Heart Over Matter 3

By CharlesFredAgustin

12.4K 251 12

When fate calls upon you at the moment of choosing, would you choose life or you'd rather choose love? Ano an... More

Heart Over Matter 3
Chapter 19 The Checklist
Chapter 21 Glimpse of Hope
Chapter 22 Even If I Die
Chapter 23 Soulmates
Chapter 24 Resolution
Chapter 25 Parting Ways
Chapter 26 I Am Alive
Chapter 27 Until Then...
Epilogue - To Never Part With You Again
Nang Magbago Ang Kwento Nating Dalawa

Chapter 20 Unreachable Hope

893 20 0
By CharlesFredAgustin

Bumalik sina Lance, Nicole at Rafael sa hospital. Laking tuwa nila nang makarating sila at wala na ang mga uwak na kanilang tinatakbuhan. Kahit bakas ng mga ito ay walang naiwan.

"Mabuti naman at wala na sila," ang sabi ni Rafael.

"Oo nga, nangalawang ang kadena ko dahil sa tatlong araw na pagkawala natin dito sa hosptal," ang sabi naman ni Lance.

"Pumasok na tayo," ang sabi ni Nicole. "Tignan natin kung anong nangyayari sa loob habang wala tayo."

Inuna nilang puntahan ang katawan ni Lance sa ICU dahil iyon ang pinakamalapit. Walang nakaduty na estudyante nang araw na iyon sa Surgical Ward. Tahimik sa Nurse's station, kani-kaniyang trabaho ang inaatupag ng mga nakaduty na mga nurse at abala naman ang mga Residents sa pakikipag-usap sa mga Consultants.

"Parang ang tagal nating nawala," ang sabi ni Lance habang binabasa ang mga pangalan ng mga pasiyente sa board. "Ang daming nawala at ang daming pumalit. Halos hindi ko kilala yung karamihan."

"Matagal din tayong nagkulong sa kwarto ni Nicole hindi ba? Kaya naman baka yun ang rason kung bakit parang ang daming nawala," ang sabi ni Rafael.

"Sabagay," ang sagot ni Lance. "Minsan talaga come and go lang ang mga pasyente."

Pumasok ang tatlong kaluluwa sa loob ng SICU. Doon ay naroon parin ang nakaratay na katawan ni Lance – walang malay, napakaraming tubo at aparato ang nakakabit, at tila walang buhay. Tanging ang nakaduty na Nurse lamang ang naroon na naghahanda ng gamot ni Lance.

"Good morning Nurse Kye!" ang masayang bati ni Lance. "Mukhang mag-isa ka ngayon ah."

"Kinakausap ba niya yung nurse?" ang tanong ni Rafael kay Nicole.

"Sa palagay ko," ang sagot naman ni Nicole. "Hindi naman Kye ang pangalan ko, at lalong hindi iyon ang pangalan mo."

Tinignan ni Lance ang dalawa na parang nawiwirdohan sa dalawa. "Kinakausap ko ang mga nurse kasi madalas ko silang makaduty noon, at isa pa nakakabaliw kayang walang kinakausap. Kahit alam kong hindi nila ako naririnig ay okay na sa akin ang makapagkwento o makapagsalita man lang at least."

"Eh bakit hindi nalang ako ang kausapin mo? Girlfriend mo naman ako," ang sabi ni Nicole.

"Sila ang kinakausap ko bago kita ligawan," paliwanag ni Lance. "Ito naman, masiyadong selosa."

Lumapit si Lance sa kaniyang katawan, sinusuri niya ang kaniyang hitsura. Sana lang kaya kong ibuka ang mga mata ko at makita kung magrereact ang pupils ko sa ilaw, ang sabi ni Lance sa kaniyang sarili. "Mukhang nabawasan na ang pamamaga sa surgical site," ang sabi ni Lance. "Mukhang wala na rin yung mga bed sores na nagsisimulang mabuo dati."

"Mukhang magandang balita iyon. Gagaling ka na ba?" ang tanong ni Rafael.

"Hindi ko alam, indication lang naman iyon ng proper management sa akin. Pero sana nga gumaling na ako, hindi na ako makapag-antay na makabalik sa katawan ko."

