Mabait, malumanay, mahinhin, tahimik na hindi man lamang kumikibo maliban na lamang kung siya ay iyong tatanungin, yan ang sasabihin sa iyo ng mga hindi talaga nakikilala si Hannah Garcia.
Isang perpektong nilalalang sa mga mata ng kaniyang mga kakilala dahil hindi man lamang ito lumalabas.
Sa paaralan, simbahan at bahay lamang ang iniikutang mundo.
Walang gaanong kakilala sa labas ng kanilang bahay maliban sa kaniyang mga kamag-anak at kamag-aral.
Bakit nga ba siya naiiba?
Marunong ba siyang makihalubilo sa ibang tao?
Ganoon ba kastrikto ang kaniyang mga magulang?
Pinagmamalupitan ba siya kung may nagagawa siyang hindi tama?
Magmula ng siya ay bata pa ay talagang palaaral na siya mahilig magbasa at gumuhit.
Ang mga libangan ay nalilimit lamang sa bahay halimbawa na lamang ang chess, checkers, mga board games at ang kaniyang mga laruan.
Ang kaniyang mga tanging kalaro ay ang kaniyang mga pinsan. Sila lang din ang nakukumbidahan sa kaniyang mga kaarawan.
Kung iisipin ay nakakabagot ang kaniyang buhay (pati siya) paulit ulit ang mga pangyayari
hanggang siya ay pumasok sa kakaibang mundo na tatawagin nating mataas na paaralan (high
school) :D at dito magsisimula ang kaniyang paglalakbay upang tuklasin kung sino ba talaga siya.
Hayskul.
Isang magulong mundo kung saan ay tayo ay unti-unting nagbabago depende kung papaano.
Isang lugar kung saan ay malaya tayong mag-isip ng ating mga pangarap hanggang tayo ay mag-kolehiyo.
Isang lugar kung saan malaya tayong sumali sa iba't ibang grupo o organisasyon, mga grupo ng kaibigan.
Dito magsisimula ang mga ala-alang maitatabi natin hanggang tayo ay tumanda na patuloy pa rin tayong pangingitiin.
****cont.****
Unang araw ng pasukan. Makikita dito ang mga nerbyos na mga ngiti ng mga estudyante na bago
sa paaralan.
Ang ibang estudyante ay gusto ng magandang simula at magkaroon ng maraming kaibigan.
Ang iba naman ay iniisip na kaagad na umuwi at ipagpatuloy ang naudlot na panaginip na nahinto
dahil sa maagang paggising sa umaga.
Ang iba parang wala lang.
Unang silid sa unang taon ng hayskul : 101. Dito magsisimula ang mga nais na pagbabago ni Hannah Garcia.
Simula na ng unang klase at nagpapakilala ang lahat na may ngiti sa labi.
High school eh. :D First impression matters.
Iniisa isa na sila pero dahil unang araw ay hindi kaagad matandaan ni Hannah ang mga pangalan nila.
May mga nagbigay naman talaga ng magaling na panimula iyong hindi mo dali-daling
makakalimutan dahil sa maganda at gwapo sila at malakas ang dating.
"Hi I am Claire Santos" sabi ng kaniyang katabi sa upuan
"Hi ako naman si Hannah Garcia." sagot niya
"May honor ka ba noong elementary?" tanong ni Claire.
Ang aga-aga nagtatanong kaagad ng ganoon di ba pwede munang saang school ako galing o di kaya kung ilang taon ako or something like that. Weird conversation starter.
Hindi ito sinagot ng derecho ni Hannah dahil ibinalik niya ang tanong. "Ikaw may honor ka?"
Ngumiti at proud na sinabi ni Claire " Valedictorian ako sa school ko..."
At nagkukwento na siya. Hindi na niya ulit ibinaling ang tanong kay Hannah.
Tinandaan naman ni Hannah ang mga importanteng sinabi niya baka magtanong pa kung ano iyong sinabi niya.
"Sabay na tayo mag-lunch mamaya." Anyaya ni Claire
"Sa canteen ka ba kakain? May baon kasi ako kaya baka sa lounge na lang ako." Sabi ni Hannah
"First day tapos may baon ka? Ayaw mo bang sumama sa akin?" Pang-aasar ni Claire
"Hindi naman sa ganoon kaso sayang naman kung iiwan ko lang ito at hindi kakainin. Madaming nagugutom at hindi kasing palad ko na may pagkain." Sagot ni Hannah
"O siya siya makisabay ka na lang sa iba diyan sa may mga dalang baon." Sabi ni Claire
"Kung meroon nga." pabulong na sinabi ni Claire pero narinig pa rin ito ni Hannah.
***lunch time***
Papunta na ng lounge si Hannah hanggang may gumulat sa kaniya at nagpakilalang
"Hi ako si Trish Diaz papunta ka ng lounge di ba? May baon ka ba? Sabay na lang tayo akala ko ako lang ang nagdala ng baon ng first day"Nakangiti niyang sinasabi habang nagulantang si Hannah dahil tuloy-tuloy at walang patid niya itong sinabi sa kaniya.
Tumango na lamang si Hannah at dumerecho na sila sa lounge.
Magaling makibagay si Trish at madaling nasundan ni Hannah ang kaniyang kuwento.
Siyempre nagkwento rin si Hannah unfair naman kung si Trish lang lahat.
Madaling matawa si Trish kumbaga mababaw lang ang kaligayahan, happy-go-lucky ang daloy niya habang si Hannah ang seryoso at hindi mo kaagad makikitang ngumingiti.
Magkaiba man ngunit nagkakasundo pa rin sila.
Sa madaling sabi ay naging mabuting magkaibigan ang dalawa. Sila lagi ang magkasama. Pero hindi naman pupwede na sila na lang lagi di ba?