Once Mine

By xxakanexx

4.5M 144K 29.2K

What will you do if you feel alone, afraid and vulnerable? Hyan Ysobelle Consunji - Demitri feels this way e... More

Once Mine
Prologue: Scars
1. The Unexpected
2. Bargain
3. Wise words
4. Fairytale
5. Drunk
6. Little Monster
7. Lose and Gain
8. Twins
9. Wake
10. Fine
11. Wrong Choice
12. Taking the risk
13. Let the truth sting
15. All you need is one
16. Parts
17. The talk
18. Rooftop
19. Forbidden
20. Wait, what?
21. Stay in the dark
22. The risk to take
23. Results
24. Answered
25. Shifted
26. Out in the open
27. Meeting
28. Moments
29. Demands
30. Meet up
31. Prom
Epilogue: Last page

14. A change is coming

114K 4.5K 1K
By xxakanexx

Change; we don't like it, we fear it, but we can't stop it from coming. We either adapt to change, or we get left behind. It hurts to grow, anybody who tells you it doesn't is lying. But here's the truth: Sometimes the more things change, the more they stay the same. And sometimes, oh, sometimes change is good. Sometimes change is... everything.

- Grey's Anatomy

I had been awake for hours. I was watching my father as he sleeps on the couch. He looked so tired and so stressed. I was crying silently as I lay in my bed. My hands are both on that place where my little baby used to be. I haven't talked to anyone but I could feel the loss.

"Baby?" I wiped my tears when I realized that my father was awake and he was staring at me. I couldn't hide the tears anymore. Lumapit si Daddy sa akin. Inalalayan niya akong umupo sa bed at saka niya ikinulong ang mukha ko sa mga kamay niya.

"Baby..." He called me again. It had been a long time since he called me his baby. Haley is the baby now and I'm just his Little Hyan, and this means a lot to me. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. I needed strength and I know how much Daddy hates me for the truth but he's also the source of my strength now.

"You've been awake for a long time, bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya sa akin. I sobbed.

"My baby is gone, isn't he?" I wanted it to be a boy. I will raise him just like the way my parents raised me - despite of how I turned out - pinalaki naman nila ako nang maayos. It's just the choices I made that made me this person today.

Walang kasalanan ang mga magulang ko sa nangyari sa akin. I just... I sighed. Kasalanan ko ang lahat.

"He's in heaven. I'm sure your Lola Nanay is taking care of him already." Pagpapalubag sa akin ni Daddy. Lalo lang humigpit ang yakap ko sa kanya. I muttered my apologies. He kept saying that it's okay and that he was sorry too for what happened to me and his supposed to be first grandchild.

Sa kabila nang ito ay naaalala ko si Abelardo. Ngayon na wala na ang baby, anong sasabihin ko sa kanya? Noong huli kaming nag-usap ay binibilinan niya pa ako na mag-iingat palagi at kumain nang marami para sa baby 'namin'. He loved the monster so much that he actually calls the baby his. I know that he already told his family about the pregnancy, ano na ngayon ang mangyayari sa aming dalawa?

"Did you talk to Abel, Daddy?" I asked after he gave me a glass of water. "Where is mom?"

"Mommy is with the other half." Dad sighed. "He lost his memory by the way. The doctors said that he's suffering from retrograde amnesia. He jumped back to ten years ago."

I tried to recall if Hyron suffered a major hit - parang hindi naman. I just shook the thoughts away. Hindi ko naman malalaman kung anong nangyari habang hindi ko pa nakikita ang kapatid ko. Bukas ko na siguro siya haharapin. Gusto ko munang makipag-usap kay Daddy. I want to apologize to him for every decisions I made in my life these past few years.

"I was in love with him, Daddy. And it was awful to know that he's cheating on me for two years. I distanced myself Dad, you know that. They got married. It hurt me more. Then after six months, Juan and I saw each other at a party. I'm vulnerable. I' hurt and when he approached me, I took the bait and these all happened." I sighed. Mataman lang naman siyang nakikinig sa akin. Hindi ko nariringgan ng opinyon si Daddy. Nakahawak lang siya sa kamay ko. Alam kong sinusubukan niyang hindi magalit.

Tama naman siya kanina, ibinigay niya ang lahat sa akin. Pero ako naman ang sumira sa sarili ko. I remember Juan's famous excuse. I'm only human. Ngayon masasabi ko talaga na hindi sapat ang excuse na iyon.

I'm only human. I am expected to make mistakes, but as a human being - the Creator gave me a brain and a heart - the brain is located above the heart - that means something.

"I'm so sorry, Dad."

"Don't think of it, Hyan. You have to rest. Tomorrow. I'll announce something. Hindi ka muna babalik sa opisina. You have to rest. Kung gusto mong umuwi muna ng Greece, sige lang o kahit saang bansa."

"Is Hyron going to take over?" I asked him.

"I'm thinking about it but he's unstable too."

I was looking at his eyes. I know that he's planning something but what is it? And then, a thought clicked.

"You're not going to make him comeback, diba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko. Pero pakiramdam ko ay iyon nga iyon.

"I'm thinking about it."

"Why not Hyron, Dad?"

"It's not that I don't want him. I will train him again, Hyan. I guess this amnesia is a blessing in disguise. We have him back."

"Isn't it ironic that we had him back, he jumped back to being eighteen again? Doesn't that bother you?" Parang hindi ako pinansin ni Dad sa huli kong sinabi. Ngumiti na lang siya at saka hinagkan ako sa noo.

I know, a big change is coming to my family. A chaotic change. I don't know if I am up for it but I'm not ready.

Nang mag-isa na lang ako ay pilit kong inabot ang phone ko na nakalagay sa bedside table ko. I turned it on. Habang nakatingin sa screen ay naghihintay ako kung may papasok bang mensahe. Puro galing kay Juan ang text.

Juan Sanque

I'm sorry Hyan. I didn't mean for our baby...

Binura ko na ang number ni Juan pati na rin ang mga mensahe niya. Binura ko na ang mga litrato naming magkasama at kung maaari lang ay buburahin ko na rin ang pagmamahal ko para sa kanya.

Shut down. Refresh.

Sana pwede.

Muli ay tinitigan ko ang phone ko. I sighed again. I texted Abelardo. Nagtataka ako kung bakit hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi niya man lang ba ako hinahanap? Hindi niya ba nabalitaan ang lahat?

Abelardo.

Nasaan ka? Kailangan kita... Call me...

Naghintay ako pero hindi siya tumawag. Nag-reply naman siya.

Abelardo

Ospital pa, Hyan. Alam mo naman. Si Nanay. Pupuntahan kita 'pagdating ko sa Lunes. I miss you. Inom ka ng gatas para sa baby natin ha.

Nang mabasa ko naman ang reply niya ay lalo akong nakadama ng lungkot. Naiisip ko pa lang na masasaktan ko si Abelardo dahil sa pagkawala ng bata ay hindi na ako mapakali. Paano ko ipapaliwanag iyon sa kanya? Baka hindi niya maintindihan. Ayokong masaktan siya. He seemed to be a very happy person. Hindi ko kayang sirain ang kasiyahan niya.

He was very excited about having this baby. He even bought me a pair of mittens and he gave it to me. Sabi niya lucky charm ko daw.

I couldn't sleep anymore. At two in the morning. Hunter barged in my room. Buong pamilya ko yata ay nasa Varess Medical City. He looked tired but bothered. Hindi ko naiwasan na magtanong sa kanya.

"What is wrong, Hunter?" I asked him.

"You'll know if he's telling the truth right? Si Hyron? Kasi alam kong nagsisinungaling siya." Wika pa niya sa akin. Naupo siya sa visitor's chair at humalukipkip sa akin. "Everyone might buy it but I will not. Kilala ko siya at lalong nakakagalit ang ginawa niya."

"Bakit galit ka kay Hyron?" Tanong ko sa kanya.

"Ate, he almost ruined the family! Did you see how dad suffered? How we almost lost mom? How you almost ruined your life because you thought you were alone! God! You even! Argh! Si Eos! Tang ina! Kausap siya ni Daddy! He might come home, anong gagawin mo kapag nagkita kayo? Mom hates him! And I hate him too!"

