Seventh Sense (Erityian Tribe...

By purpleyhan

29.7M 987K 273K

Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices. More

front matter
Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
n o t e

Chapter 60

315K 11.9K 3.9K
By purpleyhan


Habang hinihintay ang kung sinumang naglalakad sa paligid ay halos ang ulan at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Sa bawat paghakbang niya ay lalo akong kinakabahan pero lalo ring lumalakas ang loob ko dahil may kailangan akong protektahan.

Huminto siya sa paglalakad at nung nakita ko ang paa niya sa harapan ko ay agad kong hinagis ang isang card ko papunta sa direksyon niya. Pero nagulat ako nung napigilan niya 'to gamit ang isang...

...pamaypay.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nagcollapse ang mga binti ko nung sumilip siya sa loob. Those calculating green eyes, light brown hair and her fan...I can't believe she's right in front of me.


"N-Naomi..."


Maging siya ay gulat ang expression at hindi makapaniwalang nandito ako. Tuluyan na akong nagbreakdown dahil akala ko ay malalagay sa panganib ang buhay ng anak ko. Akala ko, katapusan ko na.


"Oh God. You're really here. Akemi..."


Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Wala na akong ginawa kundi umiyak. Gusto kong ipakita na hindi ako mahina pero lahat ng nangyayari sa paligid ko ay nagpapaiyak sa akin.

Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay kinuha ko si Rainie at sumunod sa amin si Demi sa paglabas. Inalalayan kami ni Naomi at nung nakalabas kami ay hinigpitan ko ang nakabalot na cloak kay Rainie.


"I need to thank Haruka for this," sabi niya at nagulat ako sa narinig ko. Haruka is Dana's second name, or in their term, alternative name.

"Haruka? How did you know her?"

"It's a long story but she informed me about their plan. She asked for my help. Worst possible situation daw ay mag-isa kang pupunta rito at mukhang tama nga siya."


Dana...

Hindi ko akalaing naplano na nila 'to at nagawa pa niyang sabihan si Naomi. Pero masaya ako ngayon at nakita ko siya. Ang tagal na rin simula nung huli ko siyang nakita at nung huli kaming nag-usap. Naalala ko bigla ang nakita ko sa dimension na 'yun nung sobrang tagal kong nakatulog sa loob ng cryogenic chamber.


"How's your son?" tanong ko at siya naman ang nagulat.

"How did you..."Napangiti ako dahil sa reaksyon niya.

"I just know."

"He's fine," sabay ngiti niya at parang nakita ko ang sarili ko sa kanya nung nakita ko kanina ang pagngiti ni Rainie. A mother's smile. "He's turning one in two months." Bigla namang naging malungkot ang itsura niya. "It's just sad that there's a war right now."


Lalong lumakas ang ulan kaya naputol ang pag-uusap namin at binilas namin ang paglalakad. Gusto kong makita ang anak niya pati na rin ang iba pero hindi ko alam kung...kung aabot pa ako. Hinang-hina na ang katawan ko at lalo lang bumibigat dahil sa lakas ng ulan. Ramdam ko rin ang patuloy na pagtulo ng dugo pero hindi ko na pinansin.


"What's her name?" biglang tanong niya.

"Rainie," sabi ko at napangiti ako habang tinitignan siya. "How about your son?"

"Nathan," sabi niya at bigla siyang natawa. "And you know what? Si Vince ang nagbigay ng pangalan niya."

"Vince?" Who's that?

"I mean, si Mitsuo. Sorry, nasanay na akong tawagin ang totoo niyang pangalan."


Bigla naman akong napaisip. Come to think of it, I don't know their real names since we always call each other with our alternative names. I want to know their names.


"Nathalie." Nabigla naman ako sa sinabi niya at halos makalimutan ko ang ability niya na makabasa ng isip kahit na nakasarado. "If that's what you want to ask." Napangiti naman ako.

"Rielle," sabi ko naman at bigla akong may narealize. "So kaya ba Nathan ang ipinangalan niya para nakasunod sa pangalan mo?"

"I think so. That guy is sentimental even though he doesn't look like one."


Talking like this, I wonder how long would it last? Kung pwede lang sanang magtagal ng ilang taon na ganito pero alam kong imposible. Alam kong hindi na mangyayari.

Bigla naman akong nakaramdam ng matinding pagkahilo at bumagsak sa lupa ang tuhod ko. Narinig ko ang pagsigaw ni Naomi pero unti-unti na 'yung humihina. Pinakiramdaman ko ulit ang mga kamay at paa ko pero unti-unti na rin itong nawawala. Natakot ako. Sobrang natakot ako kaya hinigpitan ko ang paghawak kay Rainie at maging si Demi ay niyakap ko rin. Hanggang sa bumalik ang pandinig ko at nakita ko ang pagpapanic sa mukha ni Naomi.


"Ayos ka lang ba—oh my God." Nakita niya ang dugong dumadaloy sa paanan ko at natulala siya sa akin. "You...are you crazy..."


Kahit pakiramdam ko ay mahahati na ang katawan ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Muntik na akong matumba pero inalalayan niya ako at humawak siya sa bewang ko. Nagsimula akong maglakad pero pinigilan niya ako.


"Magpahinga muna tayo. You can't walk like this—"

"Naomi, please." Seryoso ko siyang tinignan at hinayaan kong basahin niya ang isip ko. "I need to see him. I want to see him. Please."


Hindi ko alam kung patak lang ba ng ulan ang dumadaloy sa mga pisngi niya pero pumikit siya at huminga nang malalim.


"Fine. I'm going to assist you. Ilang metro na lang ang layo natin sa grassland. See?" sabay turo niya sa harapan namin at nakikita ko ang isang open field sa kabilang dulo at ang katabi nitong gubat. At pagkatapos nun ay ang campus. Napangiti ako nung makita ko 'yun. Kaunti na lang. Makikita ko na siya.

"Thank you," bulong ko at pinagpatuloy namin ang paglalakad.


Gusto ko rin sanang makita ang iba bukod kay Naomi. Gusto ko silang makausap at humingi ng tawad sa ginawa ko sa kanila. Gusto ko silang kamustahin. Namimiss ko ang mga pinagsamahan namin at ang mga oras na nakalimutan kong Shinigami ako dahil naging masaya ako sa kanila.

Maybe it's because of my strong desire to see them...or because I'm pushing myself to do it...but I opened my mind and although it's almost impossible, I tried reaching for theirs.

Opening my mind triggered some memories about them—Akira and Michiko with their antics, Mayu's calculating gaze, my conversation with Mitsuo in the hospital, Naomi's exceptional observation skills, and of course, Hideo's words and actions towards me. I grasped my head because my own memories are drowning me and I felt a sharp pain piercing through my skull. I don't even know if I shouted or cursed because of the overwhelming thoughts flowing through my mind and the throbbing pain inside my head. My knees collapsed again and I didn't bother to get up this time because of the intolerable pain.


'Akemi?'


Bigla naman akong nakarinig ng ilang boses sa isip ko at halos mawala ako sa sarili ko dahil may iba't ibang alaala ang pumasok sa isip ko.

Naomi and Mitsuo with their child...Akira giving birth...Mayu with her father and son...Michiko alone in the room...Hideo with the Council of Elders...

Their thoughts and memories overwhelmed me but that's fine. Kahit papaano, kahit sa sandaling panahon na 'yun, nalaman ko kung ano ang nangyari sa kanila.


"Shinigamis are expected to reach the western forest in three minutes! Strengthen the barrier!"

"Me and Mimi families, we need your constant reports about their main force!"

"Be ready, ambush units!"


Nagulat naman ako nung makarinig ako ng boses ng ilang commanding officers kahit na wala namang tao sa paligid namin ni Naomi. Napatingin ako sa kanya at nakita kong tinatakpan niya rin ang tenga niya.


'What the heck? Why am I hearing a lot of voices?!' Napatigil naman ako nung marinig ko ang boses ni Michiko sa isip ko. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko, kapag gumalaw o nagsalita ako ay maooverwhelm ako ng mga bagay sa isip ko.

'Akira...isn't this your sixth sense?' Narinig ko rin ang boses ni Mayu at maging ako ay nagulat sa sinabi niya.


She's right. This is definitely Akira's sixth sense. But why...

And then realization hit me.


'Seventh sense,' bigla ko na lang naisip at napansin ko ang pagtigil nila sa pagsasalita. Maging ako ay gulat pa rin pero ganitong-ganito ang naramdaman ko nung bigla naming nagawa 'yun ni Hideo.

'B-but how...'

'I think Akemi activated it,' sabi ni Naomi at bigla akong kinilabutan nung narealize ko na nababasa ko ngayon ang lahat ng iniisip ni Naomi.

'Seventh sense is the ability of a Senshin to use his or her sixth sense fully and share 70% of its efficiency to others.' This time, boses naman ni Mitsuo ang narinig ko sa isip ko. 'However, it is extremely difficult to attain since nobody knows how, when or where it will activate. That's what's written on the book.'


Nabigla naman ako nung nakaramdam ako ng kung ano sa mata ko at pagtingin ko sa paligid ay halos nahilo ako dahil lahat ng bagay ay nakikita ko. Somehow, it doesn't feel like my left eye is gone.


'Hideo,' I called because I know this is his sixth sense. Pero halos napatigil ulit kaming lahat dahil sa hindi inaasang nangyari.


May narinig akong malakas na sigawan sa bandang plaza sa southern part at nagulat ako nung biglang bumukas ang malaking bahagi ng Black Dimension. Dahil sa sixth sense nina Akira at Hideo ay naririnig at nakikita ko ang mga pangyayari pero kinilabutan ako nung nakita ko kung sino ang unang lumabas.


"Sir! Sa southern part lumabas ang mga Shinigami!"

"Shit! This is bad!"

"Activate maximum barrier—"


He swung his glaive and some of the Senshins at that place were caught on the explosion. The trees surrounding them were cut into pieces with just the after effects of his attack.

It's Dad.

He's wearing his black armor together with his sharp glaive weapon. Nanginig ang buong katawan ko nung nakita ko siya dahil alam kong ito na ang simula at katapusan ng lahat.


"It's time to end this, Senshins. I'm going to turn this place into dust and make you pay for your sins." Naging matigas ang expression niya.

"I see that you're still impulsive, Subaro."


Nagulat naman ako nung makarinig ako ng boses pero hindi sa isip ko kundi sa buong paligid. Maging ang ilang Senshins at Shinigami ay napatingin sa paligid at hinahanap ang pinanggalingan ng boses, pero pagtingin ko kay Naomi ay para siyang nakakita ng multo.


"Hideyoshi," sabi ni Dad at nakita ko ang pagngiti niya. "Still hiding inside your room, huh? Show your face to me so that I can see the wound I gave you last time."


Pagkasabi nun ni Dad ay ramdam ko ang matinding pressure at tension sa paligid kahit wala naman kami roon at sobrang layo namin sa kanila. Nagulat na lang ako nung biglang hinarang ni Dad ang glaive niya sa harapan niya at may malakas na force at hangin ang sumalubong sa kanila. Ang ilang Shinigami ay bumagsak at lumipad sa iba't ibang direksyon pero si Dad at ang Elites ay nanatiling nakatayo habang nilalabanan ang after effects ng kung anumang atake iyon.


"Are you wearing a stronger armor right now because I broke it and injured you last time?" Narinig ko na naman ang boses na 'yun at hinanap ko kung nasaan siya pero hindi ko talaga makita.

'At the top of the clock tower,' biglang sabi ni Naomi kaya naman agad akong napatingin doon at may nakita akong tatlong lalaki sa tuktok ng clock tower na nasa gitna ng plaza. I inhaled sharply when I saw Kyo, Tora and a guy who looks like Hideo standing there. Kyo's gripping his sword while glaring at Dad's direction and I exactly know why—because of what happened to Kiyoko. It's been a long time since I last saw Tora but I remember him because he detected my presence in the library before and he's always with Kyo but what surprised me is the guy at the middle—the one who looks like Hideo in his mid-40's or 50's but he has a deep, long scar on his forehead down to his right cheek.

"Let me finish him, President," sabi ni Kyo pero tinignan siya nung lalaki at nakumpirma ko kung sino siya nung narinig ko 'yun. He's the President, the current leader of the Senshin tribe and Hideo's father.

"I want a peaceful life for my fellow Senshins but because of you, this place will turn into a battleground," sabi ni Hideyoshi habang nakatingin kay Dad.

"That's why Senshins are weaklings. Peace is just an illusion made by incompetent rulers like you because you're scared to prove your tribe's strength and your leadership."


Dahil sa sinabi ni Dad ay nakita kong nagbago ang expression nina Kyo at Tora pero itinaas ni Hideyoshi ang kamay niya kaya naman napatigil sila.


"I love peace," sabi ni Hideyoshi pero nagbago rin ang expression niya and this time, halos nakita ko ang mga mata ni Dad sa kanya—evil and cold eyes of a person who's ready to kill anyone, "but seeking it means I have to prepare for wars and I'm going to slay you and your people for disturbing this illusion called peace."


He suddenly jumped from the tower and the next thing I knew, he's on the ground and his huge broadsword clashed with Dad's glaive. Suddenly, the sky turned bright because of the lightning follower by a loud thunder.


"Attack them!" biglang sigaw ni Dad. "Turn this place upside down and let them know who's stronger! By the name of Ryou, Shinigami's father, let the victory be ours!" He bellowed and the Shinigamis roared thunderously while running towards the inner campus with their weapons.

"For the sake of peace, your families and friends' lives, stand strong and fight to protect them! Senshins! With Shinji's guidance, fight with me and let him witness our triumph!" Hideyoshi yelled and several Senshins emerged from the forest, showering the Shinigamis with arrows.


Napapikit na lang ako dahil sa dami ng boses at sa mga nakita ko. Niyakap ko nang mahigpit si Rainie dahil natatakot ako para sa kanya. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.

Bigla namang lumakas ang ulan at napatayo ang balahibo sa buong katawan ko nung kumulog nang sobrang lakas kasabay ng pagsigaw ng mga Shinigami at Senshin. It's like the sky itself signaled the beginning of chaos.


"Let's get out of here, Akemi." Hinatak ako ni Naomi at inalalayan niya kaming dalawa ni Rainie habang nakasunod sa amin si Demi. I can hear the warcries of both tribes and that made me realize the situation.


It's really here...

The war has started.


***



Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 184 73
Bago ka lang ba sa wattpad? Gusto mo bang sumulat pero 'di mo alam kung saan ka magsisimula? Are you looking for writing tips? Here are some tips tha...
24.6M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
2.9M 105K 24
Erityian Tribes Novella, Book #2 || What's the use of this power, if I can't even stop his death?
QED University By akosiibarra

Mystery / Thriller

6M 178K 34
The new semester opens with a bang that shocks the four Houses of QED University, an exclusive school for promising students of the science of deduct...