Hurt Me To Death

By YawningPotato

164K 2.7K 255

Lahat tayo ay may dahilan para mabuhay. Pero pa'no kung ang dahilan mo para mabuhay ay siya ring dahilan para... More

Hurt Me To Death
1st DROP : THE LIVING HELL
2nd DROP: DEVIL IN THE HELL
3rd DROP: PHOTOGRAPH
4th DROP: HE FORGOT
5th DROP: IT'S TOO LATE
6th DROP: NO, I'M STILL ALIVE!
7th DROP: MY CHANCE
8th DROP: DREAM?!
9th DROP: WELCOME BACK
10th DROP:PRETEND
11th Drop: DEATH BED
12th Drop: MEMORIES
13th Drop: BEGIN AGAIN
14th Drop: PROMISE BREAKER
15th drop- I Forgot AGAIN
16th Drop: Love you
17th Drop: Unconditional Love
18th Drop: Hugs
19th Drop: The Things I've Done
20th Drop: The Story Behind
21st Drop: Flash Back
22nd Drop: Hesitation
24th Drop: The Day that was Forgotten
25th Drop: The Decision
EPILOGUE + BONUS CHAPTER OF MY NEW STORY

23rd Drop: Storm Within Me

4.4K 79 5
By YawningPotato

CHAPTER 23

**********

ALLIANAH

"...'Coz I love you.." I said. Baka sakaling I love you too na din ang maisagot nya sakin.

"T-thank you." Sabi nya habang naka yakap parin sakin.

*******

Ano kaya ngayong ginagawa ni Drake?

Nasa bar at nakikipag inuman, nasa office, o baka naman nasa Condo ni Ritz?

Parang may isang sako ng bigas na nakadagan sa dibdib ko habang iniisip ko yun. Mabuti nalang at nandito ako at hindi ko nakikita ang ginagawa niya ngayon.

Alam ko namang imposibleng mahalin ako ni Drake.

Oo nga't mayaman ang pamilya namin, may kaya kami at may ibubuga naman ako pag dating sa ganda.

Sabi nila kahit sinong lalake ay magugustuhan ako pero iba si Drake, ilang beses niya nang pinatunayan sakin na hindi kahit kaylan matuturuang mag mahal ang puso dahil kusa itong titibok sa taong mamahalin nito-at hindi para sakin ang pag tibok nun.

Kahit maging mas mayaman pa ko kay Bill Gates o maging kasing talino ni Steve Jobs o ni Albert Einstein, maging kasing ganda ni Mona Lisa o kahit na ako pa ang maging presidente ng U.S.A, hindi parin yun sapat na dahilan para mahalin niya ako.

Pareho kaming biktima ng tradisyon ng pamilya namin. Wala sa'ming dalawa na ginusto ito. Pero ang daya, bakit ako lang ang nagkagusto sa kaniya? Bakit siya hindi?

Kala ko pag nagtagal, masasanay din ako kaso pag sumobra pala mas lalong malalim ang sugat na bumabaon hanggang sa laman at unti-unti, iyon ang papatay sayo.

Ang masakit pa doon, kahit anong gawin kong pag papaalila sa kanya, 'di parin nun deserve ang 'i love you' nya.

P'wede bang kahit minsan ay mag sinungaling sya at sabihin n'yang "Mahal din kita,"?

Desperada na kung desperada.. iyon lang ang tanging hilig ko, matapos non ay maari na kong mamahinga.. kahit ano nang gusto nyang gawin sa buhay nya ay papayag na ko.

Ang daya kasi ngayon, nasa pagitan na ako ng buhay at kamatayan pero hindi ko parin naririnig mula sa kaniya na mahal niya ako. Sabi ko pa naman kaya ko siyang hintayin. Kaso naisip ko, hanggang kailan? Papayagan kaya ako ng tadhana na tumagal pa hanggang sa dumating yung araw na pareho na kami ng nararamdaman?

I've done enough, quotang quota na ko sa sakit at bigat ng kalooban.

FLASHBACK

11:50 PM

Malapit nang maghating gabi pero wala parin si Drake. Sabi njya ay may party daw sa bahay ng officemate niya kaya gagabihin siyang umuwi pero hanggang ngayon ay wala pa siya .

Sabi niya gagabihin, hindi naman uumagahin.

Kasalukuyan pa namang maulan sa labas, kaya kaya niyang mag maneho mag-isa Paniguradong lasing nanaman siya.

Kasalukuyan akong nakaupo sa couch sa sala at hindi mapakali sa kakahintay kay Drake.. Kamusta na kaya sya?

Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot sa phone niya.

Pag nagtagal pa siya sa labas baka magkaroon pa siya ng sakit.

Pag katungtong ng alas-dose ay walang pag aalinlangan akong lumabas ng bahay at dali-dali akong kumuha ang payong.

Bago lumabas ng bahay ay naisipan ko muna ulit siyang tawagan kaso mukhang na-dead batt ata yung phone niya. Siguro rin dahil sa kakatawag ko.

Buo na ang desisyon ko, susunduin ko si Drake dahil baka hindi niya kayang mag-maneho sa sobrang kalasingan.

Kaya ko naman mag maneho, ako nalang magda-drive pauwi. Gusto ko lang makasigurong ligtas siya.

Sinubukan kong maghintay ng taxi kaso mukhang wala nang dumadaan ng ganitong oras lalo na at umuulan. Walang ibang choice kun'di maglakad at confident naman din ako kasi alam ko naman ang bahay ng officemate niya na iyon.

*BLANG!*

Kasabay ng pag kulog ng malakas ang kabog ng dibdib ko. Mas lalo pang lumakas ang hangin at basa na rin ng malamig na tubig na nanggagaling mula sa langit ang kalahati ng katawan ko at nararamdaman ko na rin ang pangangatog ng katawan ko.

Nakarating ako sa bahay ng Officemate ni Drake. Wala namang bakas ng mga nagparty doon. Baka naman nasa loob dahil maulan sa labas?

Pinindot ko ang doorbell sa gilid ng gate. Matapos ang anim na pindot ay may lumabas mula sa pinto, ang ka-officemate ni Drake. Naka pajama ito at mukhang galing pa sa tulog.

"Oh? Alliah! What brings you here?" nagtatakang tanong nito nang makarating sa harapan ko.

"Wala ba dito si Drake?"

"Si Drake? Wala sya dito. Bakit mo namang naisipang dito siya hanapin?"

"He told me na may party daw dito, Anniversary niyo daw ng asawa mo." - May bigat sa dibdib kong tugon.

"Anniversary? Sa next week pa iyon. Hindi din nag punta dito si Drake." Tugon nito sa tanong ko. "Basang basa ka na ng ulan, gusto mo bang pumasok na muna dito sa loob. Magpatila ka na muna ng ulan." Sabi nito at bahagyang binuksan ang gate.

Ang lakas ng ihip ng hangin at direkta itong tumatama sa katawan kong basa na rin ng ulan.

"H-hindi, ayos lang ako. H-hindi rin ako magtatagal kasi baka kailangan ako ni Drake. Maulan ngayon, baka lasing siya at mapahamak." Medyo nanginginig kong sabi.

"Alliah kasi.." medyo nag-aalinlangan nitong tugon sa akin "kanina sa office, may sinabi siyang pupuntahan niya--"

*BLANG!*

Nang marinig ko 'yon ay parang automatic na tumakbo papunta sa lugar na sinabi niya.

"may sinabi syang pupuntahan nya.. Sa bar. Kanina din nag punta si Ritz sa office,"

Narinig ko siyang sinigaw ang pangalan ko at nagbabala na delikado ang daan pero hindi ko siya pinansin at nag tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.

Para akong na-semento sa kinatatayuan ko at limang segundo din ang nakalipas bago mag sink-in iyon sa utak ko.

Sinabi sakin ng ka-officemate ni Drake kung saang bar iyon at eto ko ngayon, tumatakbo sa ilalim ng ulan at kasalukuyang sinasangga ang bawat pag hampas ng malalamig at malalakas na hangin katawan ko. Ang engot ko lang kasi sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan ko ang payong ko sa bahay ng officemate ni Drake.

Nadulas at natapilok pa ko pero di ko ininda ang sakit ng paa at pwetan ko at nag patuloy lang ako sa pagtakbo kahit iika-ika.

Nakarating na ko sa bar kung nasa'n si Drake. Napansin ko nga ang kotse niya sa labas.

Dali dali akong pumasok sa loob. Bawat hakbang ko ay parang may isang timbang tubig na nakapatong sa dibdib ko at pabigat ng pabigat habang gumagalaw ako.

Parang unti-unti akong nanghihina at parang nauubusan ng hangin ang lugar na ito sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Sumasabay sa beat ng malakas na musika nasa loob ng bar ang kabog ng dibdib ko.

Basang basa akong pumasok sa loob ng bar at inilibot ang paningin ko.

Nahagip ng mata ko ang pakay ko dito.. Si Drake- na nakikipag halikan kay Ritz sa harap ng bar counter at may walong bote ng tequila sa harap nya.

Kamuntik na kong mapaluhod sa kinatatayuan ko at hiniling ko na sana bumuka ang lupa at lamunin ako nito.

Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang panghihina.. di ko alam, parang na-blangko ako. For a moment parang may sumakal sa puso ko at huminto ang pag tibok nito.

Habang pinagmamasdan silang naghahalikan, parang dinudukot isa-isa ang laman-loob ko at unti unti akong pinapatay nito sa loob ko.

Sa sobrang sakit, parang dugo na ata ang likidong pumapatak sa mata ko.

Natapos silang maghalikan, lumapit ako sa kanila at hinatak sa braso si Drake.

"Alliah?!" gulat na tanong ni Ritz, mukha namang hindi siya lasing unlike Drake.

Hindi ako nagsalita, masyado akong nanghihina para makipag argumento sa kaniya.

Nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ako sa braso.

"H-hindi ko gusto ng a-away. N-nandito ako para kunin ang a-asawa ko. N-nag aalala ako na uuwi siya mag-isa. Maulan, h-hindi niya kayang mag-maneho sa ganiyang kundisyon." Ginamit ko ang natitira kong lakas para magsalita. Naginginig ako sa lamig na nararamdaman ko, physically and mentally.

Binitawan niya ako at hinayaang kuhanin ang asawa kong lasing na lasing. Kahit ika-ika ay pinilit ko siyang akayin papasok sa kotse niya at iniupo siya sa passenger sit.

Basang basa ang damit ko at nanginginig parin ako sa sobrang lamig.

Lumingon saikin si Drake, hinawakan niya 'ko sa bewang. Ramdam ko ang init ng palad niya sa katawan ko.

"A-ang sexy mo, babe." bulong nya.

Babe?

Never niya kong tinawag ng ganun. Parang nawala lahat ng sa'kit ng kalooban ko nang marinig ko iyon sa kanya lalo na noong siniil nya ko ng halik. Puno ng ingat, Puno ng pag mamahal ang halik na iyon.

Ang Saya ko..

nang sandaling tumigil siya sa paghalik sakin, ngumiti sya sakin at dinikit ang noo nya sa noo ko.

"I really love you.. Ritz.."

At doon na nga tuluyang tumulo nang walang tigil ang luha na kanina ko pa pinipigil na tumulo. Napatulala ako ng ilang sandali siguro dala na rin ng panghihina. Hinayaan ko muna ang sarili kong huminga kahit na parang maubos na lahat ng hangin na pwede kong mahinga sa paligid ko.

Ang sikip ng dibdib ko at parang namanhid ang buong katawan ko at naging triple pa ang sakit nito kumpara kanina.

Hinayaan ko ang sarili kong huwag gumalaw ng ilan pang minuto. Wala akong ibang nararamdaman kun'di sakit. Unti-unti akong dinudurog nito, hindi ko alam kung paano tatakas.

Tumingin ako kay Drake, payapa siyang natutulog.

"Ang unfair naman. Bakit nung araw na nahulog ako sa'yo, hindi tayo nagsabay? Bakit ako lang 'yung nalulunod ngayon?" Bulong ko sa kaniya. "Alam mo, nakakabobo. Kasi nasa punto ako ng buhay ko ngayon na kaya kong mahulog nang paulit ulit hanggang dumating yung pagkakataon na matutunan mo na rin akong saluhin."

END OF FLASHBACK

--**To Be Continued**--

Salamat sa suporta!

Sa totoo lang naiiyak ako habang sinusulat 'yung chapter na 'to at gusto ko sabihing ilang chapters nalang at malapit na matapos ang seryeng ito. Sana makita ko kayo hanggang sa dulo ng istoryang ito-- ay mali-- hanggang sa susunod na mga gawa ko, sana nando'n parin kayo~!

Speaking of "susunod na mga gawa", here's a story about Ritz. Please check it out!

"HER UNTOLD STORY"

Ano ba ang criteria para masabing kontrabida ka? Kailangan ba ikaw ang masama? Hadlang? Balakid?

Minsan akong naging hadlang sa pag-iibigan ng dalawang tao pero pano kung sabihin kong ako dapat ang nasa lagay niya at hindi siya?

Pa'no kung ako talaga yung nauna pero inagawan at inabanduna?

Matatawag mo pa ba akong kontrabida sa sarili kong istorya?

-Bethany Ritz

Continue Reading

You'll Also Like

104K 2.9K 47
Former: Good boy Gone Bad A glass that's broken can never be fixed like the original. But then... it won't be broken by itself. Because there was a...
311K 6.5K 36
Him Series #1: Sabihin mo nga, paano ka makakamove-on kung binabalandra na mismo ng Tadhana ang Ex mo sa harapan mo?
93.7K 1.6K 13
You will never know what you're finding was just right next to you ....
1M 6.4K 70
Si Prince Andrew Gomez.Isang School Hearthrob. Hindi naman macho pero cute/gwapo.Isa siyang gwapo, mayaman, matalino.Sige na!Pero SUPER SNOB niya.Gwa...