Chapter 9: What Goes Around Must Come Back Around
THURSDAY. After morning assembly.
(Barbs' POV)
"4TH YEAR FORM! 'SA! DALAWA! TATLO! APAT! LIMA! ANIM! PITO! WALO! SIYAM! SAMPU! Handaaaaa... rap!"
This is it. Nasa quadrangle kami ngayon, formation for the CAT Officers announcement. I am so excited! May narinig kasi ako sa officer namin last year na mukhang malaki ang chance ko na maging Batallion Commander ng batch namin. Though I'm not expecting any- Crap it. I am expecting talagaaaaa! Seriously. Sana po Papa Lord ako BatCom! Pero grabe lang, kaming officers lang ang naka-fatigue ngayong Thursday. Yung mga kadete naka uniform lang. Ineeeeeeeeet!
Nakahiwalay kami ng formation sa mga hindi officers. 14 lang kaming nagtraining nung 3rd year kaya medyo okay na sakin to. After all, 61 lang naman ang population ng batch namin e. Kaya ayos na! ;)))
"Aheeem. Officers da-rap! Isahang bilang.. na!" nakakatakot na sigaw ni Rons. Sabi na nga ba, bipolar to e. Pag PE okay okay lang kami, pero pag CAT na usapan, sya na ang male counterpart ni Mrs. de Jesus. Freaky.
Oh. Did I mention na out of 14, 3 lang kaming babae? At mas matangkad pa sakin yung dalawa? So it means ako ang last count so..
Me: Labing-apat huling bilang na po pinuno!
Rons: Mag-ulat!
At since si Tuko ang pinakamatangkad sa mga lalaki..
Tuko: Pinuno may labing-apat na katao po ayon sa napag-alaman.
Rons: Carry on. *sighs* So.. simula ngayong araw na to, opisyal na magsisimula ang ating CAT para sa taong ito. At para simulan, iaannounce ko na ang mga opisyal na mamumuno sa inyo ngayon. Sila ang mga nakakumpleto sa pagsasanay na kanilang pinagdaanan nung isang taon. Mga kadete, tandaang rerespetuhin nyo dapat ang mga opisyal. Sila ang mga otoridad ninyo dito sa paaralang ito. Lalo na kapag Huwebes at pag sila ay naka-duty. Maliwanag?
4th year: Sir yes sir!
Rons: Ngayon, simulan na natin. Ang ating medical officer....
Shet lang please I am so nervous. What if BN S3 lang ako, Training Officer? Hindi naman sa ayaw ko sa training, pero.. BatCom talaga gusto ko!!!
Rons: Para naman sa BN S3, 1st Lt. Chester Sison.
OHMAAAAYGAAAAA MY BESTFRIEND! MY BESTFRIEND!!! MY BESTFRIEND'S THE TRAINING OFFICER! Di naman ako makatodo react dito, baka pagalitan ako. But I heard 9 gasped at the back. Maka-react si teh ;/
Dun ko narealize na apat na slots na lang ang available, ang BN S2 (Intel), BN S1 (Adjutant) , BN Executive Officer at ang BN Commander. Ang di na lang natatawag ay ako, dalawang taga-Soc at
si Tuko.
Leche. Nakakainis! Hanggang CAT ba naman!? Inagaw na nga nya yung Athletics sakin!!! Pusanggala!!!
Rons: BN S2.. Gerald dela Cruz.
Dammit!! Dammit!!!
Rons: BN S1...
Cyrus Casabueno.
YESSSS I LOVE YOU PAPA LORD!!! WOHHHHOOOOOO!!
Rons: BN Ex-O...
Kelvin Monserrat.
Shitbrix. Oh my god. Oh my god. Oh my god. Oh my god.
AKO ANG BATCOM. AKO ANG BATCOM.
OOHHHLALALALALALALALALA I LOVEEEEEET! AAAAAYYYYYAAAAAAAYYYYAAAAAA!!!!!
Rons: And our Batallion Commander, Capt. Barbara Ramirez.
#
*
OH MY EFFIN GOSH. TENGENEEEEEEEEEE AKO BATCOM!!!!! WOOOOOOOHOOOOOOOOOO PARTY PARTY NA!!!!!!
Narinig ko na naman si 9 na nagreact, kasama na ngayon si Rocky.
Rons: Ramirez, fall-out.
Shocks ba't ako pupunta sa haraaaaap?! Ganito ba talaga to!? ANSAVEEEEEEEH KINIKILIG AKOOOOOOO! :""">
Rons: Para sa mga bagong tatag na opisyal ng ating CAT. Yes.... CLAP!
4TH YEAR: *yes clap*
Rons: *pabulong sakin* Take my command mo, tapos ipatiwalag mo sila. Klaro?
Me: Sir yes sir! *sa 4th year* 4th Year take my command! Handa.. rap! Harap sa likod... rap! Tiwalag!
Pagkatiwalag nilang lahat, dali-daling tumakbo palapit sakin ang SASSA at si Chester.
9: OHMIGOD OHMIGOD OHMIGOD BARBIEEEEEE! BATCOM KAAAAA!!! OHMY!!!
ROCKY: THIS IS SOOO COOL!! BESTFRIEND NATIN, BATCOM!!!!
VIV: Barbs, tandaan mo na bawal ako mapagod sa mga drills at wag mo kong iduduty kapag may exams, esp. Math and Physics!
9 & ROCKY: NERD!!
CHESTER: Nice one bestfriend! Ang galing mo lang! Sabi ko sayo ikaw na Batcom e!
Syempre ayokong magpahalata na excited at sobrang saya ko. So I pretended na cool lang sakin, no big deal.
ME: Sus, wala yan! Congrats Chester! Naaaks, training officer!
CHESTER: Ako pa!? Humanda sakin yang mga kadete! Sinong papahirapan natin!? ;);)
9: Hoy! Abuse of power!!!
ROCKY: At dahil dyan.. Pop's tayo bago umuwi! Libre ni Batcom!
ME: HOY!!! Anong libre ko!? Wala akong pera!!!
Parang wala silang narinig. Dumiretso na sila papuntang classroom. Inangyan. :/:/
------------------------------------------------------
(9's POV)
LUNCHBREAK
As usual, lunchbreak is my chika break. Minsan lang naman akong kumain ng lunch e! You know, diet ;);) So, this typical Thursday noon, may chika (9's POV)
LUNCHBREAK
As usual, lunchbreak is my chika break. Minsan lang naman akong kumain ng lunch e! You know, diet ;);) So, this typical Thursday noon, may chika na naman ako. I rushed to our fave poste, and voila, they look so bored.
ME: Hey guise! I has chika!
BARBS: Tungkol kanino na naman!? Sa bagong guard? *laughs*
ME: Oh just shut up, tomby! Makinig ka muna sakin, pwede?
BARBS: Okay okay! No need to shout!
ROCKY: Sino na naman ba yang ichichika mo samin teh!?
ME: Listen to me nga! I want your full attention! Hoy Vivien, wag ka na munang mag-aral sa Physics. Listen to me!
VIV: I can multitask, thank you.
CHESTER: Eh sino nga? Bagal naman nito oh!
Tumahimik muna ako, for dramatic effect of course. Nang malapit nakong murahin ni Barbs...
ME: OKAY! My chika is about my current flam-
ROCKY: Current flame?! Boyfriend?!
CHESTER & BARBS: SINONG PUMATOL SAYO!!?
9: SHUT UP NGAAA!! I mean, current crush.
BARBS: Parang may pake kami sa crush mo teh.
ME: Oh. Kilala nyo ba crush ko? :">
SILANG APAT: SINO BA?!
ME: E DI SI...
SIR LEAN!
Define nganga sina Chester sa sinabi ko.
