Wonderland Magical Academy: T...

By Missmaple

13M 354K 43.8K

[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1: First Day of School
Chapter 2: Forge your Own ID
Chapter 3: The Arrogant Tutor
Chapter 4: True Training starts Today
Chapter 5: Examination Day
Chapter 6: Examination Day Part 2
Chapter 7: Home and Secrets
Chapter 8: Friends?
Chapter 9: The Last Shooting Star
Chapter 10: Four Elemental Power User Together (Training)
Chapter 11: You're Not A Good Actress
Chapter 12: Powers Clashed
Chapter 13: Air vs. Water
Chapter 14: Air vs. Earth
Chapter 15: Air vs. Fire
Chapter 16: Island of Gods
Chapter 17: Who's Jealous, Me?
Chapter 18: Caught in Action
Chapter 19: The Dare
Chapter 20: Enter and You'll Die
Chapter 21: Rescued
Chapter 22: The Mission
Chapter 23: The Heaven Power User Search
Chapter 24: Targeted
Chapter 25: Attacked
Chapter 26: Mission Unaccomplished
Chapter 27: Magical Festival
Chapter 28: Fake Magical Wedding
Chapter 29: Surprise Visit
Chapter 30: Parting Ways
Chapter 31: Altered
Chapter 32: Dark Wizard's Move
Chapter 34: The Hunter and The Hunted
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Memories
Chapter 37: Escape Plan
Chapter 38: United
Chapter 39.1: Deceived
Chapter 39.2: All-out Battle
Chapter 40: Final Counterattack
Epilogue
Special Chapter: Goodbye, Baby Dragons
FREEDOM WALL
Christmas Special Part 1
Christmas Special Part 2
New Year's Special
Published under Cloak PopFiction

Chapter 33: Hunting Season

177K 5.3K 538
By Missmaple

XYRA

Halos ilang linggo na naming minamanmanan ni Akira nang palihim si Mr. Williams. Noong una, wala kaming napapansing kakaiba kay Mr. Williams. Lagi namin siyang sinusundan. Susuko na sana kami pero nakumpirma rin namin ang hinala. Isang araw, nagmadali kaming sundan si Mr. Williams na paalis sa academy. Hinila namin si Bryan na nagtataka sa ikinikilos namin.

"Hey! Ano'ng ginagawa niyo?" takang tanong ni Bryan. Sumenyas ako na tumahimik siya at sumunod na lang. Sumunod si Bryan kahit nagtataka. Nagtaka kami nang pumunta si Mr. Williams sa bundok na nasa likod ng academy. Nagtatago kami sa mga puno habang sinusundan siya. Nagtaka rin si Bryan kung saan pupunta ang ama.

"Bakit siya pupunta sa North Mountain?" mahinang tanong ni Bryan.

"I told you, he's an impostor! Totoo talaga ang nakita ko!" biglang sabi ni Akira. Nagtatanong na mga mata ang ipinukol sa 'min ni Bryan. Nabatukan ko si Akira. Napahimas siya sa ulo habang nakasimangot.

"Wala pa kaya! Sundan muna natin siya. Hindi pa naman siya nagpapalit anyo," mahinang sambit ko. Lumipat kami sa ibang puno para sumunod kay Mr. Williams. Iniwasan naming gumawa ng ingay upang hindi ito makahalata.

"Ano'ng ibig sabihin ni Akira na impostor si Dad?" takang tanong ni Bryan.

"He's not your dad. She's a girl. The impostor is a beautiful girl," sambit ni Akira habang sinusundan ng tingin si Mr. Williams.

"I don't get it," naguguluhang sambit ni Bryan. Napailing ako. Hinila ko sila para magtago sa ibang puno. Nakakalayo na si Mr. Williams. Nakapasok na siya sa North Mountain. Hindi ko inaalis ang tingin kay Mr. Williams.

"She's transforming into your father. Nagpapanggap siyang si Mr. Williams. Impostor siya!" paliwanag ni Akira. Hinila ko uli sila para pumasok sa North Mountain.

"Cloning ang ability niya?" naguguluhang tanong ni Bryan. Tinanguan siya ni Akira. Napalingon kami kay Bryan nang matigilan siya. Bakas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ni Bryan. Tila may naalala siya bigla.

"She's Ericka. The girl who acquired the cloning ability. I thought she's already dead," nalilitong sambit ni Bryan. Nagkatinginan kami ni Akira. Napalingon ako sa direksiyon ni Mr. Williams kaya nataranta ako nang mapagtanto na malayo na siya sa 'min.

"Bilisan niyo!" sigaw ko. Nauna akong sumunod kay Mr. Williams. Umakyat na si Mr. Williams sa bundok. Kami naman ay nakatago sa mga halaman. Bago pa kami makarating sa kalagitnaan ng kabundukan ay nag-iba na ng anyo si Mr. Williams. Unti-unting humaba ang maikli niyang buhok, nagkahugis at lumiit ang pangangatawan. Unti-unti siyang naging babae. Nasa likod kami ni Mr. Williams at nagtatago. Nasa gitna ako nina Akira at Bryan habang nakaupo sa likod ng halamanan. Naghubad ng damit ang babae kaya nataranta ako. Tinakpan ko ang mga mata nina Bryan at Akira na parehong umangal.

"Baliw ba kayo? Bawal mamboso! Babae pa rin yan kahit impostor!" mahinang usal ko. Hindi sila umimik. Nagbihis ang babae ng skirt at blouse. May dala siyang ekstrang damit. Matapos magbihis, hinayaan kong makita nina Akira ang babae na nakatalikod sa 'min.

"Ano'ng gagawin natin? Nakumpirma na natin na impostor nga siya," mahinang sambit ko. Biglang tumayo at lumabas si Bryan sa halamanan na ikinagulat namin. "E-Ericka..." bulalas niya. Napahampas ako sa noo dahil sa ginawa ni Bryan. Gulat na lumingon kay Bryan ang babae. Maganda siya kahit bakas ang takot at pagkagulat sa mukha. Lumabas na rin kami ni Akira sa pinagtataguan.

"K-Kanina niyo pa ba ako s-sinusundan?" nauutal na tanong ni Ericka. Napaurong siya.

"What happened to you? I thought you're already dead?" hindi makapaniwalang tanong ni Bryan. Napakunot-noo ako sa dalawa. Humarap ako kay Akira at natatawang bumulong. "LQ ba sila?" Binatukan ako ni Akira.

"Ayos ka rin, 'no? May gana ka pang maging tsismosa sa sitwasyon na 'to," napapailing na wika ni Akira.

"Aba! Mas ayos sila! Parang balak pa nilang magkwentuhan sa oras na 'to. Hindi ba pwedeng umaksyon na agad at hulihin ang impostor? Parang balak pa nilang magkamustahan," natatawang sabi ko. Natawa si Akira. Totoo naman kasi.

"Hindi mo na kailangang malaman! You cheater!" galit na sigaw ni Ericka kay Bryan kaya napalingon kami sa kanila.

"Sabi ko sa 'yo, LQ sila," napapatangong sabi ko kay Akira. Natawa si Akira at ginulo ang buhok ko. Napalingon ako kay Bryan nang magsimula siyang lumapit kay Ericka. Parang nanonood ako ng teleserye na live. Tumakbo palayo si Ericka pero nahuli ni Bryan ang anino niya kaya hindi siya makagalaw. Konektado sa isa't-isa ang mga anino nila.

"Ano'ng gagawin natin?" bulong sa 'kin ni Akira.

"Manonood. Ano pa ba?" natatawang sagot ko. Tuluyang nakalapit si Bryan kay Ericka bago pinakawalan nito ang anino niya. Nagulat ako nang biglang yakapin ni Bryan si Ericka pero itinutulak siya palayo ni Ericka at nagwawala ito. "Ano ba! Layuan mo ko!"

"It's a misunderstanding! Dapat nakinig ka muna sa 'kin!" mariing wika ni Bryan. Hinila ko si Akira para umalis na. Bumalik kami sa academy at hinayaang makapag-usap nang masinsinan ang dalawa.

"Dapat pinanood muna natin sila," natatawang sambit ni Akira.

"Ayaw ko. Maiinggit lang ako," natatawang sagot ko.

~~~

Kinabukasan, ipinaliwanag sa 'min ni Ericka ang totoong nangyari kay Mr. Williams. Nagkaayos na sila ni Bryan kahapon. Kinidnap ng mga Dark Wizards si Mr. Williams. Si Ericka ang pinagpanggap nila para hindi mataranta ang mga power users ng WMA. Bakas sa mukha ni Bryan ang galit. Hindi siya mapakali kaya paikot-ikot siya sa loob ng opisina. Iniutos ni Enzo na umalis na si Ericka sa WMA dahil malapit na ang hunting season na ipinagtaka naming lahat.

"Hunting season?" Naguguluhang tanong ni Bryan. Napatigil siya sa paglalakad.

Malungkot na tumango si Ericka. "Yes. It's the season when they're going to hunt power users from this academy and that will start tomorrow."

Natigilan kami sa sinabi ni Ericka. Hindi kami nakapaghanda sa pagsugod nila.

"Teka, ano'ng nangyari kay Clauss at Selene? Wala kaming balita sa kanila simula nang umalis sila. May kasunduan kaming magtutulungan upang matalo si Enzo," wika ni Bryan. Napatungo si Ericka at napaiyak. "I'm sorry. It's my fault."

Umupo si Bryan sa tabi ni Ericka at niyakap siya. Kami ni Akira ay tahimik na nakikinig. "Ano'ng nangyari?" mahinahong tanong ni Bryan.

"They're already under the Dark Wizard's control. Hindi na nila kayo pakikinggan lalo na si Clauss. Hindi na kayo kilala ni Clauss. Kasalanan ko dahil sinabi ko sa kanila na nakipagtulungan siya sa inyo. I'm sorry. I'm really sorry," humihikbing sagot ni Ericka.

Natigilan kami. Naglandas ang luha sa mga mata ko. Hindi na ako naaalala ni Clauss. Totoo ang hula ni Frances.

"A-Ano'ng ginawa nila kay Clauss?" nanginginig ang boses na tanong ko kay Ericka. Nakikisimpatiyang tumingin si Ericka sa 'kin. Kumalas na sa pagkakayakap si Bryan at muling tumayo upang mag-isip. Umiling si Ericka bago sumagot. "Pinalitan nila ang memorya ni Clauss. Si Enzo at Jigger na lang ang naaalala niya."

"Wala na bang ibang paraan para maibalik ang mga alaala niya?" desperadang tanong ko. Nag-isip si Ericka. Nagliwanag ang mukha niya at seryosong tumingin sa 'kin. "Kilala ko ang memory manipulator. She's Claira. Kapag ginagamit niya ang kapangyarihan niya, kailangan niyang itago sa isang bagay ang mga memoryang nakuha dahil hindi niya kayang i-absorb ang mga ito. Tiyak na itinago niya ang memorya ni Clauss."

Nakakita ako ng pag-asa. Kailangan kong mahanap kung saan nakatago ang memorya ni Clauss para maibalik siya sa dati.

"We need to prepare for tomorrow first," seryosong wika ni Bryan. Napalingon kami kay Bryan. Kailangan naming paghandaan ang hunting season na magaganap bukas. Maraming mapapahamak na estudyante.

"What about the students?" nag-aalalang tanong ko.

"Kailangan na nilang umalis ngayon sa academy," desididong sambit ni Bryan. Tumango kami bilang pagsang-ayon. Hindi namin pwedeng ibuwis ang buhay ng mga estudyante. Inutusan ni Bryan si Noryka upang i-announce sa buong academy na kailangang umalis ng mga estudyante ngayon din. We heard Noryka's voice throughout the academy because of her power ability, the power of sound.

Nagmadali ang mga estudyante nang marinig ang announcement kahit hindi nila alam ang dahilan ng pagpapaalis sa kanila. Ang ilan sa kanila ay hindi na nag-abalang magdala ng mga gamit. Nagtatakang tumakbo sa kinaroroonan ko si Frances. Si Akira naman ay tumutulong sa pagpapaalis ng mga estudyante.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Frances.

"The Dark Wizards are coming tomorrow," seryosong bulong ko kay Frances. Nagulat si Frances at nataranta.

"Should I go, too?" nag-aalangang tanong niya.

"That's better," sagot ko. Ayaw kong mapahamak si Frances.

"How about you?" nag-aalalang tanong niya.

"I'll stay," determinadong sagot ko.

"Then I'll stay, too," wika niya, na ikinagulat ko.

"No! Listen! You can predict the future. Matutulungan mo kami kaya hindi ka nila pwedeng mahuli. Kung lahat tayo ay mahuhuli, wala na tayong matitirang pag-asa. Please Frances, save yourself," pakiusap ko kay Frances. Walang nagawa si Frances kaya nagmadali siyang umalis. Nakahinga ako nang maluwag.

Hinawakan ko ang kwintas kung saan nakasabit ang dalawang magical rings namin ni Clauss. Itinago ko sa loob ng blouse ang kwintas para walang makapansin sa mga singsing. Halos kalahati na ang nakaalis sa academy nang may marinig kaming malakas na pagsabog. Nataranta ang mga estudyante. Ako naman ay kinabahan.

Tumakbo ako palabas ng academy. Narinig ko ang malakas na sigawan mula sa labas kaya lumipad ako para mas mabilis akong makalabas. Napatigil ako sa paglipad nang masaksihan ang mga nangyayari sa labas. Nagulat ako sa nakahandusay na mga katawan sa lupa. Wala na silang buhay. Gusto kong mangilabot sa nakita. Nagkalat ang mga duguang katawan sa harap ng academy. Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita si Clauss na sinusunog ang mga katawang 'yon. Nakarinig pa ako ng malalakas na pagsabog mula sa iba't-ibang parte ng academy. Hindi ko alam ang gagawin.

CLAUSS

Nag-iba ng plano si Enzo dahil hindi bumalik si Ericka sa DWA. Nagpadala siya ng tao upang alamin ang nangyari pero nalaman niyang nakikipagtulungan na si Ericka kay Bryan. Inutusan kami ni Enzo upang lusubin na ang WMA ngayong araw imbes na bukas pa sana gagawin.

Iniutos ni Enzo na dalhin namin ang mga power users na maaaring mapakinabangan. Lahat kami ay nakasuot ng black cloak habang patungo sa WMA. Marami kaming kasamang power users. Naramdaman ko ang pagtabi ni Selene sa 'kin.

"Wala ka pa rin bang naaalala?" mahinang tanong niya. Umiling ako bilang sagot. Hapon na nang matanaw namin ang WMA mula sa North Mountain. Napansin naming nagmamadali sa pag-alis ang mga estudyante sa academy. Sa hindi ko malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sa WMA.

Mabilis naming pinalibutan ang academy. Sa harap kami pumwesto nina Jigger at Selene. Ang iba naman ay nasa gilid at likuran. Nagbigay ng signal si Jigger upang simulan ang pagsugod. Nagulat ako dahil sa pagpapaulan ng bomba ng isa naming kasama, na siyang special ability niya.

Maraming estudyante ang napuruhan at nasugatan sa ginawa niya. May ilang estudyante ang tumalsik kung saan-saan at sabay na binawian ng buhay. Naawa ako sa mga walang buhay at duguang katawan na nakahandusay kung saan-saan. Pakiramdam ko ay may mali sa ginagawa namin. Kumirot ang dibdib ko. Sinasabi ng puso ko na hindi ko dapat ginagawa ito.

Dahil sa awang naramdaman ko, sinunog ko ang mga estudyanteng wala ng buhay hanggang sa maging abo ang mga ito.Naguguluhan ako kung ano ba ang tama at dapat kong gawin habang nakatitig sa apoy na lumalamon sa mga duguang katawan ng mga biktima. Napabuntong-hininga ako. Alam ko sa puso ko na hindi ito ang gusto ko.

Continue Reading

You'll Also Like

644K 28.9K 136
Enigma is a game created for brave souls. A game app wherein you can be your own character. It was just a simple game at first until they realized t...
2.8M 101K 44
Exactly 17 years after book one comes the story of Scarlet Cress and how her life changed when she accidentally 'fell' in Middle Kingdom and met Prin...
37.1K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror
1.8M 149K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...