{COMPLETED} [MFM Book2] Mirro...

By IHeartYongSeo09

49K 993 355

Man in Front of the Mirror{MFM} Book 2. Read the prologue for the plot of this story. Thank You~^^ More

{MMH} Prologue
{MMH} *Ch. 1
{MMH} *Ch. 2
{MMH} *Ch. 3
{MMH} *Ch. 4
{MMH} *Ch. 5
{MMH} *Ch. 6
{MMH} *Ch. 7
{MMH} *Ch. 8
{MMH} *Ch. 9
{MMH} *Ch. 10
{MMH} *Ch. 11 - His Wedding, Sweetness And... New Girl?
{MMH} *Ch. 12 - Rush Wedding Preparation And Phone Talk.
{MMH} *Ch. 13 - Lunch Date? New Friend? And Announcement?
{MMH} *Ch. 14 - Trouble, Unexpected company and...... New Guy?
{MMH} *Ch. 15 - Jealousy here, there and everywhere. ;)
{MMH} *Ch. 16 - Deep Conversation and Indirect Confession?
{MMH} *Ch. 17 - Bonding, 1st Serious Convo and 'See you tomorrow'?
{MMH} *Ch. 19 - Advance Honeymoon & I'll Be Your Girl. ;)
{MMH} *Ch. 20 - The Chosen One & 'Tomorrow is---' what?
{MMH} *Ch. 21
{MMH} *Ch. 22
{MMH} *Ch. 23.1
{MMH} *Ch. 23.2
{MMH} *Ch. 24
{MMH} *Ch. 25
{MMH} *Ch. 26
{MMH} *Ch. 27
{MMH} *Ch. 28
{MMH} *Ch. 29
{MMH} *Ch. 30
{MMH} *Ch. 31 - Jealousy, Hatred And Feeling Betrayed.
{MMH} *Ch. 32 - Behind The Pain: Determination
{MMH} *Ch. 33 - Everything is Getting Complicated.
{MMH} *Ch. 34 - Is There Really A Happy Ending?
{MMH} *Ch. 35 - The Untold Story.
{MMH} *Ch. 36 - His Point Of View (From the start till the present.)
{MMH} *Ch. 37 - Signs.
{MMH} *Ch. 38 - Actions.
{MMH} *Ch. 39.1 - Happy... Ending?
{MMH} *Ch. 39.2 - Happy... Ending?
{EPILOGUE: Together Forever, To Eternity & Infinity.}
*IHeartYongSeo09's Not So Long Note. XD*

{MMH} *Ch. 18 - 'Yes She Is' + Worst Nightmare? ;)

979 29 11
By IHeartYongSeo09

{MMH} *Ch. 18 - ‘Yes She Is’ + Worst Nightmare? ;)

 

~CLENERY’s POV~

 

“Handa ka na ba?” tanong sakin ni Kuya Melvin.

Nandito kasi sila ngayon sa Pilipinas. Nagulat na nga lang ako nang pag-uwi ko eh sinalubong nila agad ako sa CM.

Umuwi daw sila dahil ngayon ko na daw kasi makikilala yung soon to be husband ko. Hindi ko naman kasi alam na mas excited pa pala sila sakin sa mangyayari ngayon. -__-

Tiningnan ko sya, “Siguro? Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon Kuya Melvin. Kinakabahan ata ako na ewan.”

Tumawa naman sya sa sinabi ko, “Wag ka mag-alala my lady. Gwapo naman yun. Hahaha.”

Napa-pout ako sa sinabi nya. Nandito nga pala kami sa CM. Naghahanda ng umalis para magpunta sa isang five star hotel. Dun daw kasi namin imemeet yung mapapangasawa ko.

Ilang sandali pa ay umalis na kami. Ano ba naman to. Kinakabahan talaga ako. Bakit feeling ko hindi ko magugustuhan ang mga mangyayari ngayon?

Ang mga kuya ko lang ang kasama ko. Wala ang parents ko dahil may business meeting sila na pinuntahan. Sabi naman nila kuya nagpasabi na ang parents ko sa parents nung soon to be husband ko.

Nakatingin lang ako sa daan habang nag-iisip ng kung ano ano. Napansin siguro yun ni Kuya Shin dahil bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya, “Still nervous?” tanong nya habang nakangiti.

Dahan dahan akong tumango, “Hindi ko alam kuya pero para kasing hindi ko magugustuhan ang mga mangyayari mamaya.”

“Really? C’mon. Just relax. Wag ka masyadong mag-isip. Go with the flow.” Sabi niya.

Tumango nalang ako at bahagyang ngumiti.

Nakarating naman kami ng maayos sa venue. Nilibot ko ang paningin ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit feeling ko may hinahanap ako? Hindi ko maintindihan.

Nauna ng pumasok sila kuya sa hotel. Nagpahuli ako dito sa labas. Parang gusto ko muna kasing maglakad lakad sa paligid ng hotel. Maganda ang hotel na to. Ano pang aasahan sa isang five star hotel? -__-

Tiningnan ko sila kuya na nakapasok na sa hotel. Hindi naman nila napansin na wala ako sa likod nila dahil may kumausap na sa kanila na receptionist.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila. Naglakad ako papunta sa park ng hotel. Nililibot ko pa rin ang mga mata ko sa paligid. Pinapakiramdaman ko din ang lamig ng simoy ng hangin. Gabi na kasi. 7pm na rin. Kaninang umaga wala akong ginawa kundi ang makipag-usap kina Kat, Kitzie and Cyclone. Naka-conference lang naman kami. Ako ang tumawag sa kanila. Wala kasi akong makausap at mapaglabasan ng nararamdaman ko about dito sa meeting na mangyayari.

Si Gab naman hindi ko na nagawang tawagan. Pero tinext nya ako ng goodluck. Nireplyan ko naman sya. Nagpasalamat ako. Feeling ko nga din ang busy ni Gab ngayon. Ano kayang ginagawa nya?

Naglakad pa ako ng naglakad nang may nakita akong nagpahinto sa akin.

Ilang hakbang lang ang layo ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na to. Wala naman akong karapatan na magselos dahil hindi naman kami. Wala rin akong karapatan na masaktan dahil matagal ng walang ‘kami.’

Nakikita ko ngayon si Marc at si Madisson. Nag-uusap silang dalawa. Mukhang seryoso ang usapan nila base sa mga expression na makikita sa kanila ngayon.

Napa-kagat ako sa lower lip ko para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ganito ko ba sya kamahal para masaktan ng ganito kapag may kinakausap syang ibang babae? Pero hindi, hindi nga pala ibang babae si Madisson. Sya nga pala ang girlfriend ni Marc. Ito ba ang ibig sabihin ni Marc sa ‘See you tomorrow’ nya kahapon? Eto na ba yun?

Kailangan mo ba talaga akong saktan ng paulit ulit Marc? Hindi ba pwedeng layuan mo nalang ako gaya ng gusto kong gawin sayo? Pero bakit pilit ka pa ring lumalapit sakin kahit alam mo naman na masasaktan ako?

Napatalikod ako ng yakapin ni Madisson si Marc. This is too much. Hindi ko na kaya pang tingnan ang pwedeng sunod na mangyari sa kanila ngayon. Ayoko ng panoorin muli ang paghalik ni Madisson kay Marc. Bakit naman ngayon pa? Bakit kung kailan ko makikilala ang lalaking pakakasalan ko saka ko pa nakita ang eksenang to?

Siguro, kailangan ko na talagang tanggapin na hindi na sya sakin. Kailangan ko ng tanggapin na may iba na sya at ganun din ako. Pareho na kaming ikakasal. Yun nga lang, mahal ni Marc ang pakakasalan nya. Samantalang ako, hanggang ngayon walang idea sa kung sino ang groom ko.

Unfair. Lagi naman. Pagdating sakin, lagi naman unfair. Laging ako ang dapat masaktan. Ang dapat iwan. Ang dapat mag-move on. Life is unfair, especially to me. :(

Dahan dahan akong humakbang palayo sa kanila. Ngayon, hindi ko na dapat isipin si Marc. Dapat alisin ko na sya sa isip ko. Hindi, pati pala sa puso ko.

Pakiramdam ko, ang bigat ng bawat hakbang ko. Pero unti unting bumibilis ang lakad ko. Palayo sa kanya. Palayo sa kanila.

Ilang saglit pa ay nakarating na akong muli sa tapat ng hotel. Tumingin ako sa harap ko. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili ko.

Muli akong lumakad. Habang naglalakad ako ay pilit kong inaalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Wala dapat akong isipin ngayon kundi itong meeting lang na to. Nandito lang dapat ang atensyon ko.

Nakapasok na ako ng hotel. Agad na hinanap ng mga mata ko ang mga kuya ko. Nakita ko naman sila sa isang private room. Kita pa sila dahil glasswall naman yun. Napansin ko din na may kausap silang isang babae pero hindi ko masyadong makilala dahil natatakpan sya halos ng mga kuya ko.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila. May bumati sakin sa labas ng pinto at binuksan iyon. Ngumiti ako sa kanya at pumasok na ako sa loob.

Pumunta ako sa kinaroroonan ng mga kuya ko. Side view sila ngayon sakin. Hindi ko pa rin makita ang babae dahil may kinuha ito sa gilid nya.

Nang makarating naman ako ay agad kong nakuha ang atensyon nila kuya.

“My lady! Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpunta?” tanong sakin ni Kuya Melvin.

“Uhm. Dyan lang kuya. May tiningnan lang ako. Pasensya na.”

“It’s okay. Nandito ka naman na ngayon.” Sabi ni Kuya Nathan.

Ngumiti nalang ako sa kanila at tumingin dun sa babae na sakto namang tumingin din sakin.

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

“Ate Keith?!”

“Clenery!” ngumiti sya, “Finally you’re here! Sabi ng mga kuya mo kasama ka daw nila pero ayokong maniwala dahil hindi naman kita nakita kanina! But then, nandito ka na ngayon so naniniwala na ko sa kanila.” Sabay tingin kila kuya na nakangiti naman.

Teka nga, naguguluhan ako…

KELAN PA NAGING CLOSE ANG MGA KUYA KO AT SI ATE KEITH?

At isa pa,

Napatingin ako sa isang upuan na katabi ni Ate Keith.

Sandali,

SILA BA ANG IMEMEET NAMIN AT YUNG NAGMAMAY-ARI NG UPUAN NA YUN ANG SOON TO BE HUSBAND KO?

***

~PATRICK’s POV~

 

“Oy Patrick. Sigurado ka ba dito sa gagawin naten ah?” tanong saken ni Dennis.

“Oo ah! Siguradong sigurado! Ako pa!”

“Sana lang hindi ka nagbibiro Patrick. Tatamaan ka saken.” Sabe naman nitong si Ivan.

“Kung makapagbanta ka naman dyan! Akala mo may mawawala sayo sa gagawen naten ah!”

“Meron naman talaga Patrick. Napilitan syang i-cancel ang date nila ngayon ni Kitzie.” Ken. Akalain mong nagsasalita pala to. Hahaha. Kanina pa kase tahimik ang isang to eh.

“Wooooh! Yun lang pala eh! Hahaha.”

“Sira ulo! Sa inyo kaya ni Kimberly mangyari yon! Di ka kaya matakot sa magiging reaction nya!” Dennis.

“Mahal ako nun! Kaya wala dapat katakutan.”

“Confident ah.” Ivan.

“Tahimik na nga! Nandito na tayo sa floor nila. Ano? Uumpisahan na ba naten?” ako.

“Hindi pa ba tayo nag-uumpisa kanina?” Ken.

“Ken naman! Mahirap pala pag nakikisabay ka samen. Pag nagsalita ka nambabara agad.”

“Hahaha! Dapat lang naman sayo Patrick.” Dennis.

“Eh kung ihulog kaya kita mula dito Dennis?”

“Tama na nga yan! Tara na!” Ivan.

“Nagmamadali. Gustong humabol sa date nila ni Kitzie. Hahaha.”

“Isang salita mo pa Patrick kaming tatlo ang maghuhulog sayo pababa.” Ivan.

“Malamang. May ihuhulog ba pataas? Hahaha. Oh! Wala namang ganyanan. Nagbibiro lang eh.” Umakma kasi sila na ihuhulog ako. Hahaha.

“Umayos ka nga Patrick. Inistorbo mo kaming tatlo! Baka nakakalimutan mo!” Dennis.

“Baka naman den nakakalimutan nyo na para kay Gab naman tong ginagawa naten?” ako.

Hindi sila nakakibo. Hahaha. Lakas kase manunton eh. -__-

“Tara na nga!” inaya ko na sila at naglakad kame papunta dun sa dulong table. May mga nadadaanan naman kameng mga empleyado lahat naman napapatingin samen. Hahaha. Yan ang charisma ni Patrick James Martinez! Nakaka-speechless! Mapapa-nganga ka pa! Hahaha. ;D

Oo nga pala, nandito kame sa accounting firm nila miss beautiful. Hindi naman sinabe samen ni Gab na ganito pala kalaki ang firm na to. Kakalula. Hahaha.

Napahinto ako kaya napahinto din tong tatlo sa likod ko. Ako leader ngayon, syempre sa gwapo ko ba naman na to? Hahanap pa ba ng iba? :D

“Jesserene?” basa ko sa nakasulat dun sa table. May nakalagay din na ‘Secretary of the president’ sa baba.

“Sya na ba?” tanong ni Dennis.

“Jesserene. Jheszy. Baka nga.” Ivan.

“Pero nasan sya?” Ken.

Nilibot namen ang tingin namin sa buong floor. Hanep. May mga magaganda din dito ah. Madame sila pero na kay Kim mylove ang puso ko. ;)

“Ano sa tingin nyo? Sino sya sa mga yan?” Dennis.

“Malay ko. Wala man lang kase tayong picture nun!” Ivan.

“Sino ba nakaisip na puntahan si Jheszy?” sabi ni Ken sabay tingin nilang tatlo sakin, “Nagpaplano kase ng hindi handa.”

“Langya naman! Nagmamagandang loob lang naman ako! Malay ko bang kailangan ng picture.”

“Tsk. Tsk. Assistant ba talaga ng presidente ang isang to? Baket ba sya pa kinuha ni Gab sa mall nila?”

“Ewan ko din Dennis. Nabulag na ata si Gab.” Ivan.

“Mga loko kayo ah---sh*t. Tago!” mga nagulat naman sila at nagtaguan kami sa ibang cubicle dito na parang office.

“Ano ba yon Patrick?” bulong ni Dennis saken.

“Nakita ko si Gab. Lumabas sa dulong room. May kasamang babae.”

“Naks! Ibang klase din si Gab. Mabilis ah.” Sabi ni Ivan sabay ngisi. Utak talaga ng isang to. Tsk.

“Tahimik. Andyan na sila.” Sumilip ako at ganun din naman sila.

“Teka, sya ba si Jheszy?” Dennis.

“Siguro. Maganda sya.” Ivan.

“Mukhang mabait.” Ken.

“Parang pamilyar sya saken.” Napatingin naman silang lahat sakin.

“Ha?” sabay sabay nilang sabi.

“Ewan ko ba. Parang nakita ko na sya eh.” Ako.

Pwera biro nga. Pamilyar saken ang babaeng to. Nakita ko na sya dati, alam ko. ~.~

Ilang sandali pa ay lumabas na kame ng makaalis sila Gab. Nagtataka ba kayo kung bakit kahit Sunday eh may pasok tong firm nila Clenery? Natatandaan ko kase yung sinabi ni Gab saken noon. Once a month daw talagang nagkakaroon ng pasok ng linggo ang Chua Accounting Firm. Tradition na daw eh. Anong alam ko don? Yae na. Hahaha.

Sinundan naman namen yung dalawa. Ayos din to ah. Alas syete na pero aalis pa sila? San naman punta ng dalawang to?

Nakita namin na sumakay si Jheszy sa kotse ni Gab. Nak ng. Mukhang sinusunod ata ni Gab ang mga advice ko sa kanya ah. Hahaha.

Agad naman kaming sumakay sa mga kotse namen. Sinundan din namin sila. Pambihira, nakakacurious naman kung san dadalin ni Gab si Jheszy sa ganitong oras. Hahaha. Patrick, easy. Utak mo.

Habang sinusundan namen sila napansin ko na parang alam ko na kung saan sila pupunta.

Tinawagan ko yung tatlo, (Sh*t! Matagal na bang nagdadate ang dalawang yan?! Baket sa bahay agad nila Gab ang tuloy?) Dennis.

“Hahaha! Gag*! Masaya nga! Meet the parents agad! Hahaha.” Sabi ko.

(Sira ulo ka talaga Patrick! May alam ka siguro dito!) Ivan.

“Mas sira ulo ka! Anong alam ko dyan? Kung alam ko yan eh di sana di na tayo sumunod dito.”

(May point si Patrick.) Ken.

“Yon Ken! Sumang-ayon ka ren saken! Hahaha.”

(Tss. Ano ng plano?)

“Umuwi na tayo.” Sabi ko.

“ANO?!” sabay sabay nilang sabi.

Nag-U turn na ko at nakita ko naman na nakatingin sila saken. Napa-smirk ako. Hanep. Lakas ng dating ko ngayon. Hahaha.

“Mission accomplished na. Nakita na naten si Jheszy. Wala na tayong pakay pa. Kaya sige na. Salamat sa pagsama mga dude. Hahaha. Ingat kayo!” sabi ko sabay patay ng tawag. :D

Ayos Gab. Magandang simula yan. Pagpatuloy mo lang pre.

Makakaalis ka ren sa anino ni miss beautiful. Hahaha.

Ang kagwapuhan dapat ginagamit. Hindi ini-stock lang. ;)

***

~JESSERENE’s POV~

 

“Uhh. B-bakit tayo nandito Gab?” tanong ko sa kanya.

Ang usapan kasi namin kanina sa office ay pupuntahan namin ang hotel kung nasaan si Clenery. Gusto daw nya kasing makita ang reaction ni Clenery kapag nakita na nya yung soon to be husband nya. Sumama naman ako kasi nag-sabi sya na sya na daw maghahatid sakin. Pag daw tumanggi ako magtatampo sya. >.>

“May kukunin lang ako. Pasok ka muna.” Sabi nya sabay baba nya sa kotse.

Pinagbuksan nya ako ng pinto. Tiningnan ko sya ng nagtataka. Ngumiti lang naman sya.

Bumaba naman ako, “Tara na.” naglakad na sya papasok sa gate habang ako naman ay nanatiling nakatayo lang dito. Hindi ko kasi alam kung papasok ba ako o hindi. >.<

Napansin nya yun kaya napahinto sya. Tumingin sya sakin, “Ano pang ginagawa mo dyan?”

“Ah. Eh. Kasi,,, ano, dito nalang ako. Sige na, k-kunin mo na yung kukunin mo.”

Napangiti naman ulit sya. Bat ba sya laging ngumingiti? >.< Mas lalo tuloy akong naiinlo---ah, wala wala. <.<

Lumakad sya palapit sakin at *_____* h-hinawakan nya ang kamay ko!

“Akong bahala. Tara.” Sabi nya sabay hila sakin papasok sa gate nila.

Omo! >____< kinakabahan akoooooo! >/////<

Nakapasok na kami sa bahay nila at may sumalubong samin. Pero grabe, ang laki ng bahay nila. *.*

“Sa wakas, dumating ka din. Kanina pa kita hinihintay anak.” Sabi nung babaeng sumalubong samin. Maganda sya. Pero anak? O.O A-anak nya si Gab? Ibig sabihin…. Sya ang nanay ni Gab?!

Napatingin ako kay Gab na seryoso namang nakatingin sa mommy nya. Aalisin ko sana ang kamay ko na hawak nya pero mas hinigpitan pa nya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Paano kung mag-isip ng iba ang mommy ni Gab? Eh a-ano, wala naman kaming relasyon. >.> at saka, magkaibigan lang kami..

“So,,, Who is she?” tanong ni mommy ni Gab sabay smile na parang nang-aasar?

Napabuntong hininga si Gab, “Her name is Jheszy.”

“And?” hindi pa din nawawala yung kakaibang ngiti ng mommy nya.

“She’s my friend.”

“Ohhh. Friend huh? Seriously my dear?”

