Mnemosyne's Tale

By AnakniRizal

5.4M 165K 33K

Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's... More

Foreword
The Prophecy
/1/ Warning
/3/ Invitation
/4/ Too Late
/5/ Consequences
/6/ Pitfall
/7/ Voices
/8/ Sanity
/9/ Offer
/10/ Changes
/11/ Lessons
/12/ Fiasco
/13/ Goodbye
/14/ He Can See the Future
/15/ Friday Night
/16/ Peculiars
/17/ Three Men
/18/ The Zealot's Lure
/19/ Sweet Dreams
/20/ Despite Uncertainty
/21/ Searching For Answers
/22/ Lurking Evil
/23/ Looking Within
/24/ Escape and Arrival
/25/ Facing Death
/26/ The Secret History
/27/ Order of the Black Sun
/28/ The Woman Who Led Victory
/29/ Her Unexpected Return
/30/ Severe Decisions
/31/ Surrender
/32/ The Future Arrives
/33/ It's All Determined
/34/ End
Epilogue
Thank You!
Mnemosyne's Tale TO BE PUBLISHED

/2/ Curiosity

188K 5.3K 1.8K
By AnakniRizal


WHAT IS LIFE?

"Anyone?" itinaas ng professor ang hawak na yeso, nag-aanyaya na may sumagot sa tanong na isinulat niya sa malaking pisara. "Yes, hijo?" tinuro niya ang katabi kong si Richard na inayos muna ang salamin bago tumayo. Biology class namin ngayong umaga at iyon ang pambungad na tanong sa aming lahat.

Tumingin ako kay Richard na malumanay at dahan-dahang ang pagsasalita, kung paano niya binigyan ng depinisyon kung ano ang 'buhay'.

"Life is a distinctive characteristic of a living organism from a dead organism or non-living thing, as specifically distinguished by the capacity to grow, metabolize, respond, adapt and reproduce." Seryoso ang maamo nitong mukha at masasabi kong ginusto niya ang kursong ito, I can see the passion in his eyes. Lihim akong napangiti sa di partikular na dahilan.

"How about you, hija?" nabigla, napatingin ako sa matandang prof at nakita ko na nakatingin siya sa'kin, hindi kaagad ako nakabawi dahil tsaka ko lang napagtanto na halos lahat ng mga mata ng nasa klase ay nakatutok sa akin. "Ikaw, na katabi ni Mr.Morie." Itinuro pa niya ako nang mapansing nag-aalangan akong sumagot.

"Ah―yes sir." Napatayo ako bigla dahil muntik ko nang makalimutan na istrikto si Professor Paciano.

"Anong pangalan mo?"

"Maria Sigrid Ibarra."

"Well, Miss Ibarra, it seems like na nahumaling ka sa katabi mo that's why you're spacing out." I'm not spacing out, gusto kong sabihin, nagkataon lang na nakita niya ko na nakatitig kay Richard. "Will you give me an explanation, what is life? Aside sa sinagot ni Morie, will you elaborate more details." seryoso nitong tanong. Richard already gave a precise answer, siguro mas malalim pa na depinisyon ang hinihingi niya.

Tumikhim muna ako atsaka tumindig ng maayos bago sumagot.

"'What is life' is actually a complicated question because there are different perspectives," dahil nakatingin din halos lahat sa'kin ay tiningnan ko rin silang lahat. "But since we're in Biology class, just like what Richard answered, life is a living matter that shows attributes such as responsiveness, growth, metabolism, energy transformation and reproduction. The basic unit of life begin on the small level with cells, contained bags of many floating chemicals sealed inside an oily membrane that allows a large degree of control over what enters and leaves. Organisms can be just one single cell. Living things, are also stated before, are dynamics as their internal chemistries use resources, convert energies and produces wastes―"

"Very good, Miss Ibarra. Please sit down," pinutol na ni Professor Paciano ang aking pagsagot pero halatang na-impress siya sa mga sinabi ko. "Both of their answers are correct."

