Baekhyun’s POV
~~Naega nungama gideohan I sunggani
Geudae ein mameul anajulge cheoncheonhi
Oneuri hanbeonui chance na naeditneun cheot georum~~
Nagisisng nalang ako nay an ang tumutugtog mula sa earphones ko. Nakarepeat kasi ito bago ako matulog.
Magugustuhan niya kaya ito? Galing kasi ito sa puso ko.
*knock knock*
Tumingin ako sa relo sa cellphone ko Napaka-aga naman ata para mambulabog. 6 am palang kumakatok na.
Bumangon na ako at binuksan ang pintuan…
“Ano ba naman ‘to?! Simula pa lang ng araw ko, sira na. Una ko pang nakita ay yang pagmumukha mo.”
“Ang harsh mo. Magbihis ka na. Babalikan kita bago mag-eight. May pupuntahan tayo.”
“Ang bakla mo talaga Kai! Makikipagdate ka sakin?!”
Binigwasan ako ni Kai.
“ULOL! Makikipagkita si Anya. Nag-usap raw kasi sila ng tita mo. Aayusin raw nila relasyon niyo.”
“Wala kaming relasy---!!”
“Di yan ang ibig kong sabihin… relasyon as in pakikitungo.”
“Ah. Osige. Ayusin na to para walang hasel sa plano ko para samin ni Yuri!”
“Sus! Sige! Mag-ayos ka na!”
***
Matapos kong mag-ayos, dumating na si Kai. Sabay kaming pumunta sa isang restaurant at hinintay naming dumating si Anya.
“Anya?!”
Hinalikan muna siya ni Kai at pinaupo sa tabi niya…
“The one and only..” sagot niya.
“Ikaw ba talaga yan? Walang make up?!”
“Eh sa ayaw ni Kai na magmake up ako eh Pake mo ba?!”
“Wala. Nakakapanibago lang.”
***
Pagkatapos naming kumain, dun ko lang napagtanto na nagbago na talaga si Anya. Kahit maldita pa rin siya, halata naman na bumait na siya ng KONTI.
“Ano nga pala pinag-usapan niyo ni tita?” Tanong ko.
“Ah… Siya na raw bahala.”
“Bahala sa ano?”
“Bahala sa daddy mo.”
“Ano naman gagawin niya para magbago isip ni papa?
“Nakalimutan moa tang siya ang may ari ng kompanya niyo…”
“Oo nga pala.. ahaha.. bahala si papa.”
“So okay na?” –Kai
“Yea. Okay na kami kung nakaget-over na siya sakin.” Nakasmirk pa ako.
Haha. Indi madrawing yung mukha ni Kai.
“At sa harap ko pa talaga?” halatang naiinis na si Kai.
“Kalma babe…”
Pweh! Di ako sanay na gumaganyan si Anya…
“At ikaw Baekhyun ka!! Hindi ka naman kagwapuhan no! Nakagetover na ako sayo, wag malaki ang ulo…”
“Tsss… Akala ko bumait na.”
Nagroll eyes lang siya.
Di nagtagal ay nauna na akong umalis.
NakakaOP kaya. Nagmukha akong chaperone…
Sa susunod na sasama ako sa kanila, dapat isam ko na rin si Yuri.
10am palang naman kaya pumunta na muna ako sa kwarto ni Chanyeol kung saan naabutan ko siyang nagbibihis.
“Tol!” tawag ko sa kanya pagpasok ko sa kwarto niya.
“Wag ka nanag kumatok, kwarto mo to eh.” *note the sarcasm*
Tapos sinuot niya ang sando niya.
“Toh naman oh! Parang naiba.” Tinapik ko ang braso niya sabay upo sa kama niya.
Feel at home ako eh. Haha.
“Ba’t ka naligaw rito?”
Grabe. Haha. Alam na talaga.
“Hihingin ko kasi number ni Yana..”
Tinutok niya ang hanger sakin.
“Akin siya!”
Unti-unti kong kinuha ang hanger mula sa kamay niya..
“Kalma. Wala akong balak sa kanya, magpapatulong lang ako.”
“Sa ano?!”
“Sa prom.”
Huminga naman siya ng maluwag…
“Akala ko naman kung anon a.. O eto!”
Kinuha ko ang phone niya at sinave yung number ni Yana.
“Salamat.” Binalik ko ang phone sa kanya.
“Ano naman maitutulong niya sayo??”
“Diba siya yung nag-oorganize ng prom?”
“Eh ano naman ngayon?”
“Hihingi ako ng production number..”
“Siguraduhin mo lang n di mo siya popormahan.. kundi malalagot ka sakin” banta niya.
“Wag kang mag-alala.. loyal ako kay Yuri.”
“Mabuti naman kung ganun! Sige layas! May date ako!”
Wala na rin akong nagawa kundi umalis at tumambay sa kwarta ko…
__________________________________________________
To: Yuri <3
I love you! :*
*sent*
___________________________________________________
Pambungad ko palang yun pero siguradong kinikilig na yun.
___________________________________________________
From: Yuri <3
Eeeh!! Baek naman eh! I love you too :*
___________________________________________________
Hula ko nagbablush nay un.. haha..
Nag-usap kami hanggang sa niyaya ko siyang makipagdate bukas total alam kong half day lang naman siya eh..
Nauna na rin siyang matulog kasi may exam pa raw kasi siya bukas.
Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si Yana..
“Hello Yana!”
“Hello?? Sino to?”
“Si Baekhyun, boyfriend ni Yuri.. Magpapatulong lang sana ako..”
“Ah.. Ano bang maitutulog ko?”
“Yung sa prom sana.. Kakanyahan ko si Yuri..”
Tumili siya sa kabilang linya…
“Ay kakilig!! Sige sige! Yan lang ba?”
“Uhmm.. Pwede bang last performance ako?? Ung timing magmidnight?”
“Bakit naman?”
“Para mas romantic.. Hehe.”
“Eeeh! Answeet!!Ikwento mo naman sakin buong plano mo nang ma-example ako sa boyfriend ko.”
“Wag ka nanag umasa.. Walang sweetbone si Chanyeol!”
“Magkakilala kayo?”
“Oo. Sa kanya ko hiningi number mo.”
“Binigay niya lang?”
“Haha. Tinutukan niya muna ako ng hanger at binantaan bago ko nakuha number mo. Haha.”
“Loko talaga yun! Anyways, ano nga pala plano mo?”
“Etataiming ko sana sa midnight para pagkatapos ng kanta ko tatanggalin na ang masks sabay fireworks.”
“Nakangiti pa ako at proud na proud habang sinasabi ko yan… haha.
“Syet! Answeet mo. Dumikita sana kay Chanyeol sweetness mo.”
“Haha. So matutulungan mo kaya ako?”
“Oo. Tuloy ang plano mo. Akon a bahala. Magprepare ka na. Monday na bukas, Friday na ang prom.. Limang araw na lang.”
“Haha. Salamat. Nagpeprepare na. haha.”
Nagpaalam na ako at binaba ko na ang cellphone.
Limang araw na lang and I’ll officially ask her to be mine.
----------------------------------------------------------------
ANTAGAL KONG NAWALA XD LOL XD
PAGPASENSYAHAN NIYO NA KASI AKO’Y NAGREREVIEW PARA SA UPCAT. XD HAHA
ANYWAYS, IF YOU PAID ATTENTION TO THE LITTLEST OF DETAILS IN THE STORY, BAEK HASN’T OFFICIALLY ASKED YURI TO BE HIS GF XD HAHA..
ANYWAYS…
VOTES AND COMMENTS…
PAHINGI NAMAN NG JIAYOUs at HWAITINGs DIYAN…
NAWA’Y MAKAPASA AKO SA UPCAT!!
HAHA XD
VOTE AND COMMENT! XD