“Ma, will you change that smile of yours. Nakakakilabot.”

Napatawa naman si mommy ni Gab. Ang ganda nya talaga. Hindi halata na mommy na sya.

“Ok. Ok. But please. Make it clear Gabriel Stephen. Tell me, is she the new girl?”

Mas naguluhan ako sa usapan nila. Ako ba yung sinasabing new girl daw? New girl? Bakit may ganun?

Tiningnan ko si Gab. nakatingin lang naman sya sa mommy nya.

“What my son? I’m waiting.”

Matagal bago nakasagot si Gab na lalong nagpagulo sakin.

Nagbuntong hininga muna sya at nagsalita,

“Yes. She is.”

 

***

~CLENERY’s POV~

 

“Uhm. Ate Keith, kelan pa kayo naging close nila kuya?”

Napatawa si Ate Keith, “Hay naku Clens. Huling huli ka na ata sa buhay ng mga kuya mo.”

“Ha?”

“Well, matagal ko na silang kilala. But I won’t tell you kung kelan. Para naman may secret ako sayo.”

Napatingin ako sa kanya. Nagaayos sya ngayon sa harap ng salamin. Nandito kami sa comfort room. Inaya nya muna kasi akong magpunta dito. Pero feeling ko may plano sya eh.

“Ah Ate Keith, bakit ka nga pala nandito? May imemeet ka?”

Tumingin sya sakin, “Actually yes. Ako nameet ko na pero yung kasama ko hindi pa.”

Tiningnan ko sya ng nagtataka, “Si Marc ba? Sya ba ang kasama mo?”

Bigla naman syang napatawa ulit, “Oh Clens. Tell me, you still love him right?”

Natigilan ako bigla sa tanong nya. Umiwas ako ng tingin.

“Alright. I already know the answer. Hahaha.”

Napayuko ako. Masyado nya ata akong nahalata. >.<

“C’mon Clens! Let’s go. Baka nandun na yung imemeet nyo ng kuya mo.”

Tumango nalang ako sa kanya. Lumabas naman na kami ng cr. Naglakad kami pabalik dun sa table nila kuya.

Sino nga kaya ang mineet dito nila Ate Keith? Si Madisson ba? Pero---

“Oh! He’s here!” sabi ni Ate Keith kaya napatingin ako sa tinitingnan nya.

May isang lalaking nakatalikod samin ngayon. Nakatayo sila kuya pati yung lalaki habang nag-uusap sila.

Bigla akong kinabahan. Shems. Naguguluhan din ako.

Hinawakan ni Ate Keith ang kamay ko at hinila ako, “C’mon Clens! Dumating na ata ang hinihintay nyo! Hahaha.”

Naglakad kami palapit sa kanila. Napansin naman kami nila kuya.

“Oh. Nandito na pala sila eh.” Sabi ni Kuya Michael.

Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa lalaking nakatalikod pa rin samin. Yung damit nya. Yung suot nya, k-kilala ko kung kanino yun.

Yung j-jacket….

No..

Hindi pwede to..

Imposible…

“So pano? Simulan na natin?” Kuya Melvin.

“My lady, this is it. Meet your groom.” Tinapik ni Kuya Nathan yung lalaki kaya dahan dahan syang lumingon sakin.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko.

Nakatingin sya ngayon sakin. The usual him.

This can’t be .

Hindi…

Hindi to totoo..

Hindi sya ang groom ko diba?

Hindi pwede…

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ang mga kuya ko pati si Ate Keith. Lahat sila nakangiti.

“Kuya…?” nagtataka kong tanong sa kanila.

Biglang nagsalita si Kuya Shin na nagpagising sakin.

“Marc. Meet your bride. Clenery.”

 

This is the worst nightmare ever…

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.9K 150 20
Dahil sa pagkawala ng kanyang twin brother ay napilitan si Dy na magdisguise bilang siya. Anong mangyayari sa kaniya kapag nalaman nilang isa lang s...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
58.4K 797 46
Sya si Princess kiera Sy isang Popstar masasabi na rin nating perfect sya dahil sya ay mayaman as in mayaman na top 1 na pinakamayaman sa buong mundo...