ADK I : A Secret Prophesy (✔️)

By Kyrian18

396K 6.4K 465

🖤 2016 Featured Story (Fantasy) 🖤 Baka_Usagi's Finalist Novel Writing Contest Nagbago ang buhay ni Cass... More

t e a s e r
a w a r d s
n o t e s
p r o l o g u e
i. c a s
i-i. c a s
ii. n y x
iii. s a v i o r
iv. r e s c u e
v. c u r i o s i t y
vi. p r o m i s e
vii. b o n d
viii. a y d e n
ix. p i c t u r e f r a m e
x. m o n s t e r
xi. m i r r o r e d
xii. m a g n e t i c
xiii. c o f f e e
xiv. s i b s
xvi. s e l f i s h n e s s
xvii. t r a p
xviii : t i m e
xix. t a m a r a
xx. c o n f u s i o n
xxi. r e a l i t y
xxii. f o r g o t t e n
xxiii. c h a n c e s

xv. o u t c a s t s

7.3K 172 15
By Kyrian18


Hindi kayang pigilan ni Cassandra ang maglakad papunta sa dalampasigan. Huminto siya sa harapan ng tatlong sirenang huminto na rin sa pagkanta. Hanggang tuhod na niya ang tubig sa dagat. No doubt,  they were the ones who controlled her body using their hypnotic voices.

They looked at her half-amused,  full of curiosity.

"Isang mortal sa isla ng aking mahal." Nagsalita ang sirenang may pinakamagandang mukha sa tatlo. Kumikinang ang kulay ginto nitong buhok sa sinag ng araw. Her blue eyes weren't so happy having her here in this island.  "Alam mo bang pinagbabawal ang katulad mong mortal sa isla na ito?" dagdag pa ng sirena.

Gustuhin man niyang magsalita ay hindi niya magawa.  She can't open her mouth.  Naka-freeze ang kaniyang katawan. Kahit ang pagkunot ng kaniyang noo sa salitang 'mahal' ay wala rin.

Who are these mermaids anyway?

"Ang gusto mong gawin sa kaniya,  mahal na prinsesa?  Pwede namang lunurin na lang niya ang kaniyang sarili.  O di kaya ay ipakain sa mga alaga mong pating." Nanlaki ang mata ni Cassandra sa suhestiyon ng isa pang sirena.

She realized that real mermaids weren't those good creatures in a fairytale book.

Hindi na nga makapagsalita.  Hindi na rin makagalaw.  Gaano ba ka delikado ang isla na ito?  Parang hindi na niya kayang tumagal pa.

Saka lang niya napagtanto na may mga pating nga sa dagat. At ang kaharap niya ngayon ay hindi basta-basta sirena lang.

Narinig pa niyang tumawa ang isa pang sirena na kulay abo ang buntot. “Mas mainam siguro, mahal na prinsesa kung paglalaruan muna natin ang babaeng ito bago natin ipakain sa mga pating.” Isa na namang suhestiyon ang narinig na hindi niya nagustuhan.

“Tama ang naisip niya, mahal na prinsesa. Minsanan lang na may mapadpad dito na pwede nating paglaruan,” pagsang-ayon naman ng pangalawa.

Mas nanlamig ang balat ni Cassandra sa mga nangyayari. Sa oras na makaligtas siya sa mga sirena na ito,  lalayasan niya si Nyx! Kamuntik na siyang mapaslang ng demonyo tapos ngayon naman ay nasa peligro na naman siya. This place was no good for her to stay and she had to get out,  as soon as possible.

The princess snapped her fingers at naramdaman na ni Cassandra nabubuka na ang kaniyang bibig,  puwera sa kaniyang katawan mala-bato pa rin.

"Sumagot ka, babae. Paano ka nakapasok sa lugar na ito?"

Napangiti ng pagak si Cassandra.  Papatayin na nga lang siya,  i-interview-hin pa?

"Bisita ako ni Nyx." Mabilis ang kaniyang sagot. "Kayo ba?  Bisita ba kayo?"

Natahimik bigla ang tatlo at nagtinginan sa isa't isa,  bago siya tiningnan nang sabay-sabay ng makahulugan.

"Bagong alipin ka ba?" Ini-interrogate pa rin siya ng mga ito.

Kumunot ang noo ni Cassandra sa narinig. Mukha ba siyang alipin?

Lahat ba ng mga babae dito sa isla --mapasirena o demonyo -- ay ganito na lang siya kung maliitin? At higit sa lahat,  ganito na ba kababaero iyong Nyx na iyon?

"Tama na ang insulto," singhal niya.  “Hindi ako alipin ni Nyx.  Kusa niya akong dinala rito. Sa oras na malaman ni Nyx na papaslangin niyo ako,  tingnan na lang natin kung makakapasok pa kayo sa isla!"

Nagkatinginan ang tatlo sa kanyang huling sinabi.  Takot ang namayani sa kaniya ngayon pero mas pinili ni Cassandra na lumaban.

Nakasimangot ang prinsesa na nakatingin sa kaniya.  Her eyes were full of jealousy. Ito iyong tipo ng mga mata niya kanina nang makita kung gaano ka-close sina Nyx at Jana. Pero,  bakit sa kaniya?  Eh wala rin naman iyong pakialam sa kaniya.

How ironic.

“Umuwi na tayo,  mahal na prinsesa.  Hayaan na natin ang mortal na iyan," aya ng isa.

Mabuti naman at na-gets ng alalay nito ang nais niyang maiparating.

Napangiti si Cassandra nang palihim.  Hindi pa siya mamamatay.  Gumagana ang kaniyang takteka.

"Mahuhuli kayo ni Nyx.  At malalaman din noon ang ginawa niyong kalapastanganan!" Dinagdagan pa ni Casssandra.

Mabaliw sila sa kakaisip kung ano nga ba ang papel niya sa buhay ni Nyx.

"Kamahalan--" tawag ng isa pang alalay nito. "Huwag na po natin ituloy."

“Tumahimik ka!” bahagyang tumaas ang boses ng prinsesa. “Hindi ko kailangan ng opinyon kahit sino sa inyo.  Ako pa rin ang masusunod!"

Yumuko ang dalawa nitong alagad na para bang natatakot na rin.

"Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip ni Nyx at dinala ka rito sa kaniyang mahiwagang isla.  Ngunit,  ano pa man ang rason ng mahal ko, ikaw ay isang babae pa rin.  At masakit ka sa mata. Mas marapat na paslangin kita ngayon.  Total,  isa ka lang namang hamak na mortal,  wala kang halaga.  Mabilis ka lang niyang kakalimutan.  Mabilis lang din niya akong mapapatawad."

Parang nabaliktad yata ang sitwasyon.  Bakit parang mas nakakasakit ang mga salitaan nito kumpara sa kaniya?

Naalarma na si Cassandra nang inutusan nito ang dalawa nitong alagad na palapitin sa kaniyang gawi. Walang warning na hinawakan siya ng mga ito sa magkabilaang kamay. Napapikit si Cassandra sa sakit nang pagkakahawak nito sa kaniyang mga braso.  Masyado itong madiin. They pushed her away from the shore.  Palalim sila nang palalim. 

Hindi niya alam kung saan ba siya nilalamig,  sa tubig ba o sa kaniyang sitwasyon ngayon.

"Bitiwan niyo ako!" bulyaw niya. Nakapagsalita na rin, sa wakas!

Gusto sana niyang sumigaw at humingi ng saklolo,  pero may makakarinig ba?  Gusto niyang depensahan ang sarili,  subalit wala siyang kakayahan sa mga oras na ito.  She was completely helpless.

Palubog nang palubog na ang kaniyang katawan sa dagat habang palapit na nang palapit ang mga higanteng pating sa kanilang gawi. Palakas naman nang palakas ang kabog sa kaniyang dibdib.

Ganito siguro kadaling mamatay kung isang outcast lang,  katulad niya.  She wouldn't fit in no matter how she thought. This world wasn't for her to live.

She sighed heavily.

Sinulyapan ni Cassandra ang gawi ng kanilang prinsesa.  Matatalas ang mga matang nakamasid din sa kaniya.

She smiled bitterly.

"Pagkatapos nito,  mahal na prinsesa,  kailanman ay hinding-hindi ka na niya mamahalin. Walang magmamahal sa nilalang na walang kakayahang magmahal bukod pa sa sarili niya."

Kung mamamatay man siya ngayon,  at least nakabuwelo pa rin siya ng banat.

Ilang metro na lang ang layo niya sa mga pating.  Ilang segundo na lang sa kaniyang kamatayan.

“Hindi bagay sa isang maharlikang kagaya mo, mahal na prinsesa, ang maging desperada.” They heard a familiar voice.

Nagtingnan ang lahat sa bagong dating na si Ayden. Katulad noong una,  maganda pa rin ang mga ngiti nitong nakapokus sa kanila.

Sa unang pagkakataon, nakahinga si Cassandra nang maluwag. Para siyang nabunutan ng tinik. Anuman ang dahilan ni Ayden kung bakit siya n’andito ay wala na siyang pakialam pa roon.

Ayden would be his savior. At ayaw pa niyang mamatay.

“Akala mo kung sino ang makapagsalita riyan. ” Matatalas ang mga mata ng prinsesa na nakatuon kay Ayden. "Desperada? Baka nagkakalimutan tayo rito,  Ayden. Naging desperado ka rin naman kagaya ko, hindi ba?”

Nahuli ni Cassandra ang pagkawala ng mga ngiti ni Ayden dahil sa narinig. But he still looked cool. Isa lang ang sigurado niya,  magkakilala ang dalawa at hanggang ngayon,  hindi niya alam kung ano ang pangalan ng prinsesa na ito.

"Huwag mo akong itulad sa 'yo,  mahal na prinsesa.  Isa ka na ngayong mamamatay-tao."

Nagulantang na lang ang lahat nang bigla na lang tumabi si Ayden.  Kalahati sa katawan nito ay nakababad din sa tubig. The next thing she knew,  they were both on a huge rock,  away from those mermaids. Kalong-kalong si Cassandra sa matipuno nitong bisig at hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakakilos. 

Sumilay na naman ang mga ngiti ni Ayden sa prinsesa.  "Pasensiya ka na,  kamahalan.  Subalit,  hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa mortal na ito. Maghanap muna kayo ng bagong laruan."

“Ibalik mo siya sa akin!” utos ng prinsesa. Namula na ang mukha nito sa galit. "Hindi ko siya gusto.  Ayoko siyang mabuhay pa!"

Batid ni Cassandra na hindi makakalapit ang mga sirena sa batuhan.  Mas malayo sa mga ito,  mas malapit siya sa kaligtasan ng buhay.

Medyo kumalma na ang kaniyang kalooban. Mabuti na lang at maganda ang timing ni Ayden.

"Magkikita tayong muli," sagot ni Ayden sa prinsesa.  Ang tanging magawa lang ni Cassandra ay makinig sa pag-uusap ng mga ito.  "Paalam muna sa ngayon, aking kamahalan. At oo nga pala,  magsabi ka ng sikreto ko kahit kanino at sasabihin ko rin ang mga sikreto mo."

Namutla ang prinsesa.  Kitang-kita iyon ni Cassandra.  Narinig pa niya ang maliliit na halaklak ni Ayden.

Close ba silang dalawa?

🌜🌕🌖🌛

"Cassandra!” Nyx yelled out her name. Kakalabas lang niya sa kuwarto nito. She wasn't inside. 

Kanina pa niya ito hinahanap after nitong mag-walk-out sa harapan nilang dalawa ni Jana. Hindi pa pala ito nakabalik.

Kung hindi lang niya pinatulog ang kaniyang kinakapatid, kanina pa sana niya ito nahabol.

