The Relationship Code

By iDangs

15.8M 503K 163K

(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butt... More

The Relationship Code
Prologue
Chapter 1: Make her happy
Chapter 2: Mars and Venus
Chapter 3: Okay
Chapter 4: Say You Like Me
Chapter 5: More than enough
Chapter 6: Trouble
Chapter 7: Harana
Chapter 9: White lies
Chapter 10: Surprise
Chapter 11: Charm
Chapter 12: Birthday
Chapter 13: Emergency
Chapter 14: Charity
Chapter 15: Pride
Chapter 16: Stress reliever
Chapter 17: Guess who
Chapter 18: Playing the field
Chapter 19: By chance
Chapter 20: GNO
Chapter 21: 5
Chapter 22: Focus
Chapter 23: Christmas Gift
Chapter 24: Untitled
Chapter 25: Taken...
Chapter 26: Talk with the kids
Chapter 27: Triple kill
Chapter 28: Out of love or out of guilt
Chapter 29: Varsity team
Chapter 30: Drinking session
Chapter 31: Confrontation
Chapter 32: Girl talk
Chapter 33: Two reasons
Chapter 34: Confrontation
Chapter 35: Raffle
Chapter 36: Ex and present
Chapter 37: Mess I made
Chapter 38: Just like the old days
Chapter 39: Heart to heart talk
Chapter 40: Calm before the storm
Chapter 41: Post-graduate plans
Chapter 42: Decision
Chapter 43: Jealous
Chapter 44: ...
Chapter 45: Love letter
Chapter 46: Déjà vu
Chapter 47: Wonderwall
Chapter 48: For keeps
Chapter 49: Hello real life
Chapter 50: Reunion
Chapter 51: Group hug
Epilogue
Third Generation and Other Stories

Chapter 8: Monthsary

293K 9.9K 1.9K
By iDangs


Hailey's Point of View

Nang magising ako ay agad ko nang kinapa ang side table ko para hanapin ang phone ko. Nang makuha at buksan ko 'yon ay bumunga ang message ni Warren.


Happy monthsary, Hailey! I love you.


Natawa na lang ako nang makita ang pahabol niyang message.


P.S. :*


May pahabol pang kiss mark. Baliw talaga 'to. Pero in all fairness, kahit pang 26th monthsary na namin 'to kinikilig pa rin ako kapag nakakabasa ako ng message na ganyan galing sa kaniya. Sa 26th times na pagmemessage niya no'n, madalas ay tinatapat niya pa talaga na alas dose o bago mag-ala una isend ang text. Sa mga panahon naman na hindi niya naaabutan ang oras na 'yon dahil nakakatulog na siya, babatiin naman niya ako paggising na paggising niya.

Minsan nga binati niya ako ng alas quatro. Nagising lang pala siya ng gano'ng oras at nang marealize niya na hindi niya pa ako nababati ay nagmamadali na siyang itext ako.

Dahil alam kong tulog pa siya, naghilamos muna ako saka siya nireplyan.


Happy monthsary, Warren. Sorry hindi na naman ako nakabati ng alas dose sa 'yo. Inaantok na kasi ako. Ikaw nagpuyat ka na naman ha. See you later. Eat na when you wake up. I love you. :*


And send!


Ah. What a wonderful way to start the day.

Pagbaba ko ay inabutan kong nagluluto si Daddy at Mommy. Ginugulo pa nga ni Daddy si Mommy at bigla na lang kikilitiin o yayakapin kaya hindi magkandaugaga sa pagluluto si Mommy. 

Some may find it childish but I think it's sweet. After all those years, sobrang sweet pa rin nila. Kahit may edad na sila hindi pa rin sila tumitigil sa pagpapakita at pagpaparamdam ng feelings nila para sa isa't isa.

Sana kami man ni Warren maging kagaya nila. 'Yung sweet pa rin kahit matanda na. 'Yung maloko pa rin kahit may edad na. Kaya lang hindi naman kasing sweet ni Warren si Daddy maski ang papa niya. He has his own style of showing how much he loves me.


"O, nandiyan ka na pala, Hailey. Matatapos na 'tong niluluto ko. Umupo ka na diyan at mag-aalmusal na tayo."


***

"Happy Monthsary, Hailey!" bati sa akin ni Warren. "Saan tayo ngayon?"

"Wala kang plano?"

"Wala naman. Bakit?"


Lagi na lang talaga kaming ganito. Pahirapan kapag magcecelebrate na kasi mga walang plano.


"Anong gusto mong gawin?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam. Ikaw, anong gusto mo?"


Tanong ko, sagot ko ba 'to?


"Let's just eat. Tapos makipagkita na lang tayo kila Pipes mamaya. I heard they're going sa No Name to celebrate."

"Icecelebrate din nila monthsary natin?"


Bata palang kami kilala ko na si Warren kaya lang minsan talaga hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o sadyang slow lang.


"Seryoso ka ba?"


Napakunot siya ng noo at tumango. Hala, seryoso nga.


"Warren... magcecelebrate tayo para sa anniversary ng No Name. Every year ginagawa sa No Name 'yon, ha? Nakalimutan mo na?"

"Oo nga pala. Pero last last year lang naman tayo pinayagan maki-celebrate kaya nawala sa isip ko," katwiran pa niya. Sabagay. May point nga naman.


Kapag nagtagal at nakalimutan niya pa 'to ewan ko na lang.


"Okay, fine. Tara na. Kumain na tayo."


Tulad ng naging usapan, kumain nga lang kami at tumambay sandali. Inaya ko rin siya sa bookstore para mamili ng libro at hindi naman siya nagreklamo kahit hindi niya kagustuhan ang nakakakita ng mga libro.

Nang maggabi na ay nagpunta na kami sa No Name. Bago makapasok ay inabutan namin si Nate, Tamara at Pipes na kakababa lang ng kotse ni Nate.


"Kamusta date ng nagma-monthsary?" biro ni Nate at inakbayan kami ni Warren. "Saya ba?"

"Yeah. Kumain lang naman kami at nag-ikot-ikot. But it was fun," sagot ko sa kaniya.

"More monthsaries to come," sabi naman ni Piper at itinaas ang kamay na parang may invisible wine siyang hawak at ginaya ko naman ang ginawa niya.


Nang makapasok kami sa loob ay nandoon na ang mga magulang namin pati si Hunter. Sobrang crowded din since may promo na ginawa si Tito Ry para pasalamatan ang patrons ng bar.

Sobrang ingay pero parang ang side namin ang pinakamaingay. Pati mga magulang namin ay parang bumalik sa youth nila sa sobrang pagsasaya. With limit of course.


"Ang cute tingnan ng mga magulang niyo," sabi ni Tamara habang nakatingin sa kanila.


Napatingin din kami ni Pipes at napangiti, "I know, right? Their bond is too strong and they even passed it to their children. And no matter how many years have passed, they're still acting all lovey dovey."


"Oo nga. Tingnan niyo lang si Tito Ice at Tito Zoe... kulang na lang maglagay sila ng posas sa isa't isa. Kung nasaan 'yung isa, nandoon din 'yung isa pa. Sila Tito Xander naman sobrang sweet pa rin. Kahit ang tanda na nila pinapakita niya pa rin 'yung sweetness niya kay Tita Yannie."

"Maski 'yung parents niyong dalawa ganoon din. Siguro kaya sobrang saya ng grupo nila kasi ang saya rin ng individual at marriage life nila."

"Someday we'll be like that too."

"Ganyan? I wish," sagot ko.


Tiningnan ako ni Pipes at tinaasan ng kilay. Halatang may gusto siyang sabihin pero hindi lang niya itinuloy. Sa halip ay tumingin siya sa tatlong lalaki na busy sa paggawa ng mga kalokohan. Boys.


"Quit it, boys. Sinasayang niyo 'yung inumin. Huwag niyo paghalo-haluin. Now nobody will drink that," suway ni Piper sa kanila.

"Itong mga 'to sinayang lang 'yan," inis naman na sabi ni Tamara. Ayaw na ayaw pa naman niya ng may nasasayang.

"Hindi sayang 'yan," sagot ni Nate at kinuha ang inumin at ininom.


Pipigilan sana namin siya kasi baka mamaya hindi ayos na inumin 'yon pero wala na. Sa isang iglap naubos na niya. Hindi ko talaga alam kung anong problema ni Nate sa utak. Adik ba siya at ginawa niya 'yon?


"Siraulo ka ba?" tanong ni Hunter sa kaniya.

"You, idiot! Kapag ikaw sinakitan ng tiyan, sikmura o kung ano man! You're crazy, Nate."

"I know. Kaya nga bestfriends tayo 'di ba, Pipes?" Kinurot siya ni Piper at natawa na lang siya. "Pero kasi... sabi ni Tammy sayang daw. Kaya para hindi sayang, inumin na lang."

"Ah, siraulo nga. Sira ang ulo sa pag-ibig," kantyaw ni Warren sa kaniya kaya pinagtawanan at tinukso siya ng iba.


Tingin ko man may tama siya sa utak, para sa akin, ang sweet ng reason niya kung bakit niya ginawa 'yon. Two thumbs up para kay Nate dahil diyan.


***

Pagpasok ko ng classroom ay sumalubong sa akin ang blockmates kong mga babae na nagkukumpulan sa gitna. Dala ng curiosity, lumapit ako sa kanila at kinalabit ang pinakamalapit sa tinatayuan.


"Anong meron?"


Ipit ang tili niya at tinuro 'yung isa naming kaklase, "Sinurprise si Emma ng boyfriend niya."

Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na nagkalat ang balloons at may mga bulaklak pa. Nang tingnan ko si Emma ay may hawak pa siyang bouquet of roses at chocolates.


"Wow. Ang sweet ng boyfriend mo," hindi ko napigilang mapakumento.


Napatingin sa akin si Emma at ngumiti, "Thanks, Hails. Pero 'di ba parang normal lang naman 'to kapag may boyfriend ka?"


"Huh?"

"Normal lang na maging sweet siya from time to time. Normal lang na i-spoil ka niya lalo na kapag monthsary niyo. Most boyfriends do that."

"'Yung boyfriend mo ba ganoon din?" tanong ko sa katabi ko nang daldalin na ulit ng iba si Emma.

"Wala akong boyfriend ngayon pero 'yung ex ko nag-eeffort naman kapag monthsary namin. Every monthsary nga lang siya gano'n. Kapag normal na araw balik na siya sa normal self niya."


At least nag-eeffort pa rin siya. Isip isip ko.

Parang never naman kasi ako nakaranas ng ganitong klase ng effort from Warren. Well... okay. There's this one time na nag-effort siya para sa akin to the point na nanghingi pa siya ng tulong kila Nate. 'Yon 'yung araw na sinagot ko siya.

One time big time kumbaga.


"Hindi ba ganoon si Warren? Kung titingnan mo kasi siya mukhang ang sweet naman niya."


Sweet, eh? Maybe in his own way.

Nginitian ko lang ang ka-block ko bilang sagot.


***

I have to admit, what happened earlier keeps on bothering me.

Lagpas two years na kami ni Warren pero bakit nga ba hindi ako nakaranas ng ganoong klase ng effort sa monthsary namin. 'Yung recent monthsary nga namin binati lang niya ako tapos ayon na 'yun. Wala man lang siya kaplano-plano.

Siguro sasabihin ng iba na matagal na kami kaya hindi na kailangan mag-effort. But the things is... maski noong bago palang kami never niya ginawa 'yon. Dahil ba 'yon sa ako ang naunang magkagusto sa kaniya kaya hindi na niya iniisip mag-effort? Kasi alam niyang patay na patay ako sa kaniya noon pa?

I'm a girl. I want to be spoiled by him once in awhile.


"Hey, ayos ka lang ba? Ang tahimik mo," siko sa akin ni Warren.


Nasa amin siya ngayon at nanonood kami ng tv. Kanina pa ata siya nagsasalita pero wala akong narinig sa mga sinabi niya.

Bakit ba naman kasi kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko?


"Okay ka lang ba?" tanong pa ulit niya.


Tumango ako bilang sagot. Kaya lang... "Warren, bakit hindi ka sweet?"


"Ha?"

"I mean... tinanong mo ako last time kung gusto kong maging sweet ka and I said yes. Naging sweet ka nga ng ilang araw pero bumalik ka rin sa dati."

"Wala lang talaga sa nature ko siguro ang maging sweet."

"Bakit si Tito Xander? Papa mo siya 'di ba?"


Tumango siya, "Siguro nagmana ako kay mama na hindi masyado nagpapakita ng pagiging sweet."


"Oh."


Natahimik kaming dalawa. Napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko, "Do you really want me to be sweet?"

"Yes," sagot ko kaagad.

"Hindi ko magagawang mangako. Pero susubukan ko."

Susubukan? Hmm. Parang nasabi na niya dati 'yon. Kaya lang okay na 'yon. Kaysa hindi niya talaga subukan.

Let's see kung ano mangyayari.


Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 28.6K 7
Synopsis: Shaylie is a typical fifteen-year-old girl from a religious family. Terrence, on the other hand, is not your average boy. To Shaylie, Terre...
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong
119K 3.6K 11
The 366 Days is too many parts so, I decided to write another book to continue it. I can't able to add part. I'm forced to do this separated one. Tha...
1.4K 109 22
Flora Grace Bautista came from a poor family, yet she's still grateful about it. She has loving parents that every child asked for. But, the world be...