UNEXPECTED LOVE <3

By ciiekeyy

916 26 17

Side story..Lian, ang bestfriend ni Eunice sa story na BALLPEN...ngaun naman story ni Lian... More

Unexpected Love

916 26 17
By ciiekeyy

A/N: Kung hindi nyo pa nababasa yung 1st story ko, please pakibasa po dahil baka po kayo maguluhan at hindi masyadong makarelate..k?

my first story:BALLPEN by ciiekeyy

sana magustuhan nyo to...

^_^V enjoy..

------------------------------------------------------------------

-LIAN'S POV-

"Hoy, Lian!"

"Hey, Lian to Earth, Earth to Lian!"

"LIAN! ANU BAAA???" hay, anu ba naman si Bessy makasigaw parang baliw.

"Makasigaw ka naman" malumanay kong sagot. Sya si Eunice, remember? Magbestfriend kami. Syempre masaya na yan. Sila na nung CRUSH/seatmate nya, ung lalaking adik sa ballpen, si Dylan. Samantalang ako T_T huhuhu hanggang nakaw-tingin na lang.

"Oh anu naman yang mukhang yan? Parang binagsakan ng langit at lupa, isama mo na rin ung tubig" ito talagang si Bessy, PATAWA!

" Eh kasi naman, hindi pa sya dumadaan" pagmamaktol ko. Eh kasi kanina ko pa syang inaantay, hindi pa rin sya dumadaan. Inabot na nga ako ng recess eh. T_T huhuhu

"Anu ka ba naman, monthsary namin ngayon gusto mong sumama?" alok nya. Buti pa si Bessy. Oo , monthsary na nila nung lalaking adik sa ballpen.

"Thanks, but no thanks." Pagtanggi ko. Maingit pa ako sa kanila, bakit? Eh kasi naman----

"BABY KOOO!!!" tawag nung lalaking adik sa ballpen, si Dylan. Lumapit sya sa amin, kasalukuyan kaming nakaupo ni Bessy.

"Baby ko! Happy Monthsary saten" bati ni Dylan sabay bigay ng gift kay Eunice.

"Happy Monthsary din, baby ko!" Bati naman ni Eunice at nagbigay din ng gift kay Dylan.

See? Sino ang hindi maiingit sa ka-sweet-an ng mga yan? Tas nasa harapan pa nila ako. NASA HARAPAN NILA AKO!!! Akong sawi sa pag-ibig tas dito pa sila naglalambingan?! SAKLAP DRE?!

"Oh hindi ka ba talaga sasama?" tanong ulit ni Eunice. Ulit-ulit? Hindi nya ba alam ang kasabihang 'wag pilitin ang ayaw, baka pumayag'?

"Hindi." matamlay kong sagot.

"Okay. Kakain lang kami sa canteen ha" paalam ni Eunice.

"Sige, Happy Monthsary na lang" bati ko.

"Tara na, baby ko. Hinihintay pa nyan ung prince charming nya" sabat nung lalaking adik sa ballpen.

"Ewan ko sayo lalaking adik sa ballpen" biro ko.

Umalis na lang sila habang natatawa. Antagal naman kasi ni my loves, oo my loves ang tawag ko sa Crush kong si Ash. Ash Castor o si MY LOVES. Maya-maya, naglakad-lakad na lang ako. Napadpad ako sa basketball court ng school. Nagbabakasakali na andito si MyLoves, varsity kasi sya.

-ASH'S POV-

Nagpapractice kami ngayon sa basketball, varsity ako. Malapit na kasi ang intrams ng school kaya kailangan todo practice. Di ko tuloy nakikita si Myloves. Kasi pagpapasok sa school, bawal na pumunta sa room kelangan diretso sa court.

Magkatabi lang ang room ko at room ni MyLoves, miss ko na sya T_T. Nung wala pa kamingg practice, lagi ko syang nakikita sa pintuan ng room nila. Dun sya nakatambay kasama ang bestfriend nyang si Eunice. Paano ko alam? Mahal ko sya eh.

Sa kalagitnaan ng practice game...

