Chapter 1

7.1K 101 18
                                    

CHAPTER 1

Nathaniel Zeaus Guevarra

"Congratulations, Nathaniel Zeaus Guevarra at Sandoval Miguel Malvar. Kayo ang napili!" sumaludo naman ang mga ibang opisyal na sundalo at nagpalakpakan.

11 years na ang Hukbong Makabayan Pilipinas pero nasa 200 mahigit lang kami. Yung iba mga bata pa..

Trine-train kami para pagpilian sa araw na nakatakda. At eto ang araw na 'yon.

Lumapit sa akin si Heneral Martinez at niyakap ako. "Proud ako sa'yo, Zeaus. Magi-ingat ka don. Kayo ang pag-asa ng bayan. Masayang masaya akong ikaw ang napili. Alam ko pangarap mo din 'to, Para sa bayan at Para sa mga magulang mo."

Alam kong gusto din niyang mapili. Kaso medyo matanda na siya dahil 46 years old na siya.

Tinuring ko na parang ama si Heneral Martinez. Siya kasi yung nakahanap sa akin. Namatay kasi si Papa at Mama. Mayroon din kasing military group si Papa at planong makipag-merge ni Heneral Martinez.

Ang kaso....

FLASHBACK

YEAR 2078

Habang naglalaro si Zeaus ay biglang dumating ang Papa niya. Pawis na pawis, nagmamadali at natataranta. "Magtago kayo! Bilisan niyo!!"

"Anong nangyayari, Ricardo??"natatarantang tanong ng Mama ni Zeaus.

"BASTA MAGTAGO NA LANG KAYO!"sigaw ni Papa. Napaiyak naman ang batang inosente na si Zeaus. Hindi kasi sanay si Zeaus na sumisigaw ang Papa niya.

Lumapit ang Papa niya at lumuhod sa anak. "Sorry anak, n-natataranta k-kasi... si D-daddy.. k-kailangan nyong magtago kasi d-darating na yung mga bad guys" paliwanag ng Papa niya.

Tumango naman si Zeaus at pinunasan ang luha niya. "Kakalabanin mo ang bad guys, papa?" sambit ng Inosenteng bata habang kinukusot ang mata.

Hinalikan at niyakap ng Papa niya si Zeaus. "O-oo anak.. kaya magtago na kayo.. Huwag kayong lalabas ha?"

"Richard..."naiiyak na sabi ng Mama ni Zeaus.

Niyakap ni Papa si Mama. "Magtago na kayo.. Dalian niyo!"

Umakyat si Zeaus at ang Mama niya si Zeaus sa ilalim ng kama. "Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang lalabas. Naiintindihan mo ba ako?"

"Opo, mama!"sumaludo pa si Zeaus sa mama niya. Ginagaya niya kasi ang Papa niya.

Ngumiti si Janine. "Kahit sumigaw si Mama huwag ka lalabas ha? Kahit anong marinig mo ha? Huwag kang lalabas hanggat may naririnig ka pang mga sundalo. Bad kasi sila..."

"Eh bakit, mama?"

Niyakap ni Janine ang anak. "Hindi ka magiging sundalo katulad ng Papa mo pag di ka sumunod, sige ka!"pagbabanta ng Ina niya.

"Ayoko ma. Susunod ako noh! Gusto ko maging sundalo eh"nakangiting sabi ni Zeaus. Pumasok na ule si Zeaus sa ilalim ng kama.

Si Janine naman ay sa closet nagtago.

"FIND HIM!!"sigaw ng isa sa mga sundalo ng Verona.

"Yes, sir!"

Nagtatago si Richard sa may ilalim ng hagdanan. May secret base kasi doon para hindi siya makita. Binaril niya ang tatlong sundalo.

"Holy fuck, where is he?"sigaw ng sundalo ng Verona.

Pumutok ule ang baril at namatay yung isang sundalo.

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon