TAKSIL

By TinkerBitter

142K 766 66

COLLABORATION STORY Written by: Tinker Vanz & Monique Del Rosario More

Chapter One
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter six (Finale )

Chapter five

17.4K 125 13
By TinkerBitter

Nanlumo si Denis nang makita ang naiwang mga gamit sa dinning room. Alam niyang naghanda ang asawa para sa spesyal na gabing nabanggit nito sa kaniya.

Nagtuloy-tuloy siya sa kanilang silid at marahang pinihit pabukas ang seradura ng pinto.

"Honey?" tawag niya sa asawa, subalit nanatiling walang imik si Vhans. "Hon, I'm sorry, biglang nagkaproblema sa opisina kaya kailangan kung mag over time," aniya pero nanatiling tahimik ang asawa.

Alam niyang gising pa ito dahil dinig niya ang mahinang paghikbi nito. Gusto pa niyang sapakin ang sarili dahil sa kapabayaan niya.

"Hon, we can even do it, if you want," aniya sa kabila ng kapagurang ginawa nila ng kabit niya.

Ano nga ba tamang itatawag niya kay Monique? Mistress? kabit? Kirida? Taga pag- aliw? Parausan? O babaeng inaasahan niyang makapagbibigay sa kaniya ng anak?

"Hon, I'm sorry, muling wika nito. Lumapit sa asawa at humalik sa balikat nito.
Bumangon si Vhans at hinarap ang asawa.

"Sorry?! Sorry? Sorry?! Yan lang ba ang sasabihin mo? Sorry?! Ilang beses ka na bang umuwi ng ganitong oras? Isa dalawa? Halos wala ka na rin panahon sa akin! Dahil sa trabaho mo? Yes! That was your only reason, ikaw ang may ari ng kumpaniya. Ikaw ang Presidente kahit hindi ka mag over time ay walang sisita sa'yo. Walang magagalit sa'yo, dahil ikaw ang nagpapasahod, and you can even bring all those papers here, para dito mo trabahuin. Pero ano? Naroroon ka pa rin! Trabaho ba talaga ang dahilan kung bakit panay kang late sa pag-uwi, ha? Trabaho ba?!" hilam sa luha at puno ng hinanakit na sumbat dito ni Vhans.

"Ngayon lang ako humiling sa'yo, Denis, ngayon lang! Bakit hindi mo pa ako pinagbigyan? Lahat naman ginagawa ko para mabigyan ka ng anak, ah! Kaya ako tumawag sa'yo early this morning ay para maki pagtalik sa'yo tonight dahil fertile ako, fertile ako! At may posibilidad na magbigyan na kita ng anak, pero ano? Anong ginawa mo? Hindi ka dumating. Mas inuna mo pa ang pesting trabahong iyan!" may diing lintaniya niya.

Naninikip ang dibdib niya at halos hindi na makahinga sa subrang sakit na ngayo'y tinatamasa ng dibdib niya. Marshal ay dahil na rin sa kaniyang walang humpay na pag-iyak.

Napaawang naman ang mga labi ni Denis. Napakalaki niyang tanga para hindi mahulaan kung bakit pinakiusapan siya ng asawa na umuwi ng maaga. Gusto niyang mag-wala at magalit sa sarili. Pero ano pa ang magagwa niyon sa mga oras na iyon?

"I'm sorry, hon, I'm sorry." yumakap siya sa asawa upang aluin ito subalit itinulak lang siya nito palayo sa kaniya.

"Liar! Your liar! Sinungaling ka! Sinungaling ka! Hindi ka galing ng trabaho nambabae ka! Nambabae ka!" Sigaw at nakakabinging bulalas ni Vhans nang masamyo ang babaeng amoy ng esposo.
At dahil puti ang polo na suot ni Denis ay agad niyang napansin ang lipstic sa kuwelyo ng damit nito.

"Bitawan mo ako, manloloko ka, bitawan mo ako!" humahagulhol at nagwawalang bulalas ni Vhans. Kinakalas ang mga braso ng esposo sa pagkakayakap sa kaniya.

"Honey, I'm sorry, patawarin mo ako, gusto ko lang naman magka-anak, iyong masasabing nanggaling sa akin," katwiran nito.

Hindi na niya maikakaila ang pagtataksil niya dahil sa naiwang bakas ni Monique.

"Sinungaling ka! Manloloko ka! Walang hiya ka! Hayop ka! Bitawan mo ako!" umiiyak na sabi niya dito.

Ngayon malinaw na sa kaniya ang lahat-lahat na kaya palagi itong madaling araw na kung umuwi ay dahil nambababe pa ito. May kabit ang asawa niya dahil hindi niya ito mabigyan ng anak.

"Honey, stop it! Magigising si baby, Juniel sa ginagawa mo,"

"Wala akong pakialam, bitawan mo ako taksil ka! Sinungaling! Manloloko ka!" histerikal at pauli-ulit niyang tawag sa asawa.

Nagising na rin ang kanilang mga kasambahay dahil sa malakas na iyak ni Vhans. Maging si Juniel ay nagising rin at sinabayan ang kaniyang hagulhol. Hindi naman siya pinawalan ni Denis hanggang sa hindi siya tumigil sa pagwawala. Niluwagan lamang nito ang pagkakayakap sa asawa nang hindi na ito gumalaw.
Nakatulogan na ni Vhans ang pag-iyak at pagwawala.

Marahan siyang binuhat ni Denis at inayos sa pagkakahiga sa kama. Kinumutan niya ito at tumabi sa asawa. Ikinulong niya sa mga bisig ang humihikbing may bahay.

Kinabukasan, nagising si Denis na wala na sa tabi niya si Vhans. Napabalikwas siya ng bangon sa takot nito na baka iniwan siya ng asawa. Agad niyang pinuntahan ang silid ni Juniel wala na rin doon ang kanilang ampon. Mabilis siyang bumalik sa kuwarto ang tiningnan ang mga gamit ng asawa.
Kabisado niya ang lahat ng gamit nito ganoon niya ito ka mahal. At alam niyang may kulang doon.

"Aling Danan, si Vhans at baby Juniel?" kabadong tanong niya s kanilang kasamabahay.

"Maagang umalis si Ma'am Vhans kasama ang bata at ng yaya nito,"

"Ho? Anong oras sila umalis? Bakit hindi niyo ako ginising? Saan daw sila pupunta?" sunod-sunod na tanong dito ni Denis.

"Pasensiya na sir pero wala po siyang nabanggit sa akin," nanlumong sagot ni Aling Danan.

Tama nga ang hinala nito na mabigat ang pinagtalunan ng mag-asawa kaninang madaling araw. Mabilis ang naging kilos ni Denis kinuha niya ang susi ng kaniyang sasakyan at pinaharorot iyon. Hahanapin niya ang asawa at anak at ibabalik sa piling niya.

Hindi niya kaya! Hindi niya kayang tuluyang mawala sa kaniya si Vhans. Mahal na mahal niya ang asawa at hindi niya mahahayaan na mauuwi lang sa hiwalayan ang kanilang pinagsamahan.

Hindi bumalik si Vhans sa dati niyang apartment pagkat alam niyang susugod doon ang asawa. Sa tulong ng dalawang bestfriend niya na sina Jinky at Anne Rose
ay kaagad siyang nakakuha ng apartment.

Nag-migrate na sa Canada ang mga magulang at kapatid niya. Tanging siya na lamang ang naiwan sa Pilipinas. Ayaw naman niyang alalahanin pa siya ng mga tiyuhin at tiyahin hingil sa suliranin nilang mag-asawa.

"Sissy, are you really, okay?" muling tanong sa kanya ni Jinky. Nasa tinig nito ang pag-aalala.

"Dito muna ako habang hindi pa maayos ang pakiramdam mo," present a naman ni Anne.

Pero umiling lamang si Vhans bilang pagtugon. Wala na silang dapat na ikabahala pagkat ayos lang siya. Ayaw niyang makadagdag pa sa alalahanin ng mga kaibigan. Hindi rin niya gusto na kaawaaan siya ng mga ito.

"Okay na ako mga sissy, ipapahinga ko nalang ito. salamat ng marami sa inyong tulong," aniya pigil ang mga luhang nais maglandas.

"Basta kahit anong mangyari, nandito lang kami ni Anne para sa inyo ni Juniel. We're always here anytime you need us, Vhans." Nababahala pa rin ani Jinky.

"You know what, we should figure out kung sino ang kalaguyo ng asawa mo, sissy," ani Anne.

"Huwag na sissy, bahala na siya, bahala na silang dalawa,"sa huli humagulhol niyang sagot.

Niyakap na lamang siya ng dalawang kaibigan upang sa ganun ay pagaanin ang sakit ng kalooban niya dulot ng kataksilan ni Denis.

"No! You can't do this to me, Denis. You can't!" galit at lumuluhang sagot ni Monique nang tapatin siya ni Denis na hindi na siya nito kayang pakisamahan.

"I'm sorry, Monique, pero hindi ko kayang patuloy na lukohin ang asawa ko," aniyang tuluyang iniwan ang babae sa kabila ng pagtanggi nito.

Tinawagan niya ang mga kaibigan ni Vhans ngunit tulad ng inaasahan niya'y wala siyang nakuhang impormasyon sa mga ito. Bagkus ay galit ng mga ito ang natamo niya.

Tatlong araw na buhat nang iwan siya ng asawa at Juniel. Tatlong araw at gabing hindi niya kapiling ang kabiyak. Pakiwari niya'y tila katumbas ng tatlong taon o higit pa dahil sa labis na pangungulila niya sa mga ito.

Kung may dapat man sisihin sa mga nangyari ay siya iyon. Kasalanan niya ang lahat kung bakit umalis ang asawa. Kasalan niya dahil masyado siyang mapag hangad.
Subalit, hindi naman masamang humiling at pangarap na magkaroon ng anak. Ngunit nang dahil rin sa pangarap na iyon ay tuluyang masisira ang pagsasama nila ng babaeng tunay at lubos niyang minamahal.

"Denis, you can't leave me, buntis ako," walang patumpik-tumpik na wika ni Monique na ikinaawang ng mga labi ni Denis.

Oo, nagagalak siyang malaman na magkakaanak na siya, subalit gayon din ang panlulumo niya dahil hindi si Vhans ang ina ng batang ipinagbubuntis ni Monique ang masakit pa nito'y iniwan siya ng asawa.

"Sinasabi mo ba iyan para balikan kita, Monique?" may himig na galit na aniya. Umaasa na totoo ang sinasabi nito.

"Hindi! Ipinapaalam ko lang sa'yo na ipapa abort ko ang anak mo kapag iniwan mo ako,"pananakot pa nito sa kanya.

"Huwag mong idamay ang bata sa pagiging makasarili mo?" nagtitimping turan niya.

"Ahuh?! At sino kaya sa atin ang selfish, ha Denis? Ako o ikaw na iniwan ng asawa dahil sa pagtataksil mo at sa kagustuhan mong magkaroon ng anak?"

Napatiimbagang na lamang si Denis sa tiburang iyon ng dalaga.
Gusto niyang maksiguro kung nagsasabi nag ng totoo si Monique na buntis ito. Kaya't ipinatingin niya ito sa doctor. At nakumpirma niyang nagdadalang tao nga ang dalaga. At sigurado siyang siya ang ama niyon.

Lingid sa kaniyang kaalaman kinasabwat ni Monique ang doctor at binayaran ng malaking halaga kapalit ng pagsasabi ng huwad na katotohanan.

Continue Reading

You'll Also Like

800K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
77.9K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...