Heiress(Part One:COMPLETED)

By DarkDreamerGirl

108K 2.1K 40

Heiress ~PART ONE~ Graecielle Jane Crisanto or simply Cielle, ay isa lamang ordinaryong teenage girl. Pero hi... More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Special Chapter
Epilogue

Chapter XXXIX

2K 35 0
By DarkDreamerGirl

Cielle's POV

"Tay, nasaan po ba si Nanay? Bakit po iniwan niya na tayo?"

Natanong ko noon kay Itay, siguro mga six years old palang ata ako noon.

Napangiti naman siya at saka hinaplos ang ulo ko. Pakiramdam ko pa noon ay sobrang gaan sa tuwing hinahaplos ni Itay ang ulo ko.

"Anak kinuha na kasi siya ni Papa Jesus. Nasa lugar na siya ngayon kung saan payapa at tahimik. Hindi na ulit siya mahihirapan doon."

Taka akong napatingin sakanya. Iniisip ko pa kung bakit sumama si Inay noon kay Papa Jesus.

"Eh Tay, bakit siya sumama? "

Bahagyang natawa pa si Itay at kinurot ang dalawang pisngi ko.

"Aray ko po. Mashakit."

"Ikaw talagang bata ka. Kasi oras na ni Nanay mo. Tapos niya na siguro yung misyon niya sa mundong ito. At alam kong masaya na siya roon. Masaya na rin siya dahil dumating ka naman sa mundong ito."

Syempre sa isang batang hindi pa nakakaintindi noon na tulad ko ay napangiwi nalang ako sabay napakamot sa ulo.

"Hindi po kita maintindihan, Tay. Ang gulo niyo po."

Natawa ulit si Itay at ginulo ang buhok ko. Lalo akong nagtaka.

"Ang kulit mo talagang bata ka. Hala oh siya maiintindihan mo rin sa tamang panahon ang mga pinagsasabi ko. Matulog ka na at babantayan kita."

Pinahiga niya na ako sa may banig saka niya ako kinumutan. Hinaplos niya muli ang buhok ko at dahil dun kaya nakaramdam na ako ng antok dahil bumibigat na rin yung mga talukap ng mga mata ko. Nakatingin lang ako sa payapa at maamong mukha ni Itay hanggang sa unti-unting lumalabo na at nagsasara na ang piningin ko.

Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa noo ko at ang boses niyang nagsabing

"Mahal na Mahal kita, anak ko..."

....

Habang inaalala ko iyong mga panahon na nakasama ko si Itay ay hindi ko tuloy mapigilang maluha. Ang totoo ay kanina pa ako umiiyak, wala akong pake kung maubos man lahat ng fluids ko sa katawan, hindi ko kasi talaga mapigilan.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kumot. Matapos ko kasing basahin kahapon iyong sulat ni Itay saakin ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Parang naghalo-halo ang lahat. Tapos buong magdamag naman ay wala akong gana sa lahat. Ni hindi nga ako lumabas man lang dito sa kwarto.

Nakailang katok din si Miria sa pinto, pero sa gusto ko talagang magisip-isip at mapag-isa muna.

Sobrang lakas ng naging impact saakin lahat ng mga nalaman ko. Parang para sakin ay agad ibinato sa mismong mukha ko iyong katotohanan.

"Nabibilang ka sa isang pamilyang iginagalang at nirerespeto namin ng Nanay Grace mo. Isang pamilyang napakabuti simula palang....

Alam kong hindi madali para sayo ang lahat. Pero sana tanggapin mo sila ng buo. Sila ang tunay mong pamilya..."

Napakagat ako sa aking labi nang maalala ko yung nabasa ko. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Tama ka nga Itay, hindi pala talaga madali ang lahat ng to'. Nagsi-sink in palang ang lahat.

Sa ngayon, gusto ko munang alalahanin yung buhay na kinagisnan ko kasama iyong mga taong nagbigay ng mga magagandang alaala sakin.

Unti-unti na rin ay naramdaman ko na lang ang pagka-antok dahil na rin siguro sa pag-iyak ko.

Sana pag-gising ko maging maayos na ako.

Sana matanggap ko na.

****

Blaise's POV

"What are you doing here? Bakit imbes na tignan mo kung ano nang kalagayan ni Graecielle, e bakit parelax-relax ka lang diyan? What the f*ck!"

Bahagyang napakunot ang noo ko dahil sa biglaang pagsulpot nanaman nitong Gaia na to'. Kasalukuyan kasi akong nakahiga sa damuhan katapat ng malaking puno rito sa may hardin. Masarap kasi ang hangin dito, kaya naisip kong matulog muna. Mga ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog kakaisip sa taong iyon. Sino sa tingin niyo? I'm talking about Master Lhian. Iniisip ko kung napaano na ang isang iyon. It's almost 2 months since he's missing.

"Hey! are you listening, you bastard!? Kanina pa ako nagsasalita rito ni hindi ka man lang sumasagot? D*mn it!" Isa rin tong dumadagdag. Sumasakit na rin itong ulo ko at kapag hindi ako nakapagpigil ay puputulin ko talaga iyong isang kamay pa niya.

Rather than answering her, I just put the back of my palm to cover my eyes. I don't care if she gets mad. Well, palagi naman siyang galit. Kung hindi lang dahil sa utos saakin, hindi ako lalapit sa babaeng ito at magmamakaawang maging kakampi siya. Iginagalang ko lang talaga ang pamilyang iyon. After all, we were allies since the beginning of the Mafia Empires.

Hindi ko na talaga papansinin ang maingay na babaeng ito at itutulog ko na lang sana nang maramdaman ko ang mabilis na presensya niya na may binabalak siya. At sa lakas ng pakiramdam ko nga ay mabilis kong iniharang ang palad ko sa paa niya. Mahigpit ko itong hinawakan, habang siya ay pilit talaga niyang gustong itama iyon sa mukha ko. I must say, she's really strong.

"What do you think you're doing? " Nayayamot kong tanong sakanya. Mabilis naman niyang hinila ang paa niya mula saaking pagkakahawak. Umupo na rin ako at saka pinagpag itong kamay kong hinawakan ang paa niya. Rinig ko pa ang maangas niyang pagsinghal.

"Kapal!" Dagdag pa niya. Nginisian ko lang siya. Pagkatapos ay umayos na ako mula sa aking pagkakaupo at sumandal sa katawan ng puno. Muli akong pumikit. I just don't want to see her face right now. By just seeing her face makes me wanna throw up. And I don't want that to happen.

Narinig ko naman ang yapak niya na nagpunta sa may likod nitong puno at sa palagay ko'y naupo rin siya. That's good, tama lang ang ginawa niya. Ayoko talagang tinitignan siya habang kausap.

"Pinuntahan ko ulit kanina si Cielle and it's still the same. She won't open the door and doesn't want to talk to me either. Gosh! What a pain in the ass!" Hindi ko nga nakikita ang mukha niya habang nagsasalita pero alam kong naiiling lang to. Tss. Alam na nga niyang ayaw magpagulo ng babaeng iyon e masyado paring mapilit ang isang to'. Tch! I know she's just worried about her, but she just doesn't want to admit it to herself. Base from what she had said, it looks like she wants to comfort that girl.

I just smirked from what came up to my mind. Seriously? This amazona wants to comfort a girl? And now she's worrying about her situation? So unassassin like. Wonder what that Graecielle did to this amazona. Psh!

"Tsk! Nice talking, huh? Punyemas! Dada ako ng dada rito, wala naman pala akong kausap!"

That's why I don't like talking to this kind of person. Nababad-trip ako sa ganito!

"Ah alam ko na. Puno, ikaw na lang kausapin ko. Tutal mas naiintindihan mo naman ako kaysa sa iba diyan! Sana lamunin na lang siya ng lupa. Tutal wala naman siyang silbi sa mundo, diba?"

Pakiramdam ko biglang kumulo ang dugo ko. What is she talking about?

"Hey b*tch! Just shut the f*ck up! Hindi mo ba alam na pati iyong puno naririndi riyan sa boses mo na pagkalakas-lakas? D*mn it! Pwede ba magpatulog ka!" Nasabi ko na lang. F*ck! Amazona talaga.

Nang akala ko naman ay hindi siya iimik. Tss. Nagkamali pala ako. Sa halip ay naramdaman ko na lang na may humawak ng kwelyo ko. Agad kong binuksan ang mata ko at ang lapit ng pangit niyang mukha. Sinamaan ko lang siya ng tingin at talagang nagpupuyumos din ang galit sa mukha niya. Ni hindi ko man lang siya naramdaman.

"Ang angas mo talagang magsalita, huh? Tss! Pasalamat ka at pumayag pa akong kasama ka. Kung hindi mo lang din sinabi ang tungkol sa pamilyang iyon ay ngayon pa lang wala ka ng buhay. Tandaan mo 'to. Hindi na ako ang dating mahinang babaeng nakalaban mo noon." Hindi ko alam pero bukod kay Lhian ay sakanya ko rin lang naramdaman ito. Ang mga mata niyang puno ng galit. This girl has changed a lot. Ibang-iba na siya sa dati kong nakalaban. Dahil doon kaya agad akong napangisi.

"Why don't we settle this for once? Para matignan natin kung talaga ngang may nagbago. Ano? Sabihin mo lang kung aatras ka, weakling."

Sa puntong iyon, mabilis nagbago ang aura niya. Nakita ko rin ang mga mata niyang nauuhaw.

Ito na nga iyon.

Ang inalagaan ng Salvatorè Clan na nagmumula sa poot at galit.

Mula sa sakit at paghihirap.

Bloodlust.

****

Riva's POV

( Konting kaalaman lang. Si Riva, ang Mama ni Lory)

"Madam, we've already accomplished the mission that you've given to us. Graecielle and Pedro Crisanto are elliminated."

Wika ng aking mga tauhan habang nakaluhod sa aking harapan. Napangiti ako sa aking nalaman pagkatapos.

"Very well. You can go now. "

Pagkasabi ko nito ay agad naman silang nagsitayuan at nag-bow muna bago lumabas ng aking kwarto.

Ang saya lang isipin na kahit anong sabihin mo sakanila ay gagawin nila lahat para sayo. Mukha silang mga robot na sa isang utos ko lang ay susundin na nila. Thanks to you Leo, my love because of this I can now rule the mafia world.

Sadyang umaapaw ang aking kasiyahan dahil sa tinatamasa ko ngayon. Ang lahat ng mga pinaghirapan mo Leo ay hindi masasayang. Kung hindi mo lang sana ginawang pinuno ang anak mong si Leandros ay sana'y nabubuhay ka parin hanggang ngayon. Hinding-hindi ko matatanggap ang anak mong iyon! Mabuti na lang din at tinapos ko na ang buhay ng mahal mong si Melissa. Alam ko naman na noon pa lamang ay hindi mo pa rin siya makalimutan kahit na nandito lang ako palagi sa tabi mo't nagmamahal saiyo.

Alam kong hindi mo natatanggap si Lorenzo dahil hindi mo siya anak, pero wala naman na akong pakialam dahil wala ka na. Alam kong kamumuhian ako ng sarili kong anak kapag nalaman niya rin ang katotohanan kaya hangga't maaari ay itatago ko na muna.

Napatingin ako sa litrato naming tatlo nila Leo kasama si Lorenzo.

"Hindi na kailangan pang malaman ni Lorenzo ang lahat, Leo. Hindi na kailangan."

Nanatili lang akong nakatitig sa litrato hanggang sa may kumatok ng pinto kaya napatingin ako rito.

"Come in." Wika ko rito.

Bumukas ito at napangiti ako nang matamis nang makita kung sino ang pumasok.

Pagkapasok niya ay agad siyang lumuhad sa harapan ko bilang pag-galang. Pero agad akong lumapit sakanya at inabot ang kamay niya saka siya pinatayo. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Thank you so much, L. You still choose to stay with us. I am grateful for that." Hindi ko na napigilang sabihin. Alam kong nabigla rin siya sa ginawa ko pero talagang masaya ako dahil sa kabila ng lahat ng mga nangyari ay mas pinili parin niyang ipagtanggol kami ni Lorenzo.

Siya naman ang unang kumalas at saka nakangiting tinignan ako. Tulad parin ng dati, ang kanyang maamong mukha ay hindi nagbago pati na rin ang mga mata ng batang ito.

"Nangako po ako sainyo hindi po ba? Poprotektahan ko po kayo kahit na anong mangyari. Kayo lang po ni Lorenzo ang mahalaga para sakin." Wika niya. Lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.

Alam kong hinding-hindi ako tatraydurin ng batang ito. Hindi ko na rin siya kailangan bigyan ng gamot para pasunurin. Noon pa man ay sumumpa na siyang maging tagapagtanggol namin ni Lory.

Masaya ako at nagbalik na ulit siya. Sa tatlong taong nawala siya ay alam kong malaki na ang pinagbago ng batang ito.

Ngunit sana maging ganoon parin ang nararamdaman niya para kay Lory tulad ng dati. Gusto ko siya para sa anak ko at malapit na rin siya saakin. Parang anak ko na rin na babae.

Tinignan ko siya ng mariin habang nakangiti. Inilahad ko ang palad ko at saka nakita ko ang pagbago ng ekspresyon niya. Naging seryoso.

"Samahan mo ako, Lyanna. Samahan mo akong mamuno sa buong Mafia world." Makapangyarihang sinabi ko sakanya.

And then, a wide grin starts to form on her lips. That was the time I know that this girl infront of me was not the innocent girl I once knew.

She has changed.


And I love it that way...

To be continued....

Edited: 06-11-2019



Continue Reading

You'll Also Like

54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
53.3K 1.4K 34
Isang kakaibang babae na napadpad sa isang kakaibang mundo -paano kaya niya haharapin ang pagsubok na ito?
337K 7.7K 50
ROMANCE || TEEN FICTION || GANGSTER || DELINQUENT || MAFIA || FAMILY DRAMA Dati isa akong normal na babaeng nabubuhay sa ibabaw ng mundong earth. Che...
542K 10.8K 56
(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her...