"Ipasa mo kay Ash!! Castillo, ipasa mo kay Ash!!!" sigaw nung coach naming sa kakampi kong may hawak ng bola.

Walangyang coach to, ipasa daw ba saken? At ang uto-uto pinasa nga. Pagkapasa nya sa saken, walang lingon lingon kong pinashoot at...

Shoot...

"kyaaaaaaaahhhhhh!!!" sigaw nung mga babae sa bench. FAN ko siguro. Wala eh, ganun talaga.

Narebound to nung kalaban at hinagis sa kabilang side malapit sa ring. Malakas ang pagkakabato nya kaya hindi nasabot nung kasama nya. Lumagpas to sa court at...at...waaahh...tinamaan si MyLoves at w-walang malay. Mabilis akong lumapit sa kanya, binuhat ko sya at dinala sa clinic.

Malalagot saken ang lalaking yun kapag may nangyaring masama kay MyLoves. MALALAGOT TALAGA SYA!!!

-LIAN'S POV-

Ang sakit nang ulo ko. Parang umiikot ung paningin ko. Binuksan ko ang mata ko, andito ako sa clinic...eh?t-teka, b-bakit ako nakarating dito? Ano bang nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko?bakit-----

"Oh Bessy gising ka na pala?" si Bessy.

"Hindi Bessy, tulog pa ako, guni guni mo lang yun" sabi ko. Kita naman, itatanong pa -_-

"Ikaw talaga Bessy,PATAWA!" – Eunice na parang baliw. Bakit? Kasi kanina pa syang nakangiti. Hindi basta ngiti. Ngiting parang may something syang tinatago.

"Teka nga! Ano bang nangyari? Bakit ganyan ka makangiti? Para kang nanalo sa lotto" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako ang nanalo sa lotto, kundi ikaw" sabi naman nya na may ngiting malapad na malapad. Huh?anu daw?

"Hindi naman ako tumataya sa lotto eh, paano ako mananalo?" tanong ko.

"Ah basta -_-" – Eunice

Hinintay lang namin ung lalaking adik sa ballpen at umuwi na kami. Tinanong ko nga pala si Bessy kung sino ung nagdala sakin sa clinic alam ko na kasi ung nangyari bago ako mawalan ng malay, pero isang malapad na ngiti lang ung sagot saken ni Bessy. Oh diba? Parang baliw lang. Haist ang gulo.

-Kinabukasan-

Haist, nasan ba yung babaeng yun? Pagod na ako. Bumili muna ako ng pagkain bago ulit ako bumalik sa paghahanap. Kalahating oras na ako naghahanap sa kanya. Teka! Bakit hindi ako magtanong sa mga kaklase ko? Ang syunga ko naman.. Nakita ko si Nyela.

"Nyela, nakita mo ba si Eunice?" Tanong ko.

"Ah, parang nakita ko sya sa likod ng campus, try mo rin" sagot naman ni Nyela.

"Ah ok, thanks" sabi ko sabay ngiti at dumiretso sa likod ng campus.

Nung nakarating ako, nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makakilos, parang nagsisisi ako sa pagpunta dito.

Dapat pala hindi ko na lang sya hinanap. Dapat pala inintay ko na lang sya sa room.

Tumakbo na lang ako palayo sa kanila habang umiiyak. Oo sa KANILA, sino ang nakita ko? Si Eunice kasama si A-Ash, at nagtatawanan sila.

Nag ayos muna ako sa sarili ko sa c.r bago ako dumiretso sa room. Nang makarating ako sa room nakita ko agad si Eunice. Hindi ko sya pinansin at dumiretso na lang sa upuan ko pero agad din naman syang lumapit.

"Saan ka galing?" tanong nya.

"Dyan lang" cold kong sagot sa kanya ng hindi tumitingin at nagbubuklat lang ako ng notes kahit hindi ko alam kung ano ang makikita ko dun.

"Ahh, okay." sabi naman nya.

Oy! Hindi ako galit sa kanya no. iiwasan ko lang muna sya hanggang sa wala na akong sakit na nararamdaman. Pero PROMISE, hindi ako galit. Masakit lang talaga.

-------

-Lian's POV-

Ilang araw ko nang hindi pinapansin si Bessy. Nakokonsensya na nga ako eh. Hindi ko rin masyadong hinahanap si MyLoves—Ash pala.

Kapag may tinatanong lang si Bessy saka ako umiimik, minsan nga tinanong nya saken kung bakit hindi ko inaabanagan si MyLov—Ash sa tapat ng pinto, ang sinasabi ko na lang tinatamad ako.

Tapos kapag niyayaya nya ako sinasabi ko may gagawin pa ako kahit ang totoo wala naman talaga. Tumatambay na lang ako dito sa ilalim ng puno. Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno, medyo dulo lang ito ng school kaya wala masyadong napunta dito.

Habang nagbabasa ako may umupo sa tabi ko at nagulat ako nung nakita ko kung sino, si Eunice. Inalis ko ang headset ko.

"Galit ka ba saken?" bungad nyang tanong.

"Hindi." cold ko pa ring sagot. Ang sakit! Ang sakit sakit pa rin. Bumalik na ulit ako sa pagbabasa ko at hindi sya pinansin.

'sorry Bessy, pero hindi ko pa kaya'

-Eunice's POV-

Katabi ko si Bessy ngayon, kahit hindi nya sabihin saken alam kong may problema. At yun ang hindi ko alam. Bigla na lang syang naging cold saken these past few days. Arghh!! Paano ko magagawa ang plano ko? Plano namin?

*vibrate* *vibrate*

From: baby ko

Nasabi mo na ba? Nagaayos na kami dito...

-end-

Uwaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!! Paano ko masasabi sa kanya? Anong plano namin? Kasi ganito yun.

*FLASHBACK*

Bumibili kami ni baby ko ng pagkain. Pagkatapos naming bumili, papunta na kami sa bakanteng upuan nung hinarangan kami ni Ash.

"Pwede ko ba kayong makausap?" tanong nya.

Nagkatinginan lang kami ni baby ko tas tumango sa kanya.

"In private." sabi nya tas yun sumunod na lang kami sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa likod ng campus. Sayang wala si Bessy T.T. Punaupo nya kami sa silyang andun saka sya nagsimula.

"I need your help" sabi nya. Help? Ano naman kayang tulong?

"Wait lang pare ha, marunong ka naman magtagalog di ba? Pwede wag ka munang magEnglish? Naiintindihan ko naman ung English mo eh pero asa pilipinas tayo, at katatapos lang ng English subject tas mamaya English na naman! Sasabog ang utak ko, dre wag ganun!" reklamo ni Dylan. Oo nga no, English subject kanina bago ang recess at dahil double period ang English pagkatapos ng recess English ulit. Ang saklap nga!!

Napakamot na lang si Ash ng batok saka tumango.

"Gusto kong ligawan si Lian" diretso nyang sabi. At dahil dun sabay kaming napanganga ni Dylan as in sabay kami.

"At kailangan ko ng tulong nyo para maging memorable sa kanya ang pagko-confess ko" dugtong nya.

"Naku, hindi na kelangan kasi—asdfghjklasdfghjkl" sabat ni Dylan na agad kong tinakpan ang bibig, ang daldal ng boyfriend ko. Ipatapon ko kaya ito sa baliwag?! Ang daldal kasi >_<

At yun nga sinabi nya ang plano nya para maging memorable ang pagko-confess nya daw. At sa kalagitnaan ng pagpaplano, kinulbit ako ni Dylan.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Tawag ng kalikasan" tsss...iihi lang pala magpapaalam pa.

"Oh tapos?"

"Samahan mo ako!" what the? Magccr lang magpapasama pa?

"Malaki ka na. Kaya mo na yan!" sabi ko na lang.

"Haist, sige na nga. Hoy! Akin lang to ha?!" sabi nya kay Ash sabay turo saken. What a possessive boyfriend!

"Oo naman, loyal ako kay Lian MyLoves no" sabi nya. Awww,, loyal sya kay Lian kahit hindi pa sila. Ang sweet!!. Habang wala pa si Dylan nagkwento lang sya ng nagkwento.

Matagal nya na palang balak ligawan si Lian kaso lagi na lang daw nagkakaproblema sa pamilya nya.

Nagjoke lang din sya ng nagjoke. At nung dumating si Dylan saka uli kami nagplano.

*END OF FLASHBACK*

Pero bago mangyari yan ito muna...

*FLASHBACK ULIT*

Tumatakbo ako ngaun. Oo kapagod! May nagsabi kasi saken na natamaan daw si Lian ng bola at nawalan ng malay. Ang syungangers kasi.

At the Clinic..

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at...at nakita ko si Ash na nakaupo sa gilid ng kama kung saan kasalukuyang walang malay si Lian. Hinalikan ni Ash ang noo ni Lian saka tumayo. Paalis na ata sya, buti na lang agad akong nakapagtago. Nung nasa labas na sya saka ako nagpakita na kunwari kararating ko lang, oh di ba? Spy lang ang dating ko. Sinabi nya lang saken kung nasan si Lian at nagpaalam na. kaya ganun na lang yung ngiti ko.

*END OF FLASHBACK*

UWAAAHHH!!! ung plano nga pala...paano ko gagawin yun? Haist, bahala na si Flash, common na kasi si Batman at wala akong masyadong tiwala kay Superman kaya si Flash na lang ^_^V

*vibrate* *vibrate* may nagtext ulit

From: baby ko <3

Tapos na kami. Punta na kayo.

-end-

Haist, ikaw na bahala Flash..

"Sumama ka sakin" sabi ko kay Lian at naglakad habang kaladkad kaladkad ko sya.

-Lian's POV-

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya, ikaw ba naman ang kaladkadin eh, makakaimik ka pa ba? At wala namang mawawala di ba kung sasama ako?

Napadpad kami sa Basketball court. Ngayon nakatayo ako sa gitna ng court. At may lumabas na mga varsity players sa stage nakatalikod sila sakin, pero kahit nakatalikod sila alam ko, na wala dun si Ash.

"Looking for me?" sabi ng taong nasa likod ko at sya...sya ang hinahanap ko. Humarap ako sa kanya. Sya, sya nga...

Nakita ko si Eunice sa may likod kasama ung lalaking adik sa ballpen, ang bilis naman ng babaeng yun. Flash?

So pinalano nila to? Ang sama ko, ang sama kong kaibigan. Ang sama kong tao, hinusgahan ko ang sarili kong bestfriend.

"Pwede bang tumingin ka ulit sa stage?" tanong nya. Lumingon ulit ako sa mga varsity players, this time nakaharap na sila saken at may hawak na bola. Sa bawat bola may nakasulat na letter, pagbinuo mo mababasa mo ang salitang 'I LOVE YOU' at dun na tumulo ang luha ko, pero baka naman hindi para saken, makaiyak naman ako..

"Lian." tawag ni Ash. Lumingon ako sa kanya at may hawak din syang bola na may sulat na 'LIAN' sabay sabing..

"I LOVE YOU LIAN!!"

h-hindi ko alam na...na...na mangyayari to. Ang akala ko ako lang ang nagmamahal, pero mahal din nya ako.

Tumakbo ako papunta kay Eunice at niyakap sya.

"Sorry..sorry...sorry talaga...hindi ko alam..." sabi ko sa kanya habang umiiyak at nakayakap ako sa kanya. Niyakap naman nya ako pabalik.

"Naintindihan kita...kahit ako...ganun din siguro ang mangyayari. Okay lang yun, puntahan mo na si Ash" tumango ako sa kanya.

At tumakbo papunta kay Ash—MyLoves . Nakatalikod sya saken at nakayuko...at sumampa bigla ako sa likod nya. Nagulat sya sa ginawa ko, nakapiggy back ride ako sa kanya ^_^ hehe. Buti na lang nasambot nya ako kundi hindi baka nasaktan na ako...oh di ba? Double meaning? ^_^V ahahaha

" I love you too" bulong ko sa kanya. Nagliwanag naman ang mukha nya.

"So pwede na kitang ligawan?" tanong nya sabay lingon at...

*TSUP* wrong move...uwaahhhh!!! Ang first kiss koooo!!!

--End--

Edited.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
634K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
20.9M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]