The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

48: Her Answer

3.3M 79.3K 48K
By blue_maiden

CANDICE

Panaginip lang 'to, 'di ba? Hindi naman 'to totoo, 'di ba? Kaso totoo, e. Totoo lahat ng nangyayari ngayon. Damang-dama ko, e.

Teka nga, ano nga ulit ang nangyayari?

Sinabi bi Jeydon na gusto niya ako. Ibig sabihin, ako 'yong gusto ni Jeydon? Ako 'yong sinasabi niya noon pa lang sa Tagaytay na babaeng gusto niya. Kaso tama ba ako? Si Jeydon?

Si Jeydon na walang alam kundi asarin at inisin ako. Si Jeydon na hari ng school. Si Jeydon na habulin ng mga babae. Si Jeydon na gwapo at mayaman. Si Jeydon na 'yong mga tipo ay hot, sexy chicks. Si Jeydon...

"Candice..."

Nakayakap pa rin siya sa 'kin. Sa totoo lang, bumilis 'yong tibok ng puso ko noong niyakap niya ako. Feeling ko, nag-slow-motion na naman 'yong mundo ko, e. Pakiramdam ko, kaming dalawa lang 'yong tao roon. Kada magkalapit kaming dalawa, palaging ganoon 'yong nararamdaman ko. Kagaya lang noong nag-kiss kami sa may secret house.

"Gusto mo ako? Ako? Pero bakit—"

Nalito ako, naguluhan. Maniniwala ba ako sa kanya? O baka naman pinagti-trip-an niya lang ako? Siguro iinisin na naman niya ako. O baka naman lasing lang siya kaya kung anu-anong nasabi niya?

Bumitiw na siya sa pagkakayakap niya sa 'kin. Hays, buti naman. Mawawalan na ako ng hangin, e. Kaso tinitigan niya naman ako sa mata. 'Yong mga tingin niya, mukhang seryoso siya. Mukhang totoo talaga lahat ng sinabi niya.

"Oo, ikaw. Gusto kita, Candice."

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Lasing ka ba? Pinagti-trip-an mo na naman ako, 'no?" Umiwas ako ng tingin sa kanya, parang nailang kasi ako, e. Hinawakan niya nang mahigpit 'yong kamay ko.

"Seryoso ako, gusto kita."

Gusto nga niya talaga ako. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Sa tingin pa lang niya, halatang seryoso nga talaga siya. Gusto nga ako ni Jeydon. Bakit hindi ko man lang napansin? Gano'n ba ako kamanhid?

"Bakit ako? Marami namang babae riyan, e."

"Sabibin na lang nating maraming isda sa dagat, pero para sa 'kin, ikaw 'yong Nemo ko." Ngumiti siya sa 'kin.

Waaaah! Ano bang sinasabi niya? Ano raw 'yon? Ako 'yong Nemo niya? Ano ako, isda? Pero feeling ko, namula 'yong pisngi ko. Kinilig ba ako sa sinabi niya? Noon ko pa lang nakita 'yong side ni Jeydon na ganoon.

"Ano, wala ka man lang sasabihin? Tss, pinapahiya mo na naman ako." Umiwas siya ng tingin. Feeling ko, nahiya siya. E, ano naman ba kasing sasabihin ko? Nagulat kasi ako sa sinabi niya. Kahit kailan, hindi ko naisip na magkakagusto siya sa 'kin. Huhu! Ano bang sasabihin ko kasi? Ano bang dapat kong sabihin?

"Uhm... ano... kasi... nakakagulat ka naman, e. Kasi, kung totoong gusto mo talaga ako, bakit hindi ko man lang napansin?"

"Paano mo mapapansing gusto kita kung lahat ng atensyon mo, nakay Marky?"

Ouch. Natamaan ako ro'n. Gano'n na nga ba talaga ako kamanhid? Lahat nga ba ng atensyon ko, nakay Marky kaya hindi ko man lang napansing may gusto na pala sa 'kin si Jeydon? E, sino ba kasing baliw 'yong makakaisip na magkakagusto siya sa 'kin? Hindi naman ako 'yong type niya. Ano nang gagawin ko?

"Sorry..."

'Yon na lang ang kaya kong sabihin, e. Alangan namang sabihin kong, Oo, Jeydon, gusto rin kita. Alam kong hindi ko naman siya gusto, e. Kaso kapag tinatanong ko sa sarili ko kung gusto ko siya, hindi ko diretsong masabing hindi. Hindi tuloy ako sigurado. Hindi ko alam kung gusto ko siya o hindi.

Tiningnan na naman niya ako. Ano ba, Jeydon? Matutunaw na ako sa mga tingin mo!

"Posible bang magustuhan mo rin ako?"

Posible nga ba? Posible bang magkagusto ako sa kanya? Posible bang magustuhan ko si Jeydon? Kaso naisip ko si Marky. Paano siya? Siya 'yong gusto ko. Siya 'yon, 'di ba? Si Marky, sigurado akong gusto ko siya pero si Jeydon, hindi.

bang nangyayari sa 'kin? Ano bang gagawin ko? Gusto ko ba silang dalawa? Naalala ko bigla 'yong sinabi sa 'kin ni Marky.

"So I'm unofficially yours, and you're unofficially mine. Okay?"

Oo nga pala, may usapan na kami ni Marky. Ano ba kasi 'tong ginagawa ko? Si Marky 'yong gusto ko, hindi si Jeydon. Si Marky.

"Jeydon, kasi si Marky..."

"Si Marky 'yong gusto mo."

"Oo, pero..."

Tumalikod siya sa 'kin. "Si Marky 'yong gusto mo, hindi ako. Alam ko na naman 'yon, e. Alam ko na pero umasa pa rin ako. Look how stupid I am. Nakakatawa ako."

Alam mo 'yong tumatawa nang pilit? 'Yong parang naiiyak sa galit. 'Yong parang nasasaktan. Si Jeydon 'yon noong oras na 'yon. Hindi ko alam kung naaawa ako sa kanya o natatakot.

"Jeydon, sorry..."

"Huwag kang humingi ng sorry. Hindi mo kasalanang siya 'yong gusto mo, hindi ako."

Tumingin na naman siya sa 'kin. Nakita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya kahit na nakangiti siya sa 'kin. Hindi ko alam pero parang nasasaktan din ako na makita siyang ganoon... na makita siyang nasasaktan. Oo, gusto ko si Marky, pero hindi ko alam kung hindi nga ba talaga kita gusto kasi hindi ko 'yon masabi sa sarili ko. Nalilito ako...

"Kung pwede nga lang sana, ako na lang siya para ako 'yong gusto mo... Sana ako na lang siya, sana ako na lang 'yong gusto mo."

Bakit, Jeydon? Ganyan mo ba talaga ako kagusto? Bakit ako pa? Bakit sa lahat ng babae, ako pa 'yong nagustuhan mo?

"Huwag, hindi mo kailangang gawin 'yan. Jeydon, huwag na ako... iba na lang. Iba na lang 'yong gustuhin mo."

Nakita ko 'yong galit sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng takot.

"Tangina, sana nga iba na lang, e! Sana iba na lang 'yong gusto ko! Akala mo ba, madaling mabalewala? Akala mo ba, madaling magpakatanga nang ganito? Hindi, Candice! Kaso lahat 'yon tiniis ko para sa 'yo tapos ngayon, sasabihin mo na iba na lang 'yong gustuhin ko? Pucha naman, Candice, e!"

Napayuko ako sa takot. Alam kong galit siya, sino bang hindi? Ang sama-sama ko. Ang manhid-manhid ko. Ang tanga-tanga ko. Hindi ko napigilang maiyak.

"Sorry, hindi kita gustong sigawan."

"Sorry, Jeydon. Kahit alam kong walang magagawa 'yong sorry ko, sorry pa rin. Sorry kasi nasasaktan kita. Sorry kasi ang manhid ko. Sorry..."

Hinawakan niya 'yong mukha ko. Pinunasan niya 'yong mga luhang pumatak galing sa mga mata ko.

"Huwag kang umiyak, ayokong nakikita kang umiiyak." Niyakap na na naman niya ako. Hindi ko napigilang yakapin din si Jeydon. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Alam mo bang sinaktan mo na naman ako?"

Ewan ko kung bakit pero nasaktan ako sa lahat ng sinabi ni Jeydon. Gano'n ba ako kasama? Bakit kasi ako pa? Ako pa 'yong nagustuhan niya? Wala naman akong kwenta, e! Hindi ko pa rin napigilang maiyak.

"Jeydon, sorry.. Ayokong saktan ka... hindi ko alam na mangyayari 'to. Hindi ko naman alam na—"

"Shh... tama na, kalimutan mo na lang 'yong sinabi ko sa 'yo."

Hinarap niya na ako sa kanya. Kitang-kita ko 'yong luhang galing sa mga mata niya. Jeydon, huwag kang umiyak, nasasaktan ako. Huwag kang umiyak para lang sa 'kin.

"Kakalimutan na lang kita, kalimutan mo na lang din ako."

Pagkasabi niya no'n sa 'kin tumalikod siya. 'Yong likod na lang niya 'yong nakita ko. Naglakad na siya palayo sa 'kin. Palayo nang palayo.

Hindi ko pa rin napigilan 'yong luha ko. Napahawak na lang ako sa puso ko. Bakit ganito 'yong nararamdaman ko?

Nasasaktan ako.

Alam kong gusto ko si Marky pero hindi ko masabi kung gusto ko rin si Jeydon. Ano nga ba para sa 'kin si Jeydon?

Siya 'yong lalaking palaging nang-iinis sa 'kin. 'Yong palaging nang-aasar. 'Yong lalaking nandiyan kapag kailangan ko ng tulong. Siya 'yong lalaking komportable akong kasama. Siya 'yong lalaking nakapagparanas sa 'kin ng slow-motion. Kapag kasama ko siya, nailalabas ko 'yong kung ano ba talaga ako. Kapag kasama ko siya, naaasar ako pero at the same time, natutuwa ako.

Gusto ko na rin ba siya?

Kung ano pa man 'yong sagot do'n, wala na yata 'yong magagawa. Dahil kagaya ng sabi niya...

Kakalimutan na niya ako.

***

"Candice!"

"Candice!"

"Kapag hindi ka pa bumangon diyan, bubuhusan kita ng tubig! Mainit na tubig!"

Napaupo agad ako. "Kuya naman! Inaantok pa ako!" Nasa harap siya ng kama ko at ang sama ng tingin sa 'kin.

"Uminom ka ba kagabi, ha? Bakit antok na antok ka? Anong oras na? Kapag hindi ka pa bumangon diyan, humanda ka sa 'kin!"

"Pero, Kuya, antok pa ako!"

"Get up. Araso?!"

"Aish! Huhu, antok pa ako." Wala na lang din akong nagawa. Bumangon na ako kahit na sobrang hinahatak pa ulit ako ng kama ko pabalik.

Hindi naman ako lasing, e. Isang baso lang ang nainom ko pero pakiramdam ko, lasing ako. Dalawang oras pa lang kasi 'yong tulog ko. Hindi kasi mawala sa isip ko 'yong nangyari kagabi. 'Yong sinabi sa 'kin ni Jeydon na gusto niya ako.

Pagkatapos umalis ni Jeydon, nakita ako ni Marky sa labas kaya dinala niya ulit ako sa loob. Hinintay namin si Jeydon na bumalik pero hindi na namin siya nakita. Umuwi na rin kami after one hour. Hinatid ako ni Marky pauwi. Tinanong niya ako kung bakit wala ako sa sarili ko tsaka bakit parang umiyak ako, pero hindi na lang ako nagsalita.

Kinabahan akong makita si Jeydon.

Ang lamig ng tubig. Para akong nakatangang nakababad sa shower. Amp! Pinagmamadali nga pala ako ni Kuya. Nawawala ako sa sarili ko kapag naiisip ko siya.

Nagmadali na ako. Lagot na naman ako kay Kuya Charles, e.

"Good morning, anak, puyat ka, ah. Mukhang nag-enjoy ka kagabi?"

"Ah, opo."

"Hoy, Manang, bilisan mo riyan. Ayokong ma-late."

Tss, palagi ka kayang late! Ewan ko sa 'yo Kuya.

"Mauna ka na kung gusto mo, Charles. Nandiyan na si Marky sa labas para sunduin si Candice." Muntik ko nang maibuga 'yong kinakain ko. Oo nga pala, palagi na niya akong susunduin.

"Ano?! Bakit nanliligaw ba sa 'yo si Marky?"

Hala, ito na nga ba ang kinakatakot ko, e. Mama naman kasi, e, sinabi pa.

"Uhm... ano..."

"E, ano kung manligaw si Marky? Pinapayagan ko naman siya, e. Isa pa, mabait na bata si Marky kaya I don't see anything wrong with that. Right, Yaya?"

"Yes, Ma'am, bagay naman sila ni Candice, e."

Naku po, nagsama pa silang dalawa. Tiningnan ko 'yong reaksyon ni Kuya, hindi maipinta 'yong mukha.

"Ah, basta! Hindi siya pwedeng mag-boyfriend. Hindi pa pwede hangga't hindi siya nagde-debut." Kinuha niya 'yong bag niya tapos umalis na siya.

Tiningnan ko 'yong relo ko, patay kang bata ka. 7:15 na, e. Kumusta namang 7:30 ang pasok ko? Waaah, made-dention ako niyan, e. Inubos ko na agad 'yong pagkain ko tsaka ako nagpaalam kina Mama. Naghihintay pa pala sa 'kin si Marky. Pambihira talaga, nakakahiya naman. Pati tuloy si Marky male-late nito, e.

"Sorry, late na naman akong nagising."

"Okay lang, siguro tinamaan ka ro'n sa tequila. Hindi ka pa nga sanay. Okay ka na ba?"

"Ha? Bakit nagkasakit ba ako?"

Pinisil naman niya 'yong pisngi ko. "Pilosopo ka rin, e, 'no? Wala ka kasi sa sarili mo kagabi pa kaya baka may nangyari."

Nangyari? Oo, marami... "Wala 'yon. Tara na, baka ma-late na talaga tayo."

Ngumiti siya sa 'kin tapos pinaandar na niya 'yong kotse. Ang bilis talaga niyang magpatakbo ng kotse.

Papasok pa lang kaming dalawa, nakahawak na naman si Marky sa kamay ko. Hobby na ba niya 'yan? Lahat tuloy, napatingin sa 'ming dalawa tapos nagbulungan pa.

Bigla naman naming nakita si Jeydon.

Nakatingin lang siya sa 'min tapos napatingin siya sa kamay namin ni Marky. Kinabahan ako bigla. Lumapit si Marky sa kanya at dahil magkahawak kami pati ako napalapit.

"Hoy, Jaydee! Umalis ka kaagad kagabi, ah."

"Inaantok na ako, e. Sige, una na ako." Hindi man lang siya tumingin sa 'kin. Tapos ang cold pa ng dating niya. Parang wala siyang kahit anong emosyon.

"May alam ka ba kung bakit gano'n si Jeydon?"

"Ha? Wala, e." Hindi ako makatingin kay Marky kasi may alam naman talaga ako.

"Hmm... ano kayang problema no'n? Tsk. Tara, hatid na kita sa room mo."

Dumiretso na kami sa room ko na magkahawak pa rin 'yong mga kamay namin. Misteryoso si Jeydon. Ang hirap niyang basahin pero halatang iba na siya. Ibang-iba siya kesa dati.

"See you later."

"Okay. Thanks, Marky."

Pagpasok ko sa loob, buti na lang talaga wala pa si Miss Farrah. Tumabi agad ako kay Margot sa likod. Sakto namang dumating na rin si Miss Farrah.

Habang nagtuturo siya, wala ako sa sarili ko. Naiisip ko pa rin kasi si Jeydon. Nakakapanibago siya kanina. Kasalanan ko naman 'yon, e. Nasaktan ko siya. Ano pa nga bang aasahan ko? Malamang kinamumuhian na niya ako. Nalilito pa rin ako, gusto kong malaman kung wala ba talaga akong gusto sa kanya o in denial lang ako kasi alam kong gusto ko si Marky.

Last subject na bago mag-lunch.

"Candice, okay ka lang?" Pati yata si Margot napansing wala ako sa sarili ko.

"Hindi ko alam, e. Hays." Pinatong ko na lang 'yong ulo ko sa desk. Mababaliw na yata ako.

"May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa 'kin."

Inangat ko ulit 'yong ulo ko. "Margot, paano mo ba masasabi na gusto mo 'yong isang tao?"

Ngumiti siya sa 'kin. "Kung sino man 'yong iniisip mo ngayon, gusto mo siya."

Hala? Paano naman niya nalamang may iniisip akong tao? Alam din ba niyang iniisip ko si Jeydon?

"'Di nga?"

"Kapag palagi mo siyang naiisip, isa lang ibig sabihin no'n. Gusto mo siya. Bakit mo naman siya iisipin kung hindi mo siya gusto. Bakit sino ba siya?" Nakangiti na naman siya sa 'kin.

"Ha? Wala. Ah... wala 'to."

Buti na lang dumating na 'yong teacher namin kaya hindi na ako inusisa ni Margot. May punto naman siya ro'n, e. Pero kaya ko lang naman iniisip si Jeydon kasi sa mga sinabi niya sa 'kin kagabi. Ang pinagtataka ko lang, bakit parang mas malakas 'yong impact sa 'kin no'ng pagtatapat ni Jeydon kesa 'yong kay Marky? Kasi naman, e, kung hindi ko inakalang magkakagusto sa 'kin si Marky, lalong hindi ko inakalang magkakagusto sa 'kin si Jeydon. Not even in my wildest dreams. Hays.

"Candice, huwag mong isipin 'yon, mahal ka no'n."

"Ha?" Ay, bakit kami na lang ni Margot ang tao sa room?

"Kanina ka pa tulala tsaka wala sa sarili mo. Hindi ka pa rin ba tapos isipin 'yong taong 'yon?" Ngumiti siya sa 'kin na parang nang-aasar pa. Hala! Si Margot ba 'yan?

"Alam mo, nahahawa ka na kay Ginno. Huwag mo nga akong asarin diyan sa mga ngiti mo. Wala lang 'to. Gutom lang siguro."

"Kumain ka na. Sabay kami ngayon ni Ginno kaya hindi kita masasamahan."

"Okay lang. Sige na, pumunta ka na sa boyfriend mo. Lakas mong maka-love life, e, 'no?"

"Tingnan mo 'to. Ikaw naman ang nang-aasar ngayon." Nag-blush pa siya. Ganyan ba kapag in love?

"Sige na, sige na."

Pupunta na lang ako ng Music Hall. Paniguradong nandoon na si Marky. Pambihira, feeling ko, buong araw akong ganito, wala sa sarili. Kasi naman, e.

"Ouch!"

Pagtingin ko sa nakabangga sa 'kin, bumilis 'yong tibok ng puso ko...

"Ah, sorry, Jeydon."

Hindi siya nagsalita, napatingin lang siya sa 'kin saglit tapos umalis na siya. Tumalikod ako para makita ko siya, naglalakad na siya palayo sa 'kin.

"Jeydon, teka lang!"

Huminto siya saglit pero naglakad ulit siya. Amp! Hindi na ba talaga niya ako papansinin? Totoo ba talagang kakalimutan na niya ako. Alam kong nasaktan ko siya pero unfair naman yata 'yong ginagawa niya. Magkaibigan pa rin naman kami, 'di ba? Hays.

Hinabol ko siya, hinawakan ko 'yong braso niya tsaka ko siya hinarap sa 'kin.

"Seryoso ka ba talagang kakalimutan mo na ako? Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan, 'di ba? Pwede mo pa rin akong asarin! Kalimutan na lang natin 'yong nangyari kagabi."

Nakatingin lang siya sa 'kin. Walang siyang emosyon. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Ibang-iba na siya.

"Sorry na. Pwede bang pansinin mo naman ako? Sige ka, mami-miss mo rin akong asarin. Huy, Doraemon!"

Inalis niya 'yong pagkakahawak ko sa kamay niya tapos tumalikod siya sa 'kin.

"Pwede ba, layuan mo na ako?"

Natulala ako sa sinabi niya. Layuan ko siya? Gano'n ba talaga 'yong galit niya sa 'kin? Unti-unti na siyang naglakad palayo sa 'kin.

"Bahala ka, mami-miss mo rin akong asarin. Yah, Jeydon, bakit ka ganyan? Kasalanan ko bang gusto ko si Marky? Tsaka sinabi ko na bang hindi kita gusto? Stupid cat."

Hindi ko alam kung bakit ako naiyak. Nasaktan ako.

Kung gusto niyang layuan ko siya, e di, sige. 'Yon naman ang gusto niya, 'di ba? Tsaka ano naman kung lalayuan ko na siya? Madali lang naman 'yon, e. Madali lang naman, 'di ba?

Isa pa, ako naman ang may gusto noon, 'di ba? Ako 'yong nagsabing huwag niya akong gustuhin. Ako 'yong nagsabing sa iba na lang siya magkagusto. Tapos ngayon...

Para akong tanga, kasi nasasaktan ako.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
8.2K 108 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
644K 14.2K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.5K 65 30
Sagedalle Series #1 "When the great ruler of all Is born along side two more Excellency and treachery will fall One kingdom shall rise, and one shall...