Pakiplay po yung song sa gilid entitled STAND UP, bangon shana!
------------------------->
Shana's POV
First day ko sa bago kong school ngayon. Sana naman hindi katulad ng mga nag-aaral dito yung mga ka-schoolmate ko dati. First of all, hindi naman lahat ng tao masama mayroon pa ring mabubuti ang kalooban kagaya ko hehe.
Dahil nga first day ko ngayon, maaga akong gumising dahil pupunta pa ako sa may office para malaman ang schedule ko at ang building kong papasukan. Sa sobrang excited, nakabihis na ako gayong 6am pa lang. Hindi pa nga pala ako kumakain kaya kain muna. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa may kitchen na kung saan ay nagluluto si Mama.
"Oh anak, masyado kang excited ah, tara rito at kumain ka muna."
"Ano po ba yung niluto niyong pagkain? Yung paborito ko po ba iyan?"
"Syempre anak, niluto ko ang paborito mong hotsilog with hot choco nagustuhan mo ba?"
"Naman Mama, the best ka kayang magluto! Your my number 1 mama :)" sabay yakap ko sa kanya
"Sige kumain ka na at baka malate ka pa niyan. Gusto mo bang ihatid pa kita?"
"Naku mama huwag na, para naman hindi kita maabala tsaka malaki na ako oh kaya ko na yung sarili ko."
"Ok, basta mag-ingat ka ah?"
"Opo!"
After kong kumain ay dumiretso na ako sa school. Namasahe na lang ako. Pagdating ko sa school ay na-amazed ako dahil malaki at maganda ito.
Pagpasok ko sa loob ay nagtanong-tanong ako kung saan yung office.
"Excuse lang po saan po yung office?"
"Ah, doon diretso ka lang tapos liko ka sa kanan may kanto dun at may puno malapit dun tapos ayun makikita mo na yung office."
"Salamat!"
Mabuti naman at mabait yung napagtanungan ko at hindi ako nilait-lait. Tiyak na may makakaclose ako rito.
Pagkarating ko sa office ....
"Ikaw ba yung transferee? Eto yung building at schedule mo"
"Opo, ah ok po salamat!"
After kong makuha yung schedule ko ay dumiretso na ako sa building na kung saan ako nakabilang.
Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakita akong tatlong babae na nakatingin sa akin ng masama.
"Transferee?" Girl 1
"Ah oo" ako
"So, hindi mo pa kami kilala? Hayaan mong magpakilala kami sayo."
"Ako ang leader ng groupo ako si Shelly, lahat ng gusto ko nasusunod kaya naman pwede bang huwag kang haharang sa daan kung ayaw mong masaktan."
"Ako naman si Pearl, ako ang bully rito kaya naman ikaw ang inaatasang kong taga-gawa ng aking assignment."
"Ako naman si Lily, pinakamabait sa amin pero pinakamasama kung napagalit mo."
"Tapos na ba kayo? Sinasayang niyo lang ang oras ko." -ako
"Aba, gusto pala nito ng gulo ah eto ang nararapat sayo." Tinulak ni shelly si shana na naging cause para matumba ito sa sahig.
"So, ganyan yung gawain niyo? Porket sa tingin niyo walang laban yung tao aapihin niyo? Ganyan ba kakikitid ang mga utak niyo?" -ako
"Kinalaban mo kami eh, sana sumunod ka na lang sa gusto namin." -pearl
"Grabe ka makapagsalita ah ano tingin mo sa amin walang utak?" -lily
Tumayo ako at sabay sabing "You don't have any right to do this to me because were all student here and first of all your not my God." Sabay bangga ko sa kanila
"Hindi pa tayo tapos may atraso ka pa sa amin." -silang tatlo
Nagulat ako sa sarili ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na labanan ang mga mang-aapi sa akin.
Pagkarating ko sa may pinto ng classroom ay kumatok ako at kinausap ako ng aking magiging professor.
"Okay class, may new classmate kayo sige pasok ka then introduce yourself."
Pumasok na ako sa room at nagpakilala ...
"Good Morning to everyone, I'm Shana Miller 19 years old nice to meet you. And I hope that we became friends."
After kong magpakilala ay pinaupo na ako sa may vacant seat sa may middle part.
Nagstart ng mag klase yung professor namin. Economics, Business Administration major in Management nga pala yung course ko kaya more on business ang aming pag-aaralan.
Habang nagkaklase ....
"Tok tok tok! Sorry po I'm late!" Sabi nung girl
Pagtingin ko dun sa nagsalita, she looks familiar let me think ....
That girl, is the girl that I met in bookstore.
"Ok you may take your seat." -prof
Umupo na yung girl doon sa may likuran ko. Sa tingin niyo dapat ba akong magsorry sa kanya dahil sa inasal ko nung isang araw?
Sana maging friends kami ....
*************
A/N :
Ano kaya ang magiging role ni Shana sa buhay ni Krissa? Abangan ......
He will never leave you
Nor forsake you.
-Hebrews 13:5
risingservant :)