My Cold Husband

By oppaismystyle

106K 1.6K 173

Lahat naman ay nasa kinakatayuan nito, hangga't sa dumating ang araw. Naging hadlang ang pag-ibig ko para sak... More

MCH
My cold husband
Chapter One - My mistakes.
Chapter Three - He's getting married.
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter Two - I'm pregnant

8.3K 120 8
By oppaismystyle

Anne's POV

Pag-kalipas ng dalawang buwan......

        Nakitingin sa bintana habang iniisip ang mga nangyari, dalawang buwan na pala ang lumilipas simula ng iwanan ako ni James, pagkatapos nang gabing iyon ay hindi na siya muling nag-paramdam pa. Siguro nagpakasal na sila ng kanyang nobya, siguro masaya na siya ngayon. Hahayaan ko na lang siya, siguro hindi talaga kami itinadhana. 

Bumalik ako sa aking ulirat ng makarinig ako ng katok

Anne anak, kumain ka na ba?" tanong ni mommy, habang papalapit sa'kin pwesto

Hindi pa po." nilingon ko si mommy at ngumiti ng bahagya

Anak, kumain ka na. You're getting thin, hindi ka na sexy sige ka." pag-bibiro ni mommy, she knows na ayaw 'kong tinatawag akong payat, gusto ko sexy lang. 

Opo mommy, tinatakot niyo na naman po ako." at natawa naman si mommy. 

Mommy and daddy's love story was my inspiration, I just want it to be like mine, where both people will do everything to fight for love. 

Everything happens when mommy fell in love with a ordinary employee, things were so complicated back then tulad ng kwento sa'kin ni mommy. Kasi unang-una, ang gusto ng aking mga lolo't lola ay galing sa isang mayamang pamilya ang mapapangasawa niya. Pero ayaw ni mommy kasi her heart belongs to daddy, she doesn't care kung hindi siya katulad nila. She's a strong believer of love, kaya naman nagawa niyang suwail ang utos nila lolo't lola. Kaya ang ginawa nila lolo't lola daw para matigil ang kahibangan ni mommy ay ipinadala siya sa Barcelona upang ilayo silang dalawa. Pero hindi dito nag-tapos ang kanilang pag-iibigan, ipinangako ni daddy sa kanyang sarili na makukuha niya rin ang loob ng aking mga lolo't lola. Nag-tayo si daddy ng sarili niyang kumpanya, at pinalago ng pinalago hangga't sa napantayan na niya ang pamilya nila mommy. Labis daw ang gulat nila lolo't lola dahil hindi nila aakalain na ang dati nila trabahador ay magiging isa sa mga well-known and successful businessman, labis daw natuwa si lolo dahil ginawa niya lamang daw ito kasi gusto niyang subukan si daddy kung hanggang saan niya daw ipag-lalaban si mommy. Akala niya tinigilan niya na daw si mommy, yun pala gumagawa na ito ng paraan para makuha ang basbas ng magulang ni mommy. Hindi nag-tagal ay nag pakasal din sila mommy, at dun na ako dumating sa eksena. 

Nandahil sa kwento ng buhay pag-ibig nila mommy, ay umaasa din ako na balang araw ay ganun din ang akin. Pero nang makilala ko si James, napagtanto ko na hindi pala lahat ng tao ay pare-pareho ng kwento. Lahat may uniqueness, lahat espesyal na i-sinulat para sa bawat tao dito sa mundo. Lahat may kanya-kanyang twist at ending. Paano kaya ang magiging kwento ng buhay pag-ibig ko? Mapupuno kaya ito ng kasiyahan o mapupuno ng kalungkutan?

Napailing na lamang ako sa aking mga iniisip, kaya naman nag-ayos na lamang ako ng pangpasok kasi marami pa akong kailangang tapusin para sa buwan na ito. Halos mag-dadalawang buwan din akong walang ginawa sa kompanya namin, kaya naisipan ko na dito na lamang ibuhos ang aking oras kesa mag-mukmok ako dito sa loob ng aking kwarto. Baka mabaliw lang ako sa kakaisip kay James.

Pagkadating na pagkadating ko ay sinalubong ako ng isang matamis na ngiti ng aking mga empleyado, dahil nga hindi ako napasok nung mga nakaraang buwan ay ganyan na lamang ang kanilang pag-bati saakin. Bago ako pumasok saaking silid, sinabihan ko muna ang aking sekretarya na ihatid lahat ng pending files nung mga nakaraang buwan.

Kasalukuyan 'kong sinusuri ang mga sales report na pinasa sa'kin ng marketing department ng makarinig ako ng katok come in, narinig ko naman ang yabag ng mga paa patungo saaking desktop ng mag-salita ito.

Ma'am, ito na po ang mga kailangan niyo pong pirmahan, nanjan na rin po ang ibang report ng bawat department nitong nakaraang buwan." tumango ito 

Please bring me a cup of tea." utos ko dito

Yes ma'am." tumalikod na ito at lumabas ng silid

Napasapo ang noo at sumandal ako sa swivel chair, I can't believe this, sobrang daming kailangan suriin. If I didn't just mix my personal problems with business, hindi sana ako tambak ng gawain.


3rd POV

Tanging buntong hininga na lamang ang ginawa ni Jessica at pinag patuloy ang kanyang mga gawain, sa sobrang abala ni Jessica sa mga gawain. Hindi niya na namalayan ng mag-aalas dose na ng hating gabi kaya naman minabuti niya na lang na tapusin ito bukas dahil masakit na rin ang kanyang ulo pati na rin ang kanyang balakang. Palabas na sana ito ng kanilang building, ng bigla ito nakaramdam ng pagkahilo. Hindi na lamang niya ito pinansin baka kasi dala lang ito ng pagod, kaya naman dire-diretso siya hangga't sa tuluyan na siya nawalan ng malay. 

Nataranta naman ang security guard ng makita si Jessica na natumba sa lapag kaya dali-dali siyang lumampit

Ma'am! Ma'am! Ma'am! Okay lang po ba kayo?! Nako paano na 'to, tulong! Tumawag po kayo ng ambulansya! Tulungan niyo po kami! Yung boss po namin nawalan ng malay!"  halos sunod-sunod na sigaw ng security guard dahil na rin sa sobrang taranta.


Nagising na lamang si Jessica sa hagulgol at init ng likido na tumutulo sakanyang kamay. Nakahawak ang ina nito sa kanyang kamay na para bang hinang-hina ito. Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto na kulay puti, pero nag-tataka pa rin kung bakit naiyak ang kanyang ina.

Umangat ang tingin ng kanyang ina ng maramdaman niya na gumalaw si Jessica

Mommy, nasaan po tayo?" tanong nito sa kanyang ina

Nasa ospital tayo anak, nawalan ka ng malay kagabi, tumawag saamin ang security guard at sinabi na isinugod ka daw niya sa ospital. Ano bang nangyari sa'yo anak? Kamusta na pakiramdam ng baby ko?" tanong ng ina nito, halatang-halata sa boses nito ang labis na pag-aalala. 

Pasensiya na mommy, pinag-alala ko pa kayo ni daddy." sagot nito 

Don't be sorry anak, normal na para samin ng daddy mo na mag-alala para sayo kasi anak ka namin. But please baby, take good care of yourself? Okay?" at hinalikan siya ng kanyang ina sa noo at niyakap.

Yes mommy." sagot ni Jessica

Maya-maya ay nakarinig sila ng katok kaya naman napalingon sila sa pumasok na si dr. Alvarez.

I'm sorry for disturbing you ma'am, but dumating na po ang lab results kaya po nandito ako." pag-papaliwanag ng binatang doktor 

Bigla na lamang nakaramdam ng kaba ang mag-ina sa sinabi ng binatang doktor kaya mas lalong hinigpitan ang hawak ng kanyang ina kay Jessica

Okay lang po ba anak ko dok?" tanong ng ina nito

Yes, she is perfectly fine. The reason why she passed out last night is due to over fatigue and in fact she is 1 month pregnant. Congratulations!" pag-babalita ng doktor, ngunit parang nakaramdam ata ito ng pagkailang kaya nag-paalam na ito na marami pang gagawin at tuluyan ng umalis ng silid.

Bigla na lamang naluha si Jessica sa narinig, hindi niya akalain na mag-bubunga ang isang gabi nila ni James. Paniguradong kahihiyan ito sa kanilang pamilya, kaya hindi niya napigilan na maging emosyonal. Pag katapos ng lahat ng ginawa ng kanyang mga magulang upang palakihin siya ng maayos, ito ang igaganti niya? Mas lalo siyang nakaramdam ng hiya, hindi niya kayang tignan ang kanyang ina dahil halata sa mukha nito ang gulat.

Anak, sino ang tatay ng dinadala mo?" mahinahong tanong sakanya ng kanyang ina

Momm--y" kinakabahan nitong sambit, tila bang naubusan si Jessica ng i-sasagot sa kanyang ina

Anak, please. Tell me, who's the father of my grandchild?" mahinahon na tanong ng ginang pero mararamdaman mo na ang galit sa tono ng boses nito

Si J-ames po" napayuko na lamang si Jessica dahil sa kahihiyan at hindi niya kayangg tignan ang kanyang ina. Pumikit si Jessica, pinag-dadasal na sana walang ganitong nangyayari.

Where is he?" tanong ng ginang sa dalaga

I don't know mom, nung huli naming pag-kikita ay dalawang buwan na ang nakalipas." pag-papaliwanag ni Jessica

Napahawak na lamang ang ginang sa kanyang ulo, bigla na lamang ito nakaramdam ng sakit sa ulo. She doesn't know how to deal with this, gustuhin niya mang pagalitan ang anak sa kapabayaan ay hindi nito magawa dahil nangyari na rin at nandito na. 

I'll call your dad right away, he needs to be here." yun lamang ang lumabas sa bibig ng ginang, hindi na rin nito alam ang gagawin sa anak kaya kailangan nito ang asawa sa tabi

Bigla namang napabangon si Jessica, nataranta siya. Not her dad, hindi siya handa. Hindi na nga nito kinakaya makita na ganito ang kanyang ina paano pa kaya kung nandito na ang kanyang ama?

Mom, please don't tell dad." pag mamakaawa nito sa kanyang ina

Pero hindi ito nakinig sa pag-mamakaawa ng kanyang anak, kaya naman dumoble ang kaba sa dibdib ni Jessica.

Tinawagan ng ginang ang kanyang asawa na kasalukuyang nasa Barcelona ngayon, matapos ang pag-uusap ng mag-asawa ay inayos na agad ng ginoo ang kanyang gamit para sa pag-babalik sa Pinas. Bukas na bukas rin ang dating ng ginoo, kaya naman nanatili na lamang ang ginang sa tabi ng anak para sa pag-dating ng asawa, naisip ng ginang na mas maganda kung silang dalawa ang mag-dedesisyon sa kung ano ang gagawin.

Dahil rin buntis ang anak nito ay minabuti na lamang ng ginang na pagpahingahin ang anak, para hindi ito ma-stress sa mga pangyayari ngayon. Dahil kung nasasaktan ang ginang, alam niyang mas nasasaktan ang anak sa pangyayari ngayon.

Kinabukasan....

Nakarinig ng kaluskos ang mag-ina kaya nagising sila, tulad ng inaasan, dumating nga ang padre de pamilya. Kaya naman nag-ayos ang mag-ina bago nag usap-usap ang pamilya.

Princess, kailangan panagutan ni James ang apo ko. Hindi maari na magiging ganito ang kapalaran mo, inalagaan ka namin ng iyong mommy, tapos ganito lang? Hindi ako makakapagayag" kahit mahina ang pag sabi ng ama, ay nandito pa rin ang mala-awtoridad ng tono sa boses nito. Alam ni Jessica na pag ganito na ang tono ng boses ng kanyang ama ay ibig sabihin, ito na ang huling desisyon nito at walang sino man ang makakapagpabago kaya tumango na lamang si Jessica. Wala siyang ibang paraan para takasan ito, paniguradong hindi magugustuhan ni James pag nalaman na ganito ang nangyari.


[AUTHOR'S NOTE]

Tulad po ng sabi ko sa unang kabanata, marami din akong binago dito sa kabanata 2. Dahil na rin po sa sobrang daming error at walang kabuhay-buhay ang pag-sulat ko noon. Kaya naman napag-desisyonan ko na ayusin ang istorya, pero wala pong mag-babago sa flow ng istorya. Sadyang may mga naidagdag na mga salita kaya mas rumami at mas maiintindihan. Kung dati maraming spaces, katulad na lamang ng puna ng iba ngayon wala na.

Kaya sobrang halaga ng bawat suggestion, comment at feedback niyo.

Maraming salamat sa iyong oras na pag-babasa dito

Continue Reading

You'll Also Like

165K 5.8K 53
The S's #5 Z
515K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
127K 2.8K 19
Dice and Madisson
1.9M 57.4K 13
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...