Sabi ng Papa mo eto daw ang suotin mo ngayon. Naku, napakaganda nito! Bagay na bagay sayo!"

Naningkit bigla ang mga mata ko nang makita ko yung kahon na hawak ni manang.

Dinner lang naman, bakit kailan pang magbihis ng maganda?

Napailing na lang ako saka binuksan ng malaki ang pinto para makapasok si manang. Pinatong niya sa kama ang malaking kahon saka umalis din agad.

Binuksan ko ang kahon at bumungad sakin ang pale blue na knee-length dress. Simple lang pero halatang manahalin.

Napapikit ako at napahawak sa sentido ko.

Feeling ko magkakasakit ako kapag sinuot ko to. Psh.

Salubong ang kilay at seryoso ang mukha ni Papa pagbaba ko ng hagdan.

"Bakit ayan ang suot mo?" tanong niya habang tinitignan ang suot kong oversized shirt, jeans at jordan 4.

"komportable" simpleng sagot ko.

Bumuntong hininga si papa saka umiling. Alam naman kasi niya na hindi ako mapipilit kapag ayaw ko lalo na sa damit.

"Let's go" sabi ni Papa saka ako pinagbuksan ng pintuan sa passenger's seat.Hindi nagdadrive si Papa dahil may driver naman kami pero nagtataka ako kung bakit sa passenger's niya ko pinapaupo.

Nagtataka ko siyang tinignan pero nginitian niya lang ako kaya naman pumasok na lang ako. Sinundan ko siya habang mabilis siyang naglalakad papuntang driver's.

"May ipapakilala ako sayo" biglang sabi ni Papa pagkaandar ng sasakyan. "Dadaanan muna natin sila"

"Sino po?" curious na tanong ko though may hinala na ako.

"You'll know later" yun lang ang sagot niya bago itinuon na ang buong atensyon sa daan.

Tahimik lang ako buong byahe hanggang sa huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang malaking bahay, bumusina si Papa at maya maya lang may lumabas na babae.

Naningkit ang mga mata ko. Tama ang hinala ko na girlfriend ni Papa ang susunduin namin.

"Pam anak, pwede bang lumipat ka sa likod?" malambing na sabi ni Papa.

Nilingon ko muna siya at nagtaas ng kilay.

"Please?"

Napabuntong hininga na lang ako saka lumabas ng sasakyan at lumipat sa likod. Pumasok naman sa passenger's yung babae. Hindi ko pa masyadong makita ang buong mukha niya pero ayokong magaksaya ng oras para lang dun. Hindi naman ako against sa pakikipagrelasyon ulit ni Papa, basta ba wag lang nila akong pakikielam, ayos na ko.

Nag-usap sila pero hindi ko marinig kasi nagsalpak ako ng headset sa tenga ko. As if i care sa pinag-uusapan nila? Sa bintana lang ako nakatingin buong byahe.

Sa isang five star hotel kami tumigil. Hinawakan ni Papa ang braso ko bago pa ako makapasok sa lobby ng hotel. Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo pero hindi pa rin ako nagsasalita.

"Anak, i want you to meet Stella, my girlfriend" sabi ni Papa bago ako bitawan at siya namang hawak sa bewang ng girlfriend niya.

Naglahad ng kamay si Stella. "Just call me tita" sabi niya.

Tinitigan ko siya at lalo lang kumunot ang noo ko nang mamukhaan ko siya. "Ikaw yung event organizer" sabi ko.

Nakaplaster pa rin ang ngiti niya habang nakalahad ang kamay. Tumangi ako at tinitigan ang kamay niya saglit bago ko ito kinuha.

"Pam" simpleng sabi ko saka tumango.

"Let's go inside?" yaya ni Papa ng nakangiti.

Hinawakan niya ang kamay ko at sa kabilang kamay naman niya hawak ang kamay ng girlfriend niya. Kakakilala ko pa lang sa kanya kaya hindi ko pa masikmurang tawagin siyang tita. Atsaka, siya yung event organizer nung debut ko at hindi ko makakalimutan na inutus utusan niya ko noon. Psh. Pasalamat siya may manners ako.

Tahimik lang akong kumakain habang si Papa kwento ng kwento tungkol sa kung pano sila nagkakilala, etcetera etcetera.

Nagexcuse ako na magccr pagkatapos kong kainin ang dessert. Hindi ko pinapansin ang mga nakatingin sakin sa loob ng cr dahil sa suot ko. Napailing na lang ako. Hindi ko maintindihang kung bakit kailangan pang magdress kung kakain lang naman? Psh. Masabi lang na sosyal? Kingina.

Babalik na sana ako sa inuupuan ko pero parang naestatwa ako sa nakita ko.

Si Papa, nakaluhod sa harap ng umiiyak na si Stella habang may isinusuot sa daliri nito. Hindi na ko nagdalawang isip na umalis sa lugar na yun.

Mabilis akong naglakad palabas pero napahinto ng may mabangga ako.

"Sorry miss" sabi nito.

Hahawakan na sana niya ko sa balikat ng mapahinto siya at nanlalaki ang mga mata sa gulat. "Pamela?"

Kumunot ang noo ko ng mapagtanto kong si LWB pala to. Small world ha.
"Anong.." sumilip siya sa likod ko bago binalik ang tingin sakin "Mag-isa ka lang?" seryosong tanong niya 

Umiling ako saka siya nilagpasan.

"Wait!"

Kingina. Pwede bang kahit ngayon lang lubayan ako ng mga lesheng asungot?

"Aalis ka na? Ihahatid na kita" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Naka formal attire siya at halata namang may aatendan siyang dinner dito. Bakit niya ko ihahatid?

"Please?"

Nilagpasan ko ulit siya at nagtuloy tuloy palabas ng hotel, nararamdaman kong nakasunod lang siya sa likod ko.

Hindi ako nagabalang kumuha ng taxi. Naglakad lang ako hanggang makarating ako sa park. Walang masyadong tao dahil gabi na, naupo ako sa bench at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Naramdaman kong may naupo sa tabi ko pero hindi ko inabala pa ang sarili kong tignan kung sino. Alam kong si LWB yun.

"Hindi ako marunong magcomfort kaya hindi ko alam ang sasabihin ko" sabi niya.

"Hindi ko kailangan ng comfort"

"You looked sad, pissed, irked and disappointed at the same time, nakakapanibago"

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

Ngumiti siya sakin "Pero cute ka pa din" saka pinisil ang pisngi ko.

Tinapik ko ang kamay niya saka sinamaan siya ng tingin. "Sapak gusto mo?"

Tumawa siya saka tinaas ang dalawang kamay.  "Chill." Tumigil siya sa pagtawa at tumitig sakin. "I was wondering, what if i didn't ditch you on our date before? Tayo na kaya ngayon?"

"Asa ka pa" mabilis kong sagot.

"Talaga? E ngayon? May pag-asa ba ko sayo?" pinatong niya ang dalawang kamay niya sa bench saka tumingin sa malayo.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Asa ka pa" ulit ko.

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. "Still, hindi pa rin ako susuko. Im persistent, if you do not know" sabay tingin sakin.

Tss. Kayabangan. Nahiya ang hangin sa lakas ng hangin niya sa ulo. Kingina.

Tumayo na ko dahil lalo lang nadadagdagan ang kabadtripan ko.

"Where are you going? Ihahatid na kita" hindi ko siya sinagot at tuloy tuloy lang sa paglalakad. "Please Pamela, gabi na, baka kung mapano ka pa"

Kung wala lang sanang pasok bukas, hindi ako uuwi. Lumingon ako sa paligid, mukhang wala namang masasakyan ngayon kaya pumayag na kong magpahatid. Aartr pa ba ko? Hindi naman bagay sakin ang maginarte. Peste.

Pagkatigil ng sasakyan sa tapat ng bahay, nakita ko si Papa sa garden kasama ang girlfriend niya habang may kausap sa phone.

"Paandarin mo na" sabi ko.

"Ha?" naguguluhang tanong ni LWB.

"Ayoko pang umuwi" sabi ko lang saka tumingin sa bintana.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 73.3K 58
Alysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong i...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
30.7K 824 43
BOOK 2 Sometimes when we experience pain and heartaches our brains can suppress a memory out of our awareness. Savannah was so lost when she wake up...
133K 7.7K 53
(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusu...