His Indecent Proposal: Lander...

By JFstories

24.5M 714K 290K

She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her lif... More

Prologue
HIS INDECENT PROPOSAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
The Final Chapter
EPILOGUE

Chapter 7

735K 23.2K 8.2K
By JFstories


TINAKTAK ko ang bote ng wine sa aking kopita. This is my fifth, actually. Agad ko iyong nilagok bago ko niluwagan ang aking neck tie.


Napapikit ako at pilit pinapakalma ang aking sariling. And killing Patrick Ko would satisfy me the most. That bastard. How I wanted to rip his heart from his chest. Put a gun on his head and fire him until my bullet last.


I heaved a deep sigh. Ibinagsak ko sa table ang wineglass. Kahit naglalatang ang galit sa dibdib ko ay hindi mawala sa isip ko ang luhaang mukha ni Aviona. 


I dragged her to the veranda matapos ko siyang hubaran. Iginapos ko siya at iniwanang mag-isa sa labas. Wala akong pakialam kahit papakin siya ng lamok o magkapulmunya siya sa lamig. She must learn the hard way para magtanda siya. Para di niya na ulitin ang pag-alis ng walang paalam sa akin.


I had branded her. Sa akin siya. At dapat maunawaan niya iyon.


Wala nga siyang kaalam-alam na pinahagilap ko pa siya sa mga tauhan ko kanina. I spent millions just to find her in such short notice. Maswerte pa rin siya dahil hindi ko siya pinatay. In a situation like this, na para akong tanga kahahanap sa kanya, I should've kill her. Ayaw ko sa lahat ay pinagmumukha akong gago. Pagkatapos malalaman ko ay kasama niya lang pala ang Patrick Ko na iyon? Damn!


Pero sa kabila ng pagtanggi ko ay hindi ko pa rin siya kayang tiisin. Damn it. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala. I stood up from the settee. Pupuntahan ko siya.


I was about to take steps when I saw something a piece of paper on the floor. Dinampot ko iyon.


What's this? A letter?


No. Ito iyong sinusulatan ni Aviona Camille na itinatago nya sa kanyang dibdib.


Parang ito iyong listahan nya.


Binuklat ko ang nakatuping papel. Hindi ko dapat binabasa ito pero hindi ko mapigilang hindi ma-curious.


I was right. Listahan nya nga ito. May nakasulat kasi rito na ulap at may markang check sa tabi nito. Siguro ito iyon mga bagay na na-accomplish nya ng makita. Tulad din kasi nito iyong mga bituin, kalangitan, araw at buwan. May nakasulat din na kategorya tungkol sa bago nyang natuklasan. May santol na may buhok, wine, kotse, dextrose, mall, elevator at ano ito?


Tite?


Napakurap ako nang mabasa ko ito. And wait. Meron pang bagong nakasulat dito. Mukhang kakamarka nya sa salitang lupa. It looked like ipinakita na sa kanya ni Patrick ang lupa!


Kamuntik ko ng malukot ang papel. Pero bago ko lamukusin iyon ay mayroong nakapagpahinto sa akin. Iyong kategoryang mga target nyang hanapin tulad ng karagatan.


Karagatan? Gusto niyang makakita non?


Napaisip ako. May chance pa pala akong ipakita sa kanya kung gaano kaganda ang karagatan. Hindi pa rin ako mauungusan ng Patrick na iyon.


Sumunod na nakalista doon ay pag-ibig.


Pag-ibig? Ironic. Hindi iyon bagay na basta lang makikita sa kung saan. Kahit ako ay hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko pa iyon nararamdaman.


Napayuko ako sa sumunod na nakalista: pamilya.


Pero ano ito? Bakit may marka ang salitang ito? Ibig sabihin ba nito ay natagpuan na nya ang kanyang pamilya?


Pagkuwan ay namilog ang aking mga mata. Sa gilid kasi ng salitang ito ay may naka-indicate: Just Lander at lola Peach.


Totoo ba ito? Pamilya na ang turing nya sa akin?

I wanted laugh, hard. Bakit niya ako ituturing na pamilya? Kung malalaman niya lang ang totoo. I was the monster who stole her from her family.

Ako ang dahilan kaya naging mangmang siya sa mundong ito. Ipinakulong ko siya noong bata siya sa isang saradong silid sa loob ng maraming taon.


Ako ang dahilan kaya narito siya sa poder ko, miserable at pag-aari ko.


Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako. Isang bagay na bago sa akin, ilang beses na ba akong napangiti ng babaeng ito? Pero ito nga at nakapagtatakang kusa at natural na gumalaw ang aking mga labi.


May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa dibdib ko. Ito ang unang beses na may tumuring sa aking isang pamilya.


Maraming Montenegro sa mundo pero wala akong kinalaman sa kanila, ganon din sila sa akin. Bukod kami sa kanilang lahat. At kinatatakutan ng ibang Montenegro ang emperyong itinatag ng ama ko na isang drug lord. Isang ama na hindi naman naging ama sa amin. At mas tumayo pa nga akong ama sa kanya kaysa siya sa akin. Ilang beses ko na kasing napaikot ang matandang iyon.


At ang nakatatanda kong kapatid na si Kyo Montenegro ay galit sa akin. Siya ang tangi kong kapatid sa mundo pero hindi kami kailanman naging malapit. Lumaki ako na hindi siya gaanong nakakasama. Palipat-lipat siya rito at sa ibang bansa ng pag-aaral. Katulad ko ay may sarili siyang mundo pero wala siyang hilig sa negosyo ng mga Montenegro. Siya pala ang unang nakulong sa kuwartong pinagkulungan ko kay Aviona. Doon siya kinulong ni Dad noon dahil sa matigas ang ulo niya.


Naging libangan ko rin ang buhay ni Kyo noon dahil bored ako. Namulat kasi ako na mas magandang paglaruan ang buhay ng mga tao kaysa mga laruan na kayang bilhin ng pera. Na sa tumagal ay ini-apply ko na rin sa mga tao, sinimulan ko na ring tapatan ng salapi ang bawat buhay na makursunadahan ko. Natuon pa ang utak ko negosyo at itinuring akong lucky charm ni Don Ybarra Montenegro, our dad, at huli na para malaman niyang pinapaikot ko lang rin siya. Silang lahat na parang mga laruan ko.


Napailing ako. Well, sawa na ako ngayon sa mga buhay nila. 


At si Aviona Camille Montemayor. Sa akin siya. Siya ngayon ang pinakamagandang laruan na meron ako. Sa akin ang inosenteng kagandahang iyon, pag-aari ko siya. At hindi siya puwedeng hiramin ng kahit sino.


Sa akin lang dapat iikot ang mundo niya. At ako lang ang susundin at paniniwalaan niya.


My jaw clenched. Yes, I have to admit. I am fuc king jealous of Patrick Ko. I am jealous of everything. Lahat ng mga bagay na nakakapagpasaya kay Aviona ay pinagseselosan ko. Gusto ko ay ako lang lang ang nakakapagpangiti sa kanya.


She was too innocent to treat me as her family. Anghel siya kumpara sa kung gaano ako kademonyo.


Then I suddenly realized how stupid I am for punishing her. She was too innocent to know why I mad at her. Naulit na naman. Nagpadala na naman ako sa galit na hindi iniisip na inosente siya sa lahat ng bagay. Hindi naman siya mahirap paliwanagan. Pwede ko naman sabihin sa kanya iyong mga ayaw ko. Pwede kong ipaalam sa kanya na nagseselos ako.


Patakbo kong tinungo ang veranda upang puntahan sya. Unang sumalubong sa akin ang hamog at lamig ng gabi.


Hindi ako nahirapang makita siya kahit madilim ang paligid. Nangingibabaw sa kadiliman ang makinis at maputi niyang balat. She was lying on the floor at yakap ang hubo't-hubad na katawan.


Nilapitan ko siya at saka lumuhod sa kanyang tabi. Nakatulog na siya kakahintay sa pagbalik ko sa kanya. Maingat kong inalis ang posas sa kanyang paa bago ko siya binuhat.


Ipinasok ko siya sa loob ng kuwarto at saka marahang inilapag sa gitna ng malaking kama.


I stared at her face matapos ko syang kumutan. Naramdaman ko na naman ang guilt, na tanging si Aviona lamang ang nagpakilala sa akin ng ganoong pakiramdam.


Malamig ang kanyang katawan dahil sa ginaw mula sa labas. May mga pasa siya sa braso dahil sa pagkaladkad ko sa kanya kanina. May mga gasgas din dahil sa paghablot ko ng damit niya pahubad sa kanyang katawan. At bukod doon ay may mga pantal siya sa braso, binti at leeg na mula sa mga kagat ng insekto sa veranda.


Para akong sinikmurahan dahil sa kalagayan niya. Ako ang dahilan kaya nagka-mantsa ang makinis niyang balat.


Inayos ko rin ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Gamit ang aking daliri ay pinunasan ko ang kanyang mga luha na halos matuyo na sa gilid ng kanyang mga mata.


"J-Just Lander, sori..." she moaned. Mahimbing ang kanyang pagtulog pero ito pa rin ang sinasambit ng kanyang mga labi. And by that, she had melted me.


At mas maganda siguro kung babawi naman ako sa kanya bukas paggising nya. Saka ko ibinulsa ang papel na listahan niya.


...


NATAGPUAN ko ang aking sarili sa malambot na kama pagmulat ko.


Nakapagtataka, dahil ang huli kong naaalala ay ang malamig na sahig ng veranda. Iniwan ako ni Just Lander doon nang nakagapos kagabi. Pero bakit narito na ako sa kuwarto ngayon?


Ano kayang nangyari? Nasaan kaya si Just Lander? Hindi na kaya siya galit sa akin?


Nakaramdam ako ng kati sa aking braso kaya kinamot ko iyon. Natigilan ako nang makitang may mga pantal ako, pero may mga nakalagay na parang lotion na amoy gamot. Ginamot ba ako ni Just Lander?


Umalis ako mula sa kama at nakita ko ang nakatuping damit sa sofa. Kinuha ko iyon at dali kong isinuot.


Mayamaya pa ay may biglang tumunog. Mabilis ko namang natagpuan kung saan ito nagmumula. Isang bagay ang tumutunog at nanginginig. Hugis parisukat ito. Ano kaya ito?


Dinampot ko ito at dinala sa kwarto ni lola Peach. Pagbukas ko ng pinto ay natagpuan ko ang matanda na sinusundot ang pagitan ng kanyang mga hita. Sa kanyang harapan ay naroon ang larawan ni Just Lander.


"Lola Peach, ano pong ginagawa nyo?"


Napabalikwas siya ng bangon. "Nakow! E wala nagkakamot lang! Sana kasi kumakatok, ano?" Agad niyang itinago ang larawan. "Aba'y ano ba kasing kailangan mo?"


Iniabot ko sa kanya iyong bagay na hawak ko. "Ano po itong tumutunog?"


Kinuha nya iyon. "Selpon ang tawag rine." Nanlaki ang mga mata nya nang tingnan nya iyon. "Oh, eh nasa screen ang pangalan ni Ser."


"Ano pong ibig sabihin nun?"


"Ibig sabihin eh, tumatawag sya. Sagutin mo." May pinindot sya sabay abot nya sa akin. Itinapat nya iyon sa aking tainga.


"Jack." Sabi ng boses na aking narinig.


"Nakow! Eh, magsalita ka rin, hija."


Nagsalita ako. "Sino ka?"


"Jack ako ito. Si Just Lander."


Just Lander! Sabay lingap ko sa paligid. "Nasaan ka? Bakit hindi kita makita?"


"De pungas ka! Nasa telepono kasi sya, bobita!" Singit ni lola.


"Nasa telepono si Just Lander? Paano po sya nagkasya dito?" siniyasat ko ang bagay na tinatawag ni lola na cellphone.


"Hay, nakow! Nasa ibang lugar sya pero maririnig mo ang boses nya."


"Talaga po?!" napapalakpak ako. "Hala!" idinikit ko muli ang cellphone sa aking tainga. "Just Lander, nasaan ka?"


"Pumunta ka ng rooftop." Pagkasabi nya ay hidni ko na sya narinig pa.


Dilat na dilat sa akin si lola. "Oh, anong sabi ni Pogi este! Ni Ser pala?"


"Punta raw ako ng rooftop."


"Oh, 'lika na." hinila na ako ni lola.


Pagdating namin sa rooftop ay hinangin kami nang malakas. Anong meron? Bakit pakiramdam ko ay magugunaw na ang mundo? Saan kaya nagmumula ang malakas na hanging iyon?


Sabay kaming napatingla ni lola at napatigagal. Ano kaya iyong bagay na iyon na lumilipad sa kalangitan? Pababa ito malapit sa amin.


"Helicopter." Bulong ni lola na nakatingala roon.


"Helicopter?"


Nang makababa ito ay bumaba ang isang mataas nalalaki mula sa loob nito. Nakaitim itong damit mula sa pang-itaas hanggang sa ibaba. Ewan kung ano iyong naamoy ko pero ang bangu-bango niyon. Ang kulay kalangitan nitong mga mata ang sumalubong sa akin.


Si Just Lander!


Bakit kaya parang kaaya-aya ang hitsura nya sa aking paningin?


At bakit biglang kumabog ng malakas at mabilis ang puso ko sa loob ng aking dibdib? Ano kayang ibig sabihin niyon? At bakit hindi ko ito naramdaman nang makita ko Patrick Only?


"Ready?" tanong sa akin ni Just Lander.


Hindi ko naintidihan kaya bumulong si lola. "Handa?"


Napasintido si Just Lander. "I mean, handa ka na ba?"


"Saan?" Napalabi ako.


Pagkatapos ay bahagya syang yumukod at ikinulong ang aking mukha gamit ang kanyang palad. Bigla nyang idinikit ang kanyang mga labi sa aking labi. May libu-libong karayom yata ang tumusok sa aking katawan. Naranasan ko na kasing matusok ng karayom nang minsang ipagtahi ako ni lola ng damit.


Naramdaman ko ang mainit nyang hininga at mabango ito. Para bang dinala ako ng mga labi nya sa kung saan.


Nang kumalas sya sa akin ay tulala lang ako. Nakapako lang ang kanyang magagandang mga mata sa aking mga labi. "Sabay tayo."


"S-sabay na ano?" nauutal na tanong ko.


"Hanapin ang pag-ibig." Pagkuwan ay hinila na nya ako papasok sa helicopter.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

927K 2.3K 6
A collection of short stories đź–¤
45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
26.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
The Prisoner By Sella

General Fiction

1M 6.9K 7
Hanggang kaylan mo kayang ipaglaban ang pagmamahal na sa una pa lang ay hindi naman tama? Itutuloy mo pa ba o baka sa huli, susuko ka lang din? ***