Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62.2K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Epilogue

Chapter 59

28.3K 724 28
By letmebed1

Anne Del Rio

HABANG lumilipas ang mga araw lalong ipinaparamdam ni Jillian sakin ang pagmamahal niya at sa lahat ng pagkakataon ay bumabawi siya sa akin para mapunan ang mga panahong wala siya sa tabi ko.

Ano pa ba'ng mahihiling ko?

Si Jillian lang naman ang dahilan kung bakit ako masaya.

Buti na lang hindi ako sumuko sa relasyon namin dahil kung sumuko ako noon baka puro ako pagsisisi ngayon.

Katatapos ko lang maligo nong maabutan ko si Jillian na nagluluto ng agahan. Napapangiti ako dahil naka panty at bra lang siya habang nakasuot ng apron. Ang sexy niyang tingnan lalo na pag nakapusod pataas ang buhok niya.

Mukhang nagpapraktis ulit siyang magprito ng itlog.

"Babe, nakaluto na ako. Husgahan mo na."

Magkasalubong ang mga kilay niya habang hawak ang sandok at kawali.

Natatawa tuloy ako sa itsura niya. Mukhang hindi siya satisfied sa ginawa niya pero halata namang pursigido siyang matuto.

"Sige pupunta ako diyan."

Isinampay ko muna ang towel na ginamit ko saka ako lumapit sa kanya.

"Anong masasabi mo babe?"

"Konting praktis pa, Jillian. Hindi dapat masyadong toasted ang pagluto mo ng egg dahil hindi na ito healthy."

Sunog ang niluto niyang scrambled egg at halatang nalungkot siya sa sinabi ko.

"Kaya mo yan, Jillian. Magsalang ka ulit aalalayan kita."

"Sige babe."

Hindi ko mapigilang pagmasdan si Jillian.

"Ang sexy mo namang Chef, Jillian. Para tuloy ang sarap magbreakfast."

Napangiti ito habang abala sa ginagawa niya.

"Kanina pa nga kita inaakit kaso dinadaan-daanan mo lang ako. Akala mo ata poste tong nagluluto dito."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw talaga, ayusin mo yang pagluluto mo."

Tumango naman siya.

"Magbibihis lang ako Jillian, ha?" Paalam ko sa kanya sabay pisil sa tagiliran niya.

Iniwan ko ulit siya sa kusina at nagtungo dito sa kwarto.

"Babe, nakaluto na ulit ako. Tikman mo nga kung pwede na."sumilip si Jillian sa pinto. Tamang tama naman nakabihis na ako.

Umupo na ako habang siya ay naghihintay ng comment sa niluto niya.

Kumuha ako ng tinidor saka humiwa ng kapirasong itlog na niluto niya saka sumubo.

"Mhmmmm. Hindi mo masyadong nahalo yong egg bago iprito. May portion kasi na maalat tapos may portion naman na walang lasa."

Halatang nanlumo siya na ikinangiti ko.

"Ulitin ko ulit babe."

"Hindi na. Umupo ka na dito. Sa susunod haluin mo munang mabuti para pantay yong lasa."

Tumango naman siya saka sumubo ng niluto niya.

"Iba talaga pag ikaw ang nagluluto babe, masarap. Pag ako ang nagluto disaster."

"Mapapraktis mo din yan. Tapos sa susunod tuturuan kitang maglaba."

"Ano?!"

"Oh nagrereact ka na naman. Eh, sinong mag aasikaso sa akin pag nilagnat ako?"

"Ako."sagot niya.

"Sinong maglalaba ng damit ko pag diko kayang maglaba?"

"Ipapalaba ko."

Naningkit ang mga mata ko sa sagot niya.

"Oh, di sige ako na lang babe."para siyang bata na sumasagot.

"Sino pala ang naglalaba ng underwear mo kung di ka naglalaba?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

Umiwas pa ito ng tingin.

"Nakakadiri ka talaga Jillian. Ang laki laki mong bakulaw hindi ka marunong maglaba ng underwear mo."

"Pagagalitan mo pa ako eh anong alam ko sa paglalaba."

"Kaya nga tuturuan kita kasi pag dumating yong araw na magsasama na tayo gusto ko tayong dalawa lang ayoko ng may kasambahay. Kahit mapera ka gusto ko simpleng buhay lang, Jillian."

"Yon din naman ang gusto ko, babe. Tayong dalawa lang tapos pagsisilbihan kita." Nakangiting sagot niya saka siya humalik sa pisngi ko."Maliligo na ako kasi amoy mantika na ako, oh."

Pinaamoy pa niya sa akin yong leeg niya.

Napangiti ako dahil mabango pa rin siya kahit may mga maliliit na butil ng pawis sa balat niya.

Tumayo na siya saka niya hinubad yong apron at pumasok na ng banyo.

Ang bakulaw na 'to. Hindi marunong maglaba at gumawa ng gawaing bahay. Pero buti nalang kahit mareklamo siya willing naman siyang matuto.

Nagpatuloy ang relasyon namin ni Jillian. Masaya kami kahit na minsan busy sa school o di kaya pag may mga home works at kailangan magreview para sa exams.

Gusto ko sanang maghanap ulit ng part time job pero ayaw niyang pumayag dahil mababawasan daw yong oras na magkakasama kami. Nagkasundo na lang kami na siya na lang muna ang sasagot sa bayad ng apartment ko at pag nakapagtapos kami at may mga trabaho na, saka ko nalang daw siya babayaran. Pumayag na ako para makapagfocus na rin ako sa pag aaral. Isa pa, hindi naman na ganon kahirap ngayon ang sitwasyon ko dahil maliban sa schoolar ako nagpapadala na rin sina Tatay ng allowance ko.

Very supportive na GF si Jillian kaya sobrang happy ako dahil may isang bakulaw na katulad niya.

Mga ilang minuto ko ring hinintay si Jillian na matapos maligo at magbihis saka kami nagbyahe papuntang school.

Pakanta kanta pa ito habang nagda-drive.

"Palaging ikaw ang nais makita ganyan lagi ang aking nadarama.
At bakit ikaw ang siyang minahal at aking inibig ng tunay."

Natatawa ako dahil halatang inaasar ako ng bakulaw na 'to.

"Jillian, tumigil ka kukurutin kita."

"Ops ops ops! Nagmamaneho ako,oh."

"Mamaya kukurutin kita pag di ka tumigil."

Natatawa din ito dahil napapansin ata niya ang pamumula ng mukha ko.

Nahihiya talaga ako pag naalala kong kumanta ako sa harap ng maraming tao.

Di ko akalaing magagawa ko yon. Kung tutuusin yong mga kapatid ko magaganda talaga ang boses kahit mga bata pa at kaya nilang bumirit pero ako hindi ganon kataas ang boses ko. Kaya ko namang kumanta pero piling pili lang talaga.

"Alam mo babe, ngayon ko lang napagtanto. Matigas pala ang ulo mo 'no?"

"Bakit mo naman nasabi?"

"Dahil hindi naman siguro tayo magkakabalikan kung sinunod mo ang gusto ng Tatay mo noon. Oh di ba? Kasi matigas ang ulo mo. In love na in love ka kasi sa akin."

Natatawa ako lalo na nong pisilin nito ang ilong ko. Pinanggigilan pa niya ito kaya napahampas ako sa hita niya.

"Lagi mo akong inaasar, Jillian. Ikaw kaya yong patay na patay sa akin."giit ko.

"Asuuuus! Ipinapasa sa akin. Pero ang totoo siya ang patay na patay sa akin."bumubulong bulong pa ito habang natatawa.

Loko loko talagang bakulaw na 'to.

Lalong nag init ang mukha ko dahil aminado naman ako na mahal na mahal ko siya.

"Kasi kasalan mo naman dahil pina-in-love mo ako masyado. Tapos bini-baby mo pa ako!"

Hindi ko napigilang kurutin yong tagiliran niya na lalo niyang ikinatawa.

Hindi talaga ako mananalo sa bakulaw na 'to.

"Eh di inamin mo rin na patay na patay ka sa akin."

Kahit ako natatawang umiwas ng tingin sa kanya dahil sa mga panunukso niya.

"Makakaganti rin ako sayo, Jillian."

"Talaga? Paano yon hindi ka naman marunong mang asar."

"Hindi ka makakatabi sa akin ng isang linggo."

Pagkasabi ko non biglang tumigil ang sasakyan niya.

"Babe, naman oh. Eh di titigil na ako. Di na kita aasarin promise."

Itinaas pa nito ang kanang kamay niya pero hindi nakaligtas sa akin yong ngiti niya.

"Tignan mo yang ngiti mo Jillian napakahalay!"

"Kasi hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Wag mo akong paparusahan ng ganon dahil mababaliw ako."

Napansin kong tinanggal niya yong seatbelt niya saka niya ako hinalikan sa labi. Hawak nito ang magkabilang pisngi ko at lalo niyang pinagdiinan ang halik niya.

"I love you, Anne."sambit niya saka nito ikiniskis ang ilong niya sa ilong ko.

Hindi na ako nakasagot dahil taas baba ang dibdib ko dahil sa halik niyang iyon.

Naramdaman ko nalang na kumalas yong seatbealt sa katawan ko.

"Tara na, babe? Baba na tayo."

Hindi ko namalayang andito na pala kami sa loob ng campus.

Agad naman akong sumunod sa kanya nong pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya.

"Good morning Jill Anne."si Jo. Katabi niya si Jean na abalang pumipindot sa cellphone niya.

"Good morning, Jo."sabay na sagot namin ni Jillian. Tumingin naman sa amin si Jean saka ito kumindat sa amin.

"Guys, pinapaalala pala ni Yanzki may pictorial tayo sa linggo para sa anniversary ng barkada. Huwag daw tayong mawawala at ang theme natin this year ay bikini open. Leche ako na ang pinakasexy sa pagkakataong ito, hahaha!"si Jean.

Kaya pala busy ito sa pagtitext dahil katext nito si Yana.

"Saan daw yong pictorial?"si Jillian.

"Sa bagong rest house nila Yana."

"Okay sige. Go tayo diyan."

"Alam niyo, sa tingin ko kailangan natin ng expert na mag i-edit sa mga pagmumuhak niyo pag nagpapicture tayo. Ang papangit niyo, eh."

"Yang ugali mo ang kailangan i-edit. Ang sama, eh. Palala ng palala."sagot ni Jillian kay Jean.

"Yang utak niyong dalawa ni Jo ipaedit niyo rin. Kami ni Anne maganda na matalino pa. Kayong dalawa ewan ko na lang."

"Ang gagu mo talaga Jean!"si Jo na halatang napipikon.

Di ko alam kung matatawa ako o maasar dito kay Jean dahil siguradong mamaya kasama na ako sa mga lalaitin niya.

"Tara na nga babe. Puro panlalait ang hayup na yan."

Inakbayan na ako ni Jillian saka kami naglakad papuntang classroom pero bago pa kami makapasok ng room naabutan naming naghihintay si Wendy sa may bukana ng pintuan.

Dito na rin nag aaral si Wendy kaya madalas na rin namin siyang nakakasama.

"Oh, Wendz. Bakit?"si Jillian.

"Magpapasama sana ako sa weekend. Gustong umuwi nila lolo't lola sa probinsiya. Baka pwede kang magdrive dahil masakit pa rin itong kamay ko hanggang ngayon. Iyon ay kung okay lang kay Anne."

Napansin kong may benda ang kamay ni Wendy. Napano kaya iyon?

Tumingin naman sa akin si Jillian.

"Ahh okay lang sa akin."sagot ko.

"Hoy! Babaeng ipinaglihi sa galit na nagmana sa gelpren ni Jillian na ubod din ng sungit, hindi pwedeng mawala si Jillian sa linggo dahil may lakad kami. Kung gusto mo sumama ka na lang din sa amin."si Jean.

"Hindi ikaw ang kausap ko. Huwag kang epal!"sagot ni Wendy kay Jean.

"Nauna kaming nagset ng plano. Kung gusto mo next weekend nalang kayo umuwi ng grandparents mo. Naka set na yon at maiinggit ka pag nakita mo yong mga picture namin."

"Di bale na nga lang. Salamat na lang Jillian. Ako nalang magmamaneho. Sana hindi ko na lang sinayang ang oras ko na pumunta rito. Pakisabi nalang diyan sa kaibigan niyo na abnormal! Hindi ako sasama sa mga lakad niyo pag kasama siya."isang irap ang iniwan nito kay Jean pero hinabol siya ni Jillian at mukhang nagkasundo naman sila at ilang saglit lang lumapit na ulit sa amin si Jillian.

"Guys kayo muna ang bahala kay Anne sa weekend ha? Isama niyo na lang siya sa pictorial. Kailangan kong samahan si Wendy pauwing probinsiya. Hindi iyon makakapakgdrive dahil injured yong kamay niya."

Sa totoo lang okay lang naman sa akin na samahan ni Jillian ang kapatid niya kaso pag naiisip kong andon rin yong haliparot na si Pam parang naiinis na naman ako.

"Okay Jill kami na ang bahala kay Anne."si Jo.

Nong una naexcite ako pero ngayon parang ang lungkot dahil hindi ko makakasama si Jillian sa weekend.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

905K 12.6K 53
Mabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pami...
133K 4.7K 39
Wtf? She is the sister of my boyfriend. Damn.
337K 10.8K 93
Eto na po ang ikatlong libro ng AMKB :) Maraming salamat po sa suporta! BubeiYebeb
367K 16.8K 42
"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin m...