ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 20 : Dark Cave
Chapter 21 : Morbuzakh
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 25 : Little Punishment
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 27 : Goblin and Dark Raven
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 44 : Cronos Game 3
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 48 : Nation of Spirits
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 50 : Gargoyles
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 56 : Steps to Hope
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3

12.9K 139 14
By purpleangel23

CLYDE P.O.V.

Sinabi na sa amin ni Luke ang tungkol sa babae, sa aking karkula hindi niya alam na ang babaeng yon ay isang Archangel Princess. Inamin niyang siya ang nagligtas at tumulong sa kanilang dalawa nila Alice pero pagkatapos noon hindi niya na alam kung ano ang nangyari sa princessa.

Nangako daw si Luke sa prinsessa, pero hindi ko na napakinggan ito. Isinantabi ko muna ang misyon namin at ipinahawak ko kay Prince Azera ang lahat ng impormasyon na nalalaman ni Luke, hindi kasi ako makapagisip ng maayos dahil nagaalala ako kay Alice.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Alice. 

Pagkatapos namin magkausap at magkasundo. Hindi na kami nagdalawang isip na magpunta sa Mountain of Ghost.

Si Luke ang nagbigay ng dereksyon papunta sa Mountain of Ghost kung saan makikita ang Labyrinth Mansion.

Sa aming paglalakad nauuna si Luke sa aming lahat. “Malapit na tayo.” Sabi niya sa amin.

“Clyde, tama ba na pagkatiwalaan natin si Luke.” Bulong ni Montblanc sa akin.

“Sa tingin ko… pero huwag tayong maging komportable… maging alerto parin tayo kung sakaling… isa nga itong patibong.” Sinabi ko na sinangayunan naman nila Montblanc at Sha.

“Huwag kayong magalala, tama ang dereksyon na sinasabi ni Luke.” Napalingon kami kay Prince Azera.

“Pano ka naman nakakasiguro?” Tanong ko sa kanya.

“Nakikita niyo ba ang mga patak na nagliliwanag at kulay asul.” Tumingin naman kami sa paligid, napansin nga namin ang mga maliliit na patak na nagkalat sa paligid at mukhang iisa lang ang dereksyon na pinupuntahan ni Luke.

“Naglagay ako ng isang Fluidus Mark sa Dark Raven na kumuha kay Alice kaya nakakasiguro akong tama ang dereksyon na ibinigay sa atin ni Luke.” Kaya pala… akala ko titirahin niya ang Dark Raven nung oras na yun. Tumingin siya sa akin. “Diba sinabi ko sayo. Hindi ako gagawa na ikakapahamak ni Alice.”

ALICE P.O.V.

Kahit hindi ko lubos na kilala si Dinah, may nagbago sa kanyang ikinikilos hindi katulad ng una ko siyang nakita.

“Ano bang kailangan mo sa akin.” Nakatingin lang siya sa akin at ngumingisi. “Dinah… isa kang matalik na kaibigan ni Clyde bakit mo ito ginagawa sa amin?”

“Matalik na kaibigan?” taas kilay niyang sinabi sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa ginawa niyang reaksyon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa jaws “Ano bang nagustuhan sayo ni Clyde.” Tinanggal niya ang kanyang kamay na may pwersa at tumayo. “Kung tutuusin naman mas maganda ako sayo at mas may katawan ako sayo.” Tsh. Ou!! Sige na!! nagpasikat pa talaga sa akin.  

“May nakakita sayo kung ano ang ginagawa mo sa hardin.” Sa Hardin?

“Yun ba yung Hardin ng matanda? Ano ba ginawa ko dun?”

Biglang nagiba ang emotion ng mukha niya. “Huwag mo nga ako pinagloloko!!!” medyo nagulat ako sa sigaw niya.

Eh… hindi ko naman talaga alam, hindi ko maalaala.

“Kapag ibinigay kita sa mga Soul Eaters siguradong malaki laki rin ang kabayaran nila sa akin at ang maganda pa don… may bonus pa ako.” Pumalakpak siya na may ngiti sa mukha.

Konting konti nalang… maiisip kong nababaliw siya.

Bakit naman niya ako ibibigay sa Soul Eaters? Hindi kaya alam na nila ang tungkol sa Archangel Princess? Pero… Hindi… nalilito na ko sa mga nangyayari.

“Gusto mo bang malaman kung ano ang bonus ko.” Hindi ko na siya pinapansin dahil wala akong pakielam sa mga pinagsasabi niya.

Lumapit siya sa akin at magkalevel lang ang aming mga mukha. Ngumiti siya. “Si Clyde…” napatingin ako sa sinabi niya. “Oh… diba… napakagandang bonus ko yun. Kapag nawala kana makakasama ko na siya… Hay… Clyde… makakasama din kita.” magkahawak ang dalawang kamay niya at parang nagde-day dream siya.

Ang lakas ng tama nito kay Clyde.

I chuckled para lang panginis sa kanya. “Sa tingin mo ba ganun kadali makukuha ang bonus mo?” napahinto siya sa aking sinabi at napansin ko ding nagbago ang expression ng mukha niya ulit. “kasi… kahit saang anglo---” hindi niya ako pinatapos.

“Oo alam ko!!! Kahit noon pa. Malabo ang mga iniisip ko.” Buti alam mo.

“Kaya nga gumawa ako ng paraan para makuha ko ang atensyon niya.” Kinuha niya ang isang hibla ng buhok sa aking balikat at may inilabas siyang isang maliit na bote na may lamang likido. “Yun ay maging ikaw.” Ano? Ano ang ibig niyang sabihin.

Tumayo siya. Umupo sa lumang upuan at saka niya inilagay ang hibla ng buhok sa bote. Kitang kita ko ang paglaho ng hibla ng buhok ko, na para bang natunaw ito sa likido. “Nakikita mo ba ito. Isang inom ko lang nito.”

Ginawa niya ang sinabi niya, sa pagkainom niya dito unti-unting nagbago ang kanyang mukha.

Naging… Ako…   

Kuhang kuha… bawat detalye ng mukha ko para akong nagsasalamin pero pagkadating sa katawan medyo hindi nakuha ang detalye nito dahil mas sexy parin siya kumpara sa akin.

“Hindi ka magtatagumpay sa plano mo!!”

Ngumiti siya sa akin. “Kung… hindi man ito uubra.” She pointed her thumb to her neck at para bang pinahihiwatig niyang papatayin niya si Clyde. Hindi ko akalain na maiisip niya ang mga ganung bagay kay Clyde.

“Kung hindi siya mapapasaakin, kailangan niyang mamatay.” Napaka-selfish niya!!

Biglang bumukas ang pinto. “Dinah, pasesnsya na sa istorbo.” Pumasok yung taong lobong may peklat sa kanang pisngi.

Nagulat siya sa kanyang nakita at dalawang beses niya kaming tinignan. “Te-Teka… Ano---”

“Anong kailangan mo Omegas.”

“Di-dinah? Ikaw ba yan?”

“Ano pa ba sa tingin mo!!!”

“Eh kasi…”

“Nagtitiis lang ako sa pagmumukhang toh!! Kaya sabihin mo na!! kung ano ang sasabihin mo!!!” Nang napagkaalam niya na ngang siya si Dinah lumapit siya dito at may ibinulong. “Ano!!? Nawalan kayo ng isang tauhan.” Ibinulong pa niya… isisigaw rin naman pala.

Pagkatapos ng huling bulong. “Ano ba naman kayo… Hay!! Kahit kelan ang loko lokong lalaking yun talaga!! Napakadulas!! Pagkatapos ng ginawa niya kay Sabey!! Hanapin mo siya!! Huwag na huwag kayong titigil na hindi siya mahanap. Nakakasiguro akong magkakasama sila.”

Walang duda sila Luke at Clyde ang tinutukoy niya.

Natigilan sila ng napaharap sila sa bukas na pinto para bang may nakatayo don. “Kayo po pala.”

“Humanda na kayo. Nakausap ko na siya.” Malumanay ang kanyang pananalita. Isa siyang babae. Hindi ko siya nakikita dahil nasa labas siya ng silid. Sino naman kaya ang tinutukoy niya? Hindi kaya ang Soul Eater na kukuha sa akin.

Waaahh!! Ayoko na dito!!

“At saka pwede bang ayusin niyo ang gulong ginawa niyo.” Nagkatinginan sina Dinah at ng kasama niya. “Mukha kasing nasundan kayo.”

Laking tuwa ko, siguradong sila Clyde yon.

“Ano!!?” sabay batok niya sa lalaking may peklat sa kanang pisngi. “Wala na kayong ginawang matino!!!”

“Dahil nainom mo na ang ibinigay ko sayo. Sa tingin ko, umpisahan na ang palabas.” Sabi ng babaeng nasa labas ng silid.

Naka-ngitingtumingin sa akin sina Dinah at tuluyan ng umalis.

Hinde!! Clyde!! “Dinah!! Pakawalan niyo ko!!!”

Iniwan nilang bukas ang pinto pero alam ko nandoon pa ang presensya ng babae na kausap nila Dinah.

Kakaibang lamig ang nararamdaman ko. Ilang segundo ang lumipas kusang nagsara ang pinto. Nakakatakot ang lugar na ito para bang kahit anong kilos ko may nakatingin sa akin.  

Kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis dito.

CLYDE P.O.V.

Habang palayo kami ng palayo, mas nagiging masukal ang kagubatan at padilim ng padilim ang paligid, sa aking pagkakaalam nakapasok na kami sa Mountain of Ghost.

Isa itong kagubatan na halos lahat patay ang mga paligid maliban sa halaman na tanging dito lang sa kagubatan nabubuhay.

Maingat din kami sa paglalakad dahil sa ibang parte kasi ng lupa ay may Somnium Smoke. Kapag nalanghap mo ito, nagbibigay ito ng isang masamang illusion para kang binabangungot ka ng gising.     

Maliban kay Luke, sinusundan din namin ang mga patak na kulay asul.

“Cly---” bago pa man magsalita si Sha naramdaman ko ng nasa balikat ko siya.

“Bakit Sha?” wala akong narinig sa kanyang sagot sa halip ay isang singhot. Pagkatingin ko sa kanya. “Anong itsura yan Sha.” Tumutulo kasi ang uhog niya kasabay ng pagluha niya.

“Namimiss ko na kasi si Alice…” Tsh. Daig pa niya ko sa pagkamiss kay Alice. “Clyde… ipangako mo na ililigtas mo si Alice.” Himala. Hindi na siya sirang plaka na paulit ulit ang sinasabi.

“Ano ka ba Sha… kahit hindi ako mangako at mangako man ako… ililigtas ko parin si Alice kahit na anong mangyari.”

“Sa-Salamat Clyde…” Pinunasan niya na ang mga uhog at luha niya.

“Ang Drama mo Sha. Huwag kang magalala maliligtas natin si Alice.”

 

“Hindi ko na mahanap ang ibang marka.” Sa pagkasabi ni Prince Azera napahinto kami.

Napansin ko ring napahinto si Luke sa paglalakad at tumitingin sa paligid.

Sa pagmamasid ko sa paligid, may kakaiba akong presensya na nararamdaman. Kahit si Luke nararamdaman din yun dahil halata sa kanyang ikinikilos.

“Ano nangyayari!!? Ano nangyayari??” sabi ni Sha.  

Paatras na lumapit sa akin si Prince Azera at sa tingin ko naramdaman din niya ito. “Clyde, may nararamdaman ako galing sa ilalim ng lupa at saka… tumingin ka… banda don.” Tumingin naman ako sa kanyang itinuturo.

Isang tambak na mga buto pero hindi ito mapapansin agad dahil dim light ang paligid at natatakpan ito ng mga tuyong sanga.

“Sha… bantayan mo muna si Azera.”

“Ano!!? Tumigil ka nga!! Kaya ko ang sarili ko.” Pero kahit umangal si Prince Azera sinunod parin ako ni Sha. “Sha!!” inis na sinabi ni Prince Azera.

“Pasensya na po, kailangan siguraduhin po ang kaligtasan niyo.”

Hindi lang sa itinuro ni Prince Azera ang may mga buto kundi ang buong lugar para bang nagmustulang ilog ito.

Hindi maari ito… isa itong…

“Nandito! Nandito! Nakita ko na ang Fluidus Mark!!” napalingon kami sa sigaw ni Montblanc.

Haist! Ang lalaking yon talaga, walang pakiramdam!!! Papunta siya sa mga nagkukumpulang mga buto.    

“Tigil!” huli na para sa babala ni Luke. Ibinuhos ko ang lahat para makapunta sa kinaroroonan ni Montblanc.

Sa pagtapak ni Montblanc sa isang sanga biglang may lumabas mula sa ilalim nito.

“Aaaaaaaaaaaaahhh!!!!” sigaw ni Montblanc, daig pa niya ang babae kung makasigaw buti nalang nahawakan ko siya agad.

At sa pagharap sa amin ng isang nilalang agad kong tinakpan ang bibig ni Montblanc.

Sina Prince Azera, Sha at Luke naman napatago sa mga puno.

“Huwag... kang… gagalaw.” Mahinang pagkakasabi ko sa kanya.

Isa itong dambuhalang uod na may matatalas na ngipin sa kanyang bibig. Ang mga ngipin nito ay kasing talim na manipis na blade, na tiyak mahihiwa ka ng pinong pino at isa sila sa nilalang na malalakas ang pakiramdam.

“Flesh is its Food, Bones are its toothpicks.” Nabasa ko ito sa mga librong pinagaaralan ni Montblanc.

Dahan dahang inalis ni Montblanc ang pagtakip ko sa kanyang bibig. “Is-isang… is-isang… Swamp Worm.”

“Huwag kang gagalaw hanggat hindi pa siya bumabalik sa kanyang lungga.” Tumungo naman siya sa sinabi ko.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik na ito sa kanyang lungga at dahan dahan na kami umalis sa aming kinatatayuan.

“Muntik na yon. Hindi ko akalain na ganon kalaki yun.” Kabadong sinabi ni Montblanc.

“Sa susunod kasi marunong ka dapat makiramdam.” Inis kong sinabi sa kanya.

“Pasensya kana Clyde masyado akong nagfocus sa paghahanap ng Fluidus Mark. Bakit pa kasi may ganon… sa lugar na toh?”  

“Isa yan sa bantay dito ng Black Witch, sa kabila niyang nagkukumpulang buto, makikita na natin ang Labyrinth Mansion.”  Paliwanag ni Luke.

“HAY!! Pano na yan!!” sabi ni Sha.

“Isa lang ang paraan… yun ay makalipad tayo.” Sabi ni Luke.

“Ano!!? Dapat pumunta na tayo dito gamit ang Belarbee. Edi sana nakarating natayo sa Labyrnith Mansion kanina pa.” inis na sinabi ni Prince Azera.

“Kahit gumamit tayo ng Belarbee malabo parin tayong makakarating sa Labyrinth Mansion.”

“Pinagloloko mo ba kami Luke.”  Mataas na tono na sinabi ni Prince Azera.

“Tama siya.” Singit ko. “Tumingin kayo sa itaas, nakita niyo ba ang namumuong ulap?” tumingin naman sila sa sinabi ko. “Pansinin niyo rin ang paligid? Lahat ng bagay dito ay patay. Kasi ang lugar na ito ay puno ng Somnium Smoke. Kaya kapag naglakbay tayo dito na gamit ang Belarbee, magwawala lang ito at may posibilidad na mamatay.” Paliwanag ko sa kanila.

“Ugh!! Useless. Wala na bang ibang paraan?” tanong ni Prince Azera.

“Teka!!” napatingin kami kay Montblanc at may hinahalukat siya sa kanyang shoulder bag. “Yes! Sa wakas magagamit din kita.” Inilabas niya ang isang pair ng shoes. Hindi ito ordinaryong sapatos dahil may pakpak ang mga ito.

“Wow!! Isang Hermes Shoes!! Ang galing galing ng bag!!” ang sama ng tingin ni Montblanc kay Sha agad naman siyang bumawi. “Este… ikaw!! Ang galing galing mo!!” sabay ngiti ng wagas.

“Sigurado ka bang makakalipad yan.” Tanong ko sa kanya.

“Oo naman Clyde!! Ang totoo niyan dalawa itong binili ko para yung isa… sayo.” Natouch ako sa sinabi ni Montblanc. Wala na akong mahahanap na kaibigan na katulad niya.Agad naman isinuot ni Montblanc ang Hermes Shoes. “Susuotin lang ito tapos lilipad na!! Tada!!” inintay namin ang sinabi nya… ang paglipad niya pero… “Ano nangyari?” pagtataka ni Montblanc.

Napahampas si Sha sa noo. “Palpak na naman.”

“Tsh. Yan ba ang pinagmamalaki mo?” panginis na sinabi ni Luke.

“Argh!! Manahimik ka nga Luke!! Manood ka!! Kapag nakalipad ako! isang sapak sayo!!” Naman!! nang hamon pa talaga si Montblanc. Akala ba niya masasaktan si Luke sa sapak niya.

“Osige ba.” walang alinlangang sagot ni Luke.

Tumingin si Montblanc sa sapatos. “Lipad!!” sigaw niya dito.

“Wow!! Iba ka rin noh! Inuutusan mo yung sapatos? Antayin mo… sasagot yan ng YES!!SIR!!” humagikgik ng tawa si Luke. Dahil sa sinabi niya hindi rin namin maiwasang matawa.

“Sige tawa pa!! Gusto niyo bang magchant ako sa inyo ng kapalpakan kong spell!” dahil sa sinabi niya napatigil kami.

“Sige na… magconcentrate ka kasi.” Sabi ni Sha.

Sa paghakbang at pagkaskas niya ng sapatos sa lupa, unting–unti na siyang umaangat sa ere. “Yes!! Nagawa k--!! Uwo-uwoo!!!” para na siyang naglalakad sa ere. “Bilis!! Kumapit na!!! kung sino kakapit sa akin!” dahil magkalapit lang sila ni Luke siya ang kumapit kay Montblanc.

Hinagis ni Montblanc yung isang pang pair ng sapatos at nasalo naman ito ni Prince Azera. Isinuot niya ito agad at sa kanyang paglipad humawak ako sa dalawa niyang kamay.

“Lintik!! Ayusin mo ang paglipad mo!!” sigaw ko sa kanya. Tinatamaan kasi ako ng mga sanga ng puno.

“Ano ang karapatan mo para utusan ako!! Sumosobra kana Alcolyte!! Akala mo ba napakadaling buhatin ang isang tulad mo!!”

“Akala mo din ba madali ang maglambitin sayo?!!”

“Kung pwede lang!!! hinulog na kita sa lungga ng Swam Worm!! Para wala ng pabigat!!”

“Ayan na naman kayo! Sundan niyo nalang si Montblanc!!” sigaw sa amin ni Sha.

Nakita namin malapit ng makalagpas sina Luke at Montblanc sa mga nagkukumpulang buto. Hanggang sa nagdahan dahan ang lipad namin at humito kami sa ere.

Nasa mismong gitna kami kung saan nasa ilalim namin ang lungga ng Swamp Worm.

“Waaaaaaahh!! Ano nangyari!!! Ano nangyari!!! bakit huminto tayo!! Ayoko!!! Ayoko pang maging hapunan ng dambuhalang yan!! Lipad!!!!” pagwawala ni Sha.

“Stop it!! Sha!! Nabibingi ako!!” sigaw ni Prince Azera.

“Ano pang ginagawa mo!! lipad!!” sigaw ko sa kanya.

“Hindi mo ba nakikita!!! Huminto nga tayo!!”

Sunod sunod na ang bangayan namin ni Prince Azera.

“Tahimik!!! Tahimeeeeeeeeek!!!” napatigil kami sa pagsigaw ng matinis ni Sha. Nakatingin siya sa akin at nanlalaki ang mga mata. “Wa-wa-wag kang ga-ga-galaw” utal niyang sinabi.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Basta, Wag kang gagalaw.” sabi ni Prince Azera, nakatingin sila sa aking paanan.

Sa pagtingin ko, nakita kong may kapirasong sanga sa aking paanan na kapag nahulog… tiyak mararamdaman ng Swamp Worm.

Tumingala ako kay Prince Azera. “Lumipad ka na.” marahan kong sinabi pero may diin.

Iginagalaw ni Prince Azera ang kanyang paa para maipagpatuloy ang paglipad pero pahinto hinto ito.

“Stop. Third Prince.” Bulong ni Sha.

Napatingin kaming dalawa sa aking paanan. Lintik!! ang malas ko talaga kapag kasama ko si Azera!! Konting galaw nalang namin mahuhulog na ang kapirasong sanga.

Gumewang Gewang ito habang nakasabit sa tela ng suot ko. Napahinto kami at pinipigil namin ang aming hininga para lang hindi mahulog ang sanga.

Pero sa kasamaang palad, humangin ng malakas at tuluyan ng nahilog ang sanga.

Sabay-sabay kaming nagtinginan sa isa’t isa.

“Waaaaaaaaaaahhh!!!! TAKBO!!!! AY!! LIPAD PALA!!! LIPAAAAAD!!!” sa pagsigaw ni Sha kasabay nito ang pagbangon ng Swamp Worm sa mga buto.

Hindi ako nagdalawang isip na sipain ito dahil sa ginawa ko kahit papaano nahilo ito. Dun palang kami nakaalis sa aming pinaghintuan pero patuloy padin ang paghabol sa amin ng Swamp Worm.

“Ang tanga mo kasi lumipad!” inis kong sigaw kay Prince Azera.

“Ako pa talaga ang tanga!!! Ikaw kaya sa position ko!!!”

“Tumingin kayo!!! Babangga tayo!!! Waaaaaah!!!” It’s too late para sa babala ni Sha, nabangga kami sa malaking puno at bumagsak sa lupa.

Narinig ko ang sigaw nila Montblanc at Luke.

Hindi ko alam parang nakasinghot ako ng Somnium Smoke dahil don gumagalaw ang buong paligid, ang mga puno may nakakatakot na mukha, naaninag ko ang pagbagsak sa amin ng Swamp Worm at sa paglapag nito sa lupa tumilapon kaming lahat.

Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

“Clyde! Clyde! Gising!!” Naaninag ko si Alice.

“Alice…” marahan kong sinabi.

“Clyde!! Gumising ka!!” sa paglinaw ng aking paningin si Montblanc pala ang nasa harapan ko.

Umupo ako sa akin pagkakahiga. “Matagal ba ako nawalan ng malay?” sabi ko sa kanya habang nakahawak sa aking ulo.

“Hinde. Saglit ka lang nakatulog.” Sabi niya sa akin. Saglit lang? bakit parang pakiramdam ko ang haba.

“Nasaan na ba tayo?”

“Nasa Labyrinth Mansion na tayo…” dahil sa sinabi ni Luketumingin ako sa paligid at napatayo.

Sa magkabilang side may malaki at mahabang pader para kaming nasa dead end ng isang malaking eskinita dahil kahit ang likod namin may malaking pader.

Nabubuo ito ng malalaking tipak na adobe na sa tingin ko hindi basta basta matitibag.

“Paano ba tayo nakapunta dito?” tanong ni Prince Azera habang tumatayo sa kanyang pagkakaupo.

“Hindi din namin alam ni Luke, kahit gising kami hindi namin alam kung paano nakapasok dito.” Paliwanag sa amin ni Montblanc.

Bigla kaming nakaramdam ng isang pagyanig.

“Sandali… Ano yun?” tanong ni Prince Azera.

“Ah… mga kaibigan ko…” parang lasing si Sha nakaharap siya sa aming lahat. Epekto ata ng Somnium smoke sa kanya. “Ang hangda ng deshenyo ng pader… cha likod niyo puro patulish.” Nasisiraan na ata si Sha, tinignan ko yun kanina wala naman akong nakitang kahit anong disenyo.

“Run!!” dahil sa sigaw ni Prince Azera dun ko palang tinignan muli ang pader at napatunayan kong tama ang sinasabi ni Sha.

Agad kong kinuha si Sha at tumakbo kaming lahat. Nagsimula na itong gumalaw, wala kaming ibang mapuntahan dahil one way ang dinadaanan namin.

“Phew… phew… pipipipi… phew…” Ano!!?? Tulog padin si Sha.

Tinawag ko si Montblanc para kunin si Sha. Inilagay naman niya ito sa kanyang shoulder bag.

Palapit na ng palapit sa amin ang bagay na humahabol sa amin. “Ano bang klaseng lugar ito!!?” tanong ni Montblanc.

“Hindi ko alam!!! Basta kailangan nating makaalis dito!!” sigaw ko sa kanya.

“Titignan ko kung makakahanap ako sa bag ko ng par----!!” napahinto siya sa kanyang sasabihin ng bigla nilamon sila ni Luke ng lupa.

“Montblanc!!”  Balak ko siyang iligtas pero hinila ako ni Prince Azera at ipinagpatuloy ang pagtakbo. “Ano bang publema mo!!” sigaw ko sa kanya.

“Gusto mo bang mamatay!! Siguradong ayos lang sila!!”   

Habang ipinagpapatuloy namin ang pagtakbo, nakakita ako ng isang lagusan sa kanan. Agad kong itinulak si Prince Azera doon at sumunod sa kanya.

Sa pagpasok namin sa lagusan agad naman itong nasara dahil sa pader na humahabol sa amin. Nang inilibot namin ang aming paningin, napagkalaman naming nakulong kami sa lugar na tanging pader lang ang nakapaligid sa amin.

 “Arrgh!! Sabihin mo!!! kung ano ang gagawin ko!!! hindi yung tinutulak mo ko basta.” Reklamo ng tukmol.

“Ang dami mong sinabi!! Magpasalamat ka nalang diba!!”      

Napahinto kami ng biglang nagkabutas ng maliliit ang pader at may lumalabas ditong tubig.   

Lintik!! kapag naipagpatuloy ang paglabas ng tubig malulunod kami dito. Sinubukan namin takpan ito pero masyadong marami ang butas.

Inilabas ni Prince Azera ang kanyang wand. “GLACIO DARATUS!!!” biglang nagyelo ang mga tubig kaya napigilan ang paglabas nito.

“Nice... ang lamig nga lang.”

Akala namin tapos na ang paghihirap pero napansin naming yung dalawang side ng pader ay gumagalaw dahil dito paliit ng paliit ang lugar na kinalalagyan namin.

 

“Arrrghh!!! Minamalas talaga ako kapag kasama kita!!”

“Arrrghh!!! Minamalas talaga ako kapag kasama kita!!”

Nagulat kami ng sabay naming nasabi ang bagay na yon.

“Huwag mo nga akong gayahin!!!”

“Huwag mo nga akong gayahin!!!”

Sabay ulit naming nasabi.

Sa sobrang inis namin tumalikod kami sa isa’t isa.

Kailangan namin makaalis dito, hindi ako makakapayag na sa ganitong sitwasyon lang ako mamatay.

Pinigilan ko ang paggalaw ng pader pero mukha lang akong tanga, kaya pinuntirya ko ang pader na hindi gumagalaw, sinuntok ko ito ng may buong lakas, sunod sunod ko itong ginagawa at kahit papaano naman nagkakaroon ito ng lamat.

Napansin kong tumutulong sa akin si Prince Azera, binabanggit niya ang mga spell para sa pagwasak ng pader at sa tingin ko naman nakakatulong ito.

Hanggang sa nakarinig kami ng mga batong bumagsak mula sa itaas.

Nakita namin ang isang maliit na lagusan, hindi ako nabigong makita ang mahinang pondasyon ng adobe.

“Ano pa ba sa tingin mo ang ginagawa mo!!” sigaw ko kay Prince Azera. Hinila ko siya at lumuhod sa kanyang harapan tinapik ko ang aking balikat.  Hindi niya na kasi magagamit ang kanyang Hermes Shoes para sa paglipad dahil nasira na ang mga pakpak nito.

“Third Prince, pumatong ka sa aking balikat para maabot mo ang lagusan.” Kita ko sa mukha ni Prince Azera ang pagkagulat sa aking ginawa at sinabi. “Tsh. Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano dyan. Isa kang Prinsipe, hindi rin magtatagal magiging isa kang Hari, isa sa aking luluhudan balang araw at saka resposibilidad kong unahin kang iligtas kesa sa aking sarili.”

“Salamat Clyde.” Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang narinig ang pagpapasalamat ni Azera sa akin.

Tumapak na siya at lumabas mula sa lagusan. Hindi ko namalayan, patuloy pa palang sumisikip ang lugar at sa kasamaang palad hindi na akong magkasya sa lagusan tanging kamay at braso ko nalang ang nailalabas ko.

Narinig ko ang pagcrack ng mga yelo.

“No!! No!! Clyde!! Faster!! Lumabas ka na diyan!!!” sigaw ni Prince Azera.

“I can’t Third Prince.” Pilit kong lumabas sa lagusan pero hindi na talaga ako magkasya.

“Yes you can!!!” Kita ko sa kanya ang pagkataranta at pinipigilan niya ang pagsarado ng lagusan.  

“Stop! Third Prince.” Pigil ko sa kanya. Hindi niya ako pinakikinggan patuloy parin siyang ng cha-chant ng spell pero wala itong epekto patuloy parin sumasara ang lagusan. 

Hinawakan ko ang kamay niya. “Its ok… just go… iligtas mo si Alice. Ayos lang ako.” Dun palang siya huminto sa kanyang ginagawa.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. “Clyde… Don’t you die on me.”

Nagkunwari akong walang narinig. “Ano?”

“A-Ang sabi ko---” hindi ko na siya narinigdahil tuluyan ng nagsara ang lagusan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil patuloy pa din gumagalaw ang pader at sumisikip lalo ang paligid.

Tuluyan naman nawasak ang yelong ginawa ni Prince Azera dahil doon huminto ang pader ngunit napagpatuloy ang paglabas ng tubig.

Mabilis umapaw ang tubig dahil maliit na ang lugar na kinalalagyan ko. Sa huling kuha ko ng hangin, nawalan na ako ng pagasa na maiiligtas ko pa si Alice at hindi ko na matutupad ang pangako ko kay Sha.

Sandali… nakaramdam ako ng paghigop ng tubig. Sa lugar yon ng aking ginawang paglamat sa pader nakakita ako ng maliit na liwanag.

Hindi ako ngdalawang isip na puntahan yun at muling wasakin ito. Sa huling kong suntok doon na nagkaroon ng lagusan at tuluyan na akong hinigop nito.

Nang makaalis na sa lugar na yon, nakahinga na ako ng maluwag, inipon ko ang hangin mula sa aking baga habang ako’y nakahiga.

Natupad ko na ang sinabi mo Prince Azera.

“Clyde… Clyde…” alam ko ang boses na yon.

“Alice…” natuwa ako ng makita ko siya. “Ikaw nga Alice.”

Niyakap niya ko at niyakap ko din siya ng mahigpit. 

+++++++

Guys... late UD lang pasensya na...

sana hindi kayo maboring sa haba nito hehehehe...

Sana magustuhan niyo yung update...

Thanks you so much po sa inyo ^____^V

Vote and comment po kayo...

Have a nice day....

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...