Hinintay ng tatlo ang pagdating ng doktor ni Lance. Matapos siyang suriin at tignan ang mga recent laboratory and diagnostic procedure results ay laking tuwa ni Lance nang marinig na bumubuti ang kaniyang kalagayan. "Improving na siya," ang sabi ng doktor ni Lance kay Nurse Kye. "Lumalaban ang batang ito. Sige hijo, konting laban pa."

"Yes doc!" ang sagot ni Lance.

Hindi naman nagsasalita si Nicole sa mga oras na iyon. Hinayaan lamang niya si Lance na magsaya sa napakagandang balita na kanilang nakuha.

Nang lumabas ang doktor ni Lance ay umalis na din ang tatlo sa SICU at nagtungo sa Medical Ward. Hindi tulad sa Surgical Ward ay may isang grupo ng mga estudyante ang nakaduty. Pamilyar ang ilang estudyante kay Lance at ganoon din ang kanilang clinical instructor.

Agad na dumiretso ang tatlo sa loob ng kwarto ni Nicole. Doon ay naabutan nilang nanonood ng telibisyon ang ama ni Nicole habang umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo sa tabi ng katawan ni Nicole.

"Sana isang magandang balita ang makuha ko," ang sabi ni Nicole. "Sana sabihin ng doktor ko na bumubuti na ang lagay ko."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasang mainggit sa balitang natanggap ni Lance, bulong ni Nicole sa kaniyang sarili.

Mahal ko si Lance at napakasaya ko para sa kaniya, pero umaasa ako na sana ganoon din ang balitang matanggap ko. Mas matagal ako ng isang buwan na comatose kay Lance, kaya naman siguro naiintindihan niyo ako kung bakit medyo umaasa akong makatanggap din ako ng magandang balita hindi ba?

Paano kung gumising na si Lance? Paano kung pagkagising niya ay hindi niya maalala ang tungkol sa akin? Paano kung tuluyan niya akong makalimutan kapag nakabalik na siya sa mundo niya?

Ano ba iyan, napaparanoid na naman ako. Gustong gusto ko lang din kasing magising na, gusto ko nang mayakap ang Daddy ko. Gusto ko nang makabalik sa dati kong buhay. Ayoko na nang ganito, ang hirap-hirap mabuhay na para ka rin namang isang patay. Parang anong sense pang buhay ka kung para ka rin namang patay na dinadaan-daanan at hindi nakikita o naririnig ng mga tao?

Natigilan sa pagiisip ng napakalalim si Nicole nang biglang maramdaman niya ang isang kamay sa kaniyang balikat. Ipinaton ni Lance ang kaniyang palad sa kanang balikat ni Nicole. "Okay ka lang ba?" usisa nito.

"Oo naman," ang sagot naman ni Nicole

"Kanina ka pa walang imik sa baba eh," ang sabi ni Lance. "Tapos ngayon parang ang lalim ng iniisip mo."

"Wala, huwag mo nang isipin iyon," aniya ni Nicole.

Napabuntong hininga si Lance at hinawakan ang mga kamay ng kaniyang kasintahan. "Alam kong hindi pa tayo ganoon katagal na magkarelasyon pero I know for a fact na sa tuwing sinasabi mong wala lang ang isang bagay eh actually may bumabagabag sa iyo."

Napangiti lamang si Nicole sa sinabi ni Lance.

"Sabihin mo sa akin kung anong problema. Boyfriend mo 'ko hindi ba?"

"Wala ito, ano ka ba. Masiyado kang nag-iisip."

"Ako pa ang masiyadong nag-iisip ngayon? Ikaw kaya itong kanina pa malalim ang iniisip."

Ganun na ba ako ka-obvious? ang tanong ni Nicole sa kaniyang sarili.

Binitiwan ni Nicole ang mga kamay ni Lance. Umupo siya sa tabi ng kaniyang katawan at pinagmasdan niya ang kaniyang sarili na matulog. Hinaplos niya ang noo ng kaniyang katawan na parang bata itong natutulog sa kaniyang tabi.

"Naisip ko lang kasi kung anong mangyayari kapag nagising na ang isa sa atin," ang sabi ni Nicole.

Hindi nagsalita si Lance ngunit hindi din niya inasahan na sasabihin iyon ni Nicole. Hindi siya nagsalita at hinayaan na lamang si Nicole na magpatuloy.

"Naisip ko lang kung paano kung nagising na ang isa sa atin at hindi na niya maalala ang tungkol sa mga nangyari dito."

"Iniisip mo na kapag nagising ako ay makakalimutan kita?" ang tanong ni Lance. "Iniisip mong magigising na ako, tama ba?"

"Pero bumubuti na ang lagay mo," ang sabi ni Nicole.

"Guys, nandito pa ako. Bakit parang mag-aaway na kayong dalawa? Chill lang," ang sabi ni Rafael ngunit tila hindi siya narinig ng dalawa.

"At minamasama mo iyon, ganoon ba?" ang tanong ni Lance. "Minamasama mong gumagaling na ako?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," ang sabi ni Nicole. "Masaya ako na gumaganda na ang kondisyon at kalagayan mo. What I mean is natatakot ako na hindi ganoong balita ang marinig ko."

"Ano ngayon kung hindi ganoong balita ang maririnig mo?" ang sabi ni Lance. "Paano kung mas magandang balita ang marinig mo?"

"Paano kung hindi?"

"Eh di hindi! Kapag nagising ako magigising ka na rin."

"Paano naman mangyayari ang sinasabi mo?"

"Dahil kapag nauna akong magising pupunta ako dito at sasabihin kong mahal na mahal kita, Nicole. Sa ganoong paraan magagamit mo ang batong nasa bracelet mo at magigising ka narin! Ganoon ako kasigurado na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo Nicole! At alam ko na kapag ikaw ang naunang magising ay ganoon din ang gagawin mo. Mabubuhay tayong dalawa, naniniwala ako doon."

"Paano kung pag-ising mo hindi mo na ako maalala?"

"Hindi mangyayari iyon," ang sabi ni Lance. Lumapit siya kay Nicole at hinawakan niya ang kaniyang mga kamay at idiniki ang palad ni Nicole sa kaniyang ulo. "Kasi nakatatak ka na dito." Ibinaba niya ang kamay ni Nicole at inilapat iyon sa kaniyang dibdib. "At dito. Dahil nakatatak ka na sa puso ko alam kong hindi kita makakalimutan."

"Then what if mag-activate ang bato sa bracelet mo? What would we do then? Kapag na-activate ang bato ng isa sa atin ay hindi na gagana ang isa."

"Kapag nangyari iyon, gusto ko ikaw ang gagamit ng bato," ang sabi ni Lance. "Hindi ko hahayaang mamatay ka."

"At tingin mo hahayaan kong mamatay ka?" ang sabi naman ni Nicole. "Nababaliw ka na kung iniisip mong okay lang sa akin na mamatay ka at mabuhay ako. Anong tingin mo ganun na lang kasimple iyon para sa akin? Hoy Mr. Vallejo hindi po teleserye ang buhay nating dalawa!"

Hindi na sumagot si Lance sa sinabi ni Nicole. Niyakap nalamang niya si Nicole nang mahigpit, hindi naman maiwasan ni Nicole ang umiyak. "Mahal kita," ang sabi ni Lance. "Tandaan mo iyon. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang."

"Nakalimutan talaga nilang kasama pa nila ako," ang sabi ni Rafael na nakaupo sa tabi ng Daddy ni Nicole.

* * *

"Kumusta kayong tatlo diyan sa bahay, anak?" ang tanong ni Sandra sa telepono. "Kumain na ba kayo ng pananghalian?"

"Opo Ma," ang sagot naman ni Dean. "Okay naman kami dito, nagluto si Tito Stephen ng pananghalian namin. Nahirapan lang ako sa physical therapy ni Arlene kasi ang titigas na naman ng joints niya." Buti hindi ko nasabing Bebang at natawag ko siya sa pangalan niya, kundi patay na naman ako, ang sabi ni Dean sa kaniyang sarili. "Dalhin niyo na kasi si Arlene sa physical therapist at mag-set kayo ng regular appointment para matherapy si Arlene regularly."

"Eh anak nandiyan ka naman. Sayang din yung pambayad natin sa physical therapist," ang sabi ni Sandra.

"Ma, hindi naman ako palaging nadito," ang sabi ni Dean.

"Konting tiis lang anak."

"Ma hindi lang ako ang nahihirapan dito, pati si Arlene nahihirapan din. Masakit kapang bini-bend ko ang joints niya kapag naninigas ito hindi ito naninigas dahil madalas itong nati-therapy."

"Sige, hayaan mo. Kapag nagkapera ulit ako ay gagawan natin ng paraan iyan."

"Sana bago magising si Lance ay nagawan niyo na ng paraan ito."

"Oo anak, magtiwala ka lang," ang sabi ni Sandra. "Oh siya anak, babalik na ako sa trabaho. Mag-iingat kayo diyan ha? I-lock niyo ang mga pintuan at ang gate. Hugutin niyo ang mga appliances at patayin ang ilaw kapag hindi niyo ginagamit ha? Sayang ang kuryente, napakamahal ng rate ngayon."

"Opo, kung gusto niyo nga eh sa circuit breaker ko pa patayin para siguradong kahit isang kilowatt ay walang mababasa ang metro niyo ng kuryente."

"Pilosopong bata ito. Sige na anak ha at tapos na ang break time ko."

"Bye Ma!"

"Bye. I love you anak."

Ibinaba ni Dean ang telepono at ipinagpatuloy ang ginagawang physical therapy kay Arlene. Ibinibend ni Dean ang mga joints ng mga paa at kamay ni Arlene. Minsan naman ay gumagamit ng vestibular ball si Dean sa physical therapy. Walang tiyaga si Dean sa gawaing iyon, laging si Lance lang ang may tiyaga na i-physical therapy ang kanilang nakababatang kapatid sa ina.

Pero dahil comatose siya, sinong gagawa nito kundi ako lang? Wala talaga akong choice kundi ang magtiyaga.

Ang dami ko sanang pwedeng gawin ngayong araw kung hindi lang ako nagti-therapy dito kay Bebang – nagawa ko na sana yung mga journal reports na ipapass ko, natulungan ko pa sana sina Lolo at Lola na maglinis ng baha at maglaba ng mga damit, nagpacute kay Mara at marami pang iba.

Nang matapos ang therapy ni Arlene ay pinagpahinga muna siya ni Dean sa kwarto. Lumabas si Dean at nagtungo sa kusina upang kumuha ng miryenda nila ng kaniyang nakababatang kapatid. Binuksan niya ang reff at kumuha ng malamig na tubig upang magtimpla ng iced tea na paborito ni Arlene. Kumuha siya ng dalawang slice ng cake at inilagay iyon sa tray.

"Tapos na ba ang session ng therapy ni Arlene?" ang tanong ni Stephen na nangaling sa garahe. Hinugasan niya ang kaniyang kamay na puno ng grasa sa lababo.

"Opo," ang sagot ni Dean. "Balak kong bumalik after four days para naman hindi napapabayaang naninigas ang mga joints ni Arlene."

"Naku salaman. Pero hindi ba iyon makakasagabal sa schedule mo? Baka may lakad ka, o may pasok ka sa school."

"May duty po ako sa hospital pero pangabi naman po iyon kaya pwede akong dumaan dito."

"Ayos 'yan," aniya ni Stephen at pinunasan niya ang kaniyang kamay gamit ang paper towel. "Sa'n ka ba magduduty? Dito ka na manggaling at ihahatid na lamang kita."

"Sa base hospital po ng school namin."

"Okay pala eh, pagkahatid namin sayo pwede kaming bumisita kay Lance."

"Baka hindi po kayo papasukin dahil after visiting hours na iyon. Okay lang siguro kung nasa private room si Lance kaso nasa ICU siya kaya baka hindi na kayo patuluyin. Okay lang po ako, pwede naman akong ihatid ni Lolo Bernardo."

"Alam mo hijo, hindi mo na dapat pinagmamaneho ang lolo mo. Matanda na iyon eh, dapat nagpapahinga na lanag siya sa bahay. Kung nahihiya ka sa akin eh huwag na. Para na rin naman kitang anak."

Ang wierd pakinggan, ang bulong ni Dean sa kaniyang sarili. Sobrang wierd. "Salamat nalang ho," ang sagot ni Dean at dinala na ang tray patungo sa kwarto ni Arlene.

"Simula nang ipinanganak si Arlene naging malayo na ang loob niyong magkapatid sa amin ng Mama niyo," ang sabi ni Stephen. Natigilan sa paglalakad si Dean at pinakinggan ang sasabihin ng kaniyang step father. "Lalo ka na."

"Hindi ko po alam kung anong sinasabi niyo."

"Umiiwas ka," paglilinaw ni Stephen.

"Hindi po ako umiiwas. I'm just upset dahil hanggang ngayon hindi pa gumigising si Lance."

"Iyon ba talaga ang rason? Simula nang magkaroon kayo ng kapatid, nagsarili kayong dalawa. Una sa Papa ninyo noong ipinanganak si Christian. At sumunod sa amin ng Mama niyo nang ipinanganak si Arlene."

"Baka po kayo lang nag-iisip niyan."

"Ako nga lang ba?" Tumayo sa harap ni Dean si Stephen at tinitigan niya sa mga mata ang anak ng kaniyang asawa. "Sa kabila ng nakaraan ng Mama at Papa mo ay naging magkaibigan parin kami ng Papa mo, alam mo ba iyon?"

"Opo."

"At alam mo bang lumalabas kami ng Papa mo kasama ang Mama at Tita Elena mo tuwing Biyernes ng gabi?"

"Hindi po."

"Alam ba ni Lance?"

"Hindi ko po alam, pero sa palagay ko hindi rin."

"Hindi niyo alam dahil sa tuwing magyayaya kami ay lagi niyo na lamang sinasabing 'May lakad kami' o 'May kailangan kaming gawin sa school.' Pinapalampas namin lahat ng iyon sa loob ng maraming taon pero hanggang kailang niyo ba kami iiwasan – parurusahan – dahil sa pagsulpot ng mga kapatid niyo sa mga buhay natin?"

Hindi sumagot si Dean. Nilulunok na lamang niya ang namumuong kung ano sa kaniyang lalamunan at pinipigilang maluha.

"Kahit anong tago ni Lance kapag narito siya, alam kong pareho kayo ng nararamdaman. Patawad kung dumating kami sa buhay niyo, patawad kung ano man ang naging kasalanan namin ng mga kapatid niyo. Pero hanggang kailan ba kayo iiwas?"

Matagal bago nakasagot si Dean. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa salita ang kaniyang nararamdaman. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Stephen. "Sa totoo wala akong maraming alaala noong bata kami ni Lance na naging masaya kami ng Mama at Papa ko. Mangilan-ngilan lamang iyon. Ang alam ko lang madalas silang nagtatalo hanggang sa magkasundo silang maghiwalay. Simula noon ay pakiramdam namin ni Lance ay parang wala kaming eksaktong lugar sa mundo. Maya't maya ay lilipat kami ng titirhan – kay Papa for two weeks, tapos kay Mama sa susunod na dalawang linggo. Tapos dumating kayo ni Tita Elena sa mga buhay namin. Walang kaso yun eh, pero parang lalo kaming nababawasan ng lugar sa mga buhay ng magulang namin. Tapos dumating sina Arlene at Christian. Parang ganun-ganun nalang nawalan kami ng lugar sa mundo. Parang hinablot sa amin ng kapalaran yung lugar na iyon."

"Alam mong hindi iyon ang gusto naming maramdaman niyo," ang sabi ni Stephen.

"Alam ko," ang sagot naman ni Dean. "Pero iyon talaga yung naramdaman naming magkapatid eh. Kaya gumawa nalang kami ng sarili naming lugar sa mundo – iyong hindi namin kailangang hingiin pa sa kahit sino, something we can call home without the threat of losing it to somebody else. At dahil sa nangyari kay Lance it feels like I'm losing that 'home' again. So sue me for having a moment."

"Alam mong may lugar kayo dito," ang sabi ni Stephen. "At kahit anong mangyari sa mga susunod na mga linggo ay may lugar kang uuwian dito."

"Hindi ko kailangang umuwi dito dahil gigising si Lance. Alam ko, at nararamdaman kong gigising ang kakambal ko. I won't lose my home again – not now, not ever."

* * *

"Lumabas nalang tayo ng kwarto mo't pakinggan ang sasabihin ng doktor," ang sabi ni Lance kay Nicole na hindi mapakali sa loob ng kwarto. Pabalik-balik si Nicole sa bawat sulok ng kwarto. "Napakataas ng level ng anxiety mo ngayon."

"Kung gusto mo ako nalang ang lalabas at makikinig," ang sabi naman ni Rafael.

"Hindi. Walang lalabas sa atin. Dito lang tayo at hihintayin ang magandang balita mula sa Daddy ko."

"If you're so confident that you will receive a good news then bakit mo kami pinipigilang lumabas at pakinggan ang sasabihin ng doktor?" tanong ni Lance.

"Basta huwag nalang kayong makulit," ang sabi ni Nicole.

Hindi na kumibo pa sina Lance at Rafael, itinuon na lamang nila ang kanilang atensyon sa commercial sa telebisyon kung saan kumakanta ang isang sikat na mag-ina para sa isang powdered juice brad kung saan nakaupo ang batang babae sa isang lumalaking dalandan.

"Ang hirap manood ng TV na walang access sa remote," ang sabi ni Lance.

"Masasanay ka din pag naging multo ka na," ang sagot naman ni Rafael sa kaniya.

"Naku kahit huwag muna akong masanay, wala pa akong balak maging multo."

"Magiging multo ka din naman pagdating ng panahon. Pare kapag nakabalik na kayo ni Nicole sa mga katawan niyo ay huwag niyo akong kakalimutan ha? Dadalawin niyo ang puntod ko."

"Oo naman," ang natatawang sagot ni Lance. "Naalala ko pa noong una kong sinabi sa iyo 'yan ay muntik mo na akong sapakin."

"Medyo mayabang ka nun eh."

"Ano bang paborito mong bulaklak at scent ng kandila para naman madala namin sayo."

"Kahit huwag ka nang magdala. Lagi akong ipinagsisindi ng kandila ng mga kapatid ko sa kani-kanilang mga bahay."

Bumukas ang pintuan ng kwarto ni Nicole at napatingin ang tatlo sa pintuan. Nang huling beses na bumukas ang pintuan nang hindi inaasahan at magkakasama silang tatlo ay puro uwak ang pumasok sa kwarto kaya naman parang may post traumatic stress disorder ang tatlo na halos tumalon sa kanilang mga posisyon at nakahandang kumaripas ng takbo.

Ngunit imbes na uwak ay Daddy ni Nicole ang pumasok. Nakahinga ng maluwag ang dalawang binata na nanonood ng telebsiyon ngunit hindi si Nicole. Hinihintay niya ang sasabihin ng kaniyang Daddy. Nagpapanggap naman sina Lance at Rafael na hindi alintana ang pagpasok ng ama ni Nicole ngunit nakatuon ang kanilang mga pandinig sa sasabihin niya.

Kinuha ng Daddy ni Nicole na si Antonio ang isang upuan at umupo siya sa tabi ng katawan ni Nicole. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang anak at hinalikan ang likod ng palad nito at nagsimulang humagulgol. Napapikit na lamang si Lance at napa-iling naman si Rafael na tila alam na nila ang sasabihin ni Antonio.

"Daddy, bakit ka umiiyak?" ang sabi ng in denial na si Nicole. "Gigising na ba ako Daddy? Makakabalik na ba ako sa katawan ko?"

"Sorry anak. Sorry," ang tanging sinabi ni Antonio. Paulit ulit lamang na iyon ang kaniyang sinasabi sa tabi ng kaniyang anak.

Tila nanghina ang buong katawan ni Nicole at napaupo na lamang siya sa sahig. Hindi ako magigising, ang sabi ni Nicole. I'm dying.

Hinawakan ni Nicole ang kaniyang dibdib at lumitaw ang kaniyang kadena. Nanghina siya sa kaniyang nakita – halos maubos na ang kadena at mukhang malapit na itong tuluyang maputol.

Tumakbo palabas ng kwarto si Nicole at agad siyang sinundan nina Lance at Rafael habang tinatawag ang kaniyang pangalang upang tumigil ito. Nanghina si Nicole at napasandal sa pader malapit sa Nurse's Station kung saan nagbubulungan ang dalawang nurse at ang doktor ni Nicole.

"Sayang na bata," ang sabi ng isang nurse.

"Napakabata pa niya," ang dagdag naman ng isa pang nurse.

"Ipinaliwanag ko na kay Mr. Alvarez na wala na tayong magagawa para sa anak niya," ang sabi ng doktor. "Kahit irevive pa natin si Nicole ng ilang beses sa tuwing mag-aarest siya ay milagro nalang ang gigising sa kaniya. Pipirma si Mr. Alvarez ng DNR order."

"Teka ano bang sinasabi ng mga ito?" ang tanong ni Rafael kay Lance. "Anong DNR? Department of Natural Resources?"

"Hindi," ang sagot ni Lance. "Do not resuscitate."

"I don't speak alien, anong ibig sabihin nun?"

Hindi agad nakasagot si Lance dahil pati siya ay nanghina sa sinabi ng doktor ni Nicole. Nanlamig ang mga kamay at palad niya. Parang bumaliktad ang kaniyang sikmura.

"Anong ibig sabihin nun Lance?" pagpupumilit ni Rafael.

"Kapag nag-arrest si Nicole ay hindi na siya pwedeng i-resuscitate ng mga doktor, nurse o ng kahit sino."

"Ibig sabihin..."

"Oo," ang sagot ni Lance. "Hahayaan na nilang mamatay si Nicole."

* * *

Natagpuan ni Lance si Nicole sa lugar na kaniyang inaasahan. Sa rooftop ng hospital ay naroon si Nicole at nakaupo sa sahig, parang bata na niyayakap ang kaniyang mga paa at nakayuko siya sa kaniyang mga tuhod.

"Malamig dito ngayon," ang sabi ni Lance at umupo sa tabi ng kaniyang kasintahan. "Ang sarap magpahangin."

Hindi sumagot si Nicole. Hindi din siya gumalaw na parang wala siyang narinig.

"Ang tagal na pala nating hindi nagagawa ito," ang sabi ni Lance. "Kailan ba tayo huling nagpalipas ng gabi na nag-i-star gazing? Dumating kasi yung mga uwak dati kaya nagkulong tayo sa kwarto mo –"

"Lance," Nicole interrupted. "Ayoko muna ng kausap. Gusto kong mapag-isa."

Hindi sumagot si Lance. Hinawakan niya ang kamay ni Nicole ng mahigpit. "Nandito ako sa tabi mo. Sa mga oras na ito ang kailangan mo ay kausap, kailangan mong ilabas kung ano man iyang nararamdaman mo. Nandito ako para makinig saiyo."

Tinignan ni Nicole si Lance sa mga mata at medyo matagal bago siya nagsalita. "Madaling sabihin sa'yo iyan kasi gumagaling ka na, may pag-asa ka nang gumising kahit hindi mo mahanap yung taong may nararamdaman para sa iyo. Madaling sabihin para sa iyo kasi wala ka sa sitwasyon ko."

"Ano ba yang sinasabi mo?" tanong ni Lance. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"

Nagsimulang humagulgol si Nicole. Binitawan niya ang mga kamay ni Lance at pinunasan ang kaniyang mga luha. Nang akmang yayakapin siya ni Lance ay itinulak niya ito papalayo. "Ayoko pang mamatay," ang sabi ni Nicole. "Hindi pa ako handa. Madami pa akong gustong gawin."

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ka mamamatay," ang sabi ni Lance. "Walang mangyayari sayong masama, tandaan mo iyan. Mabubuhay ka – mabubuhay tayong dalawa nang magkasama. Tatanda tayo na magkahawak kamay, at kung mamamatay man tayo ay mamamatay tayo na mayroong napakaraming apo sa talampakang iiwan sa mundo."

"You're being optimistic kasi wala ka sa sitwasyon ko," ang sabi ni Nicole. "Please Lance, leave me alone muna."

"Bakit ba ipinagtatabuyan mo ako?"

"Please, I don't want to argue. Iwanan mo muna ako."

"Fine," bulong ni Lance at tumayo siya mula sakaniyang kinauupuan at iniwan si Nicole sa rooftop. t

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 521 13
A love to die for... and to live for... What if your one and only chance to live means the death of your one true love? Nang ma-comatose si Lance mat...
1.1K 116 25
Dayshin Veronica Fhluria, better known as Daye. Her squad is popular in their school, the Flaire University. She will unexpectedly meet the guy she...
74.2K 3.2K 146
(COMPLETED) It was just for fun at first: ang makipag-flirt sa gwapong transferee na si Ace Castro. Darryl just wanted to have fun and distract herse...
607K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...