<Scythe's POV>
Nagpapanic akong tumakbo paikot ng school para hanapin si Tardy. Medyo maikli lang kasi yung time na meron sakin. (Since magpapalit lang naman ng *toot* ang excuse ko, dapat eh makabalik agad ako sa classroom namin.) Sayang din yung test noh. Yun na nga lang ung ipinasok ko eh.
Nakita ko yung dalawang babae dun sa may flagpole. Kahit medyo impossible, ipagtatanong-tanong ko narin if they saw Tardy. Bukod sa kapansin-pansin naman talaga ang itsura non, gusto ko naring mapadali to.
"Uy. Mga ate. May nakita po ba kayong lalaki na dumaan dito?" tanong ko.
"Nako. Marami. Malamang." Ay pilosopa. Durr.
"Uhm.. Matangkad po na maputi na (medyo) gwapo na mukhang malungkot na may bag na kulay black na packbag? Meron?"
"Ahh. Meron. Ung si Enrico Gatmaitan. Dumaan sya dito eh." Ay Leche. Kilala pala nila. Pinangalanan ko nalang sana.
Medyo naiirita na yung boses ko. "Ah, ganon. San sya pumunta?"
Nanlisik yung mata nila. "Bakit , Miss? Stalker ka ba nya?"
AY NAKO ATE. UMASA KA PA. "Hindi po. Kaklase po nya ko. Pinapahanap po sa sakin eh. Hihi." *plastic na tawa*
"Okay. Nandun sya sa likod ng bleachers. Puntahan mo na agad. Baka mapagalitan pa un eh. Ingatan mo yun ha!" Aba. Nautusan pa nga ako ah. Lakaaaas.
"Hihihi. (plastic na tawa ulet.) Sige po. Salamat." sabi ko sabay takbo. Kuh! Ayaw ko nang magtagal dun. Mga may sakit yata sa utak ang mga babae dito. Kaloka.
Matapos ang ilang oras (Joke. Minuto lang.) ng nakakawindang na hanapan, nakita ko na si Tardy na nakupo dun sa may putol na puno sa likod ng bleachers. Dramatic ang ambiance, parang nasa forest lang.. YUCK. (-____-)
<Enzo's POV>
Si Klutzy?
Oo, tama. In the flesh. Ang nag-iisang babae (?) na naglakas ng loob na sundan si Enrico Zonel Montenegro. LAKAAAAAS TRIP TONG TAONG TOH. Di nya alam pinapasok nya. Tsk.
Tumigil sya sa harap ko. Parang hinihingal sya at tinitigan lang nya ko. May halong inis at pagod yung mata nya..
"Hoy. Ikaw." Sabay turo nya sakin.
Napatingin ako sa kanya. "Oh? Anong hanap mo dito?"
Binaba nya yung kamay nya. "Demonyo.. Ay mali. Ikaw pala."
TSS. Ambaet talaga nitong kutong-lupa na to. Tss. "Pwede ba. Wala ako sa mood na makipag-away sayo. Umalis ka nga. Chupee."
Nanlaki yung mata nya. Kung hindi ako badtrip eh matatawa ako sa itsura nya. "Kung makaChupee naman to! Sayo yung gubat?! May pangalan mo?! Gurabeeeh... Pasalamat ka nga sinundan pa kita. Believe it or not, nag-alala ako nung lumabas ka.. Err. Kung ano-ano kasing sinasabi mo, tapos ano.. mukha ka pang constipated na ewan na malungkot. Gusto ko lang makita kung okay ka o baka kasi... suicidal ka. Haaay nako! Makaalis na nga." Sabay talikod nya na aktong aalis.
Ano? Nag-alala sya sakin? Gusto nyang makita kung okay ako? Joke lang kaya to? Parang seryoso. Minsan ko lang marinig yung ganung drama.. AT SA KANYA PA NANGGALING. Dapat nga tumatawa na sya ngayon o nagpapamisa kasi nakaganti na sya. Pero bakit ganito yung nangyayari?
"Hoy.." Pabulong na sabi ko.
Hindi sya lumingon. "Ano? May sasabihin ka pa ba o lalaitin mo lang ako kasi---"
"Salamat.." :)
<Scythe's POV>
"Salamat.."
O.O
HOLY-KAMOTENG-NASA-STICK!!! ( ゚д゚)
Nagpasalamat sya?! Tapos nakangiti pa sya. Yung ngiti na hindi evil. Like he actually mean it! UWAAAAAAAAAAAAAH!!!! Si Enrico Zonel Montenegro a.k.a "Demon Lord Yabang" ay nagpasalamat sakin. At, take note, may pahabol na smile. Huwaw. Kahit medyo BV ako sa kanya, medyo napangiti naman ako dun. Yiiiie.. ( ^ω^)
AY Leshe. Ang landi ko. At sa kanya pa talaga ako kinilig, ano? Well. Whatever. Tao din naman sya ahh.. Tsaka, cute din. Pwede nang pa---
PAK! Wag ganun, Scythe! Mayabang sya, mortal enemy #0 mo sya. Wala kang nararamdaman na MOEEE para sa kanya! Brr. Hindi maaari! >___<
Dahil napatagal na yung pakikipag-usap ko sa sarili ko, nakasimangot na tong si Tardy sa harap ko. Tsaka meron na sya binibigay na look sakin na parang nagsasabing "Hoy-baliw-ka-ba?". Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya bumalik na lang ulet ako malapit sa kanya at umupo sa tapat nya. "Ikaw..."
Tinititigan lang nya ko. "Oh. Ano ako?"
PLAK! \|  ̄ヘ ̄|/ ☆( *o*)/
"Aray! WTF?! Bakit mo ko sinampal!? Inaano ba kitang babaeng retarded ka ha?! Parang adik to oh! HOY! MAGSALITA KA! You sadistic b*tch!" sabi nya habang hawak yung mapula nyang pisngi.
Opo, mga kapatid. Sinampal ko si Tardy. Eh kasi naman..
I sighed. " Haaaay. Shunga. Baliw. Adik. Mayabang. Makapal ang mukha. Mapanakit. A**hole. Prangka. Tat*nga-t*nga."
Nanlaki yung mata nya. "Aba! At nilait mo pa akong ha------"
Hinawakan ko yung pisngi nya. Malungkot yung mukha ko na parang naaawa. "Feeling mo natutuwa ako pag nasasaktan ka? May mga 'nakaganti' epek ka pa.. Ganun na ba kasama ang tingin mo sakin?"
Medyo nagulat sya sa mga sinabi ko. Napatungo sya. "Hindi naman sa ganun."
"Oh. What do I know nga naman diba? Anyway, sana never mo na ulet gawin yun ha? Halos maheart attack ako nung sinabi mo yun. Parang sinisisi mo pa ko sa lahat ng kung ano mang nangyari sayo.." Nag-half smile ako. Ewan ko, pero hindi ko sya kayang sigawan pag nasa ganitong state sya. Mukhang sobrang fragile nya at the moment.
Nakatungo parin sya. Tinakpan nya ng mga kamay nya yung mukha nya habang nakapatong ang mga braso nya sa tuhod nya. "Sorry."
"Wala yun. Pero pag inulit mo pa yun, you're dead meat. Wag mo nalang akong gugulatin ng ganon ha?"
Tiningnan nya ko sa mga mata ko. "Yeah."
Ang tagal din naming nasa ganung position. Nagtititigan lang. Ewan ko ba pero parang ayaw kong alisin yung tingin ko sa eyes nya. Parang nagmamakaawa sya na wag akong umalis.
Bumulong sya. "My girlfriend left me for another man."
What?
Hindi ko na naconfirm yung narinig ko. May narinig kasi kaming mga boses na super malapit sa kinatatayuan namin.
"OMG! Si Enrico Zonel ba yun?! Bakit sya nandito?"
"Baka dinadalaw nya ako!"
"Wow. Ang wide ng dreams mo ateh. Baka ako."
"Wait. Who is he with?"
"Is that his girlfriend? No. Iba eh. That's a different girl!"
NAKO. Eto na nga po ang kinatatakutan ko. Saktong may 5 babae na lumabas papunta sa likod ng bleachers at nakita pa nila kaming dalawa ni Tardy. Susme. Parang pag kasama ko tong lalaking to eh lagi akong napapatrouble!
"Can you see her face?"
"Hindi eh! Nako! Kuyugin yang babaeng yan! She's so makapal! Trying to flirt with our one and only!"
"Tama! KUYUGIN!"
At may biglang dumating pa na mga babae. Parang mga back-up ata. Wooow. Nakapagtawag agad ah. Teka..
"Hey." Bulong ko kay Tardy. "What the hell does 'kuyugin' means?"
Napasmirk na sya. "NapakaPea brain mo talaga. Kuyugin means sugudin. Attack. Ganon"
"Ahh. Okay... WHAAAAAAAAAAAAT?!"
Sabay naming narealize yung current situation. Ohnoes! Pano to?!
Bigla syang tumayo. "Sh*t. There's no other choice." sabay abot nya sakin nung kamay nya.
"Ha? What do you mean?" Pakaslow ko minsan. (-___-)
"Do you trust me?"
"HA?" O.O
"Ano ba, Scythe. I said, do you trust me?"
Did he just say my name? "Uhm. Ata?"
"Tch. Well then, just do as I say and hold on to my hand."
Hinawakan ko na yung kamay. Ang higpit nung kapit nya. "Uhh. Okay?"
"KITA NYO YUN?! HINAWAKAN NYA ANG KAMAY NG PRINCE NATIN!!" (≧ロ≦)
"SHE'S SOOO DEAD TALAGA WHEN I GET TO HER!"
Tinitigan nya ulet ako sa mata then he smiled so wide. "Ready?"
"Wait. NO!" Grabe. Ang bilis ng mga pangyayari.
"TAKBO HANGGANG MAY LUPA! BILIS KLUTZY!"