"Happy new year!!" Sabay sabay naming sigaw magpipinsan at tumalon.
"'Wag paasa punyeta patangkadin mo ko!!" Tumatalon na sabi ni Ley kaya tumawa kami.
Nagring ang phone ko kaya napatingin ako. At nakita kong si Blake ang tumatawag.
"Hi baby! Happy new year!" Masaya kong bati.
[Happy new year din, baby.]
Ngumiti ako at umupo muna. "So, what's up?"
[Wala naman. You're with your cousins?]
Tumango ako kahit alam kong hindi niya naman makikita. "Yup, you?"
[Yeah, anyway, take care okay? Magpapakasal pa tayo soon. Hindi pwedeng mabawasan daliri mo.]
"Ay sus, yes boss." Sabi ko at kinagat ko ang labi ko.
[Happy new year again, baby. It's 2016. I love you.. I'll see you soon. I'm gonna hang up now.]
"Okay. I love you too." Sabi ko at tinago ang phone ko sa bulsa ko.
**
After my birthday and new year, I thought everything's fine. Akala ko wala ng problema. Akala ko ayos na. Pero nagkamali ako.
It's been 4 straight days simula ng huling tawag niya. Wala akong balita sakaniya. Sinubukan ko ding pumunta sakanila pero wala siya.
What the heck is going on?
"Wala pa din?" Tanong sakin nila Ian.
Nandito sila dahil tinawagan ko sila. I'm worried about that guy so damn much.
"Wala e. Sure ba kayong wala kayong balita sakaniya?"
Tumango sila sakin na halatang siguradong wala silang balita.
"Ang akala nga namin magkaaway kayo. Baka cool off ganun." Kinah.
"Mas mabuti ngang ganun e. Pero yung ganto na wala talaga?" Bumuntong hininga ako at pinaglaruan ang keychain ko.
"Ano nanaman bang nangyayari diyan sa kaibigan niyo?" Tanong ni Ate Love kila John.
Nagkibit balikat silang mga lalake at umupo. Gusto ko ng maiyak. Wala akong maisip na rason para hindi niya ko tawagan o itext manlang.
Tinignan ko kung online siya sa facebook pero hindi. 6pm na din. Kanina pa ang barkada dito.
"Guys, salamat. Pero 6pm na oh, kanina pa kayo nandito. Baka naiinip na kayo."
Umiling sila at binatukan naman ako ni Ericka na nasa tabi ko.
"Baliw. Damayan nga eh diba?"
"Iniisip ko lang naman kayo. Masiyado kasi akong dumedepende minsan sainyo. Kaya minsan hindi ko iniisip na baka may ginagawa o may date kayo."
"Hay nako. Hindi ka pa ba sanay? Lagi naman nating ginagawa yun kung may problema ang isa. Maudlot man ang date, marami pa namang araw para gawin ulit yun." Ara.
Bumuntong hininga ako at ngumiti ng tipid sakanila. "Thank you guys."
Nagthumbs up sila sakin at lumipas pa ang ilang minuto. 30 minutes siguro ang lumipas ng napagdesisyunan kong pauwiin na sila.
"Guys, uwi na kayo. Salamat sa tulong niyo." Sabi ko sakanila at tumayo.
Tumayo din sila at nilapitan ako ni Ethan.
"Sure ka ba?"
Tumango ako at ngumiti sakanila. "Oo naman. Tsaka ayos lang ako."
"Walang halong biro 'yan ah?" Tanong sakin ng mga lalake.
"Oo nga. Para kayong sira. Sige na." Sabi ko sakanila at lumabas na ako.
Sumunod din naman sila sakin. Paglabas namin ay tinignan muna nila ako gamit ang nagaalalang mata.
"Sure ka talaga?" Pangungulit na tanong nila sakin.
Tumawa ako sa kakulitan nila. "Oo nga. Sumakay na nga kayo." Pagtataboy ko sakanila.
"Grabe, pagkatapos ka namin samahan ng ilang oras tataboy mo kami?" Nakangusong sabi ni Ian.
"Sorry na."
"Hindi ka naman namin natitiis e. Sige na, alis na kami. Text mo kami ha? Balitaan mo din kami kung tinext kana ni Blake." Paalala nila sakin.
Tumango ako at ngumiti sakanila. "I will. Ingat kayo." Paalam ko at kumaway na sakanila.
Sinundan ko ng tingin ang mga sasakyan nila hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Pumasok na ako at umakyat ulit sa kwarto ko.
"Umalis na sila?" Humihikab na tanong ni Vanessa sakin.
"Oo. Pinauwi ko na."
Umupo siya sa tabi ko habang ako naghahanap ng channel na magandang panoorin.
"Nagtext na ba siya sayo?" Umiling ako. "Babalik na tayo sa isang araw, hindi pa din siya nagtetext? Ano bang problema ng lalaking yun?"
Nagkibit balikat ako sa tanong niya. Kahit naman ako hindi ko alam.
Nanahimik na din siya at nanood na lang. Wala si Lexis at Tita, nagmall silang dalawa para daw pagbalik sa Georgia may pasalubong sila.
"Vanessa, Kylie, kain na." Katok samin ni Manang kaya tumayo na ako at sinara na ang TV.
Bumaba na kami at nadatnan namin sila Tita dun. Nakauwi na pala sila. Dumiretso siguro sila dito baka umakyat. Halatang kakauwi lang din ni Daddy dahil naka necktie pa siya.
"Hi, Dad!" Bati namin kay Daddy at nagmano. Ganun din kay Tita.
Umupo na kami sa upuan namin at nagsimula ng kumain. Nagusap sila tungkol sa pagbalik namin sa Georgia.
Uminom na ko ng tubig at tumayo.
"Tapos na ko, Dad. Akyat na po muna ako sa kwarto." Nawawalang gana kong sabi.
Umupo lang ako sa tapat ng laptop ko at tinitigan iyong wallpaper nun. Kami ni Blake.
Bumuntong hininga ako at humiga na. Nakakainis! Tinitigan ko ang cellphone ko at wala pa din siyang text.
Nanood na lang ako sa youtube ng pwedeng panoorin. Patapos na sana ang pinapanood ko ng may nagappear sa taas ng screen ko.
Baby ❤
'Yun ang nakalagay kaya kahit natutuwa ako sa pinapanood ko ay viniew ko agad iyon.
- Baby, nandito ako sa park ng subdivision niyo. Can we meet?
Tinignan ko ang oras at alas dyis na ng gabi. Hindi ako nagdalawang isip na tumayo at kinuha ang jacket ni Blake sa walk in ko.
Nilagay ko sa bulsa nun ang cellphone ko at bumaba na. Nakita ko pang nakabukas ang ilaw ni Vanessa. Gising pa yun. Nakabukas kasi ng bahagya ang pinto niya.
Natanaw ko si Blake na nakaupo doon sa hagdan ng slide kaya lumapit agad ako. Malamig na din dahil sa oras na to.
"Blake." Tawag ko sakaniya ng makalapit ako ng bahagya.
Tumayo siya at niyakap ako. "I missed you."
Napangiti ako at niyakap din siya pabalik.
"I missed you too." Bulong ko sakaniya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya saakin.
"I'm sorry."
"Wala kang dapat ikaso--"
"We need to break up."
Wait, what? Break up? Parang nabingi yata ako sa narinig ko na 'yun kaya naitulak ko siya.
"Break up? Nanaman? Ano nanamang kapestehan 'to, Blake?!" Bakas sa boses ko ang inis.
"Kylie, please. I really need to do this."
"Sabihin mo sakin kung bakit!"
Hindi siya kumibo. Yumuko lang siya at tinignan ang sapatos niya.
"Sabihin mo!" Sigaw ko sakaniya pero hindi pa din siya gumalaw. "Ano ba Blake!!"
"Kailangan niya ko Kylie." Madiin niyang sabi.
"Kailangan ka nino?"
"Niya."
Sa inis ko ay tinulak ko siya sa dibdib. "Nino nga eh!!"
Umiling siya at tinalikuran ako. Ginulo niya ang buhok niya at narinig ko pa ang mahina niyang sigaw.
May naisip akong tao. "Ni Liz ba?" Kahit labag sa loob ko na itanong yun ay ginawa ko. Kailangan kong masagot ang katanungan na nasa isip ko.
Tinignan niya ako at hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Tinignan ko siya habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.
"I'm sorry. Kailangan niya talaga ko, Kylie. Hindi ko siya pwedeng iwan."
"Sa tingin mo ba ako hindi kita kailangan?! Bullshit Blake!" Mura ko at padabog na tinanggal ang kamay niya sa kamay ko ngunit bigla niya kong hinila para yakapin.
"Please.. don't make this hard for me." Nagmamakaawa niyang sabi.
"Mas kailangan kita Blake.."
"No, Kylie. Mas kailangan niya ko." Halatang sigurado siya sa sinabi niyang iyon.
Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko sa sinabi niyang yun.
Ang sakit na sa dibdib. Parang may nagbabarang bato na sa lalamunan ko sa hirap kong lumunok.
"Kumalas ka kung siya ang pinipili mo. Pero kung ako, manatili kang nakayakap." Kahit hirap na hirap na kong sabihin yun ay sinubukan ko pa din.
Parang lumundag sa tuwa ang puso ko ng hindi siya kumalas... hindi siya kumalas ng ilang segundo lang.
Lalong tumulo ang mga luha ko ng nakita ko na ang mga kamay niya na hindi na nakayakap sakin.
Napangisi ako ng mapait. Masakit..
"You always chose her. Ako nga ang girlfriend mo, pero parang siya lagi ang first priority mo. Since the day she came back, I'm always your second priority. I can never beat her. You always care for her. Even you know you'll hurt someone." Pinunasan ko ang luha ko gamit ang palad ko. "Mahal mo pa ba ko?" Tanong ko sakaniya.
Tumango siya. "Hindi magbabago 'yun."
"Pero bakit kailangan mo 'tong gawin?"
Bumagsak ang balikat niya. "Kasi ito ang nararapat."
Tinignan ko lang siya. Nararapat? Wala akong makitang nangyari para magdesisyon siya ng ganto.
"Sigurado kana diyan?" Sinubukan kong maging matapang ang boses ko.
Tumang siya ng dahan dahan.
Ngumiti ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya.
"Today, January 4, 2016, I'm setting you free. Pagod na kong lumaban Blake. Pagod na kong ipagsiksikan ang sarili ko sayo. Pagod na kong magpapapansin sayo. Pagod na pagod na ko. Kailangan ko na ng pahinga. Sa 3 years and 1 month natin, lumaban ako kahit ang hirap ng mga kalaban. Lumaban ako kahit nawawalan ako ng pag asang manalo. Pero sana dati pa lang pala, sumuko na ko kung ganto din. But I don't regret loving you. You're the man who made me realized today na hindi porket matagal ng nasayo, panghabang buhay na din siyang sayo. Thank you sa lahat." Ngumiti ako at inangat ang kamay ko. Showing my ring that he gave and the bracelet. "Kakapalan ko na mukha ko. Pero ngayon, hindi ko 'to isosoli. Isosoli ko lang sayo 'to, once na makamove on na ko." Sabi ko at humakbang na paatras.
Nakita ko ang pagtakas ng luha sa matas niya.
"I'll explain--"
Umiling ako agad at nilagay ang index finger ko sa bibig niya.
"You don't need to. Everything's clear to me now." Ngiti ko sakaniya ng pilit. "Ingat ka. And I guess, your not going with us anymore to go back to Georgia. Take care of her." Ayun ang huli kong sinabi bago siya talikuran.
Kahit ayokong maglakad palayo sakaniya, ginawa ko. Ayoko na din marinig ang pagexplain niya. Alam kong mas masasaktan ako sa gagawin niyang 'yun. Dahil ipapamukha niya lang sakin na mas pinili niya si Liz. Sana yung reason na yun, sapat talaga para iwan niya ko.
Wala na e. Ayoko na din. Wala na kong lakas para lumaban. Wala na. At higit sa lahat, pagod na din ako. Pagod na pagod na pagod na..