Che: San mo naman napulot yan?
Me: Hmm. I investigated ;);)
BARBS: Wala akong tiwala dyan sa investigation mo teh.
ROCKY: Nako! Dali ichikaaa mo naaaa!
Nagdramatic pause ulit ako before I proceed.
ME: Okay. So he's Leandro Abarquez. 20 years old. Birthday: December 23. Taga Cubao, Quezon City. 5'9. T-
B: Vital stats lang teh? Walang kwenta.
ME: I'M NOT YET DONE!! Elementary/Highschool: UPIS. College: UP Diliman, BA Creative Writing, Magna Cum Laude. Masteral: ADMU. Favorite food: kahit ano basta masarap. Fave movie: Casablanca. Fave band: Foo Fighters. He became the varsity captain ng batch nila nung highschool. Played for UP Maroons, 2007. Member of Upsilon Sigma Phi, PANTAS and Dakila. What else?
Single.
Humagalpak naman sa tawa si Barbs.
B: AT TALAGANG NAKA-EMPHASIZE ANG SINGLE JANINE!?
Me: Well yeah! That was the most important thing of all, idiot. He is damn available! We should make moves na.
Ch: Hoy umayos ka nga! Magseseventeen ka pa lang this August. Lakas tama mo.
Me: So that makes me okay! 3 years lang naman! Di ba we're so quote bagay unquote!?! ;))))
B,Ch&R: KADIRI!!!
Me: Hoy Bibi! Di ka naman ata nakinig e. :((((
Viv: Nakinig ako, ano ka ba. It's okay. As expected, he's single.
B: Ni hindi ka man lang natuwa?
Viv: No. Why should I!?
B: Nating na-
Me: Hay ewan ko sa'yo!! Ang ayos kaya ng chika ko tas di nyo man lang naappreciate. Katampo kayo guys :(((
Bigla na lang umalis si Barbs sa kumpulan namin.
R: Hoy! San ka pupunta!?!
B: CR.
Oh well.
------------------------------------------------------
(BARBS' POV)
Ohkay. So ganun na yun chika ni 9. Walang kwenta! Hahahaha sama ko noh? Pero kagulat, nagbabasketball pala yung mokong na yun!? Di halata!!!
At bakit ako umalis?
May nakita kasi ako sa may CR.
Sina Tatin at Tuko.
Aba aba, ano to!? Kinakausap ni Tuko ang malandi nyang ex?! Talagaaaaa!?!! Halatang pinagtitripan ni Tuko tong si Tatin ah, sinasabayang maglakad. Saktong duty pa naman lahat ng 4thyear ngayon kaya malas, they need to render courtesy saming officers. Mukhang g@go tong si Tuko, ayaw pa ipa-carry on tong si Tatin. Balak ata nitong ipag-sidesteps si Tatin mula CR hanggang canteen! I should do something about this.
Kaya ang ginawa ko!? Lumapit ako sa kanila.
Me: Carry on.
Tatin: *looks so relieved* Ma'am thank you, Ma'am!
Tumigil naman si Tuko sa kakalakad.
Tuko: Wow, the Batcom saves the day. How cute.
Me: Hoy. Baka nakakalimutan mo, no abuse of power. Kung may problema pa rin kayong dalawa, wag nyong idaan dito sa CAT. Ayusin nyo lang ha, pwede? Nakakainis kasi.
Tuko: Ma'am yes, Ma'am. Oh. I guess you will write this incident on your notebook noh? Para kina Leiza at Denn? ;))
This @ss!!!!
Me: *pabulong* Tumahimik kang hinayupak ka o pag di ko talaga napigilan sarili ko babatukan kita!!!!
Tuko: Oh. That would be abuse of power, Ma'am.
Me: AAAAARRRGGGHHHHHH!!
Tuko: Ma'am, ako nga po pala ang secretary nyo this year. So.. goodluck to us, Ma'am. Ma'am permission to leave Ma'am!