"Calm down, okay? Eos might come but I'm sure he's not going to hurt the family anymore. He and Dad reconciled." Paliwanag ko. Hindi ko alam kun anong gagawin ko kay Hunter. He is a bit handful. Sa lahat ng kapatid ko ay siya ang pinakamainitin ang ulo. He has this ruthless attitude, well lahat naman kami. Pero kay hunter ay litaw na litaw ito. Kapag hindi niya nagustuhan kahit pa si Heath ang kalaban niya ay gagawin niya ang lahat. Naalala ko noong minsan na nadatnan ko silang nagsusuntukan dahil lang kinuha ni Heath ang kotse nang hindi nagpapaalam.

Sinuntok ni Hunter si Heath noon at nagpambuno sila. Hindi ko sila maawat noon, buti na lang at may malapit na pool. Natigil lang sila nang mahulog si Hunter sa pool. Hindi sila nag-usap noon sa loob ng tatlong linggo kaya ang naging sulosyon noon ni Daddy, binawi niya ang kotseng pinagsasaluhan ng dalawa.

"Ayoko sa kanya, lalong ayoko kay Hyron. Tang ina naman bakit ba kasi hindi ako kasing genuis ni Artie, sana by now, tapos na akong mag-aral at ako na ang namamahala sa kompanya at nang makapagpahinga ka na pati na rin si Dad. Wala akong tiwala kay Hyron at kahit kailan ay hindi ako magkakaroon ng tiwala sa kanya."

Sinubukan ko naman siyang kalmahin pero hindi talaga siya nakikinig sa akin. Kinahuksan ay sinabi ko kay Mama ang nangyari kay Hunter. Mom seemed to be realy sad about it ang sabi nga niya ay talagang nagmana si Hunter kay Daddy, kapag galit, lahat na lang ay naiisip gawin at sabihin.

"Mama, si Daddy?" Tanong ko. Nag-aalala kasi ako dahil hindi ko pa siya nakikita simula noong nag-usap kami kagabi. Gusto ko lang na makita siya. Assurance ko kasi iyon na hindi niya ako iiwan at hindi na siya galit sa akin.

"Sige tatawagin ko siya." Lumabas si Mama. Maya-maya ay dumating na rin siya kasama si Daddy. Wala naman akong sasabihin. Gusto ko lang na magpayakap. Nagkamustahan kami tapos ay hinanap ko na rin a wakas si Hyron. Si Daddy na ang lumabas para tawagin si Hyron. Magtutuos kaming dalawa.

Bumukas ang pinto at ibinulaga niyon si Hyron. May benda siya sa ulo. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Niyakap niya ako.

"I'm here, I'm not going anywhere. I will protect you with all my might."

Nagulat ako nang sumama si Haley sa yakapan namin. Nakakatuwa ang htsura niya. Mahigpit na niyakap ko rin siya at nang magkalasan kaming tatlo.

"Hals, akala ko ba ayaw mo kay Hyron?"

"He has amnesia. Sana nga hindi na bumalik ang memory niya para hindi na ako matakor sa kanya." Para bang wishful thinking iyon. Iniwan niya kaming dalawa. Tuluyan nang naupo si Hyron sa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Are you okay? I'm sorry for your loss, Hyan."

"How can I miss something na never ko namang nahawakan?" Malungkot na wika ko. Sayang ang pagkakataon ko na maging isang ina sa anak ko. Naisip ko pa noon na siya ang maaaring magpabago sa buhay ko. Gusto ko pa sana siyang makasama pero siguro ay hindi talaga sya para sa akin.

"It's because you felt it there." Turo niya sa tyan ko.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Abelardo. He loves Little Yvan"

"Wala ka naman dapat ipaliwanag. Hindi mo naman ginusto ang nangyari." I was looking at his eyes and there and then I knew that he was lying. He didn't even dared ask me who the fuck is Abelardo. Dapat ang alam niyang kasama ko panay ay si Juan.

Piniga ko ang balikat niya at galit na tumingin sa kanya.

"I don't know what you're planning, Hyron, but I'm not buying it. You can fool everyone -- even dad but you ain't gonna fool me. We're twins. I know how your mind works." Sabi ko sa kanya. Bigla ay naging blanko ng expression ng kanyang mukha. Hindi siya nagsasalita basta nakatingin lang siya sa akin. We stopped staring at each other when dad came to announce that I will be resting. Hyron volunteered. Hindi ko talaga alam kung anong plano niya. Ginagawa niya ba ito para makabawi siya? Pero hindi niya ba naisip na tinatakbuhan niya lang ang problema at pinapalala ang lahat?

Habang nagdidiskusyon sila ni Daddy ay dumating ang isang taong inaasahan ko na pero nakakagulat pa rin.

Si Eos Demitri. He is dad's half brother. Anak siya ng biological father ni Dad sa isang babaeng nakilala nito sa Greece. Halos twenty-years ang ibinata nito kaysa sa Daddy ko. He's thirty two, mas matanda lang siya sa amin ni Hyron ng dalawang taon.

I don't like to see him. I swallowed as he settles his eyes on mine. We both have green eyes. It runs in the blood.

"Stay away from my daughter, Eos."Wika ni Mama na may halong pagbabanta.

I took a deep breath.

I met Eos in Greece six months after my anullment with Juan. Hindi ko alam kung sino siya. Nakilala ko lang siya dahil nagtatrabaho siya sa armory. He seemed to be a good guy kaya nang makipagkaibigan siya sa akin ay hindi naman ako tumanggi. Sa kalaunan ay lumalim ang relasyon na iyon. I kind of felt something towards him -- hindi pa naman iyon love pero alam kong kaunti na lang ay lalapit na roon.

We were intimate --- pero hindi naman umabot sa may penetration na magaganap o kung anuman. And I thanked all the gods na nagpigil siya dahil kung hindi wala na akong mukhang maihaharap sa kanya sa ngayon.

Nahuli kami ni Mama sa loob ng silid ko sa bahay sa Greece. Galit siya - ang akala ko ay dahil sa ginawa ko pero mas malalim pa roon. She recognized Eos and she told me there and then and Eos is Dad's brother. Ikinagulat ko iyon. Nasaktan ako dahil hindi ko akalain na may ganoong magaganap.

Nang mag-usap kaming dalawa ay sinabi niya sa akin na naghihiganti siya dahil kinamkam ni Daddy ang yaman na iniwan ni Baba Hyperion para sa kanya. Gusto niyang saktan si Dad and what would be a good way than getting me pregnant and telling me afterwards that we are related.

Incest at its finest.

"I'm not comfortable having him near my daughter, Helios!" Sigaw ni Mama matapos umalis ng aming bisita. Nakaupo ako sa hospital bed at nakikinig sa kanila.

"Yza, kailangan ko si Eos. Siya ang pinakamapagakatiwalaan ko sa lahat. Hindi pwede si Hyron. I will train him again and I promise you that he will never touch Hyan again."

"Wala akong tiwala sa kapatid mo! He abused my daughter. What if he wants to get even huh? What if he---"

"What?" Malamig na ang tinig ni Daddy nang magsalita siya. "He will never do the same mistake as I did to you, Yza Joan. Kung maibabalik ko ang ang lahat noon, I will treat you better..."

Ang sumunod kong narinig ay ang pagbukas - sara ng pintuan. Sumunod ang nag-aalalang boses ni Mama.

"L-love... Helios..."

Kumunot ang noo ko. May ginawa ba si Dad noon na nakasakit kay Mama?

Kinabukasan ay lumabas na kami ni Hyron ng ospital. Sa bahay ay may maliit na salo-salo. Nadatnan ko doon si Artie at Piedro, si Hya at si Iggy tapos si Hunter at ang isang hindi ko pa nakikilalang babae. Nang makita kami ni Hunter ay hinatak niya ang babaeng iyon na tila ba hindi alam ang gagawin. Nakatingin siya kay Hyron. Si Hyron rin naman ay titig na titig sa kanya.

Magkakilala ba sila?

"Hoy, ano bang ginagawa mo? Uuwi na ako sa apartment namin may trabaho pa ako mamaya." Narinig kong bulong niya. Sa suot ng babaeng iyon ay mukha na siyang pokpok. Halos lumuwa na an dibdib niya sa blouse na iyon.

