Pakiplay po yung background music diyan sa gilid salamat.
------------------------>
Krissa's POV
Naiwan kami ni Kean upang pag-usapan ang mga bagay na dapat kong linawin sa kanya. Nung una maayos-ayos pa yung usapan namin kaso ng magkainitan kami ayun sumabog. Sabi niya siguro kailangan muna namin ng space para malaman ko kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko.
Ang tanga-tanga ko kasi kung bakit sumasama pa ako kay Kristoffer gayong may boyfriend na ako. Maski kasi ako nalilito dito sa nararamdaman ko. Gusto ko nga rin ba si Kristoffer? Pero hindi naman eh. Bakit naman kaya niya naisipang nagsisinungaling ako? Siya lang naman ang laman ng puso ko eh wala ng iba pa. Hay, bakit ganito? Ngayon lang kami nagkaproblema ni Kean. At napakabigat naman, God is testing how strong our relation is.
Parang break na rin ang nangyari sa amin ni Kean dahil walang communication at hindi pa niya ako pinapansin. Galit nga siya sa akin. Ang sakit, sobrang sakit ang hirap ng sitwasyon ko. Ngayon ang kinalabasan ay para akong namamangka sa dalawang ilog. Kahit hindi naman pero naniniwala siyang Mahal ko pa rin siya mainit lang talaga yung ulo niya kaya hindi niya agad matanggap. Ang hirap kasi sa mga lalake ay madaling magselos tapos ang hirap nilang unawain kapag nainis o kaya nagalit.
Siguro tama si Kean, kailangan muna namin ng space para makapag-isip ako ng mabuti. Ang tanong, hanggang kailan ako mag-iisip? Hindi naman pwedeng 1 or 2 weeks baka mamaya wala na pala akong babalikan kagaya ng nangyari dati. Ayoko na hindi na ko papayag na mangyari pa ulit iyon. Sure na sure na ako siya lang at wala ng iba.
Sa tingin niyo, kailangan ko na bang humingi ng tulong kay Ate Kylie? Sa tingin ko kasi kailangan na para hindi na ulit ako magsisi sa huli. Tsaka, magaling siya, alam niya kung ano nga ba ang sagot sa tanong ko.
Kaya dali-dali akong nagpunta sa baba para kausapin siya.
"Ate, I have a big problem pwede mo ba akong tulungan? Please, I need your help." Sabi ko with matching pahawi-hawi pa sa braso niya
"Ano na naman ba ang pinoproblema mo? Sabihin mo agad dahil busy ako bilis!" Sabi ni Ate na tila banas pa sa akin
"Ganito kasi iyon ate, nalilito kasi ako kung sino ba ang mas mahal ko si Kristoffer na first love ko o si Kean na present boyfriend ko. Tapos ngayon cool off muna kami ni Kean para makapag-isip daw ako ng mabuti. Sino pipiliin ko sa kanila Ate?" Sabi ko, syempre hindi sinabi kay Ate na nakapili na ako sa kanila para naman mapa-isip si Ate hehe
"Krissa, ikaw lang ang makakasagot sa tanong mong iyan sabi nga nila KUNG ANO ANG NASA PUSO MO SUNDIN MO kaya sino ba ang idinidikta ng puso mo?" Sabi ni Ate
"Ate ayun nga eh pareho silang mahal ko!" Pagkukunwari ko haha :D
"Hindi pwede yun Krissa, tanging isa lang dahil tiyak na may makalalamang. Mamaya pala Infatuation lang ang nararamdaman mo sa isa." Sabi ni Ate
"Infatuation Ate? Diba may characteristic lang siyang nagustuhan mo kaya nagustuhan mo na rin siya at hindi totally love tama?" Sabi ko, natutunan ko iyan sa Psychology namin hehe.
"Oo tama ka, Sino ba lagi ang iniisip mo? Ang napapanaginipan mo? At talagang nagmamahal sayo siya ang piliin mo kaya choose wisely. Bye, akyat na ako sa taas magrereview pa ako." Sabi ni Ate sabay alis
"Ok ate bye!"
Si KRISTOFFER kasi ganito ....
Blah
Blah
Blah
Tapos si KEAN naman ganito ..
Blah
Blah
Blah
Ngayon alam ko na ang sagot sa tanong. Konting confirmation na lang.
Hindi ko kaya kung mawawala ka sa buhay ko ____________ !
Alam niyo na kung sino siya. Kaya lang naman ako humingi ng Advice kay Ate dahil gusto kong malaman yung opinyon niya at nalaman kong tama naman pala yung desisyon ko. Oo, malungkot pa rin ako dahil hindi kami nag-uusap ni Kean. Sana mabalik na yung dati naming pinagsamahan.
*************
A/N :
Wala akong masabi eh haha!
Sana nagustuhan niyo.
Comment and Vote po kayo!
BIG PROBLEM?
I HAVE A BIG GOD!
Sa mga may problema diyan PERSONAL, FINANCIAL, FAMILY OR kahit ano pa iyan humingi ka lang ng tulong kay GOD at siguradong tutulungan ka niya. Just always PRAY and read the WORD OF GOD which is the BIBLE.
God Bless sayo!
And More Blessings to COME to you and to your family.
risingservant :)