Si Milo at ang Kwaderno (Book...

Da JohnPolicarpio

732K 46.2K 13.3K

Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan d... Altro

PROLOGUE
KABANATA I - Ang Simula
KABANATA II - Ang Panaginip
KABANATA III - The Beast and the Beauty
KABANATA IV - Ang Mabahong Aso, BOW!
KABANATA V - Sigbin
KABANATA Vl - Alamat ng Napili
KABANATA VII - Langgam
KABANATA VIII- Knock, Knock, Knockin on Liam's Door
KABANATA IX - Bagwis
KABANATA X - Unang Digma
KABANATA XI - Batingaw
KABANATA XII - Pridgider
KABANATA XIII - Destination: Tagaytay
KABANATA XIV - Bolang Apoy, YAAAHH~!!
KABANATA XV - Bikini Bottom?
KABANATA XVI - Kanlungan
KABANATA XVII - Tanggulan
KABANATA XVIII - Silid Paharapan
KABANATA XIX - Maiko
KABANATA XX - DUELO!
KABANATA XXI - 2 + 2 = ?
KABANATA XXII - Ang Unang Dyosa
KABANATA XXIII - Isang Simpleng Misyon
KABANATA XXIV - Pinili
KABANATA XXV - Ang Panaginip part 2
KABANATA XXVI - Digmaan ng mga Watawat
KABANATA XXVII - Libangan ng mga Bayani
KABANATA XXVIII - Sarangay-ong Pasko, ay Maalala Mo Parin Ako.
KABANATA XXIX - Gheronivejohfleksipathuqwexzitoremvanamayu
KABANATA XXX - Bad-Mintonne
KABANATA XXXI - Ang Pagkatalo
KABANATA XXXII - Piging
KABANATA XXXIV - VZYPZGZSZ
KABANATA XXXV - Kaguluhan sa Kalookan
KABANATA XXXVI - Super Twins
KABANATA XXXVII - Destination Cavite
KABANATA XXXVIII - Buffet
KABANATA XXXIX - Interment Cafe
KABANATA XL - Noli na Me, Tangere na U!
KABANATA XLI - Mahiwagang Bundok
KABANATA XLII - Lupa ng Hinirang
KABANATA XLIII - May Tatlong Lata Akong Nakita
KABANATA XLIV - Sungkain mo Beybeh
KABANATA XLV - Ay Nahulog! (log log)
KABANATA XLVI - 3 Stars and a Sun ka na ba?
KABANATA XLVII - Supremoment of Truth
KABANATA XLVIII - Interview with a Katipunero
KABANATA XLIX - Lihim na Kasaysayan
KABANATA L - Ang Mamatay nang Dahil Sayo
KABANATA LI - Refrelevator
KABANATA LII - Sinturong Pangkawalan
KABANATA LIII - Waryari
KABANATA LIV - H(Z)ero's Welcome
KABANATA LV - May nanalo na! Binangisan eh.
KABANATA LVI - Konseho de Guerra
KABANATA LVII: Unang bugso
KABANATA LVIII: Karibal, Kasangga, Kapatid.
KABANATA LIX - Apo-laki
Si Jazz at ang Puno ng Mundo (Espesyal na Kabanata)
KABANATA LX - Bisitasyon
KABANATA LXI - Alyansa
KABANATA LXII -Katahimikan Bago ang Katapusan
Si Jazz at ang Puno ng Mundo (kumpleto)
KABANATA LXIII - Panaghoy ng Pagkalagas
KABANATA LXIV - Sungay at Balahibo
KABANATA LXV - Kalakalang Galyon
KABANATA LXVI - Chocolate Highway

KABANATA XXXIII - Moon River

12K 753 270
Da JohnPolicarpio

"%@^#&!!! Anong nangyayari?! Wawawa waaaaaaahhhhh! Tulungan nyo akoooo!!!"

Napuno ng sigaw ni BJ ang bahagyang lumilindol na kwarto. Kasabay ng pabagsak ng alikabok sa kisame ay ang pag-angat nya pataas.

Lumulutang sya sa ere. Nakatutok ang hintuturo ni Mayari sa kanya na parang kinonontrol ito. Tapos bigla nawala ang boses nya, parang di sya makahinga. Kinabahan ako sa naganap, pero diko parin naisang magimagine. Paikot ikot kasi sya sa ere tapos buka nang buka yung bibig na walang lumalabas na boses.

Mukha syang namagang janitor fish. Natatawa ako, patawarin.

Nagkaroon ng kaguluhan nung nakita ng mga tao ang nangyari, halong pagkabigla at takot ang namayani sa kanilang dibdib nung natunghayan nila ang pigura ng nagngangalit na fyosa. Pero ang ilan sa mga taga Magdiwang ay nagawang itutok ang ilang armas nila rito kahit nanginginig sa takot.

Iba ang kilabot na hatid ng dyosa ng buwan, yung tipong di mo kayang tumitig sa kanya nang matagal dahil baka masunog ang kaluluwa mo kaya ang ginawa ng mga Magdiwang ay kahanga-hanga.

Pero maling hakbang.

Nilingon sila ng dyosa at aktong itataas ang isa pa nyang kamay. Nagtayuan ang buhok ko sa batok.

"IBABA NYO ANG INYONG MGA ARMAS!" Sigaw ng humahangos na si Lapu-lapu. "Sya ang dyosa ng buwan! Humingi kayo ng kapatawaran sa inyong inasal!"

Natauhan sila at nagkukumahog na nagluhuran sa isang tuhod. Halos lahat ng naroon ay ganun ang ginawa, bukod sa mga hindi makatayo sa upuan sa takot, sa aking grupo at sa mga matatanda sa silid.

"Mahal na dyosa, kung ano man po ang ginawa ng aking mag-aaral, ako na po ang humihingi ng despensa. Patawarin nyo na sya hindi nya alam ang kanyang ginagawa!" Marespetong pakiusap ng maestro.

"Isa syang talipandas para hawakan ang aking mukha! Nararapat lang sa kanya ang kaparusahang yan!"

"Question! Ano bang ginawa mo sa kanya?" Tanong ni Tifa na nakatutok ang camera sa nangyayari. Adik talaga yun.

Mukhang naconcious and dyosa at iniwas ang mukha sa camera. Shytype?

"Dinala ko ang kalahati ng kanyang katauhan sa buwan. Ang buong akala nya ay nasa buwan sya ngayon. Walang hangin at tunog. Isa itong malagim na parusang nababagay sa walang respetong yan!" Madiin nitong tugon.

Nagimbal ako. Walang hangin? Ibig sabihin hindi sya makahinga. Tinignan ko si BJ at nakita kong nangingitim na sya... ok, maitim talaga sya, pero mas maitim pa kumpara sa dati. Kung magpatuloy pa yun....

Aktong lalapit ako nang may humawak sa balikat ko at unahan akong lumapit. Si Lam-ang pala.

"Mawalang galang na dyosa. Sa tingin ko sapat na ang parusang dinanas ng batang iyan. Natuto na sya ng leksyon. Patawarin mo na sya, mukha namang hindi ka nasaktan sa nangyari." Sabi nito.

"ANONG HINDI!?" Sigaw ng dyosa.

Napaatras kaming lahat sa parang pwersang hatid ng sigaw nya. Ang ibay nanginginig na sa takot.

Tinuro nya ang kanyang ilong, may kulay asul na nakalitaw.

"Nung tinulak nya ako, pumasok yung straw sa ilong ko! Masakit kaya yun! Sobrang sakit! Di ko nga mahila eh! Aray... huhu." Maluha-luhang sabi nito.

Natigilan kaming lahat.

Bigla kong tinakpan ang bibig ko at tumalikod. Ganun din ang ginawa nung iba. Yung iba tumingin sa lupa, mayrong nagtago sa lamesa. Lahat kami nanginginig sa pagpigil ng tawa. Walang nangaharas tawanan ang dyosa. Pero may ilang pigil na tawa kang maririnig.

Pero yung straw kasi... Nakapasak ilong niya! Bwakanang yan, laftrip!
Kaya pala nahiya sa camera!

"Sino yun?! Sinong lapastangan ang tinatawanan ako?!" Sigaw nito, pero ang boses nya ay parang may sipon.

Lalong lumakas ang pagpipigil ng tawa. Nawala lalo na yung seryosong mood ng silid. Halos dumugo na labi ko kakakagat dito sa pagpigil. Di ako makatingin sa kanya baka lumabas sipon ko katatawa.

Pati yung matatanda di ligtas. Poker faced sila pero pumipitik yung kilay nila at gilid ng mga labi.

Tapos biglang may nautot.

Rinig na rinig namin lahat.

Nakita ko yung ibang sinusuntok na yung muka nila o yung sahig para lang di makatawa. Kinagat pa ng iba yung braso nila.

Nakakunot na yung mukha ko. Namimilipit nako sa pagpipigil. Pakiramdam ko mauutot din ako sa sakit ng tyan ko. Tuluyan na atang dumugo ang labi ko. Sa lahat ng panganib na sinuong ko, ang palagay ko dun na ako tuluyang mamamatay sa hirap.

Patawarin nyo po ako Bathala sa mga kasalanan ko.

"Sino yung umutot sa presenya ko? Walang modo! Sasaksakan ko rin ng straw sa tumbong yang bastos na yan! Bat di kayo magsalita?!" Nanggagalaiting sabi ng dyosa. Pero wala na, nalimutan na namin yung takot namin eh. Pati si BJ muntik na namin malimutan.

Buti nalang nandun si Makie.

Sa gitna ng eksena kalmado lang syang naglakad tungo sa tabi ni Mayari. Wala reaksyon ang mukha nyang hinawakan sa balikat ng dyosa. Tumingin naman ito sa kanya.

Tapos bigla nyang hinatak yung straw sa ilong ni Mayari. Napatakip ng ilong ang diyosa sa sakit. May sinabi si Makie sa kanya na mahina pero dahil medyo lumapit ako ng kaunti narinig ko.

"Wag ka maginarte ninang, ibaba mo na sya. Kundi ibabalik ko ito sa ilong mo."

Hindi sya inismidan nya si Makie at umirap palayo. Tumaas ang kilay ng diwata at itinapat sa mukha nito ang straw na balot ng pinaghalong mik-mik at sagradong sipon. Nahintakutan nang pailing iling ang dyosa hanggang sa pasukong bumuntong hininga ito.

Kumalabog ang katawan ni BJ sa lupa, humihigop sya ng hangin na parang hingal kabayo(kahit di ko alam kung paano humingal ang kabayo). Naglilikot ang kanyang mata na parang di makapaniwala kung nasaan sya. Takot na takot syang gumapang.

Sa paanan ni Mayari.

"Napili. Naway natutunan mo na kung saan ka nagkamali. Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa yabang at dahas. Pasalamat ka at isa akong mabait dyosa at di kita tinuluyan. Lumayas ka sa harapan ko." Sabay ngiti nito.

Takot na tumayo si BJ at lumingon sa paligid. Humihikbi ito dumadaloy ang luha at sipon(na hindi sagrado) sa mukha. Nagulat sya nang nakita nyang lahat ay sa kanya nakatingin. Sa huli bigla nalang siyang tumakbo papalabas ng silid, marahil sa hiya. Nakaramdam ako ng hiwa sa loob ko. Masakit makita ang dating Punong Cabeza na nagkaganun. Kahit kaaway ko pa sya.

Naisip ko tuloy, alam kaya ni Makie na mangyayari ito? Ngayong gabi, iiyak ka ng dalawang beses. Isa ba itong sumpa ng diwata ng Makiling? Parang ayokong malaman.

Napansin kong lumabas si Ines kasunod ni BJ.

"Wag kang mag-alala sa batang yun, ang asawa ko na ang bahala sa kanya." Sabi ni Lam-ang sakin. "Alam niya kung anong gagawin sa ganyang sitwasyon."

Tumango ako. Batid kong tama sya run. Ang aura ni nilalabas ni Ines ay isang maarugang ina. At yun ang kailangan ni BJ.

"Pero ibang klase rin talaga ang binibini. Nakuha nyang kumbisihin ang dyosa ng ganun kadali." Paghanga nya.

"Kahit ako rin naman, kung sasaksakan moko ng straw sa ilong eh."

"Sabagay." Tinignan nya ako. "Kamusta ka? Nakakabagay ka naman ba rito? Mabuti naman ba ang lagay ninyo?"

"Mahirap. Nakakapagod at masakit sa katawan ang gawain dito." Pagamin ko. "Pero maniwala ka sa hindi... Gusto ko rito. Pakiramdam ko dito talaga ako nabibilang. Alam mo yung pakiramdam na kahit alam mong homework kang gagawin sa bahay pero nagpapasalamat ka parin na makauwi ka. Kasi nasa bahay kana. Parang ganun."

Tumawa sya nang malakas, nagkaroon tuloy ng shockwave yung tyan nya.

"Nagbago kana. Wala na yung patpating uhuging batang dumayo saking bahay ilang linggo lang ang nakaraan."

"Nagsalita ang di nagbago." Sagot ko.

Napangiti lang sya. Ngiting parang nanunumbalik sa nakaraan.

"Ang pagdating nyo sa aming tahanan ang nagmulat sakin sa aking responsibilidad. Tama ka, hindi ako dapat masadlak sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng aking anak gayong marami ring kagaya nya rito na nangangailangan ng aking gabay. Kailanman di ko malilimutan ang aking anak, pero di naman siguro sya magagalit kung magdadagdag ako ng anak mula rito."

"Paniguradong hindi. Malamang matutuwa pa sya... Salamat din pala at bumalik kayo, buong akala ko di na namin kayo makikita."

"...Muntikan na." Sagot nya.

Ipinakita nya sa akin ang kaliwa nyang kamay. Sa aking pagkagimbal, putol na ang dalawang dulong daliri nya rito.

"Isang maliit na sakripisyo para sa aming kaligtasan. Nagtamo pa ako ng napakalaking sugat sa aking likuran, iyon ang dahilan kung kaya hindi kami nakahabol kaagad rito. Mabilis akong gumaling pero kinailangan ko paring ng ilang araw na pagratay para manumbalik ang aking lakas." Sabi nya.

Hinawakan nya ang balikat ko nang medyo mahigpit at pinatingin ako sa kanyang mga matang matalim.

"Uulitin kong sabihin sa iyo ito Napili. Ang Batingaw ay isang masamang balita. Kahit anong mangyari iwasan mong lumaban sa kanya, kung kaya mong tumakas tumakas ka. Basta wag na wag mo syang subukang hanapin, mangako ka sa akin."

Tumango ako.

"Sabihin mong nangangako ka."

"Oo nangangako ako."

"Ano ang unang leksyon na tinuro ko sayo?"

Natigilan ako. Hinahalungkat sa utak ko ang sinabi nya noon. Hanggang sa naalala ko.

"Wag akong mamamatay." Sagot ko.

Tinapik tapik nya ako sa balikat.

"Mabuti. Lagi mong tatandaan yan. Yan ang panghabangbuhay mong takdang-aralin mula sa akin." Sabi nya habang tumingin sa harapan namin.

Kung saan lumalapit samin si Mayari, Makie, ang Maestro Kwatro at ilan pang may katungkulan sa Kanlungan.

"A-anong meron?" Tanong ko.

"Oras na para gampanan mo ang iyong misyon." Malaman na sagot ng diyosa.

Sa oras na yun nakaramdam ako ng kaba, alam kong darating yung araw na yun pero di ako nakapaghanda ng sarili ko. Kinagat ang puso ng nerbyos.

Tapos biglang tumulo ang sagradong uhog ni Mayari.

Di ko kinaya at humahalpak ako ng tawa. Nawala ang kaba ko.

Kaso ang sama ng tingin sakin ng dyosa. Yari.

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hindi ba natin pwedeng ipagbukas ito? Gabing gabi na kaya." Tanong ni Tifa.

Nasa labas kami ng Tanggulan kung saan may malawak na damuhan. May dala-dala kaming mga gamit at damit sa aming mga backpack. May pera ring binigay sa amin na panggamit namin sa aming paglalakbay.

Halos buong Kanlungan ay naroon para ihatid kami. Pero bukod sa mga aming balangay at ilang importanteng opisyal, karamihan sa kanila ay nakadistansya sami. Siguro dahil kay Mayari.

Nandun na si Ines pero si BJ ay di matagpuan kung saan.

"Ako ang dyosa ng buwan. Ako ang bahalang maghatid sa inyo sa inyong pupuntahan. Kung maghihintay pa tayo hanggang bukas hindi ko na kayo matutulungan."

"Bakit?"

"Kasi araw na nun, wala ng buwan sa langit."

Oo nga naman.

"Kakailanganin natin ang tulong ng dyosa sa paglabas nyo rito. May hinala kaming ang mga kalaban ay nagaabang lang ng inyo sa mga labasan ng Kanlungan. Hindi ko ito tiyak pero ilan sa mga tagabantay sa labas ang naguulat na may bakas na naiwan malapit sa mga labasan. Maaring wala lang ito pero mabuti nang makasigurado." Paliwanag samin ni Lapu-lapu.

"At isa pala, alam kong dapat may isang linggo pa kayo para tapusin ang misyon, pero nagbago na ito. Maswete na tayo kung mayroon pa kayong limang araw para isakatuparan ito." Ani ng dyosa.

"Hah bakit?" Tanong ni Jazz.

"Habang nasa labas kami, nagkaroon ng maraming kaso ng nagkakandawalaang bata. Sa bilang ko aabot ito sa higit isang daan. Ang ilan dito ay Napili gaya ninyo. Tingin ko ginagawa ng organisasyon ito para mapabilis ang panunumbalik ng lakas ng Bakunawa." Sagot ni Lam-ang

"Anong ginagawa nila sa mga bata iyon?"

"Pinapakain nila sa Bakunawa."

Napalunok ako ng laway. Pero kasabay nun parang nagdilim ang mukha ko. Nakatinginan kami ni Tifa, naalala ko yung panaginip ko. Mukha ngang totoong naganap ang pulong ni Batingaw at dalawa pang tao. Kung tao man silang matatawag.

Limang araw para hanapin ang magpapatanggal ng kandado ng bertud at patayin ang bakunawa. Hindi ito sapat na oras. Pero kailangang gawin.

Para mabigyang katarungan ang higit sa isang daang bata na dumanas ng malagim na katapusan. Para hindi na madagdagan pa ang bilang nila.

"Ano pa bang hinihintay natin rito? Saka paano kami makakalabas ng Kanlungan kung ganun?" Tanong ko.

Biglang nagtawanan ang lahat. Lalong lalo na si Mayari na gumulong pa sa ere katatawa. Ngongo kasi ako magsalita.

Bakit?

Dahil na may nakapasak na dalawang straw sa ilong ko bilang parusa sa pagtawa ko sa kanya.

"Patawarin mo ako Pinili, nakakatawa ka kasi sobra bwahahahahahahaha." Tawa pa nya. Parang sya walang istraw sa ilong nung una.

"Narinig mo na ba ang katagang 'Moon River'?" Tanong nya matapos syang magpunas ng luga katatawa.

"Oo naman syempre narinig ko na. Kasasabi mo lang eh, paano kong di maririnig yun?"

"Gusto mo dagdagan pa kita ng istraw?"

"Joke lang naman, di kana mabiro."

Umubo si Tifa.

"Ehem. Moon River, kanta yun ni Audrey Hepburn sa pelikula nyang Breakfast at Tiffany's nung 1961. Pinanood ko yun dati kasi katukayo ko sya. Tapos maraming nagrevive ng kanta."

"Magaling ka iha. Pero hindi yun ang tinutukoy ko, pero may kuneksyon din dun. Mayron ding ilog ang buwan, pero hindi ito gawa sa tubig."

Biglang lumiwanag ang halos bilog na buwan. Mula rito parang may umaagos pababa na kulay puti. Tila tubig na umagos sa gripo, pero hindi tuloy-tuloy kundi paliko-liko. Parang ilog na umaagos. Napakuskos pa ako ng mata dahil di ako makapaniwala sa nakita ko.

Hanggang bumagsak ito sa lupa at bumuo ng isang ilog na dumadaloy sa aming harapan. Ilog na gawa sa liwanag ng buwan.

Napa wow kaming lahat at naglapitan rito. Para itong usok na pormang tubig. Kapag hinawakan mo para tubig ang pakiramdam, kaya mo pa itong salukin. Pero hindi ito basa. Kung kaya mong hawakan ang linawag, parang ganun ang pakiramdam.

"Yan ang tunay na Moon River. Lahat ng lugar na nasisinagan ng buwan ay kaya nitong daluyan. At nandito narin ang sasakyan ninyo." Turo ni Mayari sa pinagdadaluyan ng ilog.

May isang bangkang umaandar sa ilog. Gawa ito sa pilak at may kapasidad na magsakay ng hanggang anim na pasahero. Huminto ito sa aming harapan at nakita namin ang loob nito na may mga komportableng upuan.

"Wow ang ganda naman nito! Anong tawag dito?" Tanong ni Jazz.

"Hmmm... Wala naman akong tawag dyan. Basta yang bangkang yan ang gamit ko kapag gusto kong magbakasyon at dumalaw kung saan-saan." Sagot ng dyosa.

"Kumbaga pandalaw ng dyosa ng buwan?"

"Parang ganun na nga."

Napapalakpak si Jazz.

"Alam ko na! Tawagin na lamang natin itong 'buwanang dalaw'! Ayos diba?" Buong ningning nyang sabi.

"....Pwedeng iba nalang itawag nyo dyan? O di kaya'y wag nyo na lagyan ng pangalan."

"Bakit naman, saktong sakto nga eh. Buwanang dalaw ni Mayari. Parang napakamisteryosong pakinggan." Singit ko.

".............."

"Tara ilagay na natin ang gamit natin sa Buwanang Dalaw." Sabi ko sa mga kasama ko. At mukhang naintindihan nila ang nais kong ipahiwatig.

Nilagay namin ang mga gamit namin sa bangka habang binibiro ang dyosa. Ang ganda at ang linis ng Buwanang Dalaw ni Mayari, ang sarap upuan ng Buwanang Dalaw ni Mayari. Ilan lang yan sa pangaasar na sinasabi namin nang seryoso, kaya di malaman ng dyosa kung pinagkakatuwaan ba namin sya. Nanahimik nalang sya sa isang tabi at piniling hindi pansinin ang sinasabi namin, na kung tutuusin mas maging katawatawa.

Nung nilalagay na ni Jazz ang gamit nya nakausap ko sya.

"Jazz, sigurado ka bang sasama kapa? Nandito na kasi ang nga magulang mo, hindi mo na kami kailangang samahan. Wala nang rason para tulungan mo kami." Mahina kong sabi sa kanya.

"Hahh? Anong pinagsasabi mo? Nagbibiro kaba?" Tungon nya.

"B-bakit?"

"Mas may rason akong sumama sa inyo lalo't nandito na si ama at ina. Ibig sabihin nun wala na akong dapat ipangamba sa kanilang kaligtasan kaya wala nakong dapat isipin pa kundi ang misyong ito. Isa akong mandirigma Milo, at ang ganitong klase aktibidad ang matagal ko nang gustong gawin. Yun din ang nais ng aking magulang para sa akin. At isa pa."

Ngumiti sya.

"Ang mga araw na kasama ko kayo ng dalawang binibini ang pinakamaligayang araw na naranasan ko. Kaya kung mamarapatin nyo lang sana, nais kong magpatuloy pa sa masayang paglalakbay na ito kasama ninyo." Sabi nya sakin.

Napabuntong hininga ako. Ang totoo gusto ko syang isama pero nagaalangan ako na baka nagbago na ang isip nya. Kaya ang sinabi nyang yun ay isang tinik na nabunot sa lalamunan.

"Isang karangalan ang makasama ka. Salamat." Tinaas ko ang aking kamao.

"Ang karangalan ay sa akin." Nagfistbump kami.

Sandaling nagkaroon ng pamamaalam sa mga kasamahan namin. Naglapitan ang mga Magtagumpay pinagyayakap kami, pwera lang kay Makie na nakaupo na sa Buwanang Dalaw ni Mayari at nakikinig sa earphones nya. Pagkatapos ang ilang opisyales ng Kanlungan naman ang nakipagkamay at hinilingan kami ng mapatapang paglalakbay. Mukha tuloy silang nangangampanya. Ang matimbang sa akin ay ang pamamaalam nila Ines at Lam-ang na ilang oras lang naming nakasama ay magkakawalay na ule kami. Pero ang yakap ni Ines at kamao ni Lam-ang na dumampi sa aking dibdib ay sapat ma upang mapawi ang buhol sa aking puso.

Si Phil binigyan ako ng calling card ule para sa business offer nya. Si Gurong Goyong naman nagbigay ng huling payo kung paano lumaban. Si Lapu-lapu ay isang pasasalamat na napakahaba ang inalay, muntikan nako matumba sa antok.

Pero ang huli ay ang pinakamakirot.

"Di nyo sinabi sa akin na may na may Misyon kayo at balak nyong umalis agad." Nagtatampong sabi ni Talas habang nakatingin sa lupa.

"Sinabihan kasi ako nang Maestro na ilihim ang tungkol dito sa inyo. Sorry, di namin ito gustong ilihim sa inyo." Pagpapaliwanag ko.

"....Babalik pa ba kayo?"

"Oo naman. Dito ang balangay namin diba? Saglit lang naman kami, babalik din kami kaagad at pagbalik namin dadalhan ko kayo ng pasalubong. "

"Ang bato ko?"

"Huh"

"Ang paborito kong bato na binigay ko sayo dati. Yun ang gusto kong pasalubong. Ibalik mo sakin yun pagbalik nyo rito."

"O-oo. Pangako ko yan."

Diko masabing ginamit ko pambato sa ipis nung isang araw at nawala na.

Saglit nya akong inakap at lumayo sya para tumingin sa aming apat.

"Bilang Punong Cabeza ng Kanlungan, inuutusan ko kayong apat na mandirigma na bumalik dito nang ligtas! Umuwi kayo nang matagumpay at bigyan ng karangalan ang Kanlungan." Lumingon sya sa mga taga Kanlungan. "Mga kasama, bigyan natin sila ng biyaya para sa isang ligtas na paglalakbay!"

Itinaas nya sa ere ang kamay nyang may PuSi. Ganun ang ginawa ng lahat, at sabay sabay silang kumatok ng tatlong beses sa kawayan na nakakabit dito na bahagi ng orihinal na kawayan na pinanggalingan nila Malakas at Maganda.

Simple lang ang ginawa nilang iyon pero kinalabutan ako. Ang magkakaibang balangay at nagkasundong biyayan kami ng ganong ritwal para sa aming kaligtasan. Ang pakiramdam ko hinding hindi kami mabibigo.

Nagkaroon kami ng groupie gamit ang camera ni Tifa. Pag pinost yun malamang magviral. Nandun si Mayari, Maria Makiling, Lam-ang, Lapulapu, Ines, Goyong, Pilandok at iba pa. Iyun na siguro ang pinaka matinding larawan sa kasaysayan.

Tuluyan na kaming sumakay sa bangka, sa ulunan nakatayo si Mayari na parang di tinatablan ng tigal(inertia) at dagsik(gravity). Habang dahan-dahan kaming umaandar, kumakaway kami sa mga kasamahan naming paliit nang paliit sa aming paningin hanggang tuluyan nawala.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" Biglang tanong ni Tifa na katabi ko.

Oo nga noh, di ko rin alam. Sumakay nalang kami kaagad nang di man lang nagtatanong. Kaladkarin lang?

"Nagbigay nang malinaw na direksyon ang direksyon ang mga batang nakausap ng Pinili. Tingin ko alam nyo ang lugar na yun, malalaman nyo pag dating nyo. Sa ngayon itago nyo ang gamit nyo sa maliit na aparador sa ilalim ng inyong upuan at suutin nyo muna ang mga seatbelt nyo."

Ginawa namin ang sinabi nya na itago ang gamit namin pero pag dating sa sealtbelt hindi namin ito mahanap.

"Wala namang seatbelt di.....to."

Natigilan ako. Nakaharap sa amin ang dyosa at nakabungisngis na parang spoiled brat na may gagawing kalokohan. Nakaramdam ako ng masamang kutob. Lalo na nung nakita ko ang hawak-hawak nya na tinapon nya sa ilog.

Ang mga seatbelt namin!

"Akala nyo maiisahan nyo ako? Alam kong pinagkakatuwaan nyo ako kanina, ngayon ako naman. Kumapit kayong maigi ha? Mahirap na may mahulog sa inyo. Fufufu."

"Mahulog? Anong ibig mong sa-AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Bago ako matapos bigla nalang tumaas yung ilog, parang talon pero pataas. Pabaliktad na waterfalls. At nadala ang bangka namin sa malakas na agos pataas nang sobrang bilis.
Para kaming nahuhulog paakyat. Ang tangi mong maririnig ay ang mga sigaw namin at tilaok ni Jazz.

Habang si Mayari tawa nang tawa sa itsura ning sindak na sindak.

