Dagli

By mae_girl_03

58.2K 243 20

Sariling Dagli na ginawa ng mga kaklase ko para sa proyekto namin sa Filipino kaya Credits sa kanilang lahat. More

Panaginip by: Mae
Magkarelasyon by: Anjo
Ang Unang Pag-ibig by: Agnes
Sa Tindahan by: Vicboyd
Paghihintay ng Tamang Panahon by: Ardine
Ang Babaeng Nakaputi by Ana
Tulis ng Punyal by: Annamarie
Masaya Ba? by: Norlyn
Ang Tagumpay by: Rosamae
Mamahaling Kahon by: Arlyn
Madilim na Gabi by: Shine
Ang Huling Mensahe by: Roselle
Sa Gitna Ng Dilim by Welna [First]
Ang Lalaking Nagdulot Ng Pighati Sa Aking Buhay by Welna [Last]
Kandila't Posporo by Mark
Bakit Ikaw Pa Rin? by R.M.S
Journal by Mey

Reunion by: Shenna

2.5K 25 1
By mae_girl_03

Sinuot ko ang pinakamahal kung damit sapagkat ang araw na ito ay mahalaga para sa atin. Sa aking paghihintay, nilibot ko ang aking mata dahil siguro sa ito yung unang araw na magtatagpo ulit tayo. Marami ng dumalo na mga pamilyar na mukha na naging parte ng masayang nakaraan natin. Hinagilap ko kayo ngunit wala ni isa sa inyo ang kasalukuyang nandito, hanggang sa napako ang aking mga mata sa tatlong bagong dating.
Hindi ko lubos maitago ang aking kagalakan sa inyong pagdating. Alam kong sa nakalipas na taon ay hindi madaling pagsamahin ang mga mahal ko sa buhay. Sa paglapit niyo, unti-unting bumalik ang alaalang binuo natin. Ang pagkakaibigang sinubok ng mga problema. Sa paghinto niyo sa aking tapat biglang sumilay ang ngiti sa aking labi. Suot niyo lang naman ang paborito kong kulay, ang itim.
Ninais kong hagkan at yakapin kayo. Unti-unting nagbagsakan ang mga luhang pilit niyong pinigilang umagos. Ninais kong pawiin ang sakit at lumbay na inyong nadarama. Nilapag niyo na ang pabaon niyong bulaklak para sa akin. Ngumiti ako ng pilit kahit alam kong hindi niyo ako naririnig at ni hindi niyo ako nakikita. Sa aking pamamaalam, nais ko lang ipadama sa inyo ang pagpapasalamat sa pagpunta sa espesyal na okasyong ito para sa akin, ang aking libing.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...