Krissa's POV
Ngayon ang lakad namin ni Kristoffer. Kinakabahan ako na ewan. Nagdress lang ako ng light green na above the knee tapos doll shoes din na light green. Pababa na dapat ako ng hagdan ng biglang tumawag si Kean ....
"Hello LASH bakit ka napatawag?"
"Wala lang, bawal bang kamustahin yung girlfriend ko? I MISS YOU EYE!"
"Hindi naman sa ganun, sabi mo kasi busy ka at kailangan mong matapos yung drawing na project mo."
"Tapos ko na siya, gusto sana kitang yayain na lumabas pwede ka ba?"
Naku lagot, nakaoo na kasi ako kay Kristoffer paano na ito?
"Nandyan ka pa ba Krissa? My EYE are you still there?"
"Ah, sorry LASH pero may ginagawa pa kasi ako eh next time na lang pwede?"
"Ah ok, ako na lang mag-isa bye! I love you EYE!"
"I love you too LASH !"
Paano ito? Hindi ba ako nagkakasala kay Kean? Wala naman kaming ginagawang masama ni Kristoffer eh!
Dumiretso na ako sa baba at eksakto kararating lang ni Kristoffer.
"You're beautiful Krissa"
"Thanks Kristoffer"
Pagkasakay namin sa kotse niya ay nagpatugtog siya.
Stereo, Plug In!
"May lumalabas din na Plug In sayo?"
"Oo, hahaha"
"Sa akin din eh! Sige magpatugtog ka na!"
Pakiplay ang song sa gilid entitled PATUNAYAN BY SILENT SANCTUARY enjoy :)
---------------------------->
"Ano title nung song?" Tanong ko
"Patunayan by Silent Sanctuary, nagustuhan mo ba?"
"Ok lang, medyo malungot yung dating sa akin para namang gustong sabihin ng lalaki dito ay papatunayan niya ang sarili niya sa girl para magkagusto ito sa kanya tama ba?"
"Pwede na, pero yung thought talaga ay Mahal nung lalaki yung girl kaso parang hindi mareach nung lalaki yung girl kaya papatunayan niya yung sarili niya dito. Hindi kakayanin nung lalaki na mawala yung girl." Sabi niya na parang ako mismo yung girl at siya yung guy ganun yung dating sa akin eh.
"Ah ganun, sayang hindi ko pa nakuha ng eksakto. Saan nga pala tayo pupunta?"
"Basta, kakain lang naman tayo at mamamasyal ok lang ba sayo?"
"Ok, basta huwag tayong magpapagabi ah?"
"Syempre, ang paalam ko kasi kay tita ay hanggang 8 pm lang :)"
"Grabe ah, inorasan mo pa talaga. Gabi pa rin naman yung 8pm eh hahaha!"
"Oo nga gabi pa rin, pero hindi gabing-gabi."
Dito kami ngayon sa may mini-garden ang ganda mayroong iba't ibang klase ng flowers, naupo lang kami at nagkwentuhan ng kung ano-ano. Tapos naglunch kami sa may restaurant ganda niya at mukhang mamahalin yung tinda. Nahiya nga ako sa kanya dahil tiyak na malaki yung gagastusin niya. Pero sabi niya huwag daw ako mahiya siya na daw bahala sa lahat.
Tapos namasyal kami sa may mall. Naglaro sa Tom's World nagenjoy ako sa pinupukpok yung mga lumalabas sa bilog tsaka nagdance revo kami syempre panalo siya magaling yatang sumayaw iyan kaya idol ko eh hahaha. Then, kumain sa food court. At ang huli ay dinala niya ulit ako sa may mini-garden at nagulat ako dahil nakaayos ito yung parang magdadate ba? Wait, hindi naman kami nagdedate ah. Then kumain kami with background music may nagbaviolin kasi tapos yung song ay Patunayan. Ano ibig sabihin nito? May gusto siya sa akin at papatunayan niya iyon? Hindi pwede may boyfriend na ako pero parang gusto ko munang kalimutan si Kean sa ngayon enjoy ko na lang muna ito haha. Hindi ako pwedeng magmahal ng dalawa dahil isa lang ang puso ko. Hindi ko na lang tatanungin kung bakit ito yung song dahil ayoko munang sabihin niya sa akin ang nararamdaman niya.
After nun ay hinatid niya na ako sa bahay.
Kristoffer's POV
Pinlano ko ang lahat ng ito. Talagang nagiba yung ekspresyon ng mukha niya siguro alam niya na ang gusto kong sabihin sa kanya. Hindi na siya kumibo after nun kaya hinatid ko na lang siya sa kanila. Pero naiwan niya yung paperbag na pinamili namin kanina kaya bumalik ako.
Kean's POV
Pumunta ako kila Krissa ngunit wala siya, eh ang sabi niya ay busy siya. Kaya ng dumating siya ay nagulat ako at may naghatid sa kanyang lalaki. Tinatimer niya ba ako? Pero hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.
"Krissa, sino yung naghatid sayo? Saan ka galing? At sabi mo ay busy ka!" Sabi ko na medyo pasigaw medyo lang naman. Napagtaasan ko lang siya ng boses.
"Sorry Kean kung nagsinungaling ako, childhood friend ko siya at lumabas lang kami kaya hindi ako nakasama sayo dahil nakaoo na ako sa kanya hindi ko naman pwedeng bawiin pa iyon diba? Nakakahiya sa kanya."
"Dapat sinabi mo sa akin, hindi naman ako magagalit eh. Next time magsabi ka ah. Kung alam mo lang kung anu-ano yung pumapasok sa utak ko akala ko hindi mo na ako mahal."
"Oo next time sorry talaga. Huwag mong isipin iyon dahil YOU'RE MY ONE AND ONLY."
Tapos biglang bumalik yung childhood friend niya daw.
"Krissa naiwan mo oh" sabi nung lalaki
"Ah salamat Kristoffer"
Tapos hinalikan nung lalaki sa pisnge si Krissa
"Tol, sabay tulak sa kanya girlfriend ko yan kaya pwede bang huwag mo siyang halikan at layuan mo na rin. Childhood friends lang kayo kaya dapat alam mo yung limitations mo." Sabi ko, mukha kasing nananadya eh.
"Ah ikaw ba boyfriend niya? Sorry ah, Mahal ko kasi siya at kung pwede nga eh aagawin ko siya sayo para masolo ko na siya."
Nang marinig ko iyon ay nagpanting ang tainga ko at nasapak ko siya bigla. Hanggang sa magsuntukan kami dito sa labas ng bahay nila.
"Ano ba kayo! Please! Itigil niyo na iyan." Sabi ni Krissa na tila natataranta at hindi alam ang kanyang gagawin.
Kaya tumigil kami at kinausap ko siya
"Krissa, next time huwag na huwag ka ng sasama sa lalaking iyan ok? Baka siya pa ang maging ugat para magkasira tayo."
Para naman hindi na lumala pa yung away na ito ay umalis na lang ako.
It's all about her Childhood Friend and her Boyfriend. Sana naman huwag na siyang lumapit ulit dun. Tapos, ang sakit dito oh, sabay turo sa puso. Dapat hindi niya na lang pinaunlakan yung imbita sa kanya nun. Pero ginusto rin naman niya diba? Gusto kong magalit kay Krissa, pero hindi pwede masama ang nagagalit kaya lumayo-layo muna ako para magpalubag loob.
*************
A/N :
love triangle? Nga ba? Hirap naman ng ganitong sitwasyon.
( Naku kean, magkaiba yung gusto sa mahal sana marealize mo yun! )
Abangan ang susunod na mangyayari.
Comment and Vote!
Be a fan!
Obedience to God is the key to a life of blessing.
risingservant :)