Hindi na nya hinintay na magsalute ako. Umalis na agad ang mokong. Tengene nya sagaaaaaad!!!!
------------------
PAGBALIK NAMIN PAPUNTANG CLASSROOM, may isang 2nd year student (lalaki) na naghihintay sa may room namin.
ROCKY: Hello! Are you looking for someone?!
Boy: Uuhhh.. Si Cyrus Casabueno po ate.. nandito po ba sya?
ROCKY: Wait lang ha. *silip sa loob ng room* Cy!! May naghahanap sayo dito!!!
After a minute, lumabas tong si Tuko. Hindi na naman nya ako pinansin. BUTI NAMAN!!!
Tuko: Bakit?
Boy: Tawag po kayo ni Ms. Alvaro sa lounge.
Tuko: *to Rocky* Pakisabi kay Ms. Liwanag lounge lang ako.
Me: *pabulong* Wag ka nang bumalik!!!
So halos buong Filipino time wala si Tuko sa classroom. Buti naman!!! Jusme di ko ata keri kung katabi ko sya. Grabe lang! Well hey, mas mataas ang ranggo ko sa kanya, that makes me his boss. Ansaveeeh nyo!? Hahahahah ;))
10 minutes na lang bago matapos ang Filipino time namin nang..
*intercom buzz*
Announcer: Announcement! The Charleston Herald would like to congratulate the new editorial staff for the year 20** - 20**! The list is posted on The Herald's bulletin board. Thank you!
Sabay-sabay saking tumingin sina Chester. Oh my gulaaaay!!! This is it!!! Grabe, I don't like to expect anything ha, pero I'm aiming for the Editor-in-Chief spot. Hindi naman sa gusto kong imonopolize lahaaaat.. pero parang ganun na rin yun! ;DDD Shet laaaaang!!!
Me: Ms. Ayel!! Pwede ko po bang tignan yung ed staff?
Ms. Liwanag: Sure! Tapos naman na ang klase natin.
In an instant, lumabas kaming lima sa room. Oh em geeee!!! Excited kaming lima!!! This might be it!!!
Ch: Nako Barbara, ang swerte mo ata ngayon ah!!!
Ro: Imba kung EIC ka! Ikaw na magaling!!
Nasa floor ng 1st year ang bulletin ng Herald. Ang layo lang ha!!! Bago pa namin marating ang bulletin, nakasalubong namin si Wes.
Wes: Hoy Barbs!! Congrats!!!
9: OMG OMG!!! What's her position?
W: Uhh sya yu-
R: Wag ka ngang spoiler! Dali lezzgo!!!!
Ohmygod. If ever mang ako ang EIC, this is really my lucky day. Seryoso!!! Oh gosh. Two high positions!!! Talo tayo dyan!!!
Viv: Barbs this is it!! Close your eyes.
Sinarado ko na mata ko bago pa kami makarating sa harap ng board.
1.
2...
3....
TENGENEEEEEEEEEEEE!!!!
Associate Editor lang ako!
/wrist
9: TOMBY! YOU ALREADY!!! CONGRATS BARBIEEEEE! ;);)
Ch: Ikaw na active! Congrats bestfriend!!
Viv: Hmmm.. Okay lang yan Barbs! At least you got a high position. Kick their arse! ;);)
At sinong hinayupak ang nakatalo sakin sa Editorial Exam!?!!?!!?!
TENGENEEEEEE SAGAD YAN.
YUNG LECHENG TUKO NA NAMAN.
HONORS CLASS
Ang sama pa rin ng loob ko dahil sa editorial exam. Since 1st year pa ako nasa Charleston Herald pero tong si Tuko, bago lang! Kakatake lang nya ng editorial exam nung March! March laaaaang! :/:/
"Barbs, you okay?" Vivien asked. Nasa room na kami, hinihintay si Lean. Nakaupo ako sa tabi nya in front.
