Married To Mr. Artista #Watty...

By AkoSxiEje

3.4M 8K 269

✅ COMPLETED ✅ Nagpakasal ang isang fangirl na si Martha sa kaniyang iniidolo dahil sa kasunduan ng mga Lolo n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 3

81.4K 1.1K 12
By AkoSxiEje

Martha

Nakaharap ako sa full length mirror dito sa kwarto ko to check if I'm ready to go. Sobrang sakit kasi ng mga mata ko dahil sa di ako nakatulog ng ayos ilang gabi na. At pakiramdam ko namamaga na ang mga mata ko dahil doon. Mukang namamahay pa nga ata ako dito kasi magiisang linggo na ako dito sa bahay namin ni Jake ay parang hindi pa ako masanay-sanay. Mas gusto ko pa din yung dati kong kwarto. Pero syempre, mas masaya ako ngayon kasi araw araw ko ng makikita si Jake ko kahit pa lagi itong nakasimangot sa tuwing nakikita ako.

Well, sanayan na lang.

Kasi every time na maiisip ko na nasa iisang bahay na lang kaming dalawa ay di ko mapigilang hindi mapangiti kaya nawawala na ang sakit sa puso ko tuwing susungitan ako nito. Tsaka, sino ba naman kasing di magiging masaya kung yung lalaking matagal mo ng pinapangarap ay abot kamay mo na lang.

Kinuha ko na ang bag ko para makaalis na. Papasok na kasi ako sa University ngayon araw kasi tapos na ang iyong leave na ipinaalam ng parents namin sa Dean kaya back to school na. Chineck ko na muna ang laman ng bag ko at nung okay na lahat ang gamit ko ay sinukbit ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.

Madadaanan ko ang room ni Jake every time na lalabas ako. I don't know pero parang may nagtutulak saking buksan ang pintuan ng room niya. Pero mas nakaramdam ako ng hiya. Atsaka baka mas lalo lang siyang magalit sakin kung pakikialaman ko siya. Isa pa, kasama sa rules na ginawa niya 'yon. Wala na akong nagawa kundi lagpasan na lang ang kwarto nito at bumaba na.

Naabutan ko pa si Marie na nag-hahanda ng almusal sa dining area. 

"Hi. Good morning." Napatigil siya sa ginagawa niya at nilingon ako. Ngumiti siya kaya napangiti na din ako. Mukang nasa 4 to 5 years lang ang tanda niya sakin kung hindi ako nagkakamali.

"Magandang umaga din Ma'am Martha." Nakangiting bati niya pabalik. Umupo ako sa bakanteng upuan para mag-almusal.

"Halika, sabayan mo ako Marie."

"Hindi na Ma'am. Nakapag-kape na din po kasi ako kanina." Nakangiti ulit niyang sabi sakin. Pansin ko sakaniya ang pagiging masayahin niya. Nakakahawa tuloy siya ng pagiging palangiti. Gusto ko ang mga katulad niya, nakakagaan sa pakiramdam kapagka-ganito siya.

Tumango na lang ako at nagsimula ng kumuha ng pagkain. "Gaano ka na katagal sa work na to?" I asked her while drinking my tea. I also get strawberry jam and wheat bread and started eating.

"Bale Ma'am, 2 years na po akong maid nila Sir Jake." Oh. I see. Matagal na din pala.

"If you don't mind? Can you please tell me more about yourself? Syempre, makakasama na kita dito sa bahay. Pasensya ka na din ha kung nitong mga nakaraang araw ay hindi kita masyadong nakakausap. Naging busy lang kasi ako sa pagaayos ng kwarto." I smiled to her at muka naman siyang nag-blush. Ang cute naman niya. Ang taba pa ng pisngi niya. Ang sarap pisilin.

"Wala pong problema, Ma'am Martha. Hindi niyo po kailangang mag-sorry." Ibinaba ni Marie ang hawak na plato at nahihiyang tumingin sakin. "Hmm, 27 years old na po ako Ma'am at tubong Cavite po ako." Oh. Di halata na 27 lang siya. Maliit kasi siya at medyo payat pa.

"Ahh. So, matagal ka na din pala kila Jake. Pwede mo ba akong kwentuhan about him?" Mukang nagulat pa siya sa tanong ko at pakiramdam ko ay nagaalangan pa siyang magkwento. Pero maya maya lang ay nagsimula na din siyang magsalita.

"Hmm, si Sir Jake po? Hm. Masungit po 'yon at sobrang suplado po talaga. Hehe. Pero mabait po siya at sobrang mapag-mahal. Mommy's boy po 'yon e. Nung naging sila po ni Ma'am Anne lagi na po siyang nakangiti." Natigilan ako sa sinabi niya. I know Marianne. I'm a big fan of Jake kaya alam ko ang mga personal info about him. And yes, alam kong nasa US si Marianne nung nagpakasal kami at hindi ko alam kung sinabi ba ni Jake dito o hindi. Model si Marianne ng kung ano anong mga damit sa US dahil nga sobrang ganda niya. And I don't know kung magka-relasyon pa din ba sila ng asawa ko hanggang ngayon. But, I think sila pa ding dalawa. Alam ko kasing play boy at jerk si Jake pero kahit na ganun siya mahal na mahal pa din niya si Marianne. I really admire their relationship pero masakit for me na may minamahal na iba ang asawa ko. Sana in time, mahalin din niya ako like Marianne.

Parang may kung ano namang nabasag sa dibdib ko. Masakit, literal na masakit sa puso ang ideyang may ibang mahal ang lalaking mahal mo.

"Ma'am? Ay. Sorry po. Napasobra po pala ako sa pag-kukwento ko. Naku po lagot po ako nito kay Ma'am Janet. Sorry talaga Ma'am. Sige po babalik na po ako sa pag-tatrabaho." Taranta nitong sabi.

Peke akong ngumiti dito. "Hindi okay lang Marie. Ako naman ang nag-pakwento sayo e." I checked my watch at 7 AM na pala. 8AM kasi ang start ng class ko ngayong araw. "Ah, Marie. Nasan pala si Jake? Di pa ba siya mag-aalmusal?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong tanungin ito.

"Ah Ma'am, di po ulit umuwi si Sir Jake kagabi e." Nalungkot naman ako sa sinabi nito. Talaga bang galit na galit siya sakin at nagawa niyang di umuwi sa bahay? Mag-iisang linggo na siyang hindi natutulog dito. Hays.

Ngumiti na lang ako sakaniya to assure na I'm perfectly fine kahit pa nalungkot ako don. "Sige, Marie. I have to go. Ingat ka dito ha." Pinunasan ko ang bibig ko at tumayo na. "Ah, nga pala. Ikaw lang ba ang makakasama namin dito sa bahay? Hindi kaya mahirapan ka naman sa paglilinis. Medyo malaki kasi ang bahay na to e."

"Ah eh. Opo Ma'am, ako lang po e." Hmm. Kawawa naman pala siya kung ganon.

"Sige, I'll tell na lang Mama Janet na mag-hire pa kami ng dalawa pang kasama natin sa bahay. Or kahit isa na lang para atleast may katulong ka." Tumango lang ito. Nagpaalam na din ako sakaniya na aalis na.

Sumakay agad ako sa kotse ko at isinara naman ni Marie ang gate. Palabas na ako ng subdivision ng makasalubong ko ang isang Black Ferrari. And I know that it's Jake.

Muka namang hindi niya ako napansin kasi tinted ang salamin ng kotse k. Di ko na lang din siya pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho kasi baka masira pa ang araw niya because of me kung tatawagin ko pa siya. Napabuntong hininga na lamang ako. Ano ba yan, naiiyak pa tuloy ako. Kainis!




Mabilis akong nakarating sa Xavier, which is our University's name. After parking my car ay bumaba na agad ako at saktong tunog naman ng phone ko.

"Yes? Bakit?" I answered my phone and continue walking.

"Hello din Mrs. Villafuente." Narinig ko na naman ang tawa niya sa kabilang linya. "Oh ang ilong mo umuusok. Haha. Sissy, nandito ako sa may field. I'll wait you here. Bye." Magsasalita pa sana ako pero binabaan na niya agad ako ng tawag. Nabawi ang impakta sakin dahil binabaan ko din siya ng tawag kagabi. Baliw talaga. Paano ba ako nagkaroon ng kaibigan na baliw? Tsk.

Naglakad na lang ako at dumiretso na sa field kung saan nakatambay ang bruha. At alam ko na kung bakit nandito ang impaktang to because of her knight in shining armor 'daw'. Psh. Porket tinulungan siya nung nadapa siya, knight in shining armor na agad? Sira talaga siya!

Ang alam ko din kasi malapit na ang inter campus kaya nag-papractice na ang mga varsity ng soccer team namin. And alam ko din nandun din ang mga cheering squad ng school. Ang mga babaeng mukang coloring book na patay na patay sa mga lalaki dito lalo na sa basketball team namin. Haha. Sorry na. I'm bad!

Hinanap ko agad ang bruha kong best friend ng makarating ako sa field. At dun ko siya nakita sa may dulo ng field at prenteng nakaupo sa bench na sobra kung makatitig kay Phil. Lumapit agad ako sakaniya para sabunutan siya.

"Hoy babae." Napalingon naman agad siya sakin.

"What?" Maarteng tanong nito. Aba, malilintikan talaga sakin to.

"Wag mo nga akong i-what what dyan. Panay na naman ang pagpapa-cute mo dyan kay Phil. Diba sinabi ko na nga sayo bakla yan." Umupo ako sa tabi niya at inaagaw ang sandwich na hawak niya.

"Sissy naman e. Diba I told you he's not bakla. He's so handsome kaya. Your so nakakainis." Alulu biglang umarte si Yumi Grace. Napa-irap na lang ako at hindi na nagkomento pa.

"Oo na nga. So, tara na sa room. Tama na ang pagpapatansya sa lalaking yan." Hinila ko na siya at kinaladkad sa may hallway. She has no choice kundi sumunod sakin.

Malawak ang campus namin. May isang soccer field, meron din swimming pool, dalawang cafeteria at meron ding malaking basketball court. Bawat madadaanan mo ay may speaker na naka-kabit.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakita ko ang mga barkada ni Jake. Ang basketball team ng school. Yes. Barkada. He's also studying here. Graduating student na siya kasi matanda siya sakin ng isang taon. Since engineering ang course niya at ako naman ay architecture kaya nasa iisang department lang kaming dalawa.

Hindi din alam sa school na kasal na kami ni Jake. Talagang sinikreto ito para daw less problem at less issue, once daw na maka-graduate na si Jake ay tsaka daw i-aannounce sa public. But for me, mas gusto kong ganito na lang. Tahimik ang life ko.

Nilagpasan na lang namin ang mga kaibigan ni Jake pero hindi pa kami nakakalayo ng biglang nagparinig ang isa sa barkada ni Jake. Hindi ko alam kung kami ba ang pinaparinggan ng mga ito pero dahil assumera kaming mag-best friend kaya tumigil kami para pakinggan kung anong sasabihin ng mga ito.

Sikat ang barkadahan nila Jake sa school namin at madami ding mga babae ang nagkakandarapa sakanilang apat hindi lang dito sa university, maging sa kabilang university. Myembro kasi ng basketball team ang mga iyon at syempre, lahat ay gwapo.

"Hanep pre, Chicks oh." Sabi ni Aries, yung lalaking matangkad na chinito. Si Aries Madrigal ang numero unong bully dito sa school. Mayabang siya at puro kalokohan ang nasa isip.

"Hoy Aries. Wag mo ngang pag-tripan yan. Lagot ka kay Zeus nan." Biro pa nung isa, si Clyde. Clyde Samonte, ang pinaka-babaero sa apat. Parang ginagawa lang nitong pagpapalit ng damit ang pagpapalit-palit ng mga babae.

Si Zeus lang ang matino sakanila. Tahimik ito at medyo suplado. But unlike, Aries, hindi ito mayabang at lalong lalo ng hindi din ito babaero. And aside from Jake, I also find him really attractive. He is handsome and well mannered. And based on what I've heard is his family is on top of the richest family in the Philippines and also China. Chinese-Filipino kasi si Zeus. Syempre, including Villafuente Group of company as number 1.

Hindi na lang namin sila inintindi pa ni Yumi kasi baka naman di kami ang pinaparinggan nila. Asa pa kami. Eh, we're just an average girl here in the campus. Kaya no one will be interested saming dalawa.

Pero hindi pa kami nakakalayo ni Yumi nang marinig ko ang boses ng lalaking matagal ko ng hindi nakikita.

"Sorry guys. Nalate ako." Agad akong lumingon dito at ganon din si Yumi na kunot na kunot ang noo.

"Okay lang. Sanay na kami sayo. Nag-bar ka na naman ba? Ayos pre ah. Nag-hahanap ka ba ng sakit sa kidney?" Nabatukan naman ni Clyde si Aries dahil sa kalokohan nito.

"Gago! Liver yon. Sari sari ka talagang kupal ka." Pag-cocorrect naman ni Clyde sa kaibigan.

Maya maya lang ay may lumapit na isang babae kay Jake at hiniwakan nito ang kamay ni Jake. Parang may kung ano namang tumusok sa dibdib ko ng makita ko ang babae. Si Marianne? Nakauwi na pala siya from US. Nginitian naman ito agad ni Jake at naglakad na sila palayo samin.

Di naman ako napansin ni Jake na nakatingin sakanila.

Ouch! Ang sakit! Ang sakit sakit.

Ano nga ba kasing laban ko sa isang Marianne Go? Isang tourism student at super model, hindi lang dito sa Pinas maging sa abroad. Sa ganda ba naman niya ay wala talaga akong panama. Walang wala. I know, kahit kailan di ko siya maaalis sa puso ni Jake. Kahit ano pang gawin ko.

Kasi, asawa lang niya ako sa papel. Wala ng iba pa.

---

Continue Reading

You'll Also Like

373K 19.5K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...