Out of Bounds (Ugly Past Seri...

By Crizababe

16.2K 350 59

UGLY PAST SERIES #2 If your heart gets broken, who will save you? And if you fall again but it's out of bound... More

Out of Bounds
Simula
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 2

1K 26 2
By Crizababe

Chapter 2

Sophie



Oh don't you dare look back.
Just keep your eyes on me."
I said, "You're holding back, "
She said, "Shut up and dance with me!"
This woman is my destiny
She said, "Ooh-ooh-hoo,
Shut up and dance with me.

Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko dahilan para magising ako. Bakit may tumatawag? Anong oras na ba?

Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Agh! I hate this. Ayoko talagang iniistorbo ako sa pagtulog lalo na ngayon at masakit ang katawan at ulo ko. Kinuha ko ang unan nasa likod ng ulo ko and I changed my sleeping position. I lied facing down the bed sheet at sinuklob ko ang unan sa ulo ko para hindi marinig ang cellphone kong patuloy pa rin sa pag ring.

Ilang beses pa itong nag ring bago ito natahimik. Buti naman at makakatulog na ulit ako. But after a few minutes of waiting for sleep to visit me, I gave up. It's no use. Bumangon na lang ako at kinuha ang cellphone kong nasa tabi ko lang para i-check kung sinong walang hiya ang naglakas loob para istorbohin ako. It's Natalie, my manager in the poultry farm. Wrong timing talaga kung minsan itong babaeng 'to. Hindi naman siya tatawag kung walang problema sa production house. Maybe, I'll drop by later to check the farm.

Aalis na sana ako sa kama nang mapansin ko na parang may kakaiba sa kwarto ko at pansin ko rin na ang suot kong t-shirt ay hindi sa akin. Memories of what happened last night dawn into me. What the hell happened? This is not my room and this is not my t-shirt either!

Did I have sex with a stranger? Oh please, not now. I do enjoy sex, but I do it with proper precautions. Hindi ako basta basta gumagawa ng milagro lalo na kung unprotected ito.

I freaked out and automatically looked for my clothes. Buti na lang at suot ko pa ang panty at bra ko. Hinananap ko sa buong kwarto ang mga damit ko pero hindi ko ito makita. Pumunta ako sa CR baka sakaling makita ko doon ang damit ko pero iba ang nakita ko.

I saw a sticky note on the mirror. Lumapit ako para mas mabasa ang nakasulat.

"If you are reading this that means you're awake. I washed your clothes because it smells bad with puke. Go to the dining room, you'll see a paper bag. I prepared food, eat it. – D"

Nanlaki ang mata ko sa signature ng nakasulat sa huling parte ng note. It's letter D. Is it Daryl? No, hindi pwede. Umalis ako sa bar kagabi and I'm pretty sure medyo malayo yung tinakbo ko. At ilang beses na akong nakapunta sa condo niya, hindi ganito ang ayos at itsura.

So I didn't have sex last night with a random stranger. Nilabhan lang pala ang damit ko. Okay, I'm safe.

Dumungaw ako sa bintana na nasa kwarto at nakita kong nasa mataas na palapag ako. That means I'm in a condominium, hindi ito bahay na nasa village.

Pumunta ako sa dining room at nakita ko nga ang paper bag na naglalaman ng damit ko. Nasa loob rin ng paper bag ang susi ng kotse ko at may iniwan ring 500 pesos. May orange juice at Advil din na katabi ng platong may pagkain. 

This is nice, iniisip niya siguro na baka masakit ang ulo ko ngayon dahil sa hangover at naisip niya rin na wala akong dalang wallet so technically, I don't have money to get home. Very thoughtful indeed.

Kumain muna ako dahil bigla akong ginutom. The food tastes fine, I guess nagluluto talaga ang may-ari ng condo na ito. Hinugasan ko ang pinagkainan ko, nakakahiya naman kasi kung hahayaan ko lang. Ako na nga itong tinulungan, ako pa itong mag-iiwan ng dumi.

I tried to look for a picture frame to get a hint of who's the owner of the place but unfortunately, wala akong nakita. Ang theme ng buong condo is wooden at pagdating naman sa kwarto, it's black and white. Sa itsura pa lang at disenyo ng lugar, masasabi kong lalaki ang may-ari nito. 

Maybe he's the guy whom I last saw before I passed out. Yung may matangos na ilong at matipunong katawan. Gosh! His body is so hard with muscles. I smiled giddily remembering how it felt leaning on his tight muscled body.

If it's really him, sayang naman at hindi ako makakapagpasalamat ng personal. I wonder kung paano niya ako binihisan kagabi. I think he saw me half naked already. Buti naman at hindi niya ako pinagsamantalahan. Pero kung may mangyari man sa amin, okay na lang din basta may protection. Babae lang ako, marupok at natutukso rin. He might be a good catch to divert my attention from minding my broken heart. Okay, stop it now Sophie. Baka saan pa mapadpad iyang iniiisip mo.

Hindi na ako naligo. Deretso na akong nagbihis ng damit at pagkatapos ay kumuha ng sticky note na nakapatong sa desk katabi ng kama. I scribbled a note there, saying my thank you to whoever helped me last night. Idinikit ko ito sa ibabaw ng unan na nasa kama para madaling mabasa. See you when I see you Mr. D.

Umalis ako sa condo at umuwi muna para makapag shower. Hindi na muna ako papasok ngayon sa school. I feel so sticky.



A few hours later, I'm already driving my way to the poultry farm. I got my car back. Buti na lang at buo pa ang Mazda CX-5 ko. Alam naman natin na maraming magnanakaw ng car parts ngayon, good thing hindi yung sasakyan ko ang napag tripan.

It's one to two hour drive from my house to the poultry farm. Nasa secluded place ang location ng farm. Sinadya ito ni Papa na sa medyo tagong lugar ang farm para malayo sa polusyon. Bumusina ako sa gate at pinagbuksan naman ako ng guard. Kilala na ako lahat ng mga tauhan dito kahit weekend lang ako bumibisita dahil busy ako sa school.

I lowered down my window. "Good afternoon Ma'am Sophie!" Bati sa akin ng guard.

"Good afternoon. Nasa loob ba si Natalie?"

"Opo ma'am. Kasama niya sila Tatay Norman sa free range area."

"Sige, salamat." I nodded at the guard at tuluyan ng pumasok. Ipinarada ko muna ang kotse ko bago tumungo sa lugar kung nasaan sila.

Malawak ang lupang kinasasakupan ng farm namin. Noon, maliit lang ito kasi kaunti pa lang naman ang inaalagan ni Papa na mga manok. Pero nang lumaki ang negosyo niya, binili na rin ni Papa ang katabing lupa para makapagpatayo ng battery cage at production house for broilers and ducks.

Dumaan muna ako sa battery cage para i-check ang mga inahing manok at ang mga itlog nito. Binati ako ng mga tauhan na naabutan ko doon at nakipag kamustahan naman ako. So far wala naman akong napansing problema, ewan ko kung ano ang itinawag ni Natali kanina.

Pumunta din ako sa production house at maayos naman din ang pagpapalakad roon kaya tumungo na ako sa free range area kung saan hinahayaan ang mga broilers ng ilang oras na mamuhay ng malaya para ma develop nila yung natural behaviors ng isang manok.

"Ma'am Sophie!" Malayo pa lang ako ay natanaw na agad ako ni Natalie. Sinalubong nila akong dalawa ni Tatay Norman, ang katiwala ng farm simula pa noong maliit pa ang negosyo ni Papa.

"Magandang hapon Ineng." Bati naman ni Tatay Norman.

"Magandang hapon din sa inyo. Tumawag ka kanina Natalie, anong meron? May problema ba sa farm?"

May ipinakita na papel sa akin si Natalie. "Ano 'to?" Napakunot ang noo ko.

"Wala naman pong problema Ma'am. Ipapapirma ko lang sana iyang mga papers kasi atat na atat na iyong may-ari ng fast food chain na kumuha ng manok sa atin. Opening na raw po kasi ng bago nilang branch sa Rizal sa Linggo. Kailangan po nila ng stock within this week." Pagpapaliwanag sa akin ni Natalie. She is still 24 pero mukha na siyang 30 dahil sa pagiging paranoid niya minsan. Kaunting problema lang, hindi na iyan mapakali.

Pinirmahan ko ang mga papel at ibinalik ang mga ito pabalik sa kanya. "You know what Natalie, I think you need to take a chill pill. Minsan kasi nasosobrahan na iyang pagiging paranoid mo."

Natawa naman si Tatay Norman sa sinabi ko. "Iyon nga rin ang sinabi ko sa kanya Ineng. Huwag niyang siniseryoso masyado ang lahat ng bagay. Minsan kailangan niya rin kumalma. Alam naman niya na hindi siya pababayan ng mga tauhan rito. Lalo ka na Sophie."

I patted Tatay Norman's shoulder and gave him a warm smile. "Hear that Natalie? Matagal na dito si Tatay Norman kaya making ka sa payo niya."

Napayuko naman si Natalie at pilit tinatago ang hiya. "Yes, ma'am. Ifa-fax ko na po itong papers na pinirmahan mo para hindi na ako mapraning."

Natawa na lang kaming dalawa ni Tatay Norman sa kanya. But I cleared my throat when I remembered something.

"Oo nga pala, may sasabihin ako sa inyo. Aalis muna ako ng ilang mga araw. I don't know when I will be back basta babalik ako. Kung may problema man, tumawag lang kayo. Pero kung sa tingin niyo naman ay kaya niyo ng ayusin ito ng wala ako, mas mabuti."

"Bakit Ineng? Saan ang punta mo?"

"Sa Davao." I smiled at them as I announce it.

"Anong gagawin mo sa Davao ma'am? May business meeting?" Inosenteng tanong ni Natalie.

"Wala. Walang business meeting. Pupunta ako doon para makapag isip-isip."

"Ang layo naman ng lugar na iyon Ineng." Napakamot sa ulo si Tatay Norman.

"Oo, malayo nga. Pero kailangan ko ng malayong distansiya para makahinga ako. Wala na kasi kami ni Daryl, tay. Gusto ko muna ng panahon para sa sarili ko." Hindi naman kasi naging lihim sa kanila ang relasyon namin ni Daryl kaya hindi ako magtataka kung bakit grabe ang pagkabigla sa mga mukha nila.

Mahirap pa rin pala bigkasin ang mga salitang 'wala na kami'. Nasasaktan pa rin ako. Ang lakas ng loob ko na isigaw ito sa mukha ni Daryl kagabi sa bar pero ngayon na hindi na ako lasing at matino na ang takbo ng utak ko, mas tagos na ang sakit. Hindi ko pa kasi natatanggap ng buo ang katotohanan. So that's why I want to get away. I want to learn by myself on how to accept the fact. In order for me to heal, I should try to slowly grasp the reality until it doesn't hurt anymore. Sabi nga nila, acceptance is the first step to moving on...and that's what I am going to do.



Kinabukasan, pumunta na ako sa airport para sa flight ko papuntang Davao. Agad akong nag book ng flight pagkatapos kong bisitahin ang poultry farm. I packed my things which are good for a one week travel.

Oo, one week lang. Hindi ko naman pwede pabayaan ang pag-aaral ko lalo ngayong graduating student na ako. I'll make my one week worth it. I will discover myself again.

Wala akong pinagsabihan sa plano kong pag-alis. Even Maisie doesn't know that I'll be away. Tanging sila Natalie at Tatay Norman lang ang nakakaalam. Ayoko kasing magambala ako sa gusto kong gawin pag nasa Davao na ako. Baka hanapin rin ako ni Daryl sa mga kaibigan at kakilala ko, I don't want his presence. LOL. As if naman hahanapin ako ni Daryl. Masaya na siya sa babae niya. Asa ka pa Sophie!

Nang makapasok na ako sa eroplano, agad kong hinanap ang seat number ko. I chose a seat na nasa may bintana noong nagpabook ako ng flight. I'm on row 10 seat A. Nang makalapit ako sa designated seat ko, may naka-upo na roon sa may bintana.

It's a guy wearing a cargo jacket. Nakatakip ang mukha niya dahil sa suot niyang cap at nakayuko ito na parang natutulog. Wow lang ha? Kakapasok pa lang, tulog na agad siya.

Tinapik ko ang braso niya para magising siya. "Excuse me po. Nagkamali ka yata ng inupuan. Pwesto ko po kasi 'yan."

Inalog ko pa siya ng isang beses bago siya nagising. When he lifted his head, he just stared at me like trying to confirm if I really existed. Naka shades siya pero alam na alam ko na nakatitig siya sa akin sa likod ng Ray Ban shades niya.

"Good morning kuya! Naka-upo ka kasi sa upuan ko. Pwedeng pakihanap na lang ng seat number mo para maka-upo na ako?" I am trying to hide the sarcasm in my voice by being polite but I guess I suck at it. Gusto ko na kasing umupo.

He just lifted the side of his lips and smirked at me. Aba, the nerve of this guy.

Tumayo siya at sumalpak sa katabing upuan. Good. I struggled as I try to enter our row. Nakaharang kasi yung tuhod niya. Tumatama tuloy yung hita ko sa kanya kaya nahihirapan akong makapasok. Hindi na lang talaga umalis muna para makapasok ako ng maayos. I tried to let him see how I'm struggling with our setup but he didn't move an inch. Ang gentleman talaga. Take note of the sarcasm please.

Mukha pa naman siyang gwapo kahit natatabuan ng shades at cap yung mukha niya because of his well-defined jaws and perfectly pointed nose. Artista ba ang isang ito? May pa mysterious effect pa kasing nalalaman. Well whoever he is, he is still not a gentleman. Aanhin naman ang mukha kung pangit naman ang ugali?

The flight to Davao is just 1 hour and 40 minutes. Hindi masyadong mahaba pero sapat na ito para makapag isip-isip ako kung ano ang gagawin ko sa lugar na iyon. I fished out my pen and notepad to scribble my plans. Gumawa ako ng bucket list ng lahat ng gusto kong gawin within 1 week. This will serve as my tracking device if I am still doing what I'm supposed to do.

Sa huling parte ng mahaba kong listahan, I wrote my two main goals of this trip.

- To accept that everything between Daryl and I are over.

- MOVE ON

Nagsalita ang captain ng plane giving updates about the climate of Davao City and the minutes we have to wait before we land. Ibinalik ko na sa bag ko ang gamit ko para makapag ready na. After a few minutes, we safely landed on the airport.

Hindi muna ako gumalaw sa upuan ko para paunahin ang ibang pasahero na makalabas. I'm not in a hurry though. It's still 2 in the afternoon so I have the time to relax for this day bago gumala sa syudad. Ganoon din ang lalaking katabi ko na ngayon ay gising na. HInintay niya muna ang ibang pasahero na makalabas.

I turned off the airplane mode of my phone first to check if someone called or texted me. Bumungad agad sa akin ang text ni Natalie saying her take cares. She may be annoying and paranoid sometimes pero maalaga naman siya at thoughtful. I replied telling that I arrived safely and she should focus on managing the farm.

As soon as I hit send, I checked the place to see if there are still passengers left. Buti naman at kaunti nalang. Wala na rin yung lalaking pa-mysterious na katabi ko. Aalis na sana ako pero natawag ang atensyon ko ng isang note na nakadikit sa upuan ng lalaking katabi ko kanina. And there I saw a familiar penmanship and signature.

"Forgive and let go first of what's hurting you so that you'll move on. – D"

Holy mother of fucking cows! Si Mr. D yung katabi ko kanina?



Continue Reading

You'll Also Like

401K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
66.5K 4.4K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...