Ipinagpatuloy lang ng professor ang lecture, nagtatawag pa siya ng ibang estudyante para hingin ang sagot tungkol sa tanong nito. Habang may ibang sumasagot ng sarili nilang perspektibo kung ano nga ba ang buhay ay hindi ko maiwasang isipin ang kasagutan sa tanong na nakasulat sa pisara

Hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ng mga dalub-agham kung ano ang eksaktong depinisyon ng 'buhay'. Meanwhile, Erwin Schrodinger defined living matter as that which 'avoids the decay into equilibrium', tinutukoy ng depinisyon na 'yan ang Second Law of Thermodynamics kung saan ang entropy ay lumalaki o tumataas. Tinutukoy ng entropy ang chaos o kaguluhan. But living things, according to Schrodinger, are able to postpone this trend. Halimbawa na nga lang ay ang structure ng mga katawan natin, habang lumalaki ang isang tao ay mas nadedevelop ito ngunit pag namatay na ito ay doon pa lang magbebreak down ang atoms sa mga katawan nito tsaka makakalat sa buong sanlibutan.

Ngunit hindi pa rin sapat ang siyensiya para bigyan ng kahulugan kung ano ang buhay. There are thousands of philosophies to define the meaning of life, one of those is Cyrenaics, wherein the real goal in life should be pleasure in the present, ibig sabihin dapat daw gawin ng isang tao kung anong makapagpapasaya sa kanya, pero kinokontradikta ito ng Mohism kung saan ang bawat indibidwal ay nararapat na tumulong sa kapwa upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay na kaligayahan.

At dahil nagmula ako sa isang relihiyosong pamilya, ang paniniwala na kinalakihan ko ay ang pagsilbihan ang panginoon, maging isang mabuting anak sa lahat ng pagkakataon upang makarating sa buhay na walang hanggan matapos ang kamatayan.

Well, this is a never-ending discussion, itinuon ko ulit ang atensyon ko sa klase at nakita ko na nagdedebate na ang dalawa kong kaklase. Napangalumbaba ako dahil hindi naman ito philosophy class o debate class at mukhang natutuwa pa si Professor Paciano habang tahimik na nakikinig. Aaminin kong hindi ko rin maiwasang isipin ang tanong niya o di kaya'y sinadya niya 'yon para mapag-isip kaming lahat ng labas sa kahon at tiyak na buong araw itong tatakbo sa aking isipan.

Maya-maya'y natapos din ang klase, maagang nagpalabas si Professor Paciano kaya medyo mahaba pa ang oras para sa susunod na klase, may iniwan nga lang na research assignment kaya naman sa library ko na lang uubusin ang oras para gawin 'yon.

"Sa library din ba ang punta mo?" napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko yung boses niya. "Okay lang ba sa'yo kung sumama ako?" ngumiti siya sa'kin at bahagyang napayuko, nahiya bigla. "Ah, kung hindi, mauna na 'ko."

"Richard," akma siyang aalis nang tawagin ko siya. "Wala naman akong sinabing hindi pwede." Mas lumapad ang kanyang ngiti at sabay kaming naglakad papuntang University Library. Nasa kalagitnaan kami ng paghahanap ng mga reference books nang magsalita siya.

"Sa totoo lang... hindi ko alam ang sagot sa tanong kanina." Napatigil ako sa pagtingin ng mga libro sa malaking shelf, magkatapat kami ni Richard kaso nasa kabila siya kaya mata lang ng isa't isa ang nakikita namin dalawa.

"Anong ibig mong sabihin?" nakatingin ako sa kanya nang tumingin siya sa'kin.

"Sa sagot kung ano ba talaga ang kahulugan ng buhay,'" narinig kong napabuntong hininga si Richard at tumingin muli sa mga libro. "Sa tingin ko hindi lang sapat ang mga kahulugan na makukuha sa mga libro para tiyakin ang kahulugan nito." Akala ko ako lang ang napa-isip ng malalim kanina dahil sa tanong na 'yon.

"Mukhang na-bothered ka sa tanong ni Professor Paciano, ah," tukso ko sa kanya dahil napakaseryoso niya.

"Ikaw Sigrid," tumingin ulit siya sa'kin. "Not in scientifically speaking, ano ba ang kahulugan ng buhay para sa'yo?"

"Bakit mo naman gustong malaman?"

"Ah...Kasi..." bigla na naman siyang nahiya at lihim akong napangiti dahil ang dali niya lang tuksuhin. "G-gusto ko lang malaman." Napatango lang ako atsaka muling binaling ang atensyon sa mga libro.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam."

"Talaga?" halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Uhm." Napatango ako at dahan-dahang naglakad habang iniisa-isa kong tingnan ang mga libro, narinig ko rin ang hakbang ni Richard sa kabila, sinusundan ako. "Sa ngayon, hinahanap ko pa kung ano ang dahilan kung bakit ako nandito."

"Dahilan?"

"May dahilan ang bawat isa kung bakit sila nabubuhay sa mundo, Richard." Tumigil ako sa paglalakad at muli siyang tinanaw, nakatingin din siya sa'kin, interesadong malaman kung ano ang susunod kong sasabihin. "At nabubuhay ang bawat isa para hanapin ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon."

Namayani ang katahimikan sa'ming dalawa, nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa, wari'y iniisip ang susunod na mga sasabihin.

"Ang ganda..."

"Ha?"

"A-ang ganda ng sinabi mo."

"Ah, ganon ba," napangiti ako. "Salamat." Kahit alam ko kung ano ang gusto niyang sabihin, hindi ko maiwasang matuwa dahil may taong katulad ni Richard na nakakaintindi sa mga ideya na sinasabi ko.Nagpatuloy kami sa research hanggang sa sumapit ang ikalawang klase, kinailangan na naming maghiwalay ni Richard dahil hindi naman kami magkaklase sa asignatura na 'yon.

*****

"SIG, dumating na 'yung mga sulat para sa'yo, sinabay ko ng kuhanin sa college post." Bungad sa'kin ni Talia pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kwarto namin. Napansin ko na bihis na bihis siya, naka kulay violet na palda, kulay green na leggings at pink na blouse, naka-head band pa siya at may malaking bilog na hikaw. Nag-lalagay siya ng lipstick habang may hawak na salamin.

"Salamat, Talia," sabi ko at hindi maiwasang tingnan siya mula ulo hanggang paa. "May lakad ka?"

"Oo, sis, may pa-party kasi don sa sorority na balak kong salihan." Naglakad ako papunta sa kama ko na nakapwesto sa gitna. Tsaka ko lang din napansin na wala 'yung isa naming ka-roommate na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan, masyado kasing mailap sa amin at hindi nagsasalita.

"Sorority?" pero mas nakuha ng atensyon ko yung sorority na binanggit ni Talia. "Bakit ka naman sasali sa sorority?"

Huminto si Talia sa ginagawa niya at tumingin sa'kin, "Sis, ano ka ba, first week of classes sa university ngayon, hindi mo ba alam na ito rin yung recruitment week ng mga org?" Umiling ako bilang sagot. "Ayun nga, nakalimutan kong sabihin sa'yo na required tayong mga freshmen na may salihang org kahit isa."

"Kung ganon ba dapat maghanap na rin ako ng sasalihan?"

"Yah! Sis! Ano ka ba," bigla siyang umakbay sa'kin. "Sa mala-dyosa mong kagandahan siguradong sigurado ako na pag-aagawan ka ng mga orgs! Gusto mo bang sumama sa'kin sa party para maipakilala kita sa mga sisters?"

"Hindi ako pwede ngayon, sorry, may assignment kasi ako." Bumitaw siya sa'kin at kinuha ang Walkman sa table niya at sinalpak sa tenga ang headphones.

"Okay, sige mauna na 'ko," bumeso-beso siya sa'kin, talagang komportableng komportable siya sa'kin maliban sa isa naming kasama na kinaiinisan niya ng walang dahilan. "Bye!" tuluyang umalis si Talia at naiwan akong mag-isa.

Pumunta ko sa desk ko at nakita ang mga liham mula kila mama at sa mga kapatid ko. Bukod pa rito ay may ipinadala rin silang maliit na kahon, kaagad ko 'yong binuksan at nakita ko 'yung music box ko, may maliit na note na nagsasabing ipinadala raw nila dahil nakalimutan kong dalhin dito. Napangiti ako habang pinatugtog iyon.

Tinanggal ko yung tali sa mga sulat at ikinalat iyon sa mesa, bubuksan ko na sana yung unang liham na galing kay Kuya Samuel nang mapansin ko na may naiibang liham, isang puting envelope na may pangalan ko sa harapan, katulad na katulad na ibinigay sa'kin ni Talia nung isang araw.

