Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 60

27.2K 763 98
By PrinsesaFever

"Tara na guys! Bonfire!" Aya ni Jai at nagmadaling lumabas.

After that conversation with Jules, nanatili kaming tahimik bago mapagpasyahan na bumalik na. I don't know what's running in his mind. Basta ang alam ko, nagsinungaling ako sakaniya kanina.

"Ky, tara na?" Tanong sakin ni Doms.

Tumango lang ako at sumenyas sakaniya ng sandali. "Una na kayo. Magjajacket lang ako."

"Hintayin na lang kita."

"Kami na lang ang sabay, Doms." Sabi ni Vanessa pagkalabas niya sa CR.

Tumango na lang si Doms at naghanap na ko ng jacket sa cabinet. Nang makahanap ako ay sinuot ko na iyon at lumabas na kami ni Vanessa.

Nagulat ako ng bumukas ang kwarto nila Liz. Akala ko si Liz iyon, pero si Blake ang lumabas.

"Blake! Sabay kana samin?" Alok sakaniya ni Vanessa.

"Oo. Sandali lang. Lianna, tara na." Sabi niya at tumingin sa loob.

Lumabas si Lianna doon at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin kay Blake.

"Daddy!" Hagikgik ni Lianna at yumakap sa binti ni Blake.

"Very good, Lian." Nakangiti si Blake habang sinasabi niya iyon. "You'll walk? Or I'll carry you?" Tanong nito sa bata.

"I'll walk, Daddy." Sabi niya kaya tumango si Blake at hinawakan ito sa kamay niya.

Napangiti ako sa nakita kong iyon. He's such a good father to her daughter.

Tama lang siguro talaga na pinili kong hayaan siya sa desisyon niya. Dahil kung hindi, walang ama na humahawak sa kamay ni Lianna ngayon.

"Stop staring. Did you missed me that's why?" Napakurap ako ng sabihin iyon ni Blake saakin. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sakaniya.

"Ay sus." Rinig kong sabi ni Vanessa sa likod ko.

Tinignan ko lang ng masama si Blake at nakita kong nakatingin saakin si Lianna kaya ngumiti na lang ako sakaniya.

"Hello!" Sabi niya at kumaway saakin. "I'm Lianna. Ikaw po?" Medyo bulol niya pang tanong saakin.

"Hi, ako si ate Kylie. Ang cute mo naman." Ngiti ko sakaniya at bahagyang umupo para pumantay sakaniya.

"Jutt (just) like you." Ngiti niya at humagikgik.

"Mind if we walk now?" Singit bigla ni Vanessa habang nagsusuklay kaya tumayo ako at nginitian muna si Lianna bago humarap at naglakad na.

Hindi ko alam kung masiyadong mabagal ang paglalakad ko. Pero rinig ko ang nagiging usapan nila Blake at Lianna sa likuran ko. Inaaliw niya si Lianna sa bawat nadadaanan naming mga ilaw na nagpapakita ng mga disenyo sa paligid.

Napangiti ako nang marinig kong niloko niya si Lianna na susundan sila ng lion na disenyo kapag nagkulit siya.

"Nooo!" Rinig kong maktol ni Lianna kaya napatingin ako sakaniya. Nakita kong mangiyak ngiyak na siya kaya agad akong lumapit sakaniya.

"Why are you crying, Lian?" Tanong ko sakaniya at nilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.

"Daddy said lion will follow ut! (Us)" aniya at tumulo ang luha niya sa takot.

Tinitigan ko ng masama si Blake pero kita ko ang titig niya saakin kaya agad akong humarap kay Lianna at inalo siya. Baliw itong tatay na 'to!

"Shh, I'm here, baby Lian." Alo ko sakaniya habang pinupunasan ko ang mga luha na tumutulo sa mata niya.

"I like seeing you caring for her like that. You're treating her as if she's your daughter." Narinig kong sabi ni Blake kaya napatingin ako sakaniya. "And hearing you say baby, makes me miss you more. I wish I'm the one you're calling that." Lungkot ang bumakas sa boses niya.

Nanatiling tikom ang bibig ko. Wala akong masabi. At para matanggal ang kaseryosohan na iyon ay tumayo ako at umupo sa gilid habang nasa harap ko si Lia. Tumabi naman saakin si Vanessa at si Blake ay sumunod din.

"May suklay kang dala?" Tanong ko kay Vanessa.

Tinanggal niya mula sa ulo niya ang suklay. Oo nga pala. Dala niya nga pala kanina iyon.

Kinuha ko iyon sa kaniya at pinatalikod si Lianna sakin. Inayos ko ang tali niya. Yung hati sa dalawa na parang si bubbles sa power puff.

"Nanay ang peg." Tawa ni Vanessa sa gilid ko kaya napairap ako sa kawalan.

Pagkatapos ko siyang talian ay tumayo na ako at pinisil ng bahagya ang pisngi niya.

"Tenchu ate Kylie." Ngiti niyang muli.

"Anything for the baby." Sukli ko din ng ngiti.

Hinawakan na siya ni Blake kaya naglakad na ako patungo kay Vanessa.

"Kung may nakita ka lang kanina." Sabi niya at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya na parang may nangyaring maganda.

"Bakit? Anong nangyari?"

Nagkibig balikat lang siya at tinignan ako. "Ganda mo e." Tawa niya at pinulupot ang kamay niya sa braso ko.

Kahit hindi ko magets ay hinayaan ko na lang siya. May kapatid akong baliw.

Ilang minuto din ay nakarating na kami sa labas. Hindi naman gaanong madilim dahil anong oras pa lang. Nakita namin sila doon na nakatayo at halatang hinihintay kami.

"Tara na! 'Yung bangka na sasakyan natin kanina pa naghihintay." Excited na sabi ni Ericka.

"Yung bangka yung naghihintay hindi yung bangkero?" Pilosopong tanong ni Vanessa kaya nagtawanan kami.

"Letche." Irap sakaniya ni Ericka at naglakad na patungo sa bangka.

Naglagot sign ako kay Vanessa bago hinilas si Jules palakad doon sa bangka na sasakyan namin.

Inalalayan ako ni Jules sumakay. Malaking bangka naman 'to kaya lahat kami dito. Ang cool nga kasi hindi talaga madilim halatang sakop nila hanggang doon sa island dahil may mga ilaw na nakapatong sa mga nakatayong kawayan papunta sa island kaya ang ganda.

"Gago, John! Ikaw ang ihuhulog ko!" Rinig kong sigaw ni Bryan kaya napatingin ako sa kanila.

Nakita kong tumatawa si John habang tinutulak tulak niya si Bryan sa side ng tubig.

"Kuya, malalim ba?" Tanong ni Ethan sa bangkero.

"Medyo." Sagot naman nito.

Nagtawanan muli ang mga lalake at pinagtulungan si Bryan.

"Bry, advance rip." Tawa ni Ian at binasa basa si Bryan ng tubig.

Ang saya kuhanan ng litrato 'tong mga lalaking 'to dahil sa kakulitan nila. Hanggang sa pagdating namin sa island ay niloloko pa din nila si Bryan.

"Puta tigilan niyo na ko." Bulalas ni Bryan at naglakad patungo doon sa kubo na katamtaman lang ang laki.

As usual, katulad ng sa tubig, may mga kawayan na nakapalibot sa buong isla na nagsisilbing ilaw.

"Hoy mga bugok! Kunin niyo mga tent niyo dun!" Sigaw ni Bryan na halatang iritado pa din.

"Pikon!" Tumatawang sambit nila Jhersel habang naglalakad patungo doon sa kuhanan ng tent.

"Kunin ko lang tent natin." Paalam ni Jules saakin at sumabay sa ibang lalake na maglakad.

Pagkakuha nila ay agad kaming humanap ng pwesto na mapagtatayuan nun. Inayos na naming lahat iyon at pagtapos ay nilagay namin ang bag na dinala namin para sa pangswimming bukas sa isla na 'to.

Ang iba naman ay hinanda na ang pagb-bonfire namin mamaya. Kasama na doon si Jules na hinatak bigla nila Ian.

Pagkazipper ko ng tent namin ay halos mapatalon ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko mula sa likuran ko.

"Pusang ina!" Patalon kong sambit ng maramdaman ko ang paghawak sa balikat ko.

Narinig ko ang tawa ng lalaking nasa likuran ko kaya napatingin ako doon at nakita ko si Blake na inayos ang buhok niya.

"Sorry." Tumatawa niya pa ding sabi.

"Mamamatay ata ako sa gulat sa ginawa mo." Iling ko sakaniya.

"Oops, sorry. I won't do that again. Magpapakasal pa tayo kaya hindi ka pwedeng mamatay agad."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niyang iyon. May pamilya na siya tapos gumaganyan pa siya?

Nang makabalik ako sa huwisyo ay agad akong nagcross-arms sa harap niya at inirapan siya.

"May pamilya kana, Blake." Sabi ko ng mapait at tinalikuran siya bago maglakad patungo sa barkada. Pero bago ako makalayo ng tuluyan ay narinig ko pa siyang tumawa.

"Family? Seriously?" Tawa niya.

Anong tinatawa tawa niya doon? Hindi niya na kailangang ideny dahil narinig ko at kita ko ang galaw nilang pamilya. It's useless kung magsisinungaling pa siya sakin.

"What took you so long?" Tanong saakin agad ni Vanessa pagdating ko doon.

Nagkibit balikat lang ako at umupo na sa tabi ni Jules. Ilang minuto lang din ang lumipas at dumating na si Blake dala ang gitara niya.

Hindi ko napansin na dala niya iyon kanina papunta dito sa isla. Baka naman ang asawa niya ang may dala nun?

"Ehem." Pekeng ubo nila Kinah kaya napatingin ako sakanila.

Tinaasan ko lang sila ng kilay pero sinuklian nila ako ng makahulugang tingin. Napairap na lang ako sa tingin nila na yun.

Napuno ng kwentuhan ang pagstay namin doon. Nagiinuman din sila. Pero yung iba ay hindi. Mahirap na baka may malasing ng todo.

Napatingin ako kay Blake ng nagsimula siyang magstrum ng gitara niya. He'll sing?

"I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got no-thing on me-hey
I'm only one call away" Paguumpisa niya ng kanta.

Hindi ko alam pero nanatili ang mga mata ko sa kaniya habang kumakanta siya. Napapangisi siya dahil sa mga sigaw nila Ian sakaniya.

"Go fafa Blake!" Tawa ni Ethan at umakbay bigla kay Doms. Breezy.

"Call me, baby, if you need a friend
I just wanna give you love
C'mon, c'mon, c'mon
Reaching out to you, so take a chance"

Tumingin siya sa pwesto ni Liz at ngumiti. What's with the smile?

"No matter where you go
You know you're not alone

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got no-thing on me-hey
I'm only one call away"

Napasinghap ako ng tumingin siya saakin. Mariin ang titig niya. Yung tingin niya dati saakin. Alam ko 'yang titig na 'yan.

"Come along with me and don't be scared
I just wanna set you free
C'mon, c'mon, c'mon
You and me can make it anywhere
For now, we can stay here for a while
Cause you know, I just wanna see you smile."

Bullshit. Set me free? No way! Wait, what the hell Kylie? Para kang tanga sa pinagiisip mo!

"No matter where you go
You know you're not alone

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got no-thing on me-hey
I'm only one call away"

Ngumiti siya saakin dahilan para sumilay din ang ngiti sa labi ko. I know this is wrong. This is so wrong. But what can I do? Kahit sarili ko, hindi ko na alam kung bakit ganito nagiging epekto niya saakin.

"And when you're weak I'll be strong
I'm gonna keep holding on
Now don't you worry, it won't be long
Darling, and when you feel like hope is gone
Just run into my arms."

Pero sa halip braso niya ang dumikit sa balat ko. Braso ni Jules ang naramdaman kong pumatong sa balikat ko.

"Ang ganda nung kanta." Bulong niya saakin kaya napatingin ako sakaniya.

Tumango ako sakaniya. "Oo nga. Damang dama." Sabi ko sakaniya.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko kaya hinawakan niya na lang ang kamay ko. Napatingin ako doon. Sumunod ay kay Blake.

At nakita ko ang sakit sa mata niya. Umiwas siya ng tingin at kinagat ang labi niya. Damn those lips!

"I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got no-thing on me-hey
I'm only one, I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got no-thing on me-hey
I'm only one call away

I'm only one call away."

Pagkatapos niyang kantahin iyong huling part ay tumingin siyang muli sakin. Nagulat ako ng kinindatan niya ako at pinasadahan niya ang buhok niya gamit ang palad niya. Likewise.

Pinalakpakan siya nila Kinah kaya natawa siya ng bahagya.

"Nakatulog si Lianna dahil sa kanta mo." Tawa bigla ni Liz kaya napatingin ako sakaniya.

Nakita kong tulog na nga si Lianna sa bisig niya. Here it goes again..

"Galing ni papa Blake!" Kantyaw sakaniya ng mga lalaki kaya nagtawanan kami.

Pinaglaruan ko ang buhok ni Jules gamit ang kamay ko na nasa gilid niya.

"Makatulog ako niyan. Bubuhatin mo ko?" Rinig kong tanong ni Jules sakin.

"Neknek mo." Irap ko sakaniya at pinagpatuloy ang ginagawa ko sa buhok niya.

"You know I'm getting sleepy once you do that to me."

Hindi na lang ako umimik. Natutuwa ako kada ginagawa ko 'to sakaniya.

"Akin na. Ako na lang magpapasok sakaniya."

Napatingin ako doon at nakita ko si Blake na nakatayo sa gilid ni Liz. Oh, complete family.

"No, ako na. Inaantok na din ako e." Iling niya at tumayo.

Nakita kong inalalayan siya ni Blake dahil sa pwesto ni Lianna sa pagkarga niya.

"Una na ko sa tent ah?" Paalam ni Liz at naglakad na papunta sa tent nila.

Sinundan ko siya ng tingin. Lucky woman to have Blake.

"Dun ka sa tent nila matutulog?" Tanong sakaniya ni Jhersel.

Nakita ko ang pagtango niya. "Yeah, family." Halakhak niya at tinignan ako.

Napairap ako bigla dahil doon. Family? Okay lang sana kung si Lianna. Okay lang sana kung hindi si Liz ang ina.

Napatingin ako kay Jules at kita kong nakapikit na siya. Wow, Jules Montemayor. Just wow!

"Selos ka?" Napatingin ako kay Blake ng sinabi niya iyon at nakita kong nakatingin pa din siya saakin habang nakangisi.

"Ba't ako magseselos?" Blanko kong tanong sakaniya.

Umiling siya at nilagay sa bulsa niya ang kamay niya.

"Wala lang. Mahal mo pa ko no?"

Natawa ako sa tanong niya na iyon. Narinig ko din ang malakas na kantyaw nila Ian sakaniya.

"Lakas mo, tol! Taas masiyaso ng confidence mo hindi na mareach!" Tawa nila at tinulak pa si Blake ng bahagya.

"Nope. Just saying the truth. I know her too well, guys. Too well for me to know now that.." Ngumisi muna siya at tinignan ang kamay ko. "She's pretending that she moved on already."

Continue Reading

You'll Also Like

8.2M 93.7K 45
This story is already edited. Thank you for reading :)
69.4K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
50.5K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
2.3K 200 85
Welcome to Friendly Finder! Looking for a friend? We've got you covered. --- An Epistolary Collaboration asyhiea & closemyeyes