The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

55: Broken hearted Troy

3.3M 74.6K 33.1K
By blue_maiden

TROY

Hindi maalis sa isip ko si Jaycee.

Noong nakita ko siya kahapon noong sinundo namin sina Tita Janice sa airport, hindi man lang siya makatingin sa 'kin. Do'n lang pumasok sa isip ko na may problema nga kami pero hindi ko alam kung ano 'yon. 'Yon ang kailangan kong alamin.

Sabado noong araw na 'yon kaya wala kaming pasok. Balak ko sana siyang puntahan na kaso may practice kami ng basketball. Pagdating ko sa gym ng school namin, nakita ko na sina Jeydon. Takte, ang aga ng mga 'to, ah.

"Hoy, Troy! Sabi ko nine ang practice natin, 'di ba? Anong oras na?"

Taena ni Charles. Ten minutes pa lang naman akong late.

"Late agad? Hindi ba pwedeng na-traffic lang?" Ang totoo, wala akong tulog kakaisip kay Jaycee kaso hindi ko naman pwedeng sabihin 'yon sa kanila.

"Ulol! Baka sabihin mo, nag-bar ka pa kagabi. Kailan ka ba magseseryoso? Puro ka na lang laro."

Haha! Kung alam mo lang, Jaydee... kung alam mo lang.

"Hoy, Jaydee, ang yabang mo porke't may Candice ka na? Ganyan ka rin naman dati kagaya ni Troy."

"Asa ka, Marky! Bitter ka lang sa 'kin kasi mas pinili ako ni Candice kesa sa 'yo!" Tumawa siya. Ang gago talaga ni Jeydon.

"Haha! Sorry ka, three years niya akong crush. Beat that, huh?" Biglang umusok 'yong tenga ni ni Jaydee. Magiging dragon na naman 'yong Doraemon na 'yon.

"Past is past!" Kita mo 'yong abnormal na 'yon, nag-walk out bigla. Siya 'yong unang nakipag-asaran pero siya rin pala 'yong mapipikon. Pagdating talaga kay Candice, mabilis siyang maasar.

Pagdating ni Coach, nag-practice agad kami. Next week kasi, kakalabanin namin 'yong school nina Brandon. Court nila 'yong gagamitin kaya may advantage sila nang kaunti, hindi dahil sa mas marami silang supporters. Marumi kasing maglaro 'yong school nila, isama mo na 'yong madadayang referees. Kaya sabi ni Coach, kailangan handa na kami sa mga dirty tactics nila. 'Sus, kahit ano pang gawin ng mga 'yon, hindi nila kami matatalo. Sa mukha pa lang, walang-wala na sila sa 'min. Haha! Sa mukha ko pa lang, panalo na kami.

Habang nagpa-practice kami, parang lutang 'yong utak ko. Tatlong beses na akong tinamaan ng bola. Taena talaga, baka mamaya, magkapasa 'yong napakagwapo kong mukha. Lahat ng tira ko, hindi pumapasok, puro sigaw tuloy ang inabot ko kay Coach.

First time kong sumaya na tapos na 'yong practice namin, wala kasi talaga ako sa mood. Gusto kong makita si Jaycee.

"Troy, okay ka lang? Wala ka sa sarili mo." Lumapit din sa 'kin sina Charles at Marky.

"Oo nga, p're. Ayos ka lang ba?" Tsk, gano'n na ba kahalata para mapansin ng tatlo?

"Okay lang ako, marami lang akong iniisip." Kinuha ko 'yong bag ko. Mas mabuti pang kausapin ko na si Jaycee para hindi ako nagkakaganoon.

"Inom tayo mamaya? Babae lang ang katapat niyan!" Gago talaga si Charles, mukha ba akong babae? Inosente kaya ako sa mga ganyan! Haha.

"Pass ako, alam n'yo namang loyal ako kay Candice." Napatingin kaming tatlo kay Jaydee. Babatuhin ko sana siya ng towel na hawak ko pero binato na siya ng towel ni Marky.

"Loyal mo ang mukha mo!"

"Bitter much? Haha! Bahala nga kayo, magkikita pa kami ni Aso." Bago siya nakaalis, hinila siya ni Charles pabalik.

"Saan kayo pupunta ni Manang?"

"Magde-date kami. Ba-bakit?" Mukhang kinabahan siya, nadulas siguro. Huli ka, balbon!

"Nagpaalam ka na ba sa 'kin?"

"Ay, sorry, bayaw. Magde-date pala kami ni Candice, hehe okay na ba? Sige, bye!" Bigla siyang tumakbo palayo sa 'min.

"Alis na rin ako," paalam ko.

"Sigurado ka bang okay ka lang, Troy?"

"Oo, p're. Salamat pero ayos lang talaga ako. Sige!" Umalis na rin ako ro'n baka tanungin pa ako nina Charles at Marky, madulas pa ako.

Dumiretso na ako sa mall. Kumain muna ko bago ako pumunta sa shop ni Jaycee. Nasa labas lang ako ng shop niya. Hindi ako pwedeng pumasok sa loob ng shop na ako lang mag-isa. Iniiwasan kasi ni Jaycee na makita kami ng mga staff niya.

Siguro isang oras na akong naghihintay sa labas pero hindi ko pa rin siya nakita. Minabuti kong maglibot-libot muna.

Pumunta na lang ako ng Dairy Queen. Sabi nila, kapag malungkot ka, kumain raw ng ice cream. Mas mabuti pa ngang kumain na lang ako para mawala naman 'yong lungkot ko.

Papunta na kong DQ kaso may nakabangga naman ako.

"What the hell?!"

Hindi ko pa nakikita kung sino siya kasi napatingin ako sa sahig noong nagkabanggaan kami. Gago 'to, ah. Sigawan daw ba ako? Suntukin ko kaya 'to? Inangat ko ka agad 'yong ulo ko para makita ko ang mukha niya.

"Hoy, pare! Sinong may sabi sa 'yong sigawan mo ako? Hindi mo—Shawn?!"

"Troy, pare!"

Hindi ako makapaniwalang nandoon siya. "Gago ka, akala ko kung sino, ikaw lang pala! Kailan ka pa bumalik? Hindi ka man lang nagpasabing mokong ka!"

"Haha! Sorry, pare. Balak ko sana kayong sorpresahin bukas. Tamang-tama nga, engagement ni Jaydee bukas. In-invite ako ni Tito Dave." Parang walang nagbago sa kanya. Kagaya pa rin siya ng dati, four years ago.

"Saan ka pupunta?"

"Wala, naglilibot lang ako pero pauwi na rin naman. Ikaw?"

"Ah, wala, nagpapalamig lang."

"Sige, una na ako, ah. Kita na lang tayo bukas, huwag mo munang sabihin sa tatlo."

"Sige, sige!"

Mukhang nagmamadali siyang umalis. Ano kayang magiging reaskyon no'ng tatlo kapag nakita nila si Shawn? Lalo na si Jaydee, anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya 'yong dati niyang best friend?

Speaking of Jeydon...

"Huy!"

"Pusang-gala!" Gulat na gulat siya noong nakita niya ako. Dito ba sila nagde-date ni Candice?

"Nasaan si Candice? May date kayo, 'di ba?"

"Aish, nasa DQ! Date? Paanong magiging date 'yon? E, si Jayshin, buntot nang buntot sa 'ming dalawa. Bad trip nga, e." Haha! Kaya pala hindi maipinta 'yong mukha niya.

"Gusto mo, pati ako, makisali sa inyo?"

"Leche! Huwag ka nang makigulo sa 'min. Bakit ka ba nandito? Uminom ka na lang do'n sa bar mo!"

"Nay pinapabili kasi sa 'kin si mommy sa shop ng ate mo. Nandiyan ba siya sa shop?" Mukha namang hindi siya maghihinala sa tanong ko.

"Oo, hanggang mamaya pa riyan si Noona. Mabuti pa, isama mo si Jayshin sa shop ni Noona para naman umalis na siya!"

"Ayoko nga. Ano ako, yaya ng kapatid mo? Haha, bahala ka riyan!" Tumakbo ako papalayo sa kanya. Haha! Akala niya, ah. Magdusa siya.

Naglakad-lakad na lang muna ako habang hinihintay kong magsara 'yong shop ni Jaycee. Noong napadaan ako sa Starbucks, sakto namang nakita ko siya.

"Jaycee!" Nilapitan ko ka agad siya.

"Bakit nandito ka?"

Nag-pout ako sa kanya. Sounded like she didn't want to see me. "You don't miss me, huh?"

"Troy, stop acting like a kid. Marami lang akong ginagawa."

"Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo? Masyado ka yatang busy?"

Bigla niyang natapon 'yong kapeng iniinom niya. Kinuha ko agad 'yong panyo ko para punasan 'yong damit niya.

"Huwag na. Kaya ko na 'to. I have to go back, Troy." Nagmamadali siyang umalis pero pinigilan ko siya. May kakaiba sa kanya at hindi niya pwedeng itago sa 'kin 'yon.

"Jaycee, may problema ba?"

"Wala. Troy, please, kailangan ko nang umalis." Binitawan niya agad 'yong kamay ko.

"Jaycee, please, may nagawa ba ako? Bakit ang lamig mo na sa 'kin?"

"Troy, busy lang ako. Okay? I have to go."

"Okay." Noong umalis siya, hindi man lang niya ako nilingon. Parang hindi na siya 'yong Jaycee na nakilala ko .

Nagbulag-bulagan lang naman ako na wala kaming problema ni Jaycee pero isang linggo na rin simula noong naging malamig siya sa 'kin. Sa isang araw, tatlong beses na lang siya mag-text kumpara sa halos isang daan kong text sa kanya. Halos hindi na rin kami nagkikita. Alam ko namang dadating talaga 'yong araw na 'yon, e. Pero kahit gano'n, ipinaglaban ko pa rin siya. Hindi ko kaya kapag wala siya.

Naghintay ako sa parking ng mall sa tapat ng kotse niya. Kailangan ayusin ko na 'yon. Kailangan kasi kung hindi, baka hindi ko kayanin. Apat na oras akong naghintay sa tapat ng kotse niya. Apat na oras akong nakatanga, iniisip siya.

Muntik na nga akong makatulog sa pwesto ko pero narinig ko 'yong boses niya.

"Troy? Kanina ka pa ba riyan?"

Hinawakan ko kaagad 'yong kamay niya. "Baby naman, huwag mo na akong tawagin sa pangalan ko. Dalawa na lang tayo rito. I miss the way you call me baby." Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang nagbago 'yong expression ng mukha niya.

"Stop it, Troy." Gusto niyang kumawala sa pagkakahawak ko sa kanya pero hinila ko siya papalapit sa 'kin. Niyakap ko siya.

"Jaycee, miss na miss na kita. Bakit ka ba ganyan sa 'kin? May ginawa ba ako sa 'yo? Sabihin mo naman, o. Nahihirapan na ako." Fuck, pa rang naiiyak pa ako. Nilayo niya ako sa kanya.

"Troy, tama na! Tapos na tayo!"

Hindi ko alam 'yong gagawin ko. Ano ba 'yong narinig ko? Tapos na kami? Panaginip lang 'yon, 'di ba? Hindi naman totoo lahat ng narinig ko, 'di ba? Haha! Tama, panaginip lang naman lahat ng 'to, e. Humarap ako sa pader at sinuntok iyon nang sobrang lakas. Doon ko lang nalamang mali pala ako. Totoo pala ang lahat ng 'yon. Nakita ko 'yong dugo sa kamao ko at naramdaman ko 'yong sakit. Pero walang-wala 'yon sa sakit na naramdaman ng puso ko.

"Troy, I'm sorry... Please, tama na."

Hinarap ko si Jaycee, umiiyak siya. Bakit siya umiiyak? 'Di ba, 'yon naman ang gusto niya?

"Ano bang nagawa ko, Jaycee? Meron ba? Kung meron, sabihin mo, itatama ko 'yon." Pinunasan ko 'yong luha sa mata niya, kahit sinasaktan niya ako, hindi ko pa rin siya kayang makitang umiiyak.

"Naisip ko lang na mali 'to, na hindi 'to tama kaya mas mabuti pang tapusin ko na 'to habang maaga pa."

"Jaycee naman, e! Ganu'n-gano'n na lang ba 'yon? Itatapon mo na lang basta 'yong ilang taong pinagsamahan natin? Akala ko ba, hihintayin mo lang na mag-eighteen ako? Dalawang linggo na lang 'yon, e!" Wala na kong pakialam kung umiyak na ako. Taena, ang sakit, e.

"Mas mabuti na 'to, Troy. Marami ka pang makikilalang kasing-edad mo. Hindi 'yong katulad kong mas matanda sa 'yo, 'yong may asawa na. Simula pa lang naman, alam na nating mali 'to. And I'm sorry, kasalanan ko lahat ng 'to."

Gusto kong matawa sa mga sinabi niya. Maghanap ng iba? Haha! "Tangina, kung kaya ko nga lang maghanap ng kasingbata ko, 'yong walang asawa, 'yong wala akong problema, ginawa ko na, e! Kaso wala, e, kasi, Jaycee, ikaw 'yong mahal ko, ikaw!" Lumuhod ako sa harap niya. Hindi ko kayang mawala siya sa 'kin, hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya.

"Troy, tumayo ka riyan. Huwag mo nang pahirapan 'yong sarili mo, please. Alam ko namang kakayanin mong wala ako. Alam kong ngayon lang 'yan pero mawawala rin 'yang sakit na nararamdaman mo."

"Hindi, e! Hindi ko kaya, Jaycee, e. Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko. Jaycee naman, huwag mo akong iwan, nagmamakaawa ako sa 'yo." Hinawakan ko 'yong braso niya, hindi siya makatingin sa 'kin. Nanlabo na 'yong mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Troy, kasi—" Bigla siyang nagtakip ng bibig niya. Lumayo siya sa 'kin tapos nagsuka siya. Huwag mong sabihing...

"Buntis ka?!" Lumapit ako sa kanya at hinarap ko siya sa 'kin.

"I'm sorry, Troy."

"Sagutin mo ako!"

Mas lumakas 'yong iyak niya. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay 'yong sagot niya.

"Oo, buntis ako! 'Yon ang totoong dahilan kaya nakikipaghiwalay na ako sa 'yo. Troy, magkakapamilya na kami ni Louis, kaya hindi ko kayang masira 'yong pagsasama namin. Kaya ako umiiwas sa 'yo kasi pinipilit na kitang kalimutan."

Nanginig na 'yong kamay ko sa galit. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng sinabi niya sa 'kin.

"Alam mo, unfair ka, e! Pinaasa mo ako tapos nagmo-move on ka na pala? Haha! Ang galing, ah. Ang galing no'n, Jaycee, ang galing mo."

Lumapit siya sa 'kin, hahawakan niya sana 'yong kamay ko pero inilayo ko agad sa kanya 'yon.

"Troy, hindi totoo 'yan, hindi kita pinaasa!"

Tiningnan ko siya na parang diring-diri ako sa kanya. "Tama na. Umalis ka na."

"Pero—"

"Umalis ka na!"

Naglakad siya papunta sa kotse niya. Umiiyak siya. Bago siya pumasok sa loob, tiningnan niya muna ako. Noong nasa kotse na siya, umalis na rin siya.

"Bakit, Jaycee? Bakit?"

Napasandal ako pader sa likod ko. Ang sakit, e. Sobrang sakit. 'Yong babaeng minahal mo nang sobra nang ilang taon, mawawala na lang nang gano'n sa 'yo. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan, hindi ko na siya pwedeng ipaglaban kasi magkakaanak na sila ng asawa niya. Ano pa bang laban ko? Wala na, wala na akong magagawa. Parang dinurog 'yong puso ko. Sobrang sakit, e.

Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar 'yon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero wala akong pakialam. Gusto ko lang makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala na akong pakialam kahit sobrang bilis kong magpatakbo. Wala akong pakialam kahit mabangga pa ako, kahit mamatay ako. Mas mabuti pa ngang mamatay na lang ako, e.

Ang sakit... sobrang sakit.

TIFFANY

Grabe, ang sarap talagang kumain ng isaw. Kahit street food 'yon, nasasarapan ako. Buti na lang palaging nandoon si ateng nagtitinda ng isaw.

"Miss Tiffany, baka po hinahanap na kayo ng daddy n'yo."

"Ano ka ba naman, Chard? Hindi 'yon!"

Kakainin ko na sana 'yong isaw ko kaso nakita ko si Troy sa kotse niya. Naka-red 'yong stoplight kaya nakahinto 'yong kotse niya. Saan kaya siya pupunta? Bakit parang umiiyak siya? Tatawagin ko pa lang sana siya kaso umandar na 'yong kotse niya. Sobrang bilis niyang magpatakbo. Ayos lang kaya siya?

"Chard! Alis na tayo!"

"Hay, salamat. Uuwi na ba tayo, Miss Tiffany?"

"Hindi! Hindi! Susundan natin si Troy! Tara, dali!"

Napakamot na lang ng ulo si Chard. Pasensya na, Chard. Mamaya na tayo uuwi, susundan pa natin si Troy. Sigurado na akong may problema siya kaya kailangang kausapin ko siya.

Parang isang oras na naming nilibot 'yong mga kalsada pero hindi namin makita 'yong kotse ni Troy. Paano ba namin mahahabol 'yon, e, ang bilis-bilis niyang magpatakbo? Inisip ko na lang 'yong mga pwede niyang puntahan. Naisip ko kaagad 'yong bar niya.

Tama nga 'yong hinala ko, nakita ko 'yong kotse niya ro'n sa tapat ng bar niya. Bumaba agad ako ng sasakyan.

"Miss Tiffany! Saan kayo pupunta?"

"Basta umuwi ka na, Chard! Ako na ang bahala rito!"

Magsasalita pa sana siya pero sinamaan ko agad siya ng tingin. Naku! Mas kailangan kong makita si Troy. Wala akong pakialam kahit pagalitan pa ako ni Daddy.

Pumasok agad ako sa bar, ang ingay roon. Sa totoo lang, minsan lang talaga ako mag-bar, ayoko kasi sa masyadong maingay. Si Stacey lang naman 'yong aya nang aya sa 'kin sa mga ganoong lugar. Hinanap ko si Troy kung saan-saan pero hindi ko siya nakita. Tiningnan ko 'yong VIP sa taas at nakita ko siya roon, umiinom mag-isa.

Aakyat na sana ako sa loob pero pinigilan ako ng bouncer. Hmpf! Hoy, kuya, papasukin mo ako kung ayaw mong ma-flying kick kita!

"Sorry, miss. Ayaw ni Boss magpaistorbo."

"Kaibigan niya ako kaya payagan mo na akong pumasok, please!"

"Sorry, bawal talaga, e."

Nakakainis na siya, ah! Kaso hindi ko siya kaya. Ang laki-laki ng katawan niya, e. Magpapaawa effect na lang ako sa kanya.

"Sige na, kuya, please." Ginamitan ko siya ng super puppy-dog eyes ko. Hoy, kuya, huwag ka nang choosy riyan! Papasukin mo na ako! Kailangan kong makausap si Troy! Huhu.

"Sige na nga. Pero ikaw ang bahala sa 'kin kapag nagalit si Boss, ah!"

"Oo, akong bahala sa 'yo. Thanks, Kuya Bouncer."

Umakyat agad ako sa taas. Nakita ko si Troy na nakakatatlong bote na ng vodka. Ano bang ginagawa niya? Bakit nagpapakalasing siya nang ganoon? Noong iinumin na niya 'yong isa pang baso ng vodka, pinigilan ko siya.

"Tama na 'yan! Nakakarami ka na!"

Nagulat siya noong nakita niya ako. "Anong ginagawa mo rito? Sabi ko, walang pwedeng umakyat dito!"

"Troy, ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Tama na nga!" Kinuha ko 'yong baso niya ng alak.

"Huwag ka ngang makialam! Sino ka ba sa buhay ko?"

Ouch. Ouch lang talaga. Sino ako sa buhay niya? Ako lang naman 'yong babaeng mahal na mahal siya. 'Yong babaeng nagpapakatanga sa kanya. Hindi ko tuloy napigilang umiyak.

"Ano, iiyak-iiyak ka ngayon? Alam mo, Tiffany, umalis ka na lang! Hindi kita kailangan!"

"Troy, tama na..." Hindi ako makatingin sa kanya, nakayuko lang ako habang umiiyak.

"Leave me alone!"

"Iiwan lang kita kapag tumigil ka na sa pag-inom mo!"

Nairita siya sa 'kin kaya tumayo siya tapos bumaba. Sinundan ko agad siya, sumakay siya sa kotse niya. Hindi siya pwedeng mag-drive! Lasing siya! Kaso huli na ako, nakasakay na siya sa kotse niya. Pumasok na lang ako sa kotse niya sa tabi niya.

"Bumaba ka!"

"Hindi, lasing ka! Huwag ka nang mag-drive!"

"Bahala ka sa buhay mo!"

Pinaandar niya nang mabilis 'yong kotse niya. Sobrang bilis niyang magpatakbo, ilang beses na kaming muntik mabangga.

"Troy, dahan-dahan lang." Pagkasabi ko no'n muntik na ulit kaming mabangga. Naiyak na lang ako. Ano ba kasing nangyayari sa kanya?

Noong nakarating kami sa tabi no'ng ilog, ihininto niya 'yong kotse. Bumaba siya at sinundan ko lang siya.

"Ahhhhh!" Sobrang lakas ng sigaw niya, buti na lang, kami lang ang nandoon. Napaupo siya at napaiyak. Tumabi agad ako sa kanya. Natakot akong magsalita, baka magalit siya sa 'kin.

"Ang sakit... sobrang sakit, e. Mahal na mahal ko siya, e! Tapos... tapos iiwan niya lang ako nang ganito."

Parang sinaksak ang puso ko. Ang sakit marinig na kaya siya nagkagano'n ay dahil sa isang babae. Ang sakit makitang nasasaktan siya.

"Nagmahal lang naman ako, e, pero bakit ako nasasaktan nang ganito?"

Hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak niya. Lumapit ako sa kanya tapos pinatong ko 'yong ulo niya sa balikat ko.

"Ang tanga-tanga ko, e. Minahal ko siya kahit iba naman 'yong mahal niya! Isa akong malaking tanga!"

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang sumigaw, hinayaan ko lang siyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin. Maya-maya, hindi na siya nagsalita. Tiningnan ko siya, nakatulog na pala siya. Pinatong ko 'yong ulo niya sa hita ko.

"Alam mo, Troy, hindi lang naman ikaw 'yong tanga rito, e. Ako rin." Hindi ko napigilang umiyak, pinunasan ko ka agad, baka magising siya.

"Ang tanga ko kasi kahit alam kong iba 'yong mahal mo, mahal pa rin kita, kahit na hindi mo ako napapansin. Alam mo bang nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan? Sana ako na lang 'yong mahal mo. Sana ako na lang."

Hindi ko na talaga napigilan 'yong iyak ko. Naisip kong mas mabuti pa, iuwi ko na si Troy sa kanila. Malamig na rin sa labas, baka mamaya, magkasakit pa siya.

Binuhat ko siya kahit na bigat na bigat ako. Ipinasok ko siya sa kotse niya. Kinuha ko 'yong susi ng kotse sa bulsa niya at pinaandar ang makina. Ninerbyos ako. Wala akong lisensya tsaka hindi ako masyadong marunong mag-drive.

Pinilit ko na lang na makarating sa bahay nina Troy. Pinagbuksan naman nila kami ng pintuan. Noong nandoon na ako sa loob, wala 'yong mommy ni Troy. Puro katulong lang kaya sabi ko roon sa maid, ako na lang ang maghahatid kay Troy sa kwarto niya.

Hiniga ko ka agad siya sa kama niya. Ang bigat niya, ha? Amoy alak pa rin siya kaya naghanap ako ng damit sa closet niya. Tinanggal ko 'yong damit niya. OMG! Ang ganda ng katawan niya. Ay, baliw ka, Tiffany! Ano ba 'yang iniisip mo? Tsk, tsk.

Sinuot ko na agad sa kanya 'yong T-shirt niya. Noong nakita kong okay na siya, kinumutan ko siya. Minabuti kong umalis na.

"Huwag mo akong iwan..."

Hala, uuwi na ako, Troy! Lagot ako kay Daddy. Ano bang gagawin ko? Huwag ko raw siyang iwan? Sige na nga.

"Matulog ka na. Dito lang ako sa tabi mo."

"Dito ka lang sa tabi ko, Jaycee. Dito ka lang."

"Hindi ako si Jaycee pero sige, dito lang ako sa tabi mo."

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog siya.

Alam mo, Troy, kahit na ibang babae 'yong nasa isip mo ngayon, masaya na akong ako 'yong kasama mo.


Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.5K 65 30
Sagedalle Series #1 "When the great ruler of all Is born along side two more Excellency and treachery will fall One kingdom shall rise, and one shall...
53.1K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...