ME: Nakakabwisit. Unfair!! Pati ba naman si Ms. Alvaro favorite yang si Tuko!!
VIV: Ba't ba Tuko ang tawag mo kay Cyrus? Grabe to.
ME: Kasi kamukha nya?
VIV: Oy. Magpagupit ka na nga! Ang panget na ng buhok mo, abot pwetan mo na!! And change your uniform. Ang haba.
ME: Ayoko nga.
V: You being a non-conformist sucks. Hey, do you need my Physics notes?
ME: Next time.
(PUMASOK NA SI LEAN)
LEAN: Hoy, may seat plan kayo. Sundin mo nga.
Me: Tinatamad ako.
L: Weeeeeh. Oy, congrats nga pala! Assoc Ed!
Me: Anong masaya dun!?
L: Ba't ka galit!?
Me: Wala lang. Sige na nga, babalik nako sa upuan ko!!!
Ayoko talagang bumalik sa upuan ko. Ba't ba kasi katabi ko sya!? Inangyaaaaan! Nagbabasa pa sya ng previous issues ng Herald. That made me more furious.
LEAN: Okay class! Good Afternoon :):) So first of all, I would like to congratulate Barbs and Cyrus, ang bagong Assoc Ed at EIC ng Charleston Herald! Palakpakan!
Nagpalakpakan naman yung mga kaklase namin, lalo na si Rocky. Kami naman ni Tuko, wala lang. No comment.
L: Okay. So.. actually..
Me: Teka hulaan ko Lean, wala tayong klase ngayon?
L: Pano mo nalaman!?
Me: Made a lucky guess? :DD
L: Well guys, tama si Barbs. Wala tayong klase today and tomorrow! Kanina lang ako nainform na half day lang kayo pag 2nd Friday of the month, so we won't meet tomorrow. But...
Wes: But may reading assignment?
L: Natumpak mo! So.. We all have our favorite books, right? Tanda nyo pa ba yung sagot nyo sakin nung first meeting? I want you to make an alternate ending of your fave book. Kayo bahala kung anong gusto nyo, kung may papatayin ba kayo or what. Make sure na connected pa rin somehow sa flow yung idadagdag nyo. Okay ba? Deadline is on Wednesday! Ayos ba? ;)))
Sinulat ko sa mini-planner ko yang assignment. Damn! I forgot to fill up the UPCAT form! Next week na pala deadline nun kruu kruu.
Dinismiss kami ni Lean ng mga 3:30pm. Woohhoooo!!!
Ch: Hoy Barbs manlibre ka naman sa Pop's! 2 achievements ang nakuha mo ngayon oh!
Viv: Oo nga naman! ;)) Minsan lang eh.
R: Yeaaaaah! Kebem lezzgo!
Me: Oo na mga punyeta! Text nyo si Janine, magmeet tayo sa Pop's ng 4pm.
R: Sure! Wait, una na kami sa labas ha?
Me: Sige, locker lang ako.
Konti lang kaming nasa locker area. Haaaay! Tinanggal ko na yung pagkakaboknay ng buhok ko at i-unbutton ko na ang fatigue. Shet ang init!! Leche talagaaaa!
Tapos na sana akong maglocker nang..
"Hey."
I slammed my locker door shut. "What now?"
Tumabi sakin si Tuko. And he's smiling at me. "May pinapasabi nga pala si Ms. Alvaro."
"What?"
"Editorial staff meeting tomorrow, 12:30pm sa Herald Office. I expect you to be there."
"Okay fine."
"And oh, don't be too much bitter. Ikaw naman ang Batcom ah."
Konti na lang masasapak ko na sya!!! "I am not bitter. Ang kapal mo naman."
"Ako na makapal, thank you. Please don't be late tomorrow, Ms. Ramirez."
At nakatawa pa syang lumabas ng school gate. That @ss!
(A/N: Sorry kung late na namaaaan! ;)) COMMENT AND VOTE GUYS! :P)