Huminto na 'yung tugtog ng music box, kinuha ko yung paper knife at agad na binuksan ang envelope, dahan-daan kong inilabas mula rito ang isang liham, katulad na katulad ng pagkakasulat mula sa una.

BINABATI KITA SIGRID IBARRA. INIIMBITAHAN KITANG PUMUNTA SA ROOM 634 SA COLLEGE OF CHEMISTRY. 
PAGSAPIT NG DILIM, MAGLILIWANAG ANG PANINGIN.

Napakunot lang ako nang matapos kong basahin ang liham. Hindi ko alam kung ano ang gustong iparating sa'kin nito dahil una sa lahat sino ang tao sa likod nito? Parehas lang ba sila ng naunang misteryosong liham na nagpapaalis sa'kin sa lugar na 'to? Imposible dahil magkaiba ang pagkakasulat ng dalawang liham, subalit may nararamdaman akong kutob na magkakonekta ang dalawang 'yon.

Pagsapit ng dilim, magliliwananag ang paningin? Wala akong ideya.

Kinuha ko 'yung coat ko at inilagay ko sa bulsa ang liham, dali-dali akong lumabas ng silid, at nagmamadali kong tinahak ang building ng College of Chemistry na ilang metro din ang layo mula sa girl's dormitory, nasa bandang silangan ang nasabing kolehiyo mula sa main building.

Malapit nang lumubog ang araw, wala ng halos estudyante sa gusali ng datnan ko roon. Tiningnan ko muna sa directory kung saan matatagpuan yung room 634 subalit wala akong nakita. Pinaglalaruan lang ba ako ng kung sino man?

"Ravi."

Nakarinig ako ng mga yabag at pag-angat ko ng tingin ay nakakita ako ng batang tumatakbo paakyat sa hagdanan. Iyon 'yung batang nakita ko noong isang araw sa may puno!

"Sandali!" sigaw ko at sinundan ang bata. Hindi tumigil ang bata at narinig ko pa ang kanyang paghigikgik habang tumatakbo. Nakasuot siya ng puting bestida at hanggang baywang ang kanyang buhok.

"Ravi."

Kahit na hingal na hingal ay hindi ko tinigilang habulin ang bata hanggang sa ikatlong palapag. Lumiko ito sa kanan at nang lumiko ako roon ay wala akong ibang nakita kundi bakanteng corridor.

Nasaan na 'yung bata? Pinaglalaruan lang ba 'ko ng paningin ko? Hindi kaya'y isa siyang... multo?

"Sigrid, malaki ka na para matakot sa mga multo," bulong ko sa sarili at aalis na sana ako kung hindi natawag ang aking pansin ng isang karatula sa dulo ng hallway.

'NON-NIGHT CLASS STUDENTS ARE NOT ALLOWED BEYOND THIS AREA'

Night Class? Ngayon ko lang nalaman na mayroong panggabing klase sa university na 'to. Bigla akong nadala ng kuryosidad dahil sa dulo kung saan nakalagay ang karatula ay may kadenang nakaharang sa hagdanan papuntang itaas.

Namalayan ko na lang na sumuot ako sa ilalim ng kadena at nakapasok sa kabila. Umakyat ako at narating ang isang palapag, mukhang hindi ito basta-basta dahil iba ang disensyo mula sa pangkaraniwang hallway sa ibaba, gothic ang tema at kala mo'y nasa Inglatera ka.

May mga silid din na nakahilera at kaagad kong nakita ang hinahanap ko kanina.

Room 634

Nasa tapat na 'ko ng nasabing silid at hindi na ko nag-atubili na pumasok sa loob nito dahil hindi naman naka-lock ang pinto na mukhang sinadya dahil alam na pupunta ako rito. Wala akong nadatnan kahit na isang tao sa loob. Kitang-kita ko sa malalaking bintana ang paglubog ng araw at unti-unting pagsibol ng kadiliman. Mas lalo akong naguluhan.

Maya-maya'y nakarinig ako ng mga yabag na paparating, nang bubukas na ang pinto ay kaagad akong nagtago sa likuran ng isang malaking cabinet na naglalaman ng iba't ibang kemikal at aparato.

