His Indecent Proposal: Lander...

By JFstories

24.2M 709K 288K

She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her lif... More

Prologue
HIS INDECENT PROPOSAL
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
The Final Chapter
EPILOGUE

Chapter 2

901K 26.1K 11.1K
By JFstories

"MAGANDA ba?" tanong sa akin ni lola Peach.


Nakatanaw kami ngayon sa kalangitan. Mayroon doong usok na kulay puti na tinatawag daw na usok at bughaw naman sa paligid na ang tawag ay kalangitan. Nasisilaw ako noong una na ngunit pagtagal ay nakasanayan ko na rin.


Napapalakpak ako. "Opo, Lola! Ang ganda po, sobra!" tuwang-tuwa ako. Isa kasi sa mga pangarap ko ang makakita ng ulap at langit. Natatandaan ko nang bata pa ako, parang nakakita na rin ako ng mga ganito, hindi ko nga lang maalala nang malinaw.


Napalabi ako. "Pero Lola, nasaan po ang araw?"


"Hayun," inginuso ng matanda ang araw. "Natatabingan sya ng itim ng ulap."


"Itim na ulap?" Tinanaw ko iyon.


"Ahem." Isang lalaki ang tumikhim sa aming likuran.


Si Just Lander pala. Sinundan nya kami rito sa veranda. Mukhang kararating lang nya dahil wala sya kanina. Umalis sya sabi ni Lola Peach. Araw-araw nga raw syang umaalis dahil isa siyang abalang tao.


Magaan talaga ang loob ko kay Just Lander. Bukod sa gustong-gusto ko ang kanyang mukha ay gusto ko rin ang mainit at maaligasgas nyang boses. Alam ko na mabait syang tao. Natitiyak ko na may mabuti syang puso lalo at pinapayagan nya na ako ngayong lumabas ang makagala sa kanyang mansiyon.


Nagsalubong ang kanyang kilay. "That's enough." Kay lola sya nakatingin.


"Ano po ibig sabihin niyon?" bulong ko kay lola. Sya kasi ang tagaturo ko sa mga bagay na hindi ko alam dahil matalino sya. 


"That's enough, ibig sabihin, iyan ay tama."


Gumalaw ang panga ni Just Lander.


"Kung ganoon po, lola, tama po kayo?"


Patakbo akong lumapit kay Just Lander. "Hello, Just Lander!"


Nakita kong kumuyom ang mga kamao niya saka siya tumingin nang diretso kay lola Peach. "Change her dress. We're going outside."


LANDER


"JUST kill them all," I said to my assassin before I hung up the phone.


Kung hindi ko ibibigay ang utos na iyon ay sa akin mangyayari ang dapat mangyari sa kanila. Ganoon sa negosyong ito. Mauna kang mantraidor kaysa maunahan ka nilang traidurin. Dito na ako namulat sa ganitong klase ng mundo at kabisado ko na ang pasikot-sikot nito.


It's either me or my enemy. This is my life, and I'm fucking used to it from the very start. I don't give a damn if my life is always on the verge of death. I love the adrenaline in the chase. At uhaw ang mga kamay ko sa dugo.


Nagkalat ang mga tauhan ng kalaban ko sa isa sa mga farm ng cocaine ng mga Montenegro. Hindi nagpapatalo ang mga linta ng kalabang drug-smuggling syndicate ni Ybarra Montenegro, my father. At ako bilang naiwang anak ang nagpapasan ng mga responsibilidad ng dating crime lord ng bansa. I don't do drugs but I make and sell drugs. Lahat ng mga sindikato ay sa akin kumukuha kahit pa sobra-sobra ang patong ko sa presyo. Hindi nila ako kayang talikuran dahil ako lang ang may kakayahang magtimpla ng gamot na talagang kakabaliwan ng kahit mga maharlika ng ibang mga bansa.


Inilapag ko ang phone ko nang makarinig ako ng lagutok sa sahig. Matalas ang pandinig ko sa ano mang tunog sa paligid. Napalunok ako nang iluwa sa entrada ang isang babaeng nakangiti. Lumawak pa lalo ang pagkakangiti niya nang mapatingin sa gawi ko at makita ako.


Aviona Camille...


Hindi ko namalayang napapatitig na pala ako sa kanya. Hindi nakakakasawa ang bawat detalye sa kabuuhan niya. She's indeed a sight to behold. At mas kaakit-akit siya ngayong naayusan ang kanyang itsura. Hindi iisiping mang-mang ang nasa likuran ng sopistikadang babaeng nasa harapan ko ngayon. Lumilinga siya sa paligid habang papalapit sa akin.


"Dito ka nakatira, Just Lander?" she asked innocently. Her brown eyes were wandering around the room.


I was speechless the whole time. Hindi na kasi maalis ang mga mata ko sa kanya. Napakasimple, yet napakaganda.


"Just Lander?" Pukaw niya sa pagkatulala ko.


Come on, Lander! Pull yourself together!


"Hindi," I answered. "This is just my working place."


She pouted her lips. "Ha?"


"I mean, dito lang ako nagta-trabaho." Ipinasok ko ang magkabila kong kamay sa bulsa ng suot kong itim na pantalon. "Trabaho ang tawag sa ginagawa ng isang tao para kumita ng pera."


"Pera?"


My jaw clenched. "Pera ang ginagamit para makabili ng mga pangangailangan."


"Pangangailangan?"


Am I really doing this? Hinilot ko ang aking sentido. "Pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, damit, bahay at lupa."


"Lupa!" napapalakpak sya. "Gusto kong makakita ng lupa!"


I'm not sure if there is land nearby. We're in the city at puro semento ang daan dito lalo na sa labas ng mansyon ko. I don't like plants so there's no garden here. But I've got an idea. May nag-iisang halaman sa labas ng pasilyo ko.


Naglakad ako palabas ng pinto. "Let's go outside."


Pumaling ang kanyang ulo. "Nilabasan ka na naman?"


Dammit! Malapit ko ng masakal ang matandang iyon! Kung anu-ano ang itinuturo kay Aviona Camille!


Napabuga na lang ako ng hangin. "Sumunod ka sa akin, Jack."


Tumalima sya sa akin hanggang sa marating namin ang pasilyo. Naroon pa nga ang nag-iisang halamang nasa paso. My niece, Kiana Louise gave it to me a year ago. Hindi ko nga alam na buhay pa pala ito.


"Look at this." Dumakot ako ng lupa na nasa paso at inilagay sa mga palad nya. "Iyan ang lupa."


"Lupa?" inamoy nya iyon at tinikman.


Tinikman? Seriously?


Pumaling muli ang kanyang ulo. "Kasing lasa ni Lola."


Oh damn.


She pulled out a small piece of paper from her breast. May mga nakasulat doon na hindi ko naman nabasa. Maybe it's a list.


"Ulap," usal nya habang nakatitig sya doon. "Ngayon naman ay lupa."


So she can read.


But suddenly, I was thinking of something. What if I take her somewhere? Sa lugar kung saan naroon ang magagandang tanawin. Kung saan naroon ang malawak na karagatan at lupain. Kung saan ipapakita ko sa kanya iyong mga bagay na hindi nya pa nakikita, o matagal niya nang di nakikita.


My cellphone rang, my assassin is calling me.


"I need your confirmation, Lord. The target is on my sight."


Habang ako naman ay abala ang mga mata kay Aviona Camille na nakabaling sa hawak niyang papel.


"Lord?"


Parang hindi ko kayang gumawa ng masama habaninnakatingin ako sa inosenteng mukha ni Aviona. Parang sinasabi ng mga mata niya na mali ang mga ginagawa ko at itigil ko na ang mga ito.


I sighed as I closed my eyes. "Abort."


"But Lord L– "


"I said, abort." Pagkasabi'y pinatay ko na ang linya.


What the fuc k is happening to me? Why do I have this hesitation? This is so unlike me. 


This isn't good! It feels like she was suddenly affecting my whole being.


Bakit ko ba hahayaang baguhin ako ng babaeng ito? She was a goddamn ignorant. Ano namang alam nya sa buhay ko? Hindi nya alam ang mga pinaghihihirapan ko!


I must stick to my plan. Dadalhin ko si Aviona Camille kay Chandra para ipaalam dito na ikakasal na ako. Para isampal sa puta na iyon na hindi lang sya ang babaeng karapat-dapat sa isang Just Lander Montenegro!


I mean... Lander Montenegro.


JAMILLEFUMAH

@JFstories



Continue Reading

You'll Also Like

34.1K 256 2
Xylia Ailana Hidalgo | Jaden Logan Ruiz - Start: February 2022
11.5K 259 10
"Some people struggle not to be drawn into the darkness. But ever since I was a little girl, I've said, 'Why not splash in and have fun!'" - Eve De V...
50.2K 3K 44
When your past comes back and when your present is there, who would you choose? The one that got away? Or the one who stayed? Will you go one step cl...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014