KathNiel: Back For You

By asdfghjklELA21

35.3K 656 62

Fate through time for the love they deserve. Kathryn lived a perfect life yet one day, she caught her boyfrie... More

BFY 1
BFY 2
BFY 3
Epilogue

Back For You

17.4K 133 12
By asdfghjklELA21

Back For You...

...she needed to do that so that she could be back for you, may babalikan pa kaya siya pagkatapos? 

Written by: Pamela Claudio  // All Rights Reserved 2013 

INTRODUCTION

“Kath! Please let me explain first.” 

Sinampal ko siya. Sobra niya akong sinaktan. I trusted him. 

“Nakita ko ang nakita ko, Daniel. And to think na maniniwala ako sa iyo? Ayoko na! I've had enough of this f-ckin relationship.” sabi ko sabay tinanggal ‘yung ring na binigay niya sa akin 'nung fourth anniversary namin.

“Ibigay mo nalang diyan sa babaeng kinama mo! We are freaking over! Happy fifth anniversary! Damn you! Magpakasaya kayo ng taong kinama mo! Ang lalandi niyo!” sabi ko sabay binato sa babaeng kinama niya 'yung ring at lumabas na ng condo unit niya. 

“Kath! Kath!” narinig kong tinawag niya ako kaya tumakbo ako. Tumakbo ako hanggang sa alam kong hindi niya na akong kayang habulin. 

Nang makalabas na ako ng condo, I sighed before I run again. Sinaktan niya ako. Hindi ko siya mapapatawad.

“Kath! Please, listen to me!” sigaw niya kaya tumakbo ulit ako patawid ng kalsada. 

“Kath! Please, I'm sorry! Hayaan mo muna ako mag-explain sa iyo ang lahat. Mahal na mahal talaga kita Kath. Je vais mourir si je dois trop. (I'll die if I have too.) narinig kong sinigaw niya kaya napalingon ako. 

Sh-t. May truck na papunta sa kanya. 

“NO! DJ!” sigaw ko sabay tumakbo papunta sa kanya at tinulak siya. 

  

“KATH!” nilapitan niya ako. Gusto kong tumayo, gustong gusto ko. Pero hinang-hina ako.

 Oo, nasagasaan ako. Hindi na kasi ako nakatakbo. Siguro, ito na ang oras ko. 

“D-DJ. I-I'm s-sorry.” sabi ko sa kanya. 

He hugged me sabay inayos ang buhok ko. 

“Shh. Kath, lumaban ka. Wag kang susuko. Mahal na mahal kita. Papakasalan pa kita diba? Magkakaanak at apo pa tayo, please naman Kath oh wag kang bibitaw! Je't aime, I love you. Don’t leave me.” niyugyog niya ako pero ayoko na. Gustong-gusto ko nang pumikit. 

“D-DJ. H-hindi k-ko na k-kaya. I’ll die but our love is endless. T-tandaan mo. M-Mahal kita and I'll come b-back for y-you.” hinalikan ko siya one last time sabay pumikit na ako.

 “Huy, Chandria! Umiiyak ka nanaman? Bawal 'yan dito diba?” nakakalokong tanong sa akin ng kaibigan kong si Quen. 

“A-ah, h-hindi. W-wala lang. Naaalala ko lang 'yung nangyari sa akin bago ako namatay.” sabi ko sabay nagpunas ng luha. 

“Sus. Ayan ka nanaman, 6 years na nakalipas? Hindi ka pa rin makaget-over? Ayaw mo ba dito? Wala kang pinoproblema. Hindi ka nagkakasakit.” tanong sa akin ni Quen.

Napatingin ako sa kanya at umiling. 

“G-gusto ko dito. P-pero s-si---” 

“Oo na. Paulit-ulit? Si DJ mo? Hindi ka pa nakakapag-sorry ng maayos sa kanya, hindi mo siya hinayaan mag-explain blablabla. Oo na, Chandria. Oo na. I heard that from you a bunch of times already.”

“Ang sakit na kasi Quen eh. Kahit limang minuto lang, basta makasama ko lang siya.” sabi ko at doon na muli magsimula magpatak mga luha ko. 

Lumevel siya sa akin at pinahid luha ko. 

“Alam mo, nasa langit na nga tayo. Makalimutin ka pa din? Parang napasama 'ata katawan mo dito ah? Baliw ka talaga. Eh ano pa nga ba ginagawa natin dito para makabalik sa mundo? Silly girl.” sabi niya sabay ginulo buhok ko. 

Napangiti nalang ako. Simula 'nung dumating kasi ako dito sa malaparaisong lugar, si Quen na ang lagi kong nakakasama. Siya na rin ang bestfriend ko dito. Malaparaisong lugar? Oo, sa langit. Nasa langit ako. Pero hindi ako sa langit ng mga tahimik na kaluluwa. Nandito kami sa langit ng mga kaluluwa na hindi pa handa mamatay. Kung baga, nandito kami para maghintay ng misyon na ibibigay sa amin para makabalik kami doon. Dito kasi, pag maghihintay ka matagal pa. Minsan, inaabot daw ng ilang buwan minsan pa nga taon. Meron kasing ibat-ibang misyon na kailangan namin gawin sa panahon na itatakda sa amin. 

“Maghintay ka lang Chandria, darating din 'yung panahon na makakabalik tayo doon.” inakbayan niya ako at nilagay ko nalang ang ulo ko sa balikat ko. 

Ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo. Isang babaeng nangangarap na makabalik sa mundong ibabaw. (wow, lalim.) Oo na. Simula rin kasi na dumating ako dito, puro malalalim na salita na ang mga natututunan ko rito. 

“Chandria! Quen!” narinig kong may tumatawag sa amin. 

Paglingon ko si Janella. Isa sa mga parang assistant ng Poong maykapal. Hindi ko alam kasi ang tawag sa mga katulad niya. Pero she’s one of the guardian angels.

“Chandria! Quen! Pinapatawag na kayo ng Poong Maykapal! Nakatakda na kayong dalawa ngayon para gawin ang misyon niyo!” excited na sabi ni Janella.

Napatingin kami ni Quen sabay ngumiti. 

“Talaga? Oh my gosh! Thank you!” sabi ko at naglakad na kami ni Quen papunta sa Poong Maykapal. 

Pumunta na kami sa Poong Maykapal, nadatnan nakita namin siya na nagsusulat. 

“Pinapatawag ko na kayo dahil ngayon na nakatakda ang inyong gagawing misyon.” sabi ng Poong Maykapal. 

“Enrique, ang gagawin mo ay bababa ka sa mundong ibabaw na ang magiging itsura mo ay isang dukha. Tutulungan mo maibalik ulit ang mabuting relasyon ng pamilya mo.”  sabi ng Poong Maykapal. 

“Opo, gagawin ko po.” sabi ni Quen.

“At ikaw Kathryn Chandria bababa ka rin sa mundong ibabaw, pero isa kang anghel. Hindi ka makikilala ng taong mahal mo pero siya lang ang makakakita sa'yo. Tutulungan mo siyang,  magmahal ulit.” sabi ng Poong Maykapal. 

Nakaramdam ako ng bigat ng pakiramdam at anytime soon, iiyak na ako. Bakit ito pa ang binigay sa aking misyon? Isa akong anghel. Isa akong anghel na tutulungan siyang magmahal muli. Ano ako, si cupid?

“Pag ginawa ko po 'yun, makakabalik na po ba ako sa mundong ibabaw nang isang tao? Yung dati ko pong katauhan?” tanong ko sa Poong Maykapal. 

“Oo. Pero pag hindi mo ito ginawa, sa langit ng mga tahimik na kaluluwa ka na talaga Kathryn Chandria kaya gawin mo ang lahat. Kung mahal mo talaga ang mahal mo, gagawin mo ang lahat para lang makasama mo siya. May hangganan kayong magkasama at makapatawaran pero ang pagmamahal niyo ay walang hangganan pero ito ay depende kung kayo nga talaga para sa isa’t-isa.” sabi niya kaya napakagat-labi ako. 

“Sige po. Gagawin ko po.” sabi ko at tumungo. 

“Mabuti. Sige, pwede na kayong bumaba sa mundong ibabaw.” sabi nang Poong Maykapal at biglang nagbukas ang malaking gate. 

“Salamat po Poong Maykapal.” sabay na sabi namin ni Quen at pumasok na kami sa malaking gate. 


Pagmulat ko, nagulat ako at nasa sementeryo ako. Nasa harap pala ako ng puntod ko. 

                     RIP

Kathryn Chandria M. Bernardo

      March 26 - April 19 


Napaluha nalang ako sa nakita ko. Hindi ko kaya. Bakit ganito ang binigay sa aking misyon? Ang tulungan si DJ na magmahal ng iba? 

Tinignan ko ang sarili ko sa may lake, katabi lang din halos ng puntod ko ang lake. Pagtingin ko sa sarili ko, nakaputi akong damit at straight lang ang buhok ko. Siguro ito 'yung ayos ko noong nasa kabaong ako. May pakpak din ako sa likod pero hindi ako marunong lumipad. Anghel ako. Anghel ng pag-ibig.

*Beep Beep* 

Nakarinig ako ng busina at parang familiar ang businang iyun. Paglingon ko, I was astonished. Kotse ni Dj. Nagpark 'yung kotse at naunang bumaba si, Mama. Ang mama ko.

Mama, namiss na kita. Gustong-gusto kita yakapin ngayon kaso hindi pwede. Hindi pa pwede. Miss na miss na kita. 

Bumaba na rin si DJ sa kotse at nilock ang kotse. Naglakad na sila patungo sa puntod ko. 

Napansin kong palingon-lingon si DJ. Parang may hinahanap. Actually, nasa tabi ko na nga lang siya eh. Bakit hindi niya ako makita? Eh diba sabi ng Poong Maykapal, siya lang ang makakakita sa akin? Ah ba ka siguro, pag mag-isa lang siya. Kasi diba? Ba ka magmukhang baliw si DJ 'nun.

Nakarinig ako ng hikbi, pagtingin ko si Mama umiiyak pala. 

“Alam mo DJ anak, mahal na mahal ka talaga niya. Kahit buhay niya, sinakripisyo niya para sa iyo.” sabi ni Mama sabay nagbuntong-hininga si DJ. 

Ibang-iba na si DJ ngayon. Hindi na siya tulad dati. Mas lalo siyang nagmukhang maangas pero gumwapo siya. Nakajacket siya ngayon na leather at nakashades. Mas lalong naging hot ang boyfriend ko--ay ex pala. Saklap. Kung siguro nandito ako ngayon, lagi ko itong kayakap. Hormones ko kasi eh. Parang ang sarap irape si DJ. Hindi loko lang. Ang bipolar ko. 

“Tita, sorry po talaga, kung hindi po dahil sa akin---” 

“No anak, naiintindihan kita. I mean, if I was Kath I would sacrifice myself just for the one I love.” sabi ni Mama kaya napaluha ako. 

“Bakit hindi mo masubukan magmahal ulit? It's been 6 years na rin DJ.” tanong ni Mama kay DJ. 

Napatingin si DJ kay Mama kahit ako napatingin na din kahit hindi niya ako nakikita. 

“Tita. h-hindi ko po kaya. Mahal ko po si Kath. Sabi niya, babalikan niya ako. Kaya ito ako, handang-handa ko na ang sarili ko kung ano man ang mangyari sa akin. Basta kasama ko si Kath, masaya na ako.” sabi ni DJ kaya napaiyak na ako. 

Nandito ako ngayon, Dj. Nagbabalik muli para sa iyo.  

“Alam mo, lahat kami nakamove-on na sa pagkamatay ni Kath. Ikaw nalang DJ ang hindi. Kailan ba muli bubukas ang puso mo? Marami pa diyan iba DJ, wala na si Kath. Kailangan mo na ring lumigaya. She already gone.”

“Tita, mahal na mahal ko po talaga si Kath. Nangako po ako sa Diyos na siya lang ang mahal at mamahalin ko. Hindi ko po sisirain ang pangako ko. Si Kath lang po, siya lang. Kahit tumanda lang ako mag-isa, okay lang sa akin. Kahit ilan taon ako maghintay basta gusto ko lang ang makasama si Kath. Wala na akong pakielam sa mga ibang babae diyan. Umaasa pa rin ako sa taong, patay na.” 

DJ, may karapatan ka pa ring lumigaya. Pero mas masasaktan ako pag nakikita kang, may iba ka nang mahal. Ako lang diba? Ako lang sabi mo? Selfish na kung selfish. Babalikan pa kita DJ diba?

“Ang tigas pa rin talaga ng ulo mo DJ. Hay, tara na nga. Mukhang uulan na 'ata eh.” sabi ni Mama sabay tumingin sa ulap. 

“Kath anak, alis na kami ha? Bantayan mo kami lagi ha? I love you anak. Remember that.” sabi ni Mama. 

Always Mama, mahal na mahal ko po rin kayo. 

“Tita, mauna na po kayo sa kotse. Susunod po ako.” sabi ni DJ sabay tumango si Mama at naglakad na.

Nagtago muna ako sa ilalim ng puno. Ba ka kasi makita niya ako, hindi pa ako handa eh. 

Baba ko, miss na miss na kita. Kailan mo ba ako susunduin ah? Atat na ako masyado eh.” sabi ni DJ sabay tumawa ng mahina. 

 Baba. Potpot. Nakakamiss din pala ang tawagan namin.

Kung pwede lang DJ, kung pwede lang. 

“Alam mo, muntikan na akong magsuicide nang dahil sa'yo. Nakakabwiset, ang daming epal at hadlang. Susunod na dapat ako sa'yo eh.” reklamo ni DJ sabay kamot ng ulo. 

Dahil doon ay medyo natawa ako but at the same time ay nainis ako. Muntikan na siyang magpakamatay, dahil sa akin.

“Sige na, bukas na ulit kita babalikan. Kung pwede lang, dito na ako tumira eh. Ba ka kasi multuhin mo ako. Mas takot pa naman ako sa'yo. Loko lang. Bye, Baba ko. I’ll always and forever be loving you.” sabi niya at naglakad na papaalis ng puntod ko.

Humagulgol na ako, ang sakit kasi e. Bakit pa kasi ako napunta sa puntong ito? Ang tanga mo kasi Kath eh, kung hindi mo lang pinagexplain si DJ. Siguro, kasal na kayo at may mga anak na kayo. Nagkatotoo na siguro 'yung dreams niyo. Pero hindi eh, umiral kasi ang pride mo.

Tumakbo na ako at sumakay sa kotse ni DJ. Kailangan ko na gawin itong misyong ito. Kahit wala na akong saysay na bumalik pa dito, pero para sa'yo DJ. Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka. Mahal kasi kita.

Mahal na mahal.

**

Warning: This story is part of my imaginative creations only. No one or nobody should copy my story without my permission or my consent. Any person or animal living or dead have any relate to this story, well it’s only a coincidence.

Continue Reading

You'll Also Like

111K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]