TADHANA

By Agentaira

157K 576 203

Nathaniel Jeaus Guevarra, isang sundalo sa panahon ng 2089 ay nautusang ipadala sa panahon ng 1890 para sa is... More

T E A S E R
DISCLAIMER
Introduction
Chapter 1
Chapter 2.5
Chapter 3.0
NOTE
Chapter 3.5

Chapter 2

5.5K 70 12
By Agentaira

Jeaus.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung mapunta ako sa taon ng 1890.

Inayos ko lahat ng mga kailangan ko, mga gagamitin at mga plano ko. Naipapalit ko na din ang ilan sa mga alahas at ginto na nasa loob ng kallupi na binigay sa akin.

Ano na kaya ang nangyari kay Sandoval? Paniguradong nasa 2015 na siya ngayon at alam na niya kung nagtagumpay ba ako sa mission kong 'to.

Bumili ako ng bahay na medyo malapit sa lugar ng mga Montreal. Dito daw kasi sa Bayan ng San Antonio nakatira ang mga Montreal.

Sa tatlong araw na pag-aasikaso ko ng mga pagbili ng mga kung ano-ano ay inaral ko din yung binigay sa akin ni Mr. Anthony na informations about Montreal. Nakapag-isip na din ako ng magiging plano ko.

Hindi ko maiwasan alalahanin ang nangyari bago ako makaalis sa year 2089. Alam kong wala na ang lahat ng mga kasama ko. Dahil natunton at nadiskubre na ng mga Veronians ang pinagkaingat-ingatan naming kampo sa loob ng labing isang taon.

Wala na si Heneral Martinez. Wala na akong magagawa. Ang tanging pwede ko na lang magawa ay baguhin ang kapalaran nila at magtagumpay sa misyon na 'to.

"Maari ko bang malaman kung saan ang bahay ng mga Montreal?"Tanong ko sa nagtitinda ng mga gulay. Kasalukuyan akong nasa palengke ngayon.

"Bakit mo gusto mong malaman ang bahay ng mga Montreal?"Sabat ng isang matandang nakarinig sa tanong ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Okay naman ang kasuotan ko. Para rin akong galling sa isang mayamang pamilya dahil sa suot ko. Plinano ko na ang lahat ng 'to.

"Nais ko sanang alokin si Don Francisco kung maari ko ba siyang kuning supplier sa negosyong nais kong itayo. Sabi kasi ng mga taong pinagtanungan ko, mas mainam kung puntahan ko siya at doon ako mismo sa kanya makipag-transaksyon."

Tumango naman ang matanda. "Tauhan ako ni Don Francisco."Sambit niya habang patuloy akong sinusuri. "Ano nga pala ang pangalan mo, Ginoo? Hindi kasi basta basta nakikipag-transkasyon ang mga Montreal na 'yon sa kung sino-sino."

Umismid ako at nilahad ang kamay ko. "Ako si... Nathaniel Montreal"

"Montreal?"Gulat na tanong ng matanda.

"Magka-apilyedo kami, Ngunit hindi kami magka ano-ano. Ako ay nagmula sa Nueva Ecija sa bayan ng San Antonio at ang mga Montreal na ito ay likas na taga Maynila"nakangiti kong sabi.

Eto ang paraan ko para makuha ang atensyon nila. Nakalagay kasi sa impormasyon na pinadala ni Mr. Antony na hindi talaga basta basta makakausap ang mga Montreal.

Unang una: Kung hindi ka galling sa isang kilalang pamilya

Pangalawa: Kung mahirap ka

Pangatlo: Madami ang mga tauhan nila. Dahil nga mayaman sila. Kaya yun yung way para makalapit ako sa kanila.

"Mabuti pa at sumama ka na sa akin. Ilang liko lang ay matatagpuan mo na ang bahay nila"

Dumudugo na ilong ko dito, pucha. Ang lalalim ng mga salita. Pero dapat kong sanayin yung sarili ko sa ganito. Ayoko naman magtaka at ma-weirduhan sila sa akin.

Pinag-aralan na din naman namin ang lahat ng 'to. Eto ang isa isa mga bilin sa amin ng professor namin. May mga professor din talaga kasi kami sa bawat subjects gusto din kasi ni Sir Antony na may pinagaralan kami.

Sumakay kami ng kalesa papunta sa bahay nila. Fifteen minutes lang ang byahe. Grabe sobrang na-aamaze ako sa paligid. Tatlong araw na ako nandito pero manghang mangha pa din ako sa sinaunang panahon.

Kakaiba yung mga bahay, mga suot, at napakasariwa ng hangin. Wala pang polusyon. Di tulad sa panahon na pinanggalingan ko. Toxic na nga mga tao, toxic pa pati polusyon.

"Narito na tayo, Ginoong Nathaniel"bumaba kami ng kalesa. Maganda at malaki ang bahay ng Montreal. Sa labas pa lang makikita na galing sa mayaman na pamilya ang nakatira sa bahay na yon. Kumpara sa mga ibang bahay dito sa paligid ang Montreal ang nangingibabaw at kapansin pansin

May isang babaeng nagmamadaling tumakbo papalapit kay Tata Lino."Itay!!! Mayroong nakapasok sa tahanan nila Don Francisco! Bihag niya si Binibining Catalina at may hawak na patalim!"

"Nasaan sila???"Tanong ni tata lino. May sinensyasan siyang tauhan. "Tawagin mo pa ang iba mo pang mga kasama!!" utos niya.

"Nandoon sila!"Turo ng babae.

Kung tutulungan ko ba sila mas magkaka-koneksyon ako?

Baka naman mamatay din sila at tapos na ang mission ko.

Kaya wag na lang ako makielam?

Pero nakasulat sa listahan ng mga angkan ng Montreal na nagpatuloy ang buhay nila. Hindi ngayon ang araw ng kamatayan nila.

At magkaka-asawa at anak pa ang anak ni Don Francisco. Imposibleng mamatay siya ngayon. Baka mga tauhan lang din ni Don Francisco ang magligtas. Mabuti pa ako na lang ang kumilos.

Maning-mani lang naman sa akin yan eh.

Sinundan ko sila Tata Lino, tanaw na tanaw ko ng malinaw mula sa baba ang pangyayari. Dahil sa contact lense kong high-tech na galing kay Mr. Antony.

Parang hostage 'to ah? Ano 'to sinaunang paraan ng hostage?

"Huwag kayong lalapit!! Kung ayaw niyong gilitan ko ang leeg 'tong Binibining ito!!!"Sigaw ng lalaki.

"Ama..."sambit nung Binibini. Halatang halata sa mukha nung babae ang takot.

Mukhang siya si Binibining Catalina.

Ang kaisa-isahang anak ni Don Francisco at Donya Victorina.

"Ano, Don Francisco? Ano kaya ang pakiramdam kapag nakita mo na ang kaisa-isahang anak mo na bawian ng buhay?!"Sigaw niya at mas lalo pang nilapit ang kutsilyo sa leeg nung Catalina.

Kinontrol ko ang contact lense ko at zinoom in ang nangyayari. At inaral yung mga magiging sunod na hakbang ko.

"Nagmakaawa ako sa'yo!!! Nanghingi ako ng tulong!!! Tauhan niyo kami, pero hindi sapat ang pinapa-sweldo niyo!! Hindi ko kayang sustentuhan ang gamot ng anak ko. Pero anong ginawa niyo? Inalisan niyo pa ako ng trabaho!!! Dahil ano? Dahil nagmakaawa at ginambala ko kayo?"

"Oh! Putangina!! Ngayon patay na ang anak ko dahil sa'yo!! Pinanood kong mamatay ang anak ko dahil wala akong mabigay na kahit ano! Mga mayayamang ignorante!!"