Bakit ka nagtago,Sigrid? Saisip isip ko. Gusto kong makasigurado na mapagkakatiwalaan ang mga estranghero na 'to.Sumunod kong narinig ay mga boses, dalawang lalaki at isang babae. Hindi sila nagbukas ng ilaw at masigla silang nag-uusap-usap.

Sinubukan kong sumilip pero hindi ko makita ang mga mukha nila dahil sa dilim, niladlad nila ang mga kurtina kaya dumilim sa loob ng silid. Sinubukan kong pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Assembly natin ngayon 'diba? Marami kayang marecruit si Memo?"

"Hindi ko lang alam, senior year na natin pero hanggang ngayon hindi pa rin lumalagpas sa bilang ng mga daliri ko ang miyembro natin." Nagtawanan silang tatlo.

"Masisisi ba natin kung sadyang tayu-tayo lang ang ganito?"

"Nasaan na ba si Isagani?" tanong ng babae.

"Aba, malay ko dun. Baka papunta na, o baka nambababae pa." nagpatuloy lang sila sa pag-uusap-usap. Mukhang may nanloloko lang sa'kin kung bakit ako pinapunta dito dahil base sa pag-uusap nila ay parang hindi naman ako kabilang dito. Napahinga ko ng malalim, hindi ko sukat akalaing mabibiktima ko ng isang prank at inaksaya ko ang oras ko sa ganito.

Hihintayin ko na lang silang umalis bago ako tumakas, dahil mabuti na lang at malapit lang ako sa exit door. Tumagal ng ilang minuto ang pag-uusap nila.

"Ang dilim,Rare, wala ba kayong balak buksan yung ilaw?" sabi ng babae.

"Gusto mo bang lumiwanag?"

"Ayan ka na naman." Maya-maya'y biglang may sumiklab na apoy na labis kong ikinagulat, may balak ba silang sunugin 'tong eskwelahan?

"Rare! Ibaba mo nga yang kamay mo." Pero mas nagulat ako nang makita ko na nagmumula sa kamay ng isang lalaki ang apoy, hindi siya nasasaktan o nasusunog, bigla iyong nawala mula sa mga kamay niya.

Sa gulat ko ay bigla akong napaatras kaya nabunggo ko bigla yung kabilang cabinet.

"Sshh!" natahimik silang tatlo at ako naman ay napakagat labi. "Buksan niyo na yung ilaw, may ibang tao rito."

Diyos ko, hindi ko maiwasang mapausal ng biglang dasal dahil kinakabahan na 'ko. Pero bago pa nila mabuksan ang ilaw kaagad akong tumakbo sa exit door at lumabas doon. Narinig ko ang sigawan nilang tatlo at tiyak kong hinahabol nila 'ko.

Binilisan ko ang takbo pabalik sa pinanggalingan kong hagdan kaso biglang may humila sa akin papasok sa loob ng isang silid.

"Anong ginagawa mo rito?" napapitlag ako sa boses na narinig ko at nakita ko ang isang lalaki, nakatingin siya sa'kin at nakakunot. Hindi ako makapagsalita. Narinig ko 'yung boses ng mga humahabol sa'kin sa labas.

"Dito siya pumasok sa loob!"

"T-tulungan mo 'ko." bigla kong nasabi. Napatingin ako sa pintuan dahil papasok na sila. Bigla siyang lumapit sa'kin hinila ako bigla at hinalikan ako sa labi.

Saktong bumukas ang pinto. "Isagani?" Sinubukan kong kumawala pero hinigpitan niya yung hawak sa'kin. "Sorry, hindi ko sinasadyang abalahin kayo." Pagkaalis nila'y doon lang niya 'ko binitawan. Hindi ko napigilan 'yung sarili ko at sinampal ko siya sa pisngi.

Ngunit ngumiti lang siya sa'kin, at hindi ko napaghandaan ang sumunod na pangyayari biglang nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata.




Continue Reading

You'll Also Like

58.3K 3.8K 90
[unexpexted • bestfriend's sequel] • In which their almost perfect relationship takes into an unexpected turns. Changes is bound to happen. Will they...
34.5K 746 26
A group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? ...
1.5M 155K 107
"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata. This is the story of an innocent girl growing up, a simple...
1M 30.6K 50
You can understand the story without reading the whole Death Game series.