Saglit lang at nalagpasan namin ang kisameng tubig ng Kanlungan at patuloy parin kami sa paglipad. Kalagitnaan umangat yung mga paa ko at parang babaliktad at mahuhulog ako kaya naghanap ako ng maaangklahan, kaso dahil gawa sa pilak ang bangka, dumudulas lang ang sapatos ko. Kaya kinapitan ko nalang ang upuam ko. Tili tuloy ako nang tili na nakasira sa thats my pogi image ko at lalong nagpahagalpak ka Mayari. Pero wala akong pake, pag nahulog ako titili ako nang titili at walang makakapigil sakin.

Pwera nalang siguro yung sahig. Mapipigilan ako ng sahig kapag plumakda ako run.

Makalipas ang isang minuto biglang bumagal ang bangka at bumalik sa pahalang na pagusad sa mahamog naming dinadaanan. Tutala ako sa aking kinauupuan at nakangaga, ilang segundo akong ganun. Tumingin ako sa ibaba at nagsisi agad ako. Para naging pulbos ang dugo ko sa nakita ko.

Nakita ko ang syudad sa ibaba. Ang mistulang mga langgam na kumukutitap ang ilaw nga mga poste, bahay, gusali at koste. Nakita ko rin ang karagatan na isang malaking itim na kawalan sa panggabing tanawin.

Nasa ilang libong talampakan kami sa himpapawid! Hindi hamog ang nasa paligid namin kundi manipis na ulap!

Pakiramdam ko hihimatayin ako sa lula. Naiwan ko pa ata yung puso ko sa first floor. Tinignan ko si Tifa, mukha syang hinimatay na nakadilat. Si Makie nakatingin lang sa paanan nya at naliligo sa pawis. Si Jazz... Naku si Jazz... Sa sobrang takot nya nagkaroon sya ng tuka sa bibig at palong sa ulo. Kung babae sya malamang nangitlog na sya sa upuan. Nakakatawa sana yun. Kung di lang ako muntik maihi sa pantalon tumawa nako.

"Pinili." Tawag sakin ng dyosa.

Hindi na sya tumatawa at seryoso ang itsura. Sa likod nya ang malaking buwan na tila abot kamay ko na. Inangat nga nya ang kanyang kamay at may lumitaw ritong lumang balumbon(scroll, o nakarolyong sulatin).

"Tanggapin mo ito at itago mo. Gamitin mo ito sa oras lamang ng kagipitan. Kung sa tingin mo di nyo kakayanin ang kalaban o kung napapalibutan kayo, gamitin mo iyan at iyan ang makakatulong sa inyo kung anong gagawin. Isang beses mo lang pwedeng gamitin yan kaya pagisipan mong mabuti kung saan mo ito gagamitin."

Iniabot nya sa akin ito at kahit wala ako sa wisyo nakuha ko paring kunin ito at ipasok sa damit ko para hindi mahulog.

"Pagkahatid ng bangkang ito sa inyong patutunguhan, maglakad lang kayo ng derecho. Dun mo makikita ang lugar na itinala ng mga bata, malalaman nyo kaagad ito pag nakita nyo. Pagkatapos ang mga bata na ang bahalang magsabi sa inyo ng susunod nyong gagawin."

Napabuntong hininga sya at napatingin sa kanyang paanan.

"Nais kong humingi ng kapatawaran sa inyo. Ibig ko pa sana kayong tulungan sa inyong Misyon pero hanggang dito nalang ang suportang kaya kong ibigay sa inyo. Kaunti pa at lalabag na ako sa batas ni Bathala. Pero lagi nyong tatandaan na kahit wala ako sa inyong tabi, hanggat may buwan patuloy ko kayong susubaybay at babantayan sa abot ng aking makakaya."

Lumutang sya paatras tungo sa buwan.

"Hangad ko ang inyong tagumpay at ligtas nyong pagbabalik, mga anak ng buwan." Malambing nyang sabi hanggang natuluyan syang naglaho sa kinang ng buwan.

Di na ako nagkapag salita dahil sa dalawang dahilan. Una dahil may aftershock pako sa nangyari kaya diko naintindihan talaga ang sinabi nya. Ang pangalawa, papalapit na kami sa isang talon.

At nahulog kami sa taas ng ilang libong talampakhan.

Note to self: wag pagkakatuwaan ang dyosa ng buwan kapag sya ang nakatoka sa sasakyan.

Muli kaming nagsisisigaw. Pero di gaanong mabuo dahil pumapagaspas ang mga bibig namin sa sobrang bilis ng pagbagsak at lakas ng hangin. Di pa run nagtapos ang kalbaryo namin, dahil ang ilog ay paliko liko kaya halos tumalsik kami sa kapag biglang liko ang bangka.

Ang masama pa nyan, may batong gawa rin sa liwanag ng buwan ang dinaanan ng banka kaya rumampa pa ito sa ere, at dahil walang seatbelt, nung pababa na yung bangka naiwan kaming nakalutang sa ere. Para na akong namatay nun sa kalahating segudo. Para kaming lumalangoy sa hangin nun pabalik sa upuan hanang sumisigaw ako ng 'BAKIT KAY BATO RUN?!'.

Kaso nung hahawakan ko na yung upuan dumilas yung kamay ko at tuluyan akong naiwan. Mabuti nalang at nahawakan ni Jazz at Makie ang magkabilang kamay ko, yun nga lang di nila ako mahatak dahil sa pwersa ng pagbagsak namin. Kaya patuloy kami nagsisigawan ng 'wag kang bibitiw!' At 'wag nyo akong bitawan!' Na kalaunay napalitan ng 'wag kayong sumigaw! Yung laway nyo tumatama sa mukha ko!" Na parang di nila naririnig kaya di nalang ako sumigaw, baka pumasok pa sa bibig ko eh.

Hanggang sa bumagal ang bangka at tuluyan nang tumigil. Agad kaming nagbabaan kinuha ang mga gamit. Halos halikan ko na ang sahig nun kaso madumi pala kaya hindi nalang, niyakap ko nalang yung pinaka malapit na posteng nakita ko habang umiiyak sa pinaghalong tuwa at takot. Natawa ako sa sarili ko nung naisip kong kung may makakita sakin iisipin nilang baliw ako.

Nung nahimasmasan ako napansin ko marami pala talagang nakakakita sa akin na mga tao na mukhang pinagiisipan kung baliw ba ako o natagpuan ko na ang tunay kong pagibig sa katauhan ng posteng akap ko. Tapos naalala ko may istraw pako sa ilong. Dagli kong tunanggal ito, umalis at hinanap ang mga kasama ko.

Kakahiya.

Ang una kong nakita si Tifa na nakaupo sa sidewalk na parang nasusuka. Wala narin ang bangka, naglaho na itong parang usok.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Nahulog tayo mula sa langit sa waterfalls na gawa sa sinag ng buwan. Syempre ok lang ako. Best night of my life." Sarkastikong sagot nya. "Nasaan na tayo?"

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Nasa isang kalsada kami na maraming mga nagtitinda sa gilid. May foodcarts, mga prutasan, nagtitinda ng pekeng headset, speakers, gadgets etc. May mga maliliit na gusaling na may fastfood resto, kainan, hardware, salon. Sa itaas ay may daanan ng tren. Tinignan ko ang oras sa PuSi. Lagpas alas-dyes na pero marami paring tao sa paligid.

Nasa isang syudad kami.

Hindi ko matiyak kung saan pero pamilyar iyon sa akin. Parang nakapunta na ako dati pa kasama si tita.

Lumapit sa amin si Makie na normal na reaksyon at inalok kami ng mineral water na agad naming sinentensyahan. Sunod si Jazz na kumakain na ng kwek kwek. Kinakain nya yung malayong kamaganak nya. Akala ko masusuka uli ako.

"Kung ok na kayo, tara na. Ang sabi ni ninang patuloy lang tayo maglakad sa direksyon na ito. Gusto ko nang puntahan agad iyon para makapagpahinga na." Sabi nyang hapit na hapit ang boses. Walang kumontra sa amin.

Naglakad kami nang lagpas sampung minuto sa gilid ng kalsada, habang pilit kong pinagtatagpi sa utak ko ang alaala ko ng lugar na yun. Sigurado akong nakapunta na ako run.

At tama nga ako. Pagdating namin sa paroroonan nakunpirma ko ito. At tama rin si Mayari. Nalaman kagad namin ang aming hinahanap nung nakita namin ito.

Napahawak ako sa akin bertud. Bertud ng Katapangan. Ngayon naintindihan ko na kung sino ang isa pang gumamit ng bertud. Sino pa nga ba kundi ang isa pang simbolo ng katapangan.

Nakatingin kami sa isang monumento sa gitna ng isang rotunda(maikling paikot na kalsada).

Nasa Monumento, Caloocan City kami.

At ang tinitignan namin ay ang monumento ni Andres Bonifacio.

◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎

Whooo 60k reads! Salamat po sa inyong lahat at sorry sa late UD. Super busy kasi talaga. Pinilit ko lang tapusin ngayon para makabawi. (4:30am na -_-)

Yung obra maestrang drawing ni Tifa this chap ay dibuho(drawing) ICE-014 na isang napaka talentadong dyosa. Saka ko idededicate ang kabanatang ito. Kung sakali mang mapublish ito bilang libro kikidnapin ko sya at di pauuwiin hanggat di nanunumpa ng katapatan sa aking pinaglalaban.

Pati narin kay AlbertLoriaga na nagpadala rin ng napalagandang fanart ni Makie at Jazz(unang fanart nya na natanggap ko). Sa kasamaang palad limitado lang ang pwede kong ilagay rito kaya ipopost ko nalang sa fb.

Sa gustong mag add sakin para magpadala ng fanarts, or yung mga gusto lang magadd dahil wala lang, search nyo yung email ko, Jio_tashinaba0521@yahoo.com sa friendster.

Or fb kung wala kayong friendster.

Pakilala lang kayo, suplado ako run eh. Tapos pasahan nyo ko load.

Yun lang muna, matutulog nako.

Chiao!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

2.2M 123K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION