Eto po ang Point of View ni Krissa about doon sa FIRST DATE nila ni Kean. Unahin ko muna po ito para malaman niyo kung ano ang laman ng isip ni Krissa. Siguro sa next chapter na lang yung pagpapakilala nila sa kanya-kanyang magulang. Enjoy reading! Updated na po ang BULLETPROOF HEART AT INCOMPATIBLE LOVE basahin niyo rin ang mga ito sana. Thanks.
Pakiplay po yung song sa gilid entitled PAG-IBIG BY YENG CONSTANTINO, pangbackground music lang po.
------------------------>
Krissa's POV
Maaga akong natulog dahil excited na rin ako sa FIRST DATE namin ni Kean. Nagpaalam naman na ako kay Ate Kylie na may date kami ni Kean kaya ok na ang lahat. Wala akong dapat problemahin.
Mabuti nga at maaga akong nagising kung hindi, hindi ko masasagot yung tawag ni Kean. Ininform niya lang ako na 2pm daw kami aalis.
Kumakain pa lang ako ng lunch ng biglang dumating dito sa bahay namin si Kean, nagulat ako dahil napakaaga naman niya masyadong excited? Feel at home eh, wala kasi mga parents ko pero kung nandito sila malamang mahihiya iyang pumunta dito.
"MY LASH, ang aga mo naman? 12:30pm pa lang ah diba ang usapan eh 2pm?" Sabi ko, nagulat kasi ako masyado sa kanya
"Excited ako masyado MY EYE eh, pabayaan mo na ako. Masyado lang kita na-miss." Sabi niya with matching pa-cute pa nagblush tuloy ako.
"Oy ano iyang MY EYE AT MY LASH na iyan? Ikaw Krissa, nagbablush ka eto namang si Kean, parang magkakandaihi sa tuwa. Iwan ko na kayo diyan akyat na ako baka makaabala pa ako sa inyo." Sabi ni Ate Kylie, nakakahiya tuloy kay Kean, sabihin daw bang nagblush ako eh ano na lang iisipin ni Kean? Kilig na kilig ako? Hay, well totoo naman eh hehe.
"Ate talaga binuking pa ako, kamusta na nga pala kayo ng boyfriend mo?" Tanong ko kay Ate dahil mukhang masaya na siya eh
"Ok na kami, he explain everything kaya naman kami na ulit. Sige bye!" Sabay akyat sa taas, so bati na sila niyan? I'm happy for her.
"Ok ate,"
"Ikaw LASH, dahil nandito ka na rin tulungan mo akong maghugas ng pinggan tutal maaga pa naman." Sabi ko kay Kean na mukhang busy na busy sa panonood ng t.v.
"Pero EYE, nakabihis na ako baka marumihan pa ako oh." Sabi niya, tiyak na tinatamad lang ito haha.
"Ano pa silbi ng apron? Ano maghuhugas o maghuhugas?" Sabi ko, no choice siya kundi maghugas
"Wala naman akong choice kundi maghugas diba?" Sabay lapit sa akin at humingi ng apron
"Buti alam mo haha!"
After kong maghugas ng pinggan ay nagbihis na ako para makadiretso na kami sa pupuntahan namin.
Sa daan ....
"Saan ba tayo pupunta LASH? Mukhang malayo-layong biyahe ito ah." Sabi ko dahil nagpafull tank eh
"Secret muna EYE, pero medyo nga kung gusto mo matulog ka muna para hindi ka mapagod sa biyahe." Sabi niya with matching killer smile pa. Kahit kailan talaga alam niya kung paano ako pasisiyahin kilig much haha.
"It's ok, mukhang alam ko na kung saan tayo pupunta haha. E.K. ba?" Hula ko, kasi alam ko yung daan na ito lagi kaming dumaraan dito kapag field trip.
"Tama ka!" Sabi niya, diba galing ko? Haha :)
After an hour ay nakarating na kami sa E.K.
Pagpasok namin ay nagpapicture muna kami sa mascot hehe hindi ko alam pangalan eh basta yung kulay violet na wizard.
After noon ay sumakay kami sa Flying Fiesta. Sa totoo lang, hindi talaga ako sumasakay sa rides kasi nga takot ako tapos yung magkatabi yung pinili naming sakyan nang umandar nagulat ako dahil he holds my hand pinabayaan ko na lang.
"Kean, nakakahilo naman dito masyadong paikot-ikot pero astig ah dahil taas, baba ito." Sabi ko, ngayon ko lang kasi naexperience na sumakay rito eh.
"Ngayon ka lang ba nakasakay dito? Mukha kasing first time mo lang eh." Tanong niya
"Oo, Hindi kasi ako sumasakay sa mga rides kapag may field trip kami kasi takot ako." Sabi ko
"Mabuti naman at hindi ka na natatakot ngayon?"
"Kase, nandyan ka sa tabi ko at alam kong hindi mo ako papabayaan."
"Yun oh, bumabanat ka na naman haha."
Natawa na lang ako dahil napapabanat na rin ako haha.
After namin sa Flying Fiesta ay dumiretso naman kami sa carousel.
"Sigurado ka bang sasakay tayo rito diba pambata ito?" Tanong ko, kasi halos lahat ng nakasakay ay mga bata
"Hindi lang naman ito pambata pwede rin sa mga isip bata haha." Sabi niya sabay tawa
Tig-isa kami ng sinakyan tapos ang nagpamemorable dito ay holding hands na naman kami. Tapos sabi nung bata sa likod namin ay "ang sweet niyo naman po!" Natuwa ako sa bata dahil alam niya na agad ang sweet. Iba na talaga ngayon.
After dun ay nagpunta kami sa Anchor's Away.
"Ayoko rito LASH kinakabahan ako eh. Tingnan mo oh, baka malaglag tayo." Sabi ko kasi nakikita ko yung mga tao sigaw ng sigaw, thrilling ba ganun.
"EYE nandito ako oh, diba sabi ko sayo eh hindi kita pababayaan. Doon tayo sa dulo pepwesto para mas maenjoy natin." Sabi niya with a sincere voice
Pagkasakay namin nag-enjoy naman ako sa una pero nung bumilis ayun nagsisigaw at nagtitili ako. Napayakap tuloy ako kay Kean sa takot. Si Kean naman tuwang-tuwa haha.
After nun ay dumiretso kami sa Xtreme haha. Kaso ayaw kong sumakay hindi ko kaya masyadong mataas. Buti hindi niya ako pinilit dahil alam niya sigurong hindi ako papayag. Naku, baka kapag nakababa kami ay sa hospital na bagsak ko nito. Naglakad-lakad kami sa daan tapos may tumugtog sa speaker na kanta.
Bakit may mga naglalakad tapos biglang sasayaw? Flashmob ba tawag dito?
Aba, may bagong pakulo ang Enchanted Kingdom ah, nakakaindak tuloy kaso hindi ako sanay sumayaw.
"Tara EYE, sayaw rin tayo bilis oh, tingnan mo sila nakikisali rin bilis." Yaya sa akin ni Kean, hay naku naisipan pang makisali kung alam niya lang matigas katawan ko.
"Eh nahihiya ako LASH eh, tsaka hindi ako marunong sumayaw kaya panuorin na lang natin sila." Sabi ko para naman malaman niya na hindi ako sumasayaw
"Hindi ako papayag, kaya tayo naririto upang i-enjoy ang ating first date diba kaya whether you like it or not better like it." Then hinila niya ako sa gitna then sumayaw kami. Kahit na hindi ako sanay pinilit ko pa rin hehe.
After naming kumain ay naglibot na lang kami dito sa loob nagpunta kami sa jungle log jam, up up and away, rio grande, rialto, tapos naglaro kami sa mga hinahagis na ring at ishoshoot sa bote kaso palpak wala kaming napala roon pero enjoy. Nadaanan namin yung space shuttle talagang nakakatakot doon.
"EYE, last na ito oh, pwede ba tayong sumakay ng Wheel of Fate?" Sabi niya
"Yung ferris wheel ba? Eh ang taas kasi oh unang tingin ko pa lang eh nalulula na ako." Sabi ko
"Sige na please? Last na ito!" with puppy eyes pa
"Eh ano pa nga bang magagawa ko? By the way, effective ang puppy eyes mo haha." Sabi ko, pagbigyan na natin last naman na eh.
"Thanks, let's go!" Sabi niya
Pagkasakay namin sa Wheel of Fate ay nag-open up agad sa akin si Kean.
"Krissa, MY EYE, salamat sa lahat hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon tila wala na itong mapaglagyan sa aking puso. Gusto ko ngang magtatalon sa tuwa dahil sinagot mo na ako. Hindi ako nangangakong hindi kita masasaktan dahil walang perfect relation laging nagkakaroon iyan ng away. Part lang iyon ng pagsasama ng isang may relasyon kaya don't give up kung magkaaway man tayo. Hindi ko nga lubos na maisip na magiging tayo dahil nagkakilala lang tayo sa kasal ng ating kanya-kanyang ex. Pero tandaan mo kahit na hindi ikaw ang first kiss, first dance, first love but ikaw lang ang magiging last kiss, last dance, last love that will be long lasting. I Love You so much Krissa Bermudez. I will love you forever and ever."
Habang nagsasalita siya ay hindi ko napigilang maiyak na dahil masyado akong natouch sa mga sinabi niya. Then, kumanta siya kaya mas lalo pa tuloy akong naiyak. Tears of Joy po ito, ang sarap sa feeling ang ganda talaga ng boses niya.
Habang kumakanta si Kean ay may dinukot siya sa kanyang bulsa at nagulat ako dahil sing-sing iyon. Kinuha niya yung kamay ko at isinuot iyon sa aking daliri. He never failed to surprise me at make me smile.
"Krissa, yung sing sing na iyan ay ingatan at pangalagaan mo I Love You." Sabi niya
"I Love You too Kean" ayun lang ang lumabas sa bibig ko
Napansin kong unti-unting lumalapit ang mukha ni Kean sa akin. Hindi ko alam kung iiwas ba ako o hindi, napapikit na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko tapos our lips met. We feel the tenderness and mixed emotion of each other. I'm happy dahil naibigay ko ang first kiss ko sa taong mahal ko at mahal ako.
Unexpected, biglang nagpaputok ng firework at yung sinasakyan namin ay huminto sa pinakatuktok. Nakikita namin mula rito ang ganda ng view tapos nagsalita ako.
"Kean-Lash, salamat sa date na ito. This is the best date ever na nangyari sa buong talambuhay ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil napasaya at nasorpresa mo talaga ako ng sobra. Yung sing-sing na ito ay ingatan ko sayang at wala akong dalang gift para sayo bawi na lang ako next time. Salamat sa lahat." Eto lang ang nasabi ko
Matapos ang aming moment sa tuktok ay bumaba na rin kami. Napagpasyahan naming magpakalegal na sa aming mga parents. Parang magbobonding yung parents namin basta kami na bahala. Bukas na iyon at alam kong magkakasundo ang mga pamilya namin.
************
A/N :
Oh ha! Haha! Hanggang dito na lang muna po.
Mag-aaral na muna ako may quiz bukas eh kailangang mag-aral. Thanks for reading.
risingservant :)