Out of Bounds (Ugly Past Seri...

By Crizababe

16.2K 350 59

UGLY PAST SERIES #2 If your heart gets broken, who will save you? And if you fall again but it's out of bound... More

Out of Bounds
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Simula

2.1K 24 4
By Crizababe

Sophie



Ako:

Where are you?


Ako:

Daryl, nasaan ka? Samahan mo ako.


Ako:

Sige na please. I'm waiting.


Ako:

Uhm, busy ka? Please call me once you get this.


Ako:

I think you are really busy.


Ilang beses na akong pabalik balik ng tingin sa screen ng phone ko kung may reply ba si Daryl. Ilang beses na akong nag text at tumawag pero hindi niya ako sinasagot. I need him to help me out with my thesis. Marami kasi akong dalang gamit at wala akong dalang sasakyan ngayon. Kaya ko naman pumunta sa iba't-ibang shops at malls para kausapin ang mga owners nito, but with all the files and folders kasama na ang laptop ko, I really need someone who can assist me on this.


Wala naman kasi akong ibang maasahan eh. This is a solo thesis. Wala ang bestfriend kong si Maisie dahil inaasikaso niya rin yung thesis niya and I bet she's also busy with her husband.


I've been living alone since my father died three years ago. Wala na akong ina, di ko alam kung saang lupalop na siya ngayon. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o patay na. Iniwan niya kaming dalawa ni papa simula pa noong 5 years old pa ako. Nakita ko kung paano nasaktan at nawasak si papa. Kahit na masakit ang sinapit niya, hindi niya ako iniwan tulad ng ginawa ni mama. Si papa na ang nagpalaki sa akin, siya ang nagsumikap para sa amin, at siya ang unang lalakeng minahal at hinangaan ko. Pero mapaglaro ang tadhana, namatay si papa dahil sa sakit sa puso na matagal na niya palang nililihim at naiwan na lang akong mag-isa. Pero kahit ganon, hindi naman ako pinabayaan ni papa. Nag-iwan siya ng will and testament. Sa akin niya ipinamana ang bahay at lupa namin, pati na rin ang poultry farm na siyang pinagkukunan ko ng pera.


I was alone. All I have is myself and no one else. Nabubuhay ako, pero hindi ako buo. Hindi ko alam kung para saan pa ang lahat ng ginagawa ko. Wala na akong pamilya. Wala ng katuturan ang lahat ng pagsisikap ko. But Daryl came to my life and everything changed. Minahal niya ako. Siya ang naging sandalan ko sa tuwing may problema ako. Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pag-asa para mabuhay at bumangon araw-araw.


Pumasok muna ako sa isang coffee shop dito sa MOA. Masakit na ang mga paa ko sa kakalakad. Dalawang clothing shops na ang napuntahan ko para maka-usap ang manager o may-ari. Bakit ba kasi consumer behavior pa ang napili kong topic ng thesis ko? Di na sana ako magkakandarapa para makapag reserve ng schedule sa gagawin kong interview kung nag-isip ako ng mas madaling topic.


Habang kumakain ako ng pasta, naaninag ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalakeng nakatayo sa tapat ng coffee shop. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero may kutob ako kung sino iyon, hindi ko lang makumpirma ang hinala ko. After a while, I saw a girl clung into his arms at hinalikan siya nito sa pisngi. The girl is pretty and her short hair makes her more stunning. Inakbayan ng lalake yung babae at sabay silang naglakad paalis.


Due to my growing curiosity, I packed up all of my things and left the place. Sinundan ko silang dalawa. I'm on espial mode like a spy but I don't really give a damn if I look like a creep. Mga 10 meters away yung distansiya ko sa kanila kaya hindi naman siguro nila mahahalata na may sumusunod.


Lumabas sila sa mall at parang papunta sila sa parking lot. Sa isang puno sa bandang dulo, nakita ko na may nakaparkeng puting Fortuner. Papalapit silang dalawa roon and I realized yung puting Fortuner nga ang sadya nila.


Nakita ko ang plate number ng sasakyan at di ako pwedeng magkamali. It's Daryl's car!


Huminto sila sa gilid ng sasakyan at hinila ng babae yung lalake papalapit sa kanya. Hinawakan ng babae yung batok niya at sinunggaban ito ng halik. Shit! My heart created a loud thumping sound inside my chest. Hindi ko pa rin makita ang buong mukha ng lalake dahil nakatalikod ito sa gawi ko.


Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako o hindi. Pero alam kong hindi ako matatahimik kung di ko makukumpirma ang hinala ko.


Lumapit ako sa kanila ng dahan-dahan. Pakiramdam ko lumulutang ang mga paa ko sa bawat hakbang ko. I stopped when I was about 2 steps away from them. They were still kissing that's why they didn't notice my presence. Huminga ako ng malalim at inalis ang bara sa lalamunan ko bago nagbitaw ng salita.


"Daryl?"


Natigil silang dalawa sa paghahalikan at sabay silang napatingin sa akin.


Tama nga ang hinala ko. It is really him! Nanlaki ang mga mata ni Daryl habang yung babae naman ay galit na nakatingin sa akin. Bakit? Naistorbo ko ba sila? Shit lang!


"Sophie... anong ginagawa mo dito?" ani Daryl.


Pinigilan ko ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. I don't want to cry in front of them. If their goal is to hurt me and see me crying, then I won't give them that satisfaction.


Humakbang si Daryl palapit sa akin. Oh don't you dare come near me Daryl! Hinawakan niya ako sa braso kaya hinawi ko ito at sinuklian siya ng isang malakas na sampal. Bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Napaawang ang kanyang bibig dahil sa sakit. Napasigaw naman din ang lintang babaeng nasa likod ni Daryl.


"Fuck you Daryl! Fuck you! Pagkatapos ng lahat, ito ang gagawin mo sa akin? Bullshit! Magsama kayo ng higad mong babae!" sigaw ko.


Di ko na nakontrol ang bibig ko. Tatalikod na sana ako pero napahinto ako sandali. Tiningnan ko ang babaeng kahalikan ni Daryl mula ulo hanggang paa. She's not ugly though and based from her looks, mukhang galing ito sa marangyang pamumuhay.


Lumapit ako sa babaeng linta na nakaawang ang bibig dahil sa mga nangyayari. Lumagapak ang palad ko sa mukha niya. Sinampal ko rin siya. Hindi pwedeng ako lang ang masasaktan dito. That's fucking unfair!


"Ano? Masarap ba siyang humalik? Siguro masyado ng makati yang katawan mo kaya pati yung taong may girlfriend, pinatulan mo." Tinaasan ko siya ng kilay at dumura ako sa paanan niya. "Pweh! Magsama kayong dalawa sa impyerno!"


Nagmartsa ako paalis sa lugar na iyon. Hindi ko na kayang makita ang mukha ni Daryl at ng babae niya. Bakit? Bakit niya ito nagawa sa akin? Ibinigay ko naman ang lahat pero bakit kulang pa rin? Tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Sophie, wait! Let me explain." Sigaw ni Daryl sa likuran ko. Bakit niya ako hinabol?


Nilingon ko siya at sinalubong ko siya ng sampal. That's another hit! Namumula na ang pisngi ng gwapo niyang mukha. This beautiful face made me weak because of his sweetness when we were still starting. But this is also the same face that made me weak right now because of the pain he inflicted me. Mahal na mahal ko siya. Sa loob ng mahigit sa isang taon naming relasyon, isinuko ko ang lahat sa kanya. Puso, isip, at kaluluwa ko, inalay ko sa kanya. Lahat ng ayaw niya sa pagkatao ko, binago ko para maging masaya siya. Pati na rin pala ang virginity ko, ibinigay ko rin sa kanya sa pag-aakalang siya na nga ang itinadhana para sa akin. Pero, tangina lang! Nagkamali ako.


Pinunasan ko ang mga luha ko.


"Kaya pala hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko dahil may iba kang pinagkaka-abalahan." Sabi ko sa mahinahon na boses. Ayoko ng sumigaw. Pagod na ako. I just don't want to see Daryl again. Ang sakit, ang sakit sakit ng ginawa niya.


"Sophie, I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka." Aniya. Tulad ko, namumula na rin ang mga mata niya.


"Too late. Nasaktan mo na ako. Sana bago mo ginawang mangloko, inisip mo muna na masasaktan ako. Pero halata namang hindi eh. Go on. Pakasaya ka. Don't worry, hindi ako mang gugulo."


Tinalikuran ko siya pero hinila niya ang braso ko. Please don't make this hard for me Daryl.


"Please Sophie. Patawarin mo ako."


Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya binawi ko ang braso ko ng pagkalakas.


"Your sorry won't change anything Dar. We're done. And please, huwag ka ng magpapakita ulit." Yes please. Huwag ka ng magpapakita ulit. Dahil hindi ko alam, baka sa sobrang pagmamahal ko sayo... patawarin kita at makalimutan ko ang ginawa mo. Baka makalimutan ko na nasaktan mo ako.


Umalis ako sa parking lot ng mall na may mabigat na pakiramdam. I am turning my back away from the man that I dearly love. I am walking away and I'm not going back.


After all this time, after everything that I did... ito ang mapapala ko. Kung sana nandito lang si papa, sana maipagtatanggol niya ako. Masaktan man ako, at least mapapagaan niya ang loob ko.


But life is really unfair to me. Such a bitch. I guess I don't have any choice but to stay lonely. I don't know kung hanggang kailan ako masasaktan. Hanggang kailan nga ba? Hanggang kailan ko dapat maramdaman ang sakit?





Continue Reading

You'll Also Like

66.4K 4.4K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...