Chapter Two - I'm pregnant

8.3K 119 8
                                    

Anne's POV

Pag-kalipas ng dalawang buwan......

        Nakitingin sa bintana habang iniisip ang mga nangyari, dalawang buwan na pala ang lumilipas simula ng iwanan ako ni James, pagkatapos nang gabing iyon ay hindi na siya muling nag-paramdam pa. Siguro nagpakasal na sila ng kanyang nobya, siguro masaya na siya ngayon. Hahayaan ko na lang siya, siguro hindi talaga kami itinadhana. 

Bumalik ako sa aking ulirat ng makarinig ako ng katok

Anne anak, kumain ka na ba?" tanong ni mommy, habang papalapit sa'kin pwesto

Hindi pa po." nilingon ko si mommy at ngumiti ng bahagya

Anak, kumain ka na. You're getting thin, hindi ka na sexy sige ka." pag-bibiro ni mommy, she knows na ayaw 'kong tinatawag akong payat, gusto ko sexy lang. 

Opo mommy, tinatakot niyo na naman po ako." at natawa naman si mommy. 

Mommy and daddy's love story was my inspiration, I just want it to be like mine, where both people will do everything to fight for love. 

Everything happens when mommy fell in love with a ordinary employee, things were so complicated back then tulad ng kwento sa'kin ni mommy. Kasi unang-una, ang gusto ng aking mga lolo't lola ay galing sa isang mayamang pamilya ang mapapangasawa niya. Pero ayaw ni mommy kasi her heart belongs to daddy, she doesn't care kung hindi siya katulad nila. She's a strong believer of love, kaya naman nagawa niyang suwail ang utos nila lolo't lola. Kaya ang ginawa nila lolo't lola daw para matigil ang kahibangan ni mommy ay ipinadala siya sa Barcelona upang ilayo silang dalawa. Pero hindi dito nag-tapos ang kanilang pag-iibigan, ipinangako ni daddy sa kanyang sarili na makukuha niya rin ang loob ng aking mga lolo't lola. Nag-tayo si daddy ng sarili niyang kumpanya, at pinalago ng pinalago hangga't sa napantayan na niya ang pamilya nila mommy. Labis daw ang gulat nila lolo't lola dahil hindi nila aakalain na ang dati nila trabahador ay magiging isa sa mga well-known and successful businessman, labis daw natuwa si lolo dahil ginawa niya lamang daw ito kasi gusto niyang subukan si daddy kung hanggang saan niya daw ipag-lalaban si mommy. Akala niya tinigilan niya na daw si mommy, yun pala gumagawa na ito ng paraan para makuha ang basbas ng magulang ni mommy. Hindi nag-tagal ay nag pakasal din sila mommy, at dun na ako dumating sa eksena. 

Nandahil sa kwento ng buhay pag-ibig nila mommy, ay umaasa din ako na balang araw ay ganun din ang akin. Pero nang makilala ko si James, napagtanto ko na hindi pala lahat ng tao ay pare-pareho ng kwento. Lahat may uniqueness, lahat espesyal na i-sinulat para sa bawat tao dito sa mundo. Lahat may kanya-kanyang twist at ending. Paano kaya ang magiging kwento ng buhay pag-ibig ko? Mapupuno kaya ito ng kasiyahan o mapupuno ng kalungkutan?

Napailing na lamang ako sa aking mga iniisip, kaya naman nag-ayos na lamang ako ng pangpasok kasi marami pa akong kailangang tapusin para sa buwan na ito. Halos mag-dadalawang buwan din akong walang ginawa sa kompanya namin, kaya naisipan ko na dito na lamang ibuhos ang aking oras kesa mag-mukmok ako dito sa loob ng aking kwarto. Baka mabaliw lang ako sa kakaisip kay James.

Pagkadating na pagkadating ko ay sinalubong ako ng isang matamis na ngiti ng aking mga empleyado, dahil nga hindi ako napasok nung mga nakaraang buwan ay ganyan na lamang ang kanilang pag-bati saakin. Bago ako pumasok saaking silid, sinabihan ko muna ang aking sekretarya na ihatid lahat ng pending files nung mga nakaraang buwan.

Kasalukuyan 'kong sinusuri ang mga sales report na pinasa sa'kin ng marketing department ng makarinig ako ng katok come in, narinig ko naman ang yabag ng mga paa patungo saaking desktop ng mag-salita ito.

Ma'am, ito na po ang mga kailangan niyo pong pirmahan, nanjan na rin po ang ibang report ng bawat department nitong nakaraang buwan." tumango ito 

My Cold Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon