Out of Bounds (Ugly Past Seri...

By Crizababe

16.2K 350 59

UGLY PAST SERIES #2 If your heart gets broken, who will save you? And if you fall again but it's out of bound... More

Out of Bounds
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 3

884 21 1
By Crizababe

Chapter 3

Sophie



Mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas sa eroplano. Binilisan ko ang takbo ko baka sakaling maabutan ko pa si Mr. D. Nakakabangga na ako ng ibang tao pero hindi ko na nagawang lumingon para mag sorry. Pasensya muna kayo, hinahabol ko 'yong tagapagligtas ko sa panahong nalugmok ako. Ew, corny.

Pinilit ko siyang hanapin sa dagat ng tao dito sa airport pero hindi ko na siya nakita ulit. Ang bilis niya naman kasi eh. Mukha atang wala siyang balak makipagkilala sa akin kaya hanggang sa sticky notes lang siya nakikipag-usap.

Kinuha ko na lang ang bagahe ko at lumabas na lang sa arrival lounge. Nasa labas na ako nang makita ko si Mr. D na pasakay sa isang black BMW. I think it's the new 7-series sedan car. Not my type though kasi hindi pwede gamitin pag gusto mong pumunta sa bukid. Nakakatakot magasgas, eh ang mahal pa naman. Mas gusto ko yung mga SUV type tulad ng Mazda ko. May lalaking tumulong sa kanya na ipasok sa kotse ang gamit niya at pagkatapos ay umalis na sila. Siguro driver niya. Wow, siya na ang sosyal!

Mabilis akong nagpara ng taxi para masundan kung saan papunta yung sasakyan nila. I just want to say thank you lang naman eh.

"Manong, paki sundan po nung itim na sasakyan. Wag masyadong mabilis kuya ha, baka kasi mahalata na sinusundan natin sila." Utos ko kay manong driver.

"Yes ma'am. Boyfriend niyo po ba iyong nasa loob?"

Echosera to si manong driver. How I wish manong! Kaso kagagaling ko lang sa break-up and I'm not up for a relationship yet, fling pwede pa.

"Hindi manong. Basta sundan mo na lang."

Tumango siya at sinunod niya ang gusto ko. Naalala ko bigla na wala pa pala akong matutuluyan. Tapos inuna ko pa ang pagsunod sa kotse ni Mr. D. Aish! Mamaya na nga lang.


Ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang hotel. Tumingala ako para makita ang pangalan ng hotel at nakalagay naman doon ang malaking pangalan ng The Marco Polo. Pumarada ang BMW doon kaya hinintay ko muna makapasok sa loob ng hotel si Mr. D.

Binayaran ko na ang bill sa taxi at pumasok na sa loob. And there I saw him kissing an old lady on the cheeks. Nasa lounge kami. Nakatalikod siya sa akin at yung mukha ng matandang babae lang ang nakikita ko. Lola niya ba ito? Mukhang strikta at pormal yung lola niya, nakakatakot tuloy lumapit.

Lumapit na lang ako sa front desk ng hotel at kumuha ng kwarto. Shucks! Ang mahal lang ng isang room. Leche, gusto kong umiyak ng thumbtacks sa room rate nila. Nagsisisi tuloy ako sa ginawa kong pagsunod dito. Marami pa akong pupuntahan at bibilhin baka ma short pa ako sa budget, wala akong plano mamulubi dito sa Davao. This must be worth it Sophie. Ginusto mo 'yan eh!

Paglingon ko sa lugar kung saan ko nakita si Mr. D at iyong matandang babae ay nawala na sila. Argh! Saan ko na naman siya hahanapin nito ngayon? Hindi ko pa naman alam ang mukha ni Mr. D. Idadaan ko na lang ba sa lukso ng dugo? Haaay. Anyway, nasa iisang hotel lang kami. There's an 80% chance na makikita ko siya ulit. Iyong lola niya lang muna ang hahanapin ko para may lead ako. Maybe it's time to rest for now and prepare myself for those things I need to do from my bucket list.

Umakyat na ako sa 14th floor kung nasaan ang room ko at sumalpak agad ako sa kama. I don't know why I'm so eager to meet him. Masyado kasi siyang misteryoso para sa akin. Kahit hindi ko pa siya talaga nakikilala, ramdam ko na mabait siyang tao at caring. He is the epitome of a gentleman. Kasi kung hindi, baka hinayaan niya lang akong makatulog sa kalsada noong nalasing ako. Tsaka nilabhan niya yung mga damit ko tapos pinagluto pa. Sa mundo ngayon, minsan ka na lang makakahanap ng lalaking tulad niya. Iyong tipong hindi pagsasamantalahan ang kahinaan ng isang babae at aalagaan ka.

