Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 67

31.3K 746 133
By PrinsesaFever

"Manang, alis na po ako!" Paalam ko kay Manang pagkatapos kong kumain.

"Osige, magiingat ka ha." Paalala niya sakin kaya tumango ako at ngumiti.

"Salamat po."

Lumabas na ako ng bahay at akmang pipindutin na ang susi ng sasakyan ko ng may nakita akong familiar na sasakyan sa labas.

Yung baby chevy ni Blake! After two years? Hindi niya pa din pinapalitan?

Lumabas ako at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Blake na nakasandal sa gilid ng sasakyan niya habang may hawak na bouquet. Yeah right, masyadong common pero kinikilig pa din ako. Kahit simpleng porma lang talaga ay hindi mo na maiiwasang hindi alisin ang tingin sakaniya.

"Bakit ka nandito?" Salubong na tanong ko sakaniya.

"Wala manlang bang Goodmorning muna?" Tanong niya at umiling habang nakasilay ang mga ngisi sa labi niya.

Umirap ako. "Just answer my question, Garcia."

"As your suitor, my responsibility is to fetch you and drive you to your destinations." Sabi niya at lumapit saakin. "Goodmorning, anyway. Flowers for my one and only." Aniya at nilahad ang mga bulaklak.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Ugh!

"I can use my car." Sabi ko sakaniya.

"Nope, baka may mangyari pa sayo. I can't take it when that happens."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at pumasok ulit sa bahay para ilapag ang bouquet na binigay niya. Actually, doon ko siya sa kwarto ko nilagay.

Paglabas ko ay pinagbuksan ako ni Blake ng pintuan ng sasakyan niya. Sumakay naman agad ako at siya naman ay umikot para umupo sa driver's seat.

"Kinda nervous?" Tanong niya saakin habang nakatuon pa din ang mga mata sa kalsada.

"Oo, I know this feeling is normal. Pero hindi ko maiwasang hindi kabahan. This is my first time!"

Tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sumulyap siya saakin saglit at hinawakan ang kamay ko.

"You can do it. Ikaw pa ba?" Sabi niya at binigyan ako ng ngiting nakapagpagaan ng nararamdaman ko.

Ilang minuto din ang lumipas bago kami makadating sa company namin. Buong byahe pilit pinapagaan ni Blake lalo ang pakiramdam ko.

"Breathe in breathe out, baby." Sabi niya kaya ginawa ko naman yun.

"I need to go." Sabi ko sakaniya habang tinitignan ang mga empleyado ni Daddy na naglalabas pasok sa loob ng building.

"I'll fetch you later, okay?"

Tumingin ako sakaniya at ngumiti. "Okay. Ayusin mo trabaho mo ha! Makikipagusap ka lang sa mga babae pero hindi mo sila yayayain ng date." Sabi ko sakaniya at dinuro siya.

Humalakhak naman siya at tinaas ang dalawa niyang kamay. Juskopo! Kung ganito ang preso mo, panigurado kahit sa loob ng kulungan sumama kana.

"I'll work hard for us. For out future. Wait, sounds like a girlfriend, huh?" Sabi niya at sumilay ang ngiti sa labi niya.

Naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko. Yeah right, I want everything back. I want us again. Pero hindi ito ang oras. Maybe I'll talk to him about this kapag free time.

"I'm going. Bye." Sabi ko at lumabas ng pintuan.

"Bye, my one and only! See you later. I love you!" Aniya at nagpalipad pa ng flying kiss.

Kinagat ko ang labi ko bago iwagayway ang kamay ko senyales ng paalam.

"I love you too." Sabi ko.

Nakita ko ang bahagyang pamumula niya. Shit! Why guys are so cute when they're blushing?!

Napaiwas siya ng tingin at napahawak sa batok niya. Ako naman ay tumawa sa reaksyon niya.

"I'll get going." Sabi niya.

Tumango ako at ngumiti. "Ingat ka. Magpapakasal pa tayo." Sabi ko at tinalikuran na siya.

Kahit sa sarili kong salita, kinikilig ako! What the hell, Kylie!

Sa buong araw na yun ay tinrain nga ako ni Ms. Rose. Hindi naman ako gaanong nahirapan dahil napagaralan ko naman 'to.

Mababait naman ang mga empleyado. Nakikita mong well trained sila. Mayron din akong makulit na katrabaho na si James. Alam nila na anak ako ng may ari ng kompanyang pinagt-trabuhan nila. Sinabihan ko sila na itrato ako gaya ng pagtrato nila sa isa't isa. Ayokong may special treatment!

"Lunch na tayo! Gutom na ako e." Yaya ni Elise, katrabaho ko.

"Sa panty tayo kumain!" Aya ni James kaya kumunot ang noo ko. Panty?

"Siraulo ka talaga! Pantry kasi! Mahiya ka nga sa anak ni Sir." Umiiling na sabi ni Ms. Rose. "Pagpasenysahan mo na 'yan, Kylie, ah? Ganiyan talaga 'yan. Puro kalokohan ang alam." Sabi niya habang tumatawa.

Tumawa na din ako. "Okay lang po. May mga kaibigan din akong ganiyan." Sabi ko at tumayo.

Naglakad na kami patungo sa pantry. Hindi talaga maiiwasan sa isang trabaho na may kaniya kaniyang ding grupo. Parang sa eskwela lang. Si Elise ay bumaba sa caf para bumili ng makakain niya. Hindi siya nagbaon hindi katulad namin na may baon.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan habang kumakain ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

"How's your day, bunso?"

Napatingin ang lahat sa likuran ko. It's my Dad!

"Goodafternoon, Sir." Bati nila James kay Daddy.

"Goodafternoon din."

Lumingon ako kay Dad at nakita ko siya na nakangiti.

"Dad! Uh, I'm fine. Ang saya nga po nila kasama." Sabi ko kay Daddy.

Lalong lumawak ang ngiti ni Daddy ng marinig niya iyon galing sakin.

"Good to hear. Tama ka. Sa lahat ng empleyado ko dito, ang mga taga events ang talagang mababait at masayang kasama. I can include James." Sabi ni Dad at tumawa.

Pagkatapos naming kumain kasama si Dad ay nagsibalikan na din kami sa opisina. Hindi pinagbabawalan ni Daddy si James sa mga kalokohang lumalabas sa bibig. Pero halata kay James na may limitations siyang ginagawa.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate ito bigla. Oh my god, I forgot about Blake! At pangalan ni Blake ang isinisigaw ng screen ko.

"Hello?" Bungad ko sakaniya.

May naririnig ako sa background na parang may nagsasalita. Hindi ko lang marinig ng ayos dahil sa biglaang pagsalita ni Blake.

[Hindi mo ako tinext. Kumain kana ba?]

Ngayon naiimagine ko ang mukha ni Blake na nakanguso habang nagsasalita.

"Sorry po. Natuwa ako sa mga kasama ko e. Yes po, kumain na po ako. Ikaw?" Sabi ko habang binabasa ang isang email galing sa supplier sa darating na event.

[Tapos na din. I'm getting bored here. Kung sana kasama na lang kita ngayon.]

Kumunot ang noo ko doon. "Why? Nasaan kaba?"

[Nasa meeting. I'm with Dad and the others.]

Humilig ako sa swivel chair. Medyo sumakit ang mata ko dahil kanina pa ako nags-search.

Loko loko talaga 'tong si Blake! Nasa meeting pala tapos tumawag saakin!

"Baliw ka! Nasa meeting ka pala! Listen to them, Blake. Baka pagalitan ka ni Tito niyan, sige ka." Sabi ko habang umiiling. Matigas pa din talaga ang ulo!

[I don't care. Gusto ko lang makausap ka.]

"Para saan ang 'I'll work hard for us. For our future.' mo kanina, mister?" Tanong ko sakaniya. Nakita kong nakatingin saakin sila Elise. Ngumiti lang ako sakanila.

[It's just to boring here.]

Nakagat ko ang labi ko. "Just go with the flow, Blake."

[What do you say Blake?] Rinig kong tanong sakaniya sa kabilang linya. [Not bad, I guess.] Sagot ni Blake at humalakhak.

Napailing na lang ako.

"Listen there. Baka magalit sayo si tito. May gagawin din ako sa upcoming event. We'll talk again later, okay? I love you." Sabi ko sakaniya.

[Haaaay. Opo. Wala naman akong palag. I love you more. Girlfriend?] Halakhak niya kaya napailing na lang ako at pinatay na ang tawag.

"Boyfriend mo?" Tanong saakin ni Elise kaya napalingon din saakin ang ibang mga kasama namin.

Ngumiti ako sakaniya. "Ex boyfriend but will be my boyfriend again." Tawa ko ng makita ang pagkalito sa mukha nila. "Long story." Sabi ko na lang at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Sa mga natirang oras ay puro calls at emails ang natanggap namin galing sa mga suppliers sa darating na event.

Habang si Blake ay panay ang text saakin at pangungulit. Kesyo bored na daw siya doon.

To: Blakey ❤

- Kukutusan kita sa oras na hindi ka makinig diyan!

Reply ko sakaniya ng magtext siyang muli ng I wanna go now.

From: Blakey ❤

- May sinabi ba kong hindi ako makikinig? Eto na nga e, nakikinig na po. :(

Tumawa na lang ako ng mareceive ko iyon sakaniya at hindi na siya nireplyan. Alam kong mas lalo siyang tatamaring makinig sa oras na magreply pa ko sakaniya.

Nakarinig ako ng singhapan at impit na tili. Hindi ko iyon pinansin kahit curious na ako kung anong meron dahil sa biglaan nilang aksyon.

"Busy, huh?"

Napatingin agad ako sa harapan ko at nakita ko si Jules na nakapangalumbaba sa gilid ng cubicle ko.

"Juice! What are you doing here?" Tanong ko sakaniya at tumayo.

"Visiting you, obviously?" Sagot niya ng pilyo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Naramdaman ko ang tinginan ng mga katrabaho ko. Napatingin ako kay Elise at nginuso niya si Jules. Sila Patricia naman ay nakatingin din kay Jules habang nagbubulungan at nagkikiligan.

Oh-kay? Hanggang dito ba naman heartthrob pa din?

Binalik ko ang tingin ko kay Jules at tinaasan siya ng kilay.

"Namimilosopo ka? Ha?" Tanong ko sakaniya.

Tumawa siya at umiling. "Sorry na. Sunget."

"Ano ngang ginagawa mo dito?"

"Pinagdala lang kita nito. Meryenda. I know this is also your favorite." Sabi niya at inangat ang paper bag na dala niya.

Muli, narinig ko nanaman ang mga impit na tili nila Elise.

"Siya ba yung kausap mo kanina, Ky?" Tanong sakin ni Ms. Rose kaya umiling ako.

"Huh? Eh sino yun? Naka-iloveyouhan mo pa." Intrigang tanong ni Elise.

Tumawa ako at tinuro si Jules. "This is Jules. One of my best friends." Pakilala ko kay Jules sakanila.

"Handsome name. Like you!" Sigaw ni Patricia kaya nagtawanan ang mga kasama ko.

Ngumiti lang si Jules sakanila at agad naman nagpakilala ang iba.

"Kaya pala hindi ako tinetext ng babaeng 'to. Masyadong nasayahan kasi ang saya niyo kasama." Sabi sakin ni Jules at inakbayan ako.

Napailing na lang ako at tinignan siya.

"Tara? Kainin natin 'tong dala mo."

Tumango siya saakin at bahagyang inayos ang buhok niya pataas.

"Tara. Dun na lang tayo sa pantry niyo?"

Tumango ako at nagpaalam muna kami kila Ms. Rose. Kita ko ang pagkadismaya sa mukha nila Elise. Oh my! Asahan mong dadagsain ka nila mamaya Kylie, para sa numero ni Jules!

Umupo na kami doon at nilabas ko na ang lama ng paper bag. At nakita ko sa loob ng hindi ganun kalaking tupperware ang champorado.

Binuksan ko agad iyon at kumuha ng dalawang kutsara.

"At anong sumapi sayo at binilhan mo ko nito?" Tanong ko sakaniya habang nilalagyan ng powdered milk ang champorado ko.

"Someone whispered at me saying you're hungry." Tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kidding, okay? I just missed you. That's why." Seryoso niyang sabi at ngumiti saakin.

Ngumiti ako pabalik at sinimulan na namin ang pagkain.

"Hindi ka pa ba maguumpisa?" Tanong ko sakaniya.

"Nope, bukas pa. Pero I won't let myself na mawalan ng time magtext sayo. Mahirap na at baka magtampo ka."

Tumango na lang ako doon at napangiti.

He's sweet. And that's why many girls fall for him. Gwapo na nga, sweet at may respeto pa sa babae. Bilang na lang ang mga ganiyang lalaki kaya dapat ay pinapahalagahan sila.

Nagkwentuhan lang kami doon habang kumakain. Pagkatapos ay tumayo na ako at inilagay sa lababo ang mga pinagkainan namin. Ako na din ang maghuhugas.

"Ako na, ley. Diyan kana lang sa gilid." Alok niya at hindi ako hinayaang magsalita dahil agad niyang inagaw ang sponge sa kamay ko at sinimulan ang paghuhugas sa mga ginamit namin.

Pagkatapos nun ay umalis na din siya.

"Bye, leley. I'll see you again some other time. Don't stress yourself, okay?" Paalala niya at nagwave ng goodbye bago sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot ito paalis.

Hindi niya na ko hinahalikan sa noo o sa ulo manlang dahil ayaw niya daw na pagselosan siya ni Blake at magalusan ang gwapo niyang mukha. Hangin right?

Dumating ang gabi at nagpaalam na kami sa isa't isa. Si Daddy ay kanina pa umuwi. Pinaalalahanan kasi namin siya ni Vanessa. Lalo na ngayong nalaman ko na kahit pinagsabihan namin siya noon ay umuuwi pa din siya ng gabi para tumutok lalo sa trabaho. Pero ngayon wala na siyang takas dahil nandito ako. No way!

"Omg, sino naman 'yan?" Laglag panga na tanong ni Elise habang tinuturo ang nasa bandang likuran ko.

Napatingin kaming lahat doon at iyon ang Chevrolet ni Blake!

Lumabas si Blake mula sa driver's seat at muli nakarinig nanaman ako ng mga impit na tili sa tatlong babae na kasama ko.

"Oh geez! Ang swerte ko ba ngayon at puro gwapong nilalang ang nakikita ko?" Sabi ni Pat.

Nakatingin lang ako kay Blake na ngayon ay inaayos ang pagtupi ng long sleeve niya hanggang siko habang nakatingin saakin.

"Ky, ba't sayo siya nakatingin?" Curious na tanong ni Ms. Rose.

Actually hindi pa naman siya ganun katanda saamin. 24 pa lang siya.

Nakita kong napanganga talaga sila noong nakita nilang hinalikan ako sa pisngi ni Blake.

"Hi, baby." Bati niya saakin pagkatapos ay hinapit ako sa bewang ko.

"Bakit ba ang swerte mong babae ka!!" Yugyog saakin ni Pat.

"So siya na talaga yung tumawag sayo? Pero gwapo din si Jules!" Kinikilig na sabi ni Elise kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Jules? Anong ginawa niya dito?" Seryosong tanong ni Blake.

Ngumiti ako sakaniya ng pilit at muling bumaling kila Elise at pinandilatan sila ng mata.

"We better get going. Ingat kayo." Paalam ko sa mga babae at hinatak na si Blake patungo sa chevy niya.

"Bye, Ky! Pakisabi sa bestfriend mo pakasalan niya na ko!" Sigaw ni Pat.

"Sige sasabihan ko kila Kinah." Tawa ko at sumakay na sa kotse.

Sa ilang minuto ay tahimik pa kami. Ngunit siya na din mismo ang nagbasag ng katahimikan.

"Ano ginawa ni Jules?" Tanong niya ng kalmado.

"Dinalhan niya lang ako ng meryenda. Don't get jealous." Sabi ko sakaniya.

"I'm not. I'm just curious why he went there." Aniya at tinigil ang sasakyan dahil red ang light.

"Are you sure?" Tanong ko sakaniya at ngumisi ng pilya.

Tinignan niya ako at sumimangot siya. "What if I say yeah I'm fucking jealous?"

Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya.

"Don't worry, boyfriend, I'm yours. Only yours." Tawa ko at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. How cute! Sarap picture-an!

"W-wait, did I heard you right? Boyfriend?" Tanong niya at tinignan ako ng may tuwa sa mukha.

"Yes," Nakangiti kong sagot sakanya.

"Oh shit!" Tuwang tuwa niyang sabi. "It still feels like it's my first time to be your boyfriend!" Patuloy niya at nagulat ako ng lumabas siya ng sasakyan.

"Kylie Michelle Santiago is mine again! SHE'S MINE!" Sigaw niya kaya naramdaman kong namula ang pisngi ko at sinubukang abutin siya sa labas ngunit hindi ko siya maabot.

"Blake! Gosh!" Tawa ko habang tinitignan siya.

Sumakay siyang muli na halata sa mukha ang sobrang pagkasiya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.

"Hindi ako magsasawang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Worth it ang paghihintay ng dalawang taon." Masaya niyang wika.

Hindi ko na pinatagal pa dahil alam kong dun din naman ang kahahantungan. Matagal din akong nagtiis. Ngayon kailangan ko na siyang bawiin.

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya saakin at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. I missed those soft lips, too!

Hindi ko alam kung ilang segundo iyon. Basta ang tanging narinig ko na lang ay ang mga busina ng mga sasakyan sa likuran namin.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 182K 38
Completed [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
6.7M 61.7K 21
โœ”๏ธŽ๐‘ท๐’–๐’ƒ๐’๐’Š๐’”๐’‰๐’†๐’… ๐’–๐’๐’…๐’†๐’“ ๐‘ท๐‘บ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ถ๐‘ด ๐ด๐‘ข๐‘กโ„Ž๐‘œ๐‘Ÿ'๐‘  ๐‘๐‘œ๐‘ก๐‘’: ๐‘‡โ„Ž๐‘–๐‘  ๐‘๐‘œ๐‘œ๐‘˜ ๐‘–๐‘  ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘…๐ด๐‘Š ๐‘ฃ๐‘’๐‘Ÿ๐‘ ๐‘–๐‘œ๐‘›. ๐ด ๐‘™๐‘œ๐‘ก ๐‘œ๐‘“ ๐‘’๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘œ๐‘Ÿ๐‘ ...
1M 41.5K 100
crush back series #1 โcrush kita. what if jowain mo ko, ha?โž