Alluring I: Alluring the beau...

By frustatedsinger

862K 29.2K 6.3K

Meet Margarette. The typical nerd, anti social, unpopular and introvert student of Brentville. Para sakanya... More

PROLOGUE
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 40.
Chapter 41.
Chapter 42.
Chapter 43.
Chapter 44.
Chapter 45.
Chapter 46.
Chapter 47.
Chapter 48.
Chapter 49.
Chapter 50.
Chapter 51.
Chapter 52.
Chapter 53.
Chapter 54.
Chapter 55.
Chapter 56.
Chapter 57.
Chapter 58.
Chapter 59.
Chapter 60.
EPILOGUE.
Attention

Chapter 19.

13.2K 437 59
By frustatedsinger

Chapter 19.

Bruce flooded me with texts and calls pero ini-ignore ko lang iyon. We need space. Sana maintindihan niya!


"Hoy Clarence I'm so dead. Nag absent ako kahapon sa workshop. Lagot ako kay Miss. Zanea!" Worried na sabi 'ko kay Clarence. I'm at gazebo with him at nila Russell.


"I'll talk to that freak. Sinong nagsabing bawal umabsent?" Iritang sabi niya at hinalikan ang pisngi 'ko.


Simula nung nag-break kami ni Bruce ay MAS lalong naging touchy 'tong lalaking 'to. Sinasabihan 'ko pero nagbibingi-bingihan.


"'Wag kang ganyan ha. Tiga PPP productions iyon at hindi basta basta." Sabi 'ko sakanya.


"Sus. Isang kindat 'ko lang 'don ay titiklop iyon." He smirked.


"Edi sige landiin mo na lahat para tumiklop sa alindog mo! Kaasar!" Tumayo ako at nag walk out. Badtrip na Clarence na iyon talaga sobrang ugh!!!


"B-babe!" Nauutal niyang tawag sakin. "Holy shit babe!"


Hindi ako nagpatinag. Mas binilisan 'ko ang lakad 'ko. Nakakapagtaka kasi lahat sila tinitignan ako... Specifically, yung ibabang parte ng katawan 'ko. What's wrong?


Hinila ako papasok ni Clarence sa CR kaya halos mahulog ang puso 'ko dahil sa gulat. Hory shet!


"Are you alright? Are you in pain? Tell me!" Nagpapanic niyang tanong at nakahawak pa sa magkabilang braso 'ko habang inuuyog-uyog ako.


"Ugh! Ano ba!" Inalis 'ko braso niya. "Bakit ba?"



"Y-you have a god damn blood on your butt!" Nahihiyang sabi niya at nagiwas ng tingin.


Tumalikod ako sa whole body mirror at napanganga sa nakita 'ko. Shocks! May tagos ako! Oh my gosh! Wala akong dalang extra! Hory shet wala din akong dala na extrang pants!


"Oh my gosh! Tinagusan ako!" Pumasok agad ako sa cubicle. "Clarence?"


"Shit." I heard him whispered. "What?"


"Hehehe. Favor? Bilhan mo ako napkin, pati narin panty at leggings."


"How many do you need?"


"Just one pad.."


"Wait for me. Alright? 'Wag kang aalis kundi lagot ka sa akin."


I heard him left and locked the door from the inside. Nakaupo lang ako sa cubicle while waiting for him. After siguro ng mga uhm.. 20 minutes ay kumatok na siya. Pinagbuksan 'ko siya at pinagtakip ng mukha. Wala po kasi akong saplot sa pambaba. I removed it coz it's bloody as heck!


I entered the cubicle and checked the plastic bag. What the heck? Lahat ng brand ng napkin binili niya! From moddess, whisper, charmee, sisters.. And he also bought panty liners at lahat din ng brand. My gosh. Good for 1 year na ata itong binili nya!


"Tama ba nabili 'ko? Did I miss something?" He asked.


"Ang dami! Full pack naman itong binili mo, lahat ng brand tas panty liner bumili ka!"


"Ano ba 'yang panty liner? Isn't that a pad?"


Napailing nalang ako. Sabagay what do I expect? He's a guy and for sure he doesn't know the difference between panty liner and napkin.

Now where am I gonna put my pants? It's bloody at kahit ako mismo ay nandidiri! Nilabhan 'ko saglit gamit ang safeguard yung bloody part, put it in the plastic at sinilid sa bag 'ko. Hehe, i'll throw my panty nalang sa ilog.


"Done?" He asked paglabas 'ko sa cubicle.


"Yup! Thanks pala ha." I smiled at him.


"Kaya pala ang moody mo, nireregla ka na pala." Sumimangot siya. "Are you craving for something? Wanna eat? Are you hungry?"


Napatitig ako kay Clarence. Bakit ang sweet niya? I admit nakakakilig yung ganyang gestures niya. Alam kong pafall siya at malandi. Pero wala paring nakakatalo sa care. That's the first thing for me. The way he flirts? Hindi nakakakilig. Pero yung caring side niya? Hay. My gosh. Hahahaha.


"H-hindi. Okay lang." I faked a smile. Shet. Sa kilig 'din ako nagsimula magkaroon ng feelings kay Bruce. Could it possibly happen to Clar? Nahh.


I should stop myself. Ngayon palang na nagsisimula na akong makaramdam.



We left the CR together at hinatid niya ako sa studio. Papaalisin ko na sana siya but he said..



"I'll talk to that lady." Aniya.



"Kanino? Kay Miss. Zanea?" At totohanin niya pala na kakausapin niya si Miss!



"Yup."



"Clar wag na. That's okay. I swear. Sige na. Akala ko ba maghahanap pa kayo ng music room around dito para di na kayo magpunta pa sa Parañaque para magpractice?"



"I'll just have to talk to her para 'di ka pagalitan. Let me do it, Marga. Okay?" Nagtaas siya ng kilay.



I rolled my eyes. Astang boyfriend talaga siya and he does it right! "Ewan ko sayo!" I said but deep inside I can't stop myself from smiling.



Kung marunong lang siya magseryoso, he'll be boyfriend material na talaga but.. Oh well, nothing's perfect. No one is.



Kinausap niya nga si Miss. Zanea before magstart yung workshop. Sa nakikita 'ko sa itsura ni Miss ay parang gwapong gwapo siya kay Clarence. Tulala lang siya at nakatitig sa nagsasalitang si Clarence. Wow. Effortless magpafall ng babae ang loko oh. Tsk tsk.



The workshop started. Anang Clar ay itetext niya nalang daw ako but he made sure na ihahatid niya ako sa bahay.


I wonder why he's doing this. Yung parang siya na yung tumatayong boyfriend at tatay 'ko. I don't know his intentions but whatever it is, i don't care. Ang akin lang ay ayokong umasa or mahulog ang loob 'ko sakanya. I couldn't bear one more heartbreak. Tama na yung kay Bruce. I've had enough for cheating and unfaithful men. Once is enough.


As usual ay nakakapagod ang workshop. Next week na ang photoshoop at ang shooting para sa teaser video. Kinakabahan ako. Kailangan daw make up kami and kailangan black, white or gold yung dress namin. Shet. Saan ako kukuha non?


Sinundo nga ako ni Clarence saktong 9pm. Nag dinner kami sa isang filipino restaurant. Aniya'y ayaw niya daw ang ako paglutuin kasi alam niyang pagod ako. Ang sweet. Kaasar! Hahaha.


"So ano, bukas after class ba tayo magpupunta sa raffles?" He asked. Tutal wala naman akong workshop kaya bukas nalang.


"Yup. Kailangan diba naka formal attire?" I asked at tumango naman siya.


"Are we gonna check in?" He smirked. Tinaasan 'ko siya ng kilay. Tss.


"What for?"


He shrugged, "Para sa'yo. Wala lang. At 'wag kang magalala, hindi nakaka-seduce 'yang katawan mo kaya hindi kita pagbabalakan ng masama." Atsaka siya humalakhak. "At may mens 'ka."


Ughhh! Nakakaasar siya! Bakit ko ba kasi ginawa iyon?!


"Pwede ba? Manyak ka talaga. Wala! Hindi tayo magche-check in." Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari eh. I don't know why.


"No, seriously. If you want different rooms tayo." Sumeryoso siya.


"Why do we have to check in?" I asked.


"I want you to enjoy the hotel. Gusto kita itreat. Ano ba? Ayaw mo pa? Ikaw lang ang kaisa-isang babaeng umayaw sa akin mag-hotel. Ever." He pouted.


Naningkit ang mata 'ko. So he already brought alot of girls in hotel? Aba syempre, Margarette! Tss.


Pero teka.. Oo gusto ko din mag check in. Kaso ano namang ipapaalam ko kay Mama? Na magche-check in kami ni Clarence sa hotel? Asa naman na payagan ako nun! Baka mamaya ay katayin pa ako 'non.


"Oh eh ano ipapaalam ko kay Mama? Aber? Na magche-check in tayo? Edi lagot ako!" Sabi 'ko.


"Chill. Ako magpapaalam." Nag taas baba ang kilay niya habang nakangiti.


"Psh. Asa ka pa na papayag iyon." Naiimagine 'ko na ang malutong na 'NO' ni Mama.


"Wanna bet?" He smirked.


I'm certain na hindi papayag si Mama. "Sure! What's the deal?"



"Be my girlfriend when she says yes. If she says no, ikaw bahala kung anong balak mo sakin."


Wait... What? Be his girlfriend? Anong akala niya sa relasyon? Playtime? Tss.


"Your girlfriend? For how many days?" For sure trip niya lang ito kaya for sure bilang na araw lang.


"Lifetime, maybe?" He raised one eyebrow.


Nanigkit ang mata 'ko sakanya. Lifetime? Kami? Baliw ba siya?


"Seryoso ka ba?" I asked.



"Trip trip lang. Wag ka mafall sa akin ah?" He laughed. Tss. Sabi na nga ay trip lang niya talaga ako paglaruan.


"Sure." I rolled my eyes on him habang malaki ang ngiti niya sa akin. Finally got what he want kaya ganyan ang ngiti niya? Tss.


Wag mafall sakanya? That's not gonna be easy pero kailangan ko tulungan ang sarili ko kundi kawawa na naman ako. Masasaktan lang ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 343 3
Don't judge first!!! Hmp!>~<
4M 62.9K 62
Sa murang edad pa lamang ni Drei na NINETEEN ay meron na siyang apat na taong gulang na anak na si Andy. Maituturing na masaya na siya sa buhay niya...
74.8K 2K 57
Highest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang t...
15.5K 281 40
A Hope & Quen Fan Fiction! Enjoy The Story Hope & Quen Fan