Napaisip tuloy ako kung anong ginagawa niya dito sa Davao. Taga saan pala siya? Hmm, I'll find it out soon. Kakaibiganin kita Mr. D.


Kinagabihan lumabas ako at napagpasyahan na tumambay na lang muna sa lounge. Baka kasi makita ko si Mr. D ulit, sayang naman ang opportunity. Pero isang oras na yata akong naka upo sa sofa dito sa lounge pero ni anino ng lola niya hindi ko makita. Ang matangos na ilong at perfectly defined-jaw lang yung clue ko para makilala si Mr. D eh. Para na akong tanga dito.

Di ko na natiis kaya umalis na lang muna ako. Maghahanap ako ng makakainan dahil gutom na ako. Doon na lang ako pupunta sa Roxas street. Nakita ko kasi sa view ng room ko yung lugar na maraming naka hilerang street food na mag aakala kang may fiesta sa dami ng tao. May nakahilera ring ukay-ukay doon kaya mamimili ako after kong mag dinner.

Habang kumakain ako, naalala ko tuloy 'yong bestfriend kong si Maisie. Mahilig pa naman kaming dalawa sa mga ganitong pagkain. Kahit mayaman iyong pamilya niya napaka down to earth ng babaeng 'yon kaya nga close kami. Kahit may asawa na siyang CEO napaka humble pa rin.

Buti pa siya nahanap niya na ang prince charming niya. Ako kaya, kailan?

"Honey, I love you. Kain lang ng kain ha?" Sabi ng lalaking nasa kabilang table sa girlfriend niya. Rinig na rinig ko ang boses niya dahil di naman malayo ang table ko sa kanila.

"Oo naman, honey. Ikaw rin, kain ka pa. Ingatan mo kalusugan mo, mamahalin pa kita eh." Sagot naman ng babae sa malanding boses.

Gosh! Kalandian is the air and I need an insecticide to spray it. Nakaka bitter ha! To think na mga high school students pa itong lovers sa tabi ko, kung maka asta parang hindi na maghihiwalay. Magbe-break din kayo uy! Asa pa kayo.

Ako nga hiniwalayan kahit abot langit na 'yung sakripisyo ko. I changed my whole damn self so just he will stick with me. Ayaw niyang lumabas ako ng bahay ng naka shorts kasi malaswa, ayaw niya akong nakikipag-usap sa mga lalaki kong kaibigan kasi wala siyang tiwala at mabilis siyang mag selos, ayaw niya ang akong maglagay ng lipstick kasi mukha raw akong nang-aakit ng iba, ayaw niya akong tumugtog sa banda kasi may gusto raw ang ka band mate ko sa akin, and the list goes on of 'Ayaw ni Daryl' checklist.

I gave up my self-identity and conformed to his rules pero anong nangyari? Niloko lang ako. Ang unfair lang kasi. I loved every bit of him even his imperfections. His imperfection makes him as human, as himself. Wala naman kasing taong perfect, nasa sayo iyan kung tatanggapin mo siya ng buo o hindi. But in Daryl's case, he didn't love me completely. He turned me into his ideal girl that will never be me. He only loved the best in me, not the worst.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko at tumayo sa harap ng mag syota na naghaharutan.

"Mga bata, alam niyo 'yung KKK?" Tanong ko sa kanila.

Napakamot naman sa ulo iyong lalaki. "Diba iyon po 'yong Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan?"

Ngumisi ako sa kanila. Buti alam niya. "Oo, tama ka. Pero may bago ng meaning 'yun."

"Eh ano po?" Tanong naman ng babae sa akin.

"KKK stands for... Kalma Kalma sa Kalandian. Kaya kayong mga bata kayo, kalma rin pag may time ha? Aral muna kayo." Nalaglag ang panga ng mag syota sa sinabi ko.

Tinalikuran ko sila at naglakad na lang papunta sa ukay-ukay. Narinig ko pa yung mga lalaking nasa kabilang table na humagalpak sa pagtawa. Narinig nila siguro yung sinabi ko. Bahala kayo. Naste-stress ako sa inyo.


Maraming tao sa ukay-ukay at nawala yung mood kong mamili. Naglakad lakad na lang ako kung saan-saan. One good thing about this city is you are free to flaunt your valuable things such as jewelries and gadgets like phone or pad. Kahit iwagayway mo pa iyan, walang mangangahas na nakawin 'yan. Takot na lang ng magnanakaw sa mayor ng syudad na 'to. Kaya heto ako, panay selfie pag may nakikita akong maganda sa mata ko.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang lugar na may mga club na magkakatabi. Since nandito na lang din naman ako, why not mag clubbing na lang muna ako sandali. Naka short shorts, Aztec sando at boots naman ako so bagay lang din ang outfit ko. Pumili ako ng bar ng papasukan at yung Starr ang napili ko.

It's 10 in the evening at buhay na buhay na ang music sa loob ng club. A lot of people are dancing, nakakahawa ang energy nila. I'll drink first, the dancing can wait. Umakyat ako sa second floor ng club at pumunta sa counter para bumili ng drinks.

Smirnoff agad yung inorder ko para tamaan ako. Mas maganda kasing sumayaw pag medyo tipsy na. Nang maka ilang shots na ako, tumayo na ako at bumaba papunta sa dance floor. Ang daming foreigners na nakikiparty rin dito. Sumabay ako sa indayog ng mga sumasayaw.

Habang sumasayaw ako ang daming pumapasok sa isip ko. Walang hiya talaga si Daryl!

Nagawa kong iwan ang lugar na kinalakihan ko para makalimot sa kanya. He moved on, and I moved out.

I've been to breakups before, pero hindi tulad nito. I'm trying to heal myself far away from home.

In the room full of people dancing, laughing, booz and music... I had never felt more alone. Ang kaisa-isang taong gusto kong kasama ngayon ay may kasamang iba. I realized that no matter how far I run away, the feelings will still follow.

I stumbled when I bumped into a woman dancing wildly with the music. Tangina! Muntik na akong masubsob sa dibdib ng isang lalaking foreigner.

"Hey bitch. Careful!" Sigaw ng babaeng foreigner na kasama ng lalaki.

"Sorry naman ha! Natalisod lang, wag kang OA!" Sigaw ko rin pabalik sa kanya. Ang kapal ng mukha para tawagin akong bitch. As if naman gusto ko iyong kasama niya.

"What did you say? Don't make me dumb asshole!" Aba, lumalaban?

"I said you shut up or I'll cut your fuckin' throat with a saw. This is a club bitch, you can't really avoid getting bump into someone while everyone is dancing!" Por favor. Nakaka high blood ka girl. Akala mo kung sinong maganda. Maputi ka lang, hindi maganda.

Tatalikod na sana ako ng biglang may humila sa buhok ko. What the hell? Paglingon ko, yung babaeng foreigner ang nakita kong humihila sa buhok ko. Habang yung lalaking kasama niya ay nakangisi lang habang tinitingnan ang ginagawa ng kasama niya. Oh, you want war honey?

I grabbed her hair too that made the bitch shriek out in pain and it caused a commotion on the dance floor. Natigil ang iba sa pagsasayaw habang yung iba naman ay kinukunan kami ng picture. Seriously?

Someone pulled my hand away from the bitch's hair at hinila din palayo sa akin yung babae ng dalawang bouncer. Nang makawala sa kamay ko ang buhok ng babae, tuloy tuloy na akong hinila ng isang lalake palabas ng club. I thought I'm going be thrown out pero ipinasok ako sa loob ng taxi ng lalaking humila sa akin.

"What were you thinking back there?" Galit na tanong ng lalaking humila sa akin. Magkatabi kami ngayon at kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

I'm not super drunk not to see his face clearly. Mukha siyang pamilyar sa akin. I focused my eyes to his face trying to recall who he is.

His hair is short at back and sides and has a long layer on top. May suot suot siyang silver necklace na may cross pendant. His eyes are dark and intimidating and you can see the tension on his perfectly defined-jaw. His lips are thin yet sexy and it looks edible. At iyong ilong niya, saktong sakto lang ang pagkakatangos.

My train of thought was disturbed when he snapped a finger in front of me. "Hey, kinakausap kita. Lasing ka na ba?"

"Ah eh. Tinamaan lang ng konti. Pero okay naman ako." Napakamot ako sa ulo ko.

"Lasing ka. Sinong nasa matinong pag-iisip ang makikipag sabunutan sa iba?" Inirapan niya ako at bumaling sa driver. Diyos miyo, ang gwapo niya kahit nagsusungit siya.

"Sa Marco Polo po tayo manong." Utos niya. Teka, alam niya kung saang hotel ako tumutuloy?

"Alam mo kung saang hotel ako?" Tanong ko sa kanya.

"Yup."

"Stalker ba kita?"

"What the..? No."

"Kilala mo ako?"

"No."

"Puro ka naman no eh! Eh bakit mo ako hinila palabas ng club kung hindi mo naman pala ako kilala? Kung hindi mo kilala yung tao dapat hindi ka na lang tumulong. Kasi kung ako ang nasa lugar mo, tutulong ako pero hindi ko na ihahatid pa sa hotel tapos---"

"Agh! Shut up! Ang ingay ingay mo. Pwede tumahimik ka na lang?"

Ay nagalit? Mukhang frustrated na siya sa akin. Kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

"Sorry naman. Nagtataka lang talaga kasi ako kung bakit mo ako tinulungan." Humalukipkip na lang ako sa tabi at hindi na umimik. Gusto ko siyang tanungin kung anong pangalan niya pero hindi na lang ako nagsalita baka mas magalit pa siya.

He let out a heavy sigh. "Okay, sinundan kita sa club. I was just worried about you. Lagi na lang kitang nakikitang lasing o kaya naman may ginagawa kang katangahan. Naawa ako sayo kaya tinutulungan kita." Aniya.

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. "Well, salamat sa pagtulong mo. I really appreciate it kahit kulang na lang sabihin mo na sakit ako sa ulo."

Hindi siya umimik kaya sinagad ko na ang pagsasalita. "By the way, anong pangalan mo? Mukha ka kasing familiar sa akin."

"We already met before..." Casual niyang sabi. Hala! Talaga? Sinasabi ko nga ba eh. Kaya familiar siya sa akin kasi nakita ko na siya noon.

Nagbayad siya ng bill sa driver at bumaba na. Di ko namalayan na nasa hotel na pala kami. Lumabas na rin ako sa taxi at patakbong lumapit sa kanya. Nakapamalusa siya habang naglalakad papasok ng hotel habang ako naman ay pilit na inaayos ang paglakad. Medyo nahihilo kasi ako dahil sa nainom ko sa club.

"Bilisan mo." Utas niya habang pinipigilan ang pagsara ng elevator.

Binilisan ko na ang paglakad. I scooted towards the elevator and I tripped over his body. Natalisod ako sa may pinto ng elevator. Buti na lang nasalo niya ako at ngayon ay nakasandal na ako sa katawan niya. I looked up to him and I caught his eyes staring down at me. Bigla akong nakaramdam ng kuryente. Lasing na nga yata talaga ako.

Binitiwan niya ako kaya napaayos ako ng tayo bigla. Inayos ko ang damit ko at tumabi sa kanya.

"Anong floor ka?"

"Uhm, 14th floor." Sagot ko. "Eh, ikaw?"

"Same floor." He said in a low tone. Wow, destiny? Same pa kami ng floor.

Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas. Naglakad ako papunta sa room ko at naramdaman ko na nakasunod pa rin siya sa akin.

"Why are you following me? Pumunta ka na sa room mo, baka naabala na kita." Nilingon ko siya habang sinasabi iyon.

He raised an eyebrow to me. "Who told you I'm following you? Papunta rin ako sa room ko." Ang sungit talaga. Nako, kung di ka lang gwapo nasuntok na kita.

I fished out my card key and opened my room pero hindi muna ako pumasok. Titingnan ko muna kung saan ang room niya. He opened the room adjacent to my room. That means magkaharap lang ang room namin. Oh, this is nice.

"Thank you ulit ha?" Ningitian ko siya.

"Yeah."

"Ano nga ulit ang pangalan mo? Di mo kasi nasagot yung tanong ko."

He turned around to face me and smirked. "I'm Derrick, the owner of the condominium you stayed in for a night when you were drunk."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. He went inside and closed the door. Naiwan naman akong nakatunganga sa harap ng pinto ko habang pinoproseso ang sinabi niya. I was dumbfounded with the news.

That means, siya si Mr. D? OH. MY. GOSH.


Continue Reading

You'll Also Like

204K 3.7K 83
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
26.3K 1.2K 18
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
2.8M 178K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
947K 30.4K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...