Lumalapit si Don Francisco sa lalaki. "P-patawarin mo ako...m-maari pa natin 'tong pagusapan—-"

Sumampa ako sa bintana at tumalon papasok. Hinatak ko ang kurtina nila at hinablot ko ang kutsilyong hawak niya. Dali dali kong pinulupon ang kurtina sa lalaki para hindi na siya makawala.

"AAAH! PAKAWALAN MO AKO!"

Naitulak ko si Binibining Catalina palayo. Napatumba siya sa lapag pero kailangan ko munang ma-secured na di na makakagalaw yung lalaki.

Dumating naman bigla ang mga kawal ni Don Francisco. "Kunin niyo na 'to."

"M-maraming s-salamat.. Ginoo.."napatingin ako sa babaeng nagsalita na si Binibining Catalina.

Nagtama yung mata namin ng ilang segundo bago siya bumagsak.

Buti na lang at nasalo ko siya. "Miss..."sambit ko at hinawakan ang mukha niya.

Pero shit, Binibini pala dapat. Hindi miss! Ugh. Kailangan kong masanay sa mga salitaan dito.

Napakaganda pala ni Catalina.

"Catalina!!"Sigaw ni Don Francisco. "Tumawag kayo ng mangagamot!"

Tinulungan kong ihiga si Catalina sa sofa nila. "Sino ka, Ginoo?"

"Nathaniel. Mula sa pamilya ng Montreal sa Tarlac"

"Montreal din ang apilyedo mo?"Tumango ako. Napatingin ako kay Catalina na ginagamot ng mga doktor.

"Jeaus...."sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko. Jeaus? Pano niya nalaman yon? Alam niya ang tunay kong pangalan????

"Sino si Jeaus?"Tanong ko.

"Baka nagkamali lang ng sabi. Dahil sa pagkabigla kanina.." Tumango na lang ako.

Fvck? Saan, paano niya naman nalaman ang pangalan na ginagamit ko? Pero paano naman siya magkakaalam? Nasa sinaunang panahon siya at galing ako sa future. Umiling na lang ako.

Napaka-impossible.

"Bakit ka pala naparito?"Tanong ni Don Francisco. Nakatingin pa din sya sa anak niyang si Catalina.

"Nais ko sanang makipagtranskasyon sa inyo para sa negosyo kong—"hindi natuloy ang sasabihin ko dahil naputol sa pagdating ni Donya Victorina.

"Catalina!!!!l"sigaw ng.... kanyang Ina? Siya nga si Donya Victorina. Nagmamadali siyang lumapit kay Catalina para tignan kung ano ang lagay ng anak niya.

"Victorina, Si Ginoong Nathaniel ang nagligtas sa amin ng anak mo. Malaki ang pasasalamat natin sa kanya."Pagpapakilala sa akin ni Don Franciscos sa kanyang asawa. "Ginoong Nathaniel, Siya ang aking asawang si Victorina"

Tumayo at lumapit sa akin si Donya Victorina. "Maraming salamat... Ginoong Nathaniel!!"

"Walang anuman, Donya Victorina"

"Ipapatingin ka na rin namin sa mangagamot, baka nagalusuhan ka"dagdag pa ni Donya Victorina habang nakahawak sa akin at pinagmamasdan kung may galos ba ako.

"No need— i mean— a-ang ibig kong sabihin ay.. maayos ang aking lagay. Hindi na kailangan"

"Sigurado ka ba, iho?"Tanong ni Don Francisco.

"Opo."

"Mabuti pa at bumalik ka na lang bukas upang mapagusapan din natin ang tungkol sa negosyo. Upang personal na makapagpasalamat din sa'yo ang anak naming si Catalina"nakipag kamay sa akin si Don Francisco.

Lumabas ako na nakangiti.

"Mukhang mas mapapadali sa akin ang misyon ko"

Continue Reading

You'll Also Like

216K 802 1
http://angela-akademika.blogspot.com/2012/02/buod-bawat-kabanata-ng-noli-me-tangere.html
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 68.4K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.6M 88.9K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...