Krissa's POV
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ng ate ko para ibigay sa kanya yung book na pinapabili niya kaso pagkarating ko sa may pinto ay narinig kong may kausap siya sa kanyang cellphone.
Pakiplay po yung song sa gilid entitled WITHOUT A WORD sana magustuhan niyo.
------------------------->
"Niloloko mo ba ako? May iba ka na? Ang akala ko ba ako lang at wala ng iba pa? Wala kang isang salita!" Sabi ni ate na tila galit na galit
"Hindi kita kayang lokohin at wala akong ibang babae bakit mo ba ako pinagdududahan? Wala ka bang tiwala sa akin?" Sabi nung kausap niya
"Nagtitiwala naman ako sayo kaso hindi ko kayang makita itong litratong pinadala sa akin ng kung sino man kaya please! Explain this to me now!" Pasigaw na sabi ni ate
"Sige ieexplain ko kung ano man ang laman ng litratong iyan sige nga at sabihin mo sa akin, idescribe mo" sabi ng kausap niya
"Sige tell me, bakit may kahalikan ka rito may litratong ito? What does it mean? And I know this girl, she is Lara your ex-girlfriend rigjt?" Naiiyak na sabi ni ate
"Kylie, kung sino man ang nagpadala ng litratong iyan sayo marahil nung past pa iyan nangyari at-----" hindi na nakatapos magsalita yung nasa kabilang linya dahil pinatay na ni ate.
"I didn't deserve this, uhh!" Sigaw ni ate at umiyak na
Hindi ko hinayaang tumayo na lang ako dito sa may pinto at pakinggan siyang umiiyak. Then, I open the door and I enter to comfort my ate.
"Kanina ka pa ba diyan krissa?" Tanong niya
"Oo ate, sorry kung narinig ko yung pag-uusap niyo."
"It's ok, pwede bang iwan mo muna ako? Gusto ko lang mapag-isa please?"
"Ok!" Then umalis ako pero iniwan ko muna yung book na pinabili niya sa may table niya at umalis na ko.
Ganito pala yung feeling ng ate ko nung nakikita niyang nasasaktan ako. Now I know, sana magkaayos na sila.
Shana's POV
Nagpunta ako sa bookstore kanina para tumingin ng mga libro baka may magustuhan kasi ako. Pero sa hindi sinasadyang aksidente ay nabunggo ako ng isang babae at natumba ako sa baba. Hindi ko naman siya gustong sungitan kaso halos lahat ng tao sa school ginaganito ako para namang kakaiba ako sa kanila.
Dahil sa pangbubully sa akin ng mga estudyante ay palipat-lipat ako ng paaralan. Ngayon, lilipat ulit ako ng school at sa tingin ko wala na naman akong magiging friend habang buhay na lang ba akong magiging ganito?
By the way before I forgot my name is Shana Miller. Simpleng babae, matalino, mabait, nerd, walang friends at higit sa lahat ang paboritong bullihin ng mga estudyante. Hindi kami mayaman pero may kaya lang middle class ganun.
Maski na sino walang gustong makipag-usap sa akin dahil daw pangit ako. In the first place, hindi naman ako pangit at walang pangit sa mundo sadyang hindi lang ako mapag-ayos kaya ganun. Kailan ba nila ako tatratuhin bilang ako? Kapag pumuti na ang uwak? Naku, huwag naman sana. Kahit isang kaibigan lang ok na sa akin masaya na ako pero kailan kaya siya darating?
Balik tayo sa present. So, nasa bookstore nga ako nun then tinarayan ko pa si Ate nanghinayang nga ako eh mukhang mabait siya at mapagkakatiwalaan iyon ang naramdaman ko sana magkita ulit kami at gusto kong humingi ng sorry sa kanya at magig friends sana kami.
Pagkauwi ko ng bahay ....
"Anak, ok na yung papeles mo at maaari ka ng pumasok bukas sa bago mong eskwelahan sana naman may maging kaibigan ka na." Sabi ni Mama, halata namang malungkot siya para sa akin kaya niyakap ko siya
"Mama, nasa kanila naman iyon eh kung tatratuhin nila akong kaibigan edi ok pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa." Nakangiti kong sabi kay mama.
"Alam mo anak, hindi kasi nila naaappreciate kung sino ka kaya kung magkakaroon ka ng kaibigan piliin mo yung karapat-dapat anak."
"Yes po, alam ko naman kung plastic ang isang tao o hindi aware na ako diyan."
"Sige anak, tara kain na tayo para hindi lumamig yung pagkain."
( oo nga po pala hindi ko nasabi sa inyo na wala ng tatay si Shana dahil may iba na itong pamilya bale ang nanay niya lang ang bumubuhay sa kanila at wala rin po siyang kapatid only child po ganun )
Pinagdaanan din kaya ni Mama yung kalagayan ko ngayon? Buti nakaya niya at nakilala niya si papa kaso sumakabilang bahay na siya at si mama na lang ang nagtataguyod para sa aming dalawa.
Minsan, sumagi na rin sa utak ko na mayroon kayang magkagusto sa akin?
( Conscience: Siguro naman meron mga balang araw )
Balang araw? Maybe, lahat naman tayo may nakatadhana sa atin diba?
( meron nga, kaso baka 20+ ka na nun )
Grabe naman, hindi naman siguro
( hindi natin alam )
Sa aking pakikipag-usap sa aking konsensya ay hindi ko namalayang kumakain nga pala ako.
"Anak, sino kinakausap mo? Huwag mo sabihing may nakikita na hindi ko nakikita?" Tanong ni Mama na tila natakot
"Pagpasensyahan mo na ako Mama, kinakausap ko lang yung konsensya ko ay sarili ko pala haha!"
"Anak don't tell me na nababaliw ka na ah!"
"Mama naman, wala akong sakit sa pag-iisip noh! Tara kain na nga lang tayo."
After naming kumain ni Mama ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko magpahinga na daw ako para bukas maaga akong magising.
Kinakabahan ako para bukas, sana naman magkaroon na ako ng bagong kaibigan.
*************
A/N :
Ano po masasabi niyo? Ngayon kilala niyo na ang bagong character kilalanin naman natin sa susunod na kabanata ang kausap ni Ate Kylie sa phone thanks for reading!
Comment, Vote and Be a fan!
God's presence is a life preserver that keeps the soul from sinking in a sea of trouble.
risingservant :)