Nasaan naman kaya ang babaeng iyon ngayon?

He wondered.

Nilibot na niya ang sala,  kusina,  banyo,  pati buong second floor,  wala ni anino ni Cassandra sa loob.

This wasn't good. 

Kung kailan ay pwede na silang mag-usap nang masinsinan, saka naman ito naglaho.  Hindi pa niya na-explain kung sino ba talaga si Jana.  Hindi pa rin nito alam na papunta na sa isla si Nimfa. 

"Cassandra!" sigaw na naman ni Nyx.

Nakarating siya sa labas ng bahay.  Nakayapak, nagsimula siyang maglakad sa mga buhangin.  Sinundan niya ang footprints ni Cassandra.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago niya nakita ang eksenang hindi naman kalayuan sa kanyang pwesto. Nakita niya ang tatlong sirenang galit na galit na nakatingin kay Ayden, na hindi naman gumagawi sa lugar niya nang walang dahilan. Nakatungtong ito sa bato habang buhat-buhat nito ang babaeng kanina pa niya hinahanap.

"Huwag kang mangialam,  Ayden!" bulyaw ng prinsesa. "Akin ang mortal na 'yan! Ibaba mo 'yan."

Nyx teleported himself towards them,  subalit huli na ang lahat.  Naglaho na ang dalawa bago pa siya nakatungtong sa bato.  Ayden got her away.

Sinulyapan niya ang mga sirenang natutuliro sa kaniyang presensiya.

"Bakit nandito si Ayden, prinsesa?  Bakit kinuha niya ang babaeng iyon?" Nakakuyom ang mga kamao ni Nyx. 

Napansin din ni Nyx ang mga malulungkot nitong mata na nakatingin sa kaniya.

"Nakakalungkot,  mahal ko," mahinang sagot ng prinsesa ng mga sirena. "Minsanan lang tayong mag-usap pero hindi ako ang pakay mo."

Hindi manhid si Nyx subalit kailangan niyang maging bato upang huwag umasa ang prinsesa. He had no feelings for her.

"Pinatawag mo ba si Ayden?" tanong niya.

Umiiling-iling ito.  "Hindi ko alam kung bakit niya kinuha ang mortal na 'yon. Subalit mas nanaisin kong kunin siya ni Ayden kaysa makasama mo. Mas malayo sa 'yo,  mas maganda. Kung hindi mo na makikita,  mas maganda." Inirapan pa siya ng sirena, saka ito tumalikod sa kaniya.

"Hindi natin siya kauri,  mahal ko. Huwag mong pag-aksayahan ang nilalang na limitado lang ang oras.  Sa dulo,  masasaktan ka lang. Pakawalan mo ang mortal na 'yon."

Iyon na ang huling babala ni prinsesa,  saka ito naglaho sa dagat.

Hindi nagustuhan ni Nyx ang tabas ng dila nito pero wala siyang mapapala kung papatulan niya ang sirena. Kahit papaano ay nirerespeto niya ang prinsesang palaging nakabuntot sa kaniya. At isa pa,  malalim na rin ang kaugnayan nito sa kaniyang buhay.

He was left alone.

Wala nang ibang maisip si Nyx sa mga oras na ito,  kung 'di may kinalaman si Luke dito.

Umulit ang takbo ng tadhana at hindi iyon hahayaan ni Nyx na mangyari.  Hindi nila basta-basta makukuha si Cassandra nang walang laban.

Kumbinsido siya ngayon na nasa peligro nga si Cassandra.  At ginagamit ni Luke ang kahinaan ni Ayden para mapasunod ito.

🌜🌕🌖🌛

Continue Reading

You'll Also Like

65.4K 2.7K 84
"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love...
The Healer By loe

Science Fiction

163K 5.4K 51
Siya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na...
26.3K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...
309K 9.4K 35
A story about Aya, a powerful princess fairy, who was brought up in the world of mortals by her parents' most trusted friends. Thinking she is born...