"Family, I want you to meet Lualhati Espiritu. She's my girlfriend and I'm gonna marry her someday."

----------

"Hyan, nandito si Abelardo. Nasa ibaba siya. Paaakyatain ko na lang siya dito para hindi ka na mapagod bumaba. Iyon kasi ang bilin ng mama mo."

Nginitian ko si Yaya Belen matapos niyang ipaalam sa akin na may bisita nga ako. Nasa entertainment room ako nang hapong iyon. Pinipilit kong libangin ang sarili ko para makalimutan ko ang nangyari sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit nami-miss ko ang isang bagay na hindi ko naman nakita at nakasama? Hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon para marinig ang iyak niya pero heto ako at hinahanap-hanap siya. Napalunok ako nang maramdaman ko ang mga luha sa aking mga mata. Naglandas iyon sa pisngi ko. Kaagad kong pinahid iyon.

"Hyan!"

Boses ni Abel iyon. Tumingin ako sa kanya at napanganga nang makita ko ang kanyang hitsura.

Clean cut - walang facial hair. He looked good!

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatitig sa kanya. Nakakagago ang kagwapuhan niya. May dala siyang prutas at mga bulaklak. Inilagay niya ang prutas sa coffee table tapos ay inilapag naman niya ang bulaklak sa kandungan ko. Naupo siya sa tabi ko a mabilis akong hinagkan sa labi. Bumaba ang kamay niya sa tyan ko -kung sana naroon dati si Little Yvan.

"Kamusta baby? Namiss kita!"

Masayang- masaya siya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan na wala na ang batang inaalagaan niya. Habang nakatingin ako sa kanya ay napansin ko ang malalakingnitim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata. Kahit na ang gwapo niyang tingnan ay napansin ko pa rin ang pagpayat niya.

"Tatlong araw lang kitang hindi nakita parang namayat ka." Tumingin siya sa akin. Hinahaplos niya pa rin ng tyan ko. Naaasiwa ako sa ginagawa niya pero hindi ko naman gusto na tumigil siya. May warmth sa kamay niya na nakakapagpagaan ng loob ko.

Humilig ako sa kanya.

"Napagod kasi ako. Ako ng kasama ni nanay sa ospital." Paliwanag niya sa akin.

"Kamusta ang nanay?"

"Ayon! Excited sa aapuhin niya! Iuuwi kita sa amin sa susunod na Sabado ha! Gusto ko na kasi ikaw makilala. Kinakantyawan ako ng mga kuya ko sabi picture ka lang daw. Hindi naman daw totoong may relasyon tayo. Kundi lang sila mga pari, naku, pinagsasapak ko na iyon." Sabi niya pa sa akin at sinabayan ng tawa. Napangiti ako. Humilig akong muli sa kanyang dibdib at tahimik na umiyak.

"Hyan..." Napuno ng pagtataka ang boses niya. Wala na akong nagawa kundi ang harapin siya. Hindi ko kayang itago sa kanya ang totoo. Kung may utang man ako kay Abel dahil sa kabaitan niya sa akin ang tanging kabayaran noon ay ang pagsasabi sa kanya ng katotohan.

"Abel... sorry... pero... nawala na kasi si baby..." Mahinang wika ko. Nakatingin ako sa kanya. Niyakap niya ako nang napakahigpit. Madali kong naisalaysay sa kanya ang dahilan kung bakit. Mukhang maayos naman si Abelardo.

"Huwag kang mag-alala. Gagawa na lang tayo ng bago. This time, iyong totoong akin talaga..."

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 46.7K 22
Lex had always hated Keith. Keith had always hated Lex. They were archenemies. Lex wanted nothing to do with her but one night of foolishness changed...
1.4K 70 6
There are people who don't get to be with the one they love... When Belle de Leon had to marry her father's golden boy, the General Douglas de Leon'...
1.2M 26.2K 22
Santiago Emilio III a.k.a. Trey Emilio - Neon's drummer had a tormented past. He trapped himself inside a world where loneliness and pain dwells his...
If you come back By Cher

General Fiction

2M 77K 32
Paulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap...