Wonderland Magical Academy: T...

By Missmaple

13M 354K 43.8K

[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1: First Day of School
Chapter 2: Forge your Own ID
Chapter 3: The Arrogant Tutor
Chapter 4: True Training starts Today
Chapter 5: Examination Day
Chapter 6: Examination Day Part 2
Chapter 7: Home and Secrets
Chapter 8: Friends?
Chapter 9: The Last Shooting Star
Chapter 10: Four Elemental Power User Together (Training)
Chapter 11: You're Not A Good Actress
Chapter 12: Powers Clashed
Chapter 13: Air vs. Water
Chapter 14: Air vs. Earth
Chapter 15: Air vs. Fire
Chapter 16: Island of Gods
Chapter 17: Who's Jealous, Me?
Chapter 18: Caught in Action
Chapter 19: The Dare
Chapter 20: Enter and You'll Die
Chapter 21: Rescued
Chapter 22: The Mission
Chapter 23: The Heaven Power User Search
Chapter 24: Targeted
Chapter 25: Attacked
Chapter 26: Mission Unaccomplished
Chapter 27: Magical Festival
Chapter 28: Fake Magical Wedding
Chapter 29: Surprise Visit
Chapter 31: Altered
Chapter 32: Dark Wizard's Move
Chapter 33: Hunting Season
Chapter 34: The Hunter and The Hunted
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Memories
Chapter 37: Escape Plan
Chapter 38: United
Chapter 39.1: Deceived
Chapter 39.2: All-out Battle
Chapter 40: Final Counterattack
Epilogue
Special Chapter: Goodbye, Baby Dragons
FREEDOM WALL
Christmas Special Part 1
Christmas Special Part 2
New Year's Special
Published under Cloak PopFiction

Chapter 30: Parting Ways

207K 5.8K 573
By Missmaple

XYRA

Naramdaman kong nabasa ang pisngi ko. What was that? Sigurado akong hindi ako umiiyak. Sigurado akong walang tumulong luha mula sa mga mata ko. Mula ba 'yon kay Clauss? Pero imposible naman. Ititigil ko sana ang pagtugon sa halik niya pero naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko na pinigilan ako. He lightly brushed my cheeks. I wanted to ask him what the problem was but I was already drowning in his kisses. He suddenly stopped and pulled me closer to hug me. I couldn't see his face and his expression. Napakunot-noo ako dahil sa malalim niyang pagbuntong-hininga.

"Bakit hindi mo sabihin sa 'kin ang problema?" mahinang tanong ko.

"You'll know sooner or later. But first, I think we need to get out of here," paos na wika niya. Lalo akong nagtaka. Bakit kailangan pa naming umalis? Tahimik ang lugar at makakapag-usap kami nang maayos.

"Why?" I almost whispered and looked at his face. He frowned. He didn't bother to answer me. He pulled me to get up. Nagtatanong ang mga mata ko kay Clauss.

"Dito na lang tayo. Bakit pa tayo aalis?" pilit ko. Napabuntong-hininga siya. Ginulo niya ang buhok ko at seryosong tumingin nang diretso sa mga mata ko.

"What do you think might actually happen after that kiss?" tanong niya. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi ko naintindihan ang tinutukoy niya. Natawa siya. He leaned closer and whispered something in my ear. "I'm afraid that I might lose my self-control and take you here. That's very improper, young lady." My face flushed when I finally realized what he meant.

He chuckled then turned to me. "Take care of Baby Clauss. He's connected to me. If you ever miss me then always remember that I'm always with you because of him." He gave me a peck on the lips then pulled my hand to get out of the room.

Naguluhan ako. Naaasar ako dahil ayaw niyang linawin ang lahat. Boyfriend ko siya pero hindi ko alam ang lahat ng tungkol sa kanya. Nagtungo kami sa labas ng academy. Wala akong nakitang pagbabago sa lugar. Nagkakasiyahan pa rin ang mga estudyante. Hapon na at nakaramdam ako ng gutom. Hawak ni Clauss nang mahigpit ang kamay ko, ayaw bitiwan.

"Matagal ka bang mawawala? Kailan ka aalis?" nag-aalangang tanong ko. Tumingin siya sa 'kin at malungkot na ngumiti. Nakaramdam din ako ng lungkot. "Hindi ko alam," sagot niya. Hindi niya sinagot kung kailan kaya tiyak kong hindi pa ngayon.

Ngayon ko lang nakita si Clauss na hindi naging sigurado sa sagot. Kung hindi siya sigurado, tiyak na matatagalan siya. Nakaramdam ako ng kalungkutan at napatungo. Gusto kong umiyak dahil tiyak na mami-miss ko si Clauss. Clauss tipped my chin up to face him.

"Don't worry. I promise that I'll come back for you. Don't look for another guy. If you do, I'll make sure to burn him to ashes," nakangiting wika niya. Napangiti ako at masayang tumango kay Clauss.

"Hihintayin kita," I said sincerely.

"Kain na muna tayo," wika niya. Hinila niya ako sa isang food stall at doon kumain. Sinabi niya na manonood kami ng fireworks display mamayang alas-sais kaya natuwa ako. Huling araw na ng Magical Festival kaya may fireworks display. Niyaya ko siyang sumakay sa ferris wheel para doon panoorin ang fireworks. Hindi siya tumutol sa suhestiyon ko.

Pagkatapos kumain, naglibot-libot kami sa mga booths. Pumunta kami sa booth na may mga stuffed toys at ako ang sumubok ng laro. Pinili kong kunin ang isang malaking pink bunny. Limang red dots na kasing laki ng limang piso ang mabilis na umiikot sa ere. Hinawakan ko ang toy gun at inasinta ang mga red dots. Sa kasamaang palad, dalawa lang ang natamaan ko. Natawa si Clauss sa 'kin kaya napalabi ako.

Susubukan sana ni Clauss ang laro pero napansin kong malapit nang mag-alas-sais kaya hinila ko agad si Clauss patungo sa ferris wheel. Gusto kong makita ang mga fireworks mula sa taas kaya excited ako. Napakamot ng ulo si Clauss at walang nagawa kundi bumili ng ticket.

Magkatabi kami sa upuan at naka-akbay si Clauss sa 'kin. Halos madilim na ang buong paligid. May naglalabasan nang mga bituin sa langit. Bilog na bilog din ang malaking buwan. Napalingon ako kay Clauss, seryoso siyang nakatingin sa kalangitan at malalim ang iniisip. Tumigil ang pag-ikot ng ferris wheel nang nasa itaas na kami. Tinakot kasi ni Clauss ang operator.

Naramdaman niya ang pagtitig ko kaya lumingon si Clauss sa 'kin at ngumiti. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok. Ngumiti ako sa kanya. Kailangan kong sulitin ang bawat araw na makakasama ko si Clauss dahil hindi ko alam kung kailan siya aalis.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakarinig ako ng malalakas na pagsabog mula sa kalangitan. Natuwa ako dahil sa mga naggagandahan at makukulay na fireworks na aking nakikita. Manghang-mangha ako. Masaya kong itinuturo kay Clauss ang mga fireworks. Daig ko pa ang taong bundok. Napapa-'wow' pa ako pero tinatawanan naman ako ni Clauss. Patuloy lang siya sa paghaplos sa buhok ko.

Nagtatakang napalingon ako sa kanya nang mapansin kong hindi naman siya nanonood ng mga fireworks dahil sa 'kin siya nakatingin. Nakakunot-noong nagtanong ako. "Bakit hindi ka yata nanonood?"

"You're mistaken. I'm already watching," he chuckled.

"Anong nanonood? Sa 'kin ka lang naman nakatingin!" sabi ko.

"Right. I'm watching over you. I find you brighter and more beautiful than those fireworks," he smiled, then winked. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Buti madilim na at hindi na mahahalata. Napako ang paningin ko sa mga mata niya. Nanatili akong nakatitig sa kanya hanggang maramdaman ko na unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. He's about to kiss me, so by instinct, I closed my eyes and waited for his lips to meet mine.

Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko. I was a bit disappointed and was about to open my eyes when I felt that he kissed me on the tip of my nose. "I miss you already," he whispered softly. Our lips already met before I could speak. Hindi na ako nakapagsalita at tinanggap na lang ang halik niya. His lips moved slowly at first, teasing me. I moaned in protest because I wanted more. He smiled between our kisses.

Bigla kaming napatigil dahil biglang gumalaw ang ferris wheel. Muntik na kaming mahulog sa kinauupuan. Natatawang nagkatinginan kami. Tapos na ang fireworks display. Napakamot si Clauss sa ulo at mahigpit akong niyakap.

"I love you. Babalik ako. Pangako," bulong niya bago kami bumaba sa ferris wheel. Napansin ko na maraming tao sa gitna ng daan habang naglalakad kami. Hawak ko ang kamay ni Clauss pero naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw. Paglingon ko sa tabi ko ay wala na si Clauss. Nagtatakang inilibot ko ang paningin sa buong paligid pero hindi ko siya nakita, kahit anino niya ay wala. Ang daming tao kaya nahihirapan akong sumiksik para hanapin si Clauss.

Pumunta ako sa ibang booths pero wala talaga siya. Tumatakbo na ako kung saan-saan para lang mahanap siya pero wala talaga siya. Gusto ko nang maiyak. Pakiramdam ko iniwan na niya ako. Patuloy ako sa paghahanap pero ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. Nasasaktan akong isipin na hindi man lang nagpaalam si Clauss.

Napatigil ako sa pagtakbo dahil nakita ko si Baby Clauss na lumilipad patungo sa direksiyon ko, kasama si Baby Xyra. Napansin ko ang pin bunny na bitbit nila. Tig-isa nilang hawak ang mga tainga nito. Iyon ang pink bunny na gusto kong kunin kanina sa stuffed toy booth.

Nang makalapit sila, ibinigay nila sa 'kin ang stuffed toy. Nagtatakang kinuha ko ito sa mga baby dragons. Masama ang kutob ko pero gusto kong mag-isip ng positibo. Baka gusto lang akong sorpresahin ni Clauss kaya siya biglang nawala.

"Bigay ni Clauss?" umaasang tanong ko. Malungkot na tumango ang dalawang baby dragons. Kinabahan ako sa mga itsura nila.

"Nasaan siya? Nagtatago ba siya? Sorpresa lang niya 'to, 'di ba?" Pinipigil ko ang mga luha na kanina pang gustong malaglag sa mga mata ko. Hindi sumagot si Baby Xyra pero umiling nang malungkot si Baby Clauss, parang naiiyak na sila.

Tumingala ako sa langit para pigilin ang pag-agos ng luha pero hindi ako nagtagumpay. Tumulo pa rin ang mga pasaway na luha ko. Naiinis ako dahil hindi man lang nagpaalam si Clauss. Sana napaghandaan ko ang pag-alis niya. Sana hindi ako umiiyak ngayon.

Isinubsob ko ang mukha sa bunny na hawak ko. Lalong lumakas ang pag-iyak ko. Wala na akong pakialam sa mga nakatingin sa 'kin. Ang alam ko lang ay ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay naninikip na ang dibdib ko. May tumawag sa 'kin pero hindi ko nilingon. Alam kong hindi si Clauss ang tumatawag. Umiyak lang ako nang umiyak. Si Akira ang tumatawag sa 'kin. Nagmamadali itong lumapit.

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya, pero hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Hey, what happened? I'm looking for Selene but she's nowhere to be found. Nakita ko pa nga sa isang tabi ang baby dragon niya na umiiyak. Bakit ka ba kasi umiiyak? Mukhang kailangan pa kitang patahanin bago ko siya hanapin," napapakamot sa ulong wika ni Akira. Napalingon ako sa kanya.

"Ano'ng nangyari kay Selene?" nag-aalalang tanong ko.

"I don't know. She suddenly disappeared. She even told me that she'll get out of my life forever," napapakagat-labing sabi ni Akira.

Nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan at selos na hindi ko dapat maramdaman. Naisip kong maaaring magkasama sina Selene at Clauss ngayon. I suddenly felt insecure. Lalo akong napaiyak. Naaawang tumingin si Akira sa 'kin at niyakap ako habang nasa pagitan namin ang bunny na ibinigay ni Clauss.

"I think they're already gone. Wala na sila sa Wonderland," sabi ko sa pagitan ng paghikbi. Hinaplos ni Akira ang likod ko. He's trying to comfort me. Wala na akong magagawa kundi ang maghintay sa pagbabalik ni Clauss. Kailangan kong magtiwala sa kanya. Alam kong mahal ako ni Clauss kaya maghihintay ako.

~~~

Sabado ng umaga. Nakahiga ako sa kama. Namumugto ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak kagabi. Awang-awa na sa 'kin si Frances kaya hinayaan na lang ako sa pag-iyak. Sinabi ni Frances na wala na rin si Wanda sa academy, na siyang ipinagtaka ko.

"Kumain ka na, Xyra. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo," seryosong sabi ni Frances. Kapapasok lang niya sa kwarto. Sina Baby Clauss at Baby Xyra ay sa kama ni Wanda nakahiga. Tama siya. Kailangan kong alagaan ang sarili. Wala akong nagawa kundi tumayo sa kama at ayusin ang sarili. Gutom na rin ang mga baby dragons. Hindi ko sila pwedeng pabayaan.

"Pwede mo bang hulaan ang mga mangyayari sa 'min?" umaasang hiling ko kay Frances. Natawa siya sa hiling ko.

"And what will you do if you already know the future? Babaguhin mo?" napapailing na tanong niya. Determinado akong tumango. Gagawin ko ang lahat para mabago ang hinaharap.

Nag-isip si Frances. Pumikit siya at nag-concentrate. Ilang minuto siyang nakatayo at nakapikit. Napapakunot-noo siya at napapangiwi kaya kinabahan ako. May tumulong luha mula sa mga mata niya. Hindi ko alam kung nandito pa ba ang kaluluwa niya sa kwartong ito o nasa hinaharap na. Bigla siyang natumba sa sahig kaya nataranta ako. Nawalan siya ng malay. Agad akong lumapit sa kanya. "Frances?" nag-aalalang tinapik ko ang mukha niya pero hindi pa rin siya nagising.

Mali yata ang ipinagawa ko kay Frances. Nag-aalala at natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Napatigil ako nang makitang gumalaw ang mga daliri niya sa kamay. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Nagsalita siya nang mahina.

"I couldn't tell if it will be a disaster or a happy ending for you. Medyo blurred, pero maraming iiyak at mamamatay. Hindi ko matukoy kung bakit," naguguluhang wika ni Frances.

"It's okay. I'm sorry kung hiniling ko pa ito sa 'yo," sabi ko. Inalalayan ko siya upang maupo sa kama niya. Napapagod na inihiga niya ang sarili sa kama.

"Madaming mangyayari sa hinaharap. Baka... Baka hindi ka rin niya maalala. Hindi ako sigurado," malungkot niyang sabi. I was shocked. Hindi ako maaalala ni Clauss? Hindi ako papayag na mangyari 'yon.

"I have to tell you something. Wanda tried to steal the magical rings from you, but I stopped her. Selene and Clauss, they're from the Dark Wizards Academy. They're spies. But Clauss really loves you so please understand," mahinang sabi ni Frances. Nakatitig siya sa kisame habang malalim ang iniisip.

I was speechless. I couldn't find the words to say. I couldn't absorb and believe everything. Clauss is from the Dark Wizards? Niloko ako ni Clauss. Pati ba sa nangyari sa ama ko ay may kinalaman siya? Naglandas ang mga luha sa pisngi ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. I cried hard. Gusto kong magalit kay Clauss.

"Alam ba nina Mr. Williams?" tanong ko habang humihikbi.

"Oo. Naalala mo ba noong gabi na umuwi si Wanda? She was confronted by Bryan and she admitted the truth. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niyang kunin ang magical rings gayong sinigurado na ni Bryan na hindi siya mapapahamak. Pero sabagay, hawak pa rin ng mga Dark Wizards ang buhay nila at ng mga mahal nila sa buhay," sagot ni Frances.

Nagtatakang napalingon ako kay Frances. "What do you mean?"

"Ibig sabihin, may mga taong gumagawa ng kasamaan hindi dahil makasarili sila kundi dahil may gusto silang protektahan at iligtas," makahulugang wika niya. Nakuha ko ang ibig niyang iparating. Naalala ko ang sinabi ni Clauss kahapon. He's going to save another special princess and that is his sister. Iyon marahil ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis, pero ang hindi ko matanggap ay ang makalimutan niya ako. It's like I have to go back to the starting line when that time comes.

Pinunasan ko ang mga luha bago tumayo. I need to talk to Bryan. I have to know the whole truth. Sumunod sina Baby Xyra at Baby Clauss sa paglabas ko. Bago tumuloy sa office ni Bryan, sa canteen muna ako dumiretso para pakainin ang mga baby dragons.

CLAUSS

Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Selene. Halatang malalim ang iniisip niya. Napaangat ang tingin ni Selene sa 'kin at pilit na ngumiti.

"May problema?" takang tanong ko. Umiling siya ng malungkot. Hindi na ako nagtanong pa dahil halatang ayaw niyang pag-usapan. Niyaya ko na lang siyang kumain. Matapos kumain ay pumunta kami sa garden para mag-usap.

"Sigurado ka ba sa gagawin natin?" nag-aalangang tanong ni Selene. Tumango ako. May ginawa kaming plano ni Bryan kapag bumalik na kami rito, pero kailangang hindi makahalata si Enzo.

"Kamusta kayo ni Akira?" pag-iiba ko sa usapan dahil baka may makarinig pa sa 'min. Natahimik siya at halatang namula.

"W-wala n-namang kakaiba sa 'min," sagot niya. Yumuko siya habang nilalaro ang mga daliri na parang hindi mapakali. Natawa ako at hindi na nagtanong. Napalingon ako sa biglang humawak sa balikat ko. It's Jigger.

Napakunot-noo ako dahil nakangisi siya sa 'kin. Gusto kong suntukin siya ngayon pero pinigilan ko. "What do you want?" inis kong tanong.

Itinaas niya ang dalawang iron handcuffs na hawak. "I need to test your loyalty. Utos ni Enzo," sagot niya. Ang iron handcuffs na iyon ay may kakayahang pigilan ang lahat ng power abilities na mayroon ang isang power user. Nagsalita siyang muli dahil nahalata niya na nag-aalinlangan ako. "If you won't follow me then we will label you as a traitors."

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 101K 44
Exactly 17 years after book one comes the story of Scarlet Cress and how her life changed when she accidentally 'fell' in Middle Kingdom and met Prin...
644K 28.9K 136
Enigma is a game created for brave souls. A game app wherein you can be your own character. It was just a simple game at first until they realized t...
1.8M